Share

CHAPTER 123: At Desperation Times

HINDI NA NAG-AKSAYA pa ng panahon si Liberty. Pagkatapos ng pagpunta nila sa sikretong lugar ng kapatid kasama ang detective ay dumiretso naman siya sa presinto. Habang tumatagal ang pag-iimbestiga nila at marami siyang nalalaman ay mas tumitindi rin ang desperasyon niya na malaman ang totoo sa nangyari kay Lenard.

Ipinapangako niya na hindi siya titigil hangga’t hindi niya napagbabayad ang mga dapat magbayad sa oras na malaman ang totoo. Naging mahina man siya sa sarili, iyon ang hindi niya gagawin para sa kapatid. Igugugol niya ang oras sa paghahanap ng mga dapat magbayad sa nangyari dito.

Dahil sa desperasyon na nararamdaman niya, hindi siya nagdalawang-isip na balikan si Miss Rodriguez. Wala pa rin siyang kasiguraduhan na ang mga sinasabi nito ay totoo ngunit makikinig pa rin siya. Malaking parte sa impormasyon na mga nalaman niya ang pagsasabi sa kanya ng bakas mula sa trahedya upang mabuksan ang nangyari sa kapatid.

Ngayong kaharap na niya na ito, wala pa rin pinagbago sa tingin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status