Share

CHAPTER 122: Leading to More Questions

ILANG ARAW NA naging tahimik at payapa si Liberty sa loob ng hospital nang walang kahit na sino ang dumadalaw sa kanya sa mga Salvantez. Kaysa sayangin din ang oras niya ay doon niya ginagawa ang ibang trabaho na hindi naman kailangan ng matinding lakas upang hindi siya matambakan ng gagawin kapag nakabalik sa kompanya. Si Jenna na rin ang pumupunta sa kanya kapag may mga kailangan itong papeles at coding na dapat niyang tingnan.

Habang naroon din ay mas naging tutok sila ni Detective Martin sa mga dapat nilang malaman sa kaso ng kapatid. Habang tumatagal ang kanilang pag-iimbestiga, mas dumarami ang mga ebidensyang kanilang nakikita. Ang mga iyon ay nagpapatunay na hindi nga talaga aksidente ang nangyari sa kapatid niyang si Lenard sa loob ng kompanya ng mga Salvantez.

Ganoon nang ganoon ang ginagawa niya sa loob ng hospital hanggang sa makalipas ng isang araw bago ang discharge niya. Nilagyan lamang ng benda ang tagiliran niya saka naaprubahan ang discharge slip niya. Nang makalabas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status