“KING, HINDI MO naman ako kailangang dalhan parati ng pagkain,” nahihiya niyang sambit sa binata. “Lagi na lang kitang naabala.”Iyon ang unang lumabas sa bibig niya upang itago ang pagkapahiya rito nang mahuli siyang tinititigan ang binata kanina.“I have a lot of time to burn just only for you,” sambit nito habang ang tingin ay nasa dokumentong binabasa.Iyon ang labis niyang ipinagpapasalamat dahil kung hindi ay baka mahuli naman siya nito na titig na titig dito. At sa pagkakataong iyon ay maaaring makita nito na namumula na ang pisngi dahil sa mga binitawang salita ng binata na naging dahilan din ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Kaysa ang mga mata niya ang mabusog sa matagal na pagtitig dito, pinili niyang ituon ang atensyon sa kanyang pagkain. Alam niyang masarap magluto ang binata ngunit may pagkakataon na humahanga siya sa mga ginagawa nitong luto na kahit wala siyang gana ay napapakain siya nang marami.“Saan ka natutong magluto, King?” “Sa ibang bansa. I need to be in
NANLALAKI ANG MGA mga mata ni Victoria dahil sa kanyang nalaman. Natutop niya ang bibig upang hindi makagawa ng ingay makatakas lang kaagad sa mga ito. Ang magaling niyang manugang, nakuha pang lumandi! Sa dinami-rami ng gusto nitong patulan, napili pa ang isa ring Salvantez na siguradong makakatulong sa pag-angat nito sa buhay.Dahil sa matinding pagkagulat niya kanina sa mga nalaman, nasagi pa ni Victoria ang mini table na makikita sa pagpasok ng kwarto ni Liberty sa hospital. Mabuti na lamang, nagbago rin ang isip niya na huwag ng komprontahin ang mga ito. Ayaw niyang makaharap doon ang bunsong Salvantez. Hindi si King ang uri ng kalaban na madaling magpatalo sa oras na makanti ito. Sa galing nitong maglaro ng mga alas na nakalatag sa lamesa, hindi siya maaaring sugod lang nang sugod. Kailangan niya munang makausap ang anak niya!“Who is it?” tanong ni King na papatungo sa kanyang direksyon.Iyon na yata ang pinakamamabilis na kilos na nagawa niya sa buong buhay matapos na tumakbo
ILANG ARAW NA naging tahimik at payapa si Liberty sa loob ng hospital nang walang kahit na sino ang dumadalaw sa kanya sa mga Salvantez. Kaysa sayangin din ang oras niya ay doon niya ginagawa ang ibang trabaho na hindi naman kailangan ng matinding lakas upang hindi siya matambakan ng gagawin kapag nakabalik sa kompanya. Si Jenna na rin ang pumupunta sa kanya kapag may mga kailangan itong papeles at coding na dapat niyang tingnan.Habang naroon din ay mas naging tutok sila ni Detective Martin sa mga dapat nilang malaman sa kaso ng kapatid. Habang tumatagal ang kanilang pag-iimbestiga, mas dumarami ang mga ebidensyang kanilang nakikita. Ang mga iyon ay nagpapatunay na hindi nga talaga aksidente ang nangyari sa kapatid niyang si Lenard sa loob ng kompanya ng mga Salvantez.Ganoon nang ganoon ang ginagawa niya sa loob ng hospital hanggang sa makalipas ng isang araw bago ang discharge niya. Nilagyan lamang ng benda ang tagiliran niya saka naaprubahan ang discharge slip niya. Nang makalabas
HINDI NA NAG-AKSAYA pa ng panahon si Liberty. Pagkatapos ng pagpunta nila sa sikretong lugar ng kapatid kasama ang detective ay dumiretso naman siya sa presinto. Habang tumatagal ang pag-iimbestiga nila at marami siyang nalalaman ay mas tumitindi rin ang desperasyon niya na malaman ang totoo sa nangyari kay Lenard.Ipinapangako niya na hindi siya titigil hangga’t hindi niya napagbabayad ang mga dapat magbayad sa oras na malaman ang totoo. Naging mahina man siya sa sarili, iyon ang hindi niya gagawin para sa kapatid. Igugugol niya ang oras sa paghahanap ng mga dapat magbayad sa nangyari dito.Dahil sa desperasyon na nararamdaman niya, hindi siya nagdalawang-isip na balikan si Miss Rodriguez. Wala pa rin siyang kasiguraduhan na ang mga sinasabi nito ay totoo ngunit makikinig pa rin siya. Malaking parte sa impormasyon na mga nalaman niya ang pagsasabi sa kanya ng bakas mula sa trahedya upang mabuksan ang nangyari sa kapatid.Ngayong kaharap na niya na ito, wala pa rin pinagbago sa tingin
BUO NA ANG DESISYON ni Duncan. Kahit ayaw ng asawa niya, plano niyang ayusin na ang relasyon nila ni Liberty. Hindi na siya magdadalawang-isip na bitawan si Merideth para sa kanyang mga plano. Sa ganoong paraan niya lamang matutupad ang mga pangarap niya. Si Liberty lamang ang makatutulong sa kanya na manatili sa itaas, hindi ang kahit na sinong babae. Kahit pa ang ina ng magiging anak niya.Kapag naayos niya na ang problemang iyon, at nakapanganak ang babae, puputulin niya na ang lahat ng komunikasyon dito. Bago ang lahat, sisiguraduhin niya munang sa kanila mapupunta ang anak niya kahit na ayaw ni Liberty na mag-alaga ng bata mula sa kanyang pagkakasala. Alam niya naman na anu’t anuman ang mangyari ay hindi siya nito matitiis. Sa kabila ng mga pagsusungit ng asawa, sigurado siya na mahal na mahal pa rin siya nito at hindi iyon magbabago kahit ilang pagkakasala pa ang gawin niya. Ang kailangan niya lamang gawin ay humingi rito ng tawad. Sa huli, magiging isang masayang pamilya pa ri
KAILANGANG MATUTUNAN NI Liberty na mawalan ng pakialam. Kase kung lahat ng bagay na magbibigay sa kanya ng problema at pasakit ay iindahin niya, maaaring ngayon ay mawalan na siya ng pakialam sa buhay niya at tuluyan ng sumuko. Iyon ang nasa isipan niya habang may kausap sa cellphone.Ganoon na lamang ang pag-iling niya nang sermonan siya ng Ate Leslie niya sa cellphone. Pinagalitan siya nito at sinisi sa pambabae ng asawa niya. Kung may ginawa raw siya ay maaaring hindi ito naghanap ng iba at nanatili sa kanyang tabi.Nang mga sandaling iyon ay nangangati na ang dila niya na sagutin ito ngunit pinipigilan niya pa rin ang sarili dahil masisira na naman ang araw niya. Isa pa napakaespesal niyon para lamang ilaan ang atensyon sa kanyang kapatid.Nabaling naman ang tingin ni Liberty sa kanyang asawa.“Nahuli raw kayo ni ate, magkasama ni Merideth.” Umiling siya. “Sa susunod, kung gusto mong magmukhang mabait sa harap ng iba, galingan mong magtago. Bakit naman kase pati pakikipaglingkisan
“HOY!” MALAKAS NA nahampas ni Charles ang balikat niya.Ganoon na lamang tuloy ang masamang tingin ni King dito dahil nahinto siya sa malalim na pag-iisip.“Chill lang! Lalim ng iniisip niyan ah! Hulaan ko, si Liberty ulit?”Heto na naman ang masamang titig na ipinukol niya sa kaibigan.“Sabi ko na nga ba! Sa sama pa lang ng pagtingin mo sa akin, alam ko nang tama ako.” Umiling-iling ito. “Ewan ko ba sa ‘yo, King. Ang tapang-tapang mo at matalino rin pero sa babae tiklop naman. Hindi mo ako gayahin—”“Can I tell that to Ruffa?” tanong niya rito na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ni Charles.“Hindi naman ito mabiro!”Ganoon na lamang ang pag-iling niya. Problemado na nga siya ngunit heto pa ang inaabot niya rito.“Alam mo, madali lang naman kase ang solusyon sa problema niyo, hindi ko lang alam kung ano pa ang kinatatakot niyo,” sabi nito at umupo sa kanyang tabi. “Hindi mo kailangang intindihin ang bawat kataga na lumalabas sa kanya, ang kilos niya ang pakatingnan mo.”Lalo siya
NAPAKASAYA NG PUSO ni Liberty. Kahit tapos na ang kaarawan niya’y hindi niya akalain na may surpresa pang nakahanda sa kanya pagkatapos ng mga hindi magandang nangyari sa kanya. Tanggap niya na kanina na ganoon kasimple na lamang lilipas ang araw niya ngunit iba pa rin pala sa pakiramdam kapag may taong nakakaalala sa mahalagang araw ng kanyang buhay.Nang surpresahin siya ng mommy ni King at ng binata, hindi niya maiwasang huwag isipin na espesyal din pala siya. Na may tao pang magbibigay sa kanya ng importanteng oras ng mga ito sa kabila ng pagiging abala ng mga ito sa buhay.“L-lahat po ng ito ay kayo ang nagluto, Tita?” gulat niyang tanong sa mama ni King.Natawa naman ito matapos siyang yakapin upang batiin.“Hindi. Syempre iyang iba riyan ay ipina-deliver ko lang. Pero kung maaga ko sanang nalaman na kaarawan mo pala ay baka hindi lang iyan ang naihanda ko. Pasensya ka na, Hija—”“Maraming salamat po, Tita!” mahigpit niyang nayakap ang ginang habang hindi maitago ang ngiti niya r
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa