Share

CHAPTER 116: Not on my Watch

GANOON NA LAMANG ang sunod-sunod na pagmumura ni King habang naghihintay sa labas ng ICU. Hindi siya ang uri ng tao na madaling kabahan at ipakita ang totoo niyang nararamdaman, ngunit nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y sasabog siya sa galit.

Wala pa mang imbestigasyon na nangyayari, alam niya na sa sarili na siya ang dahilan kung bakit nangyari ito sa babaeng nagugustuhan. Bakit ba kahit anong gawin niya’y napakahirap maging masaya? Pakiramdam niya’y kahit anong gawin ay magiging kulang pa rin ang pagsusumikap niya na makuha ang loob ng babaeng natitipuhan.

Alam niya kung gaano kadelikado ang pagdikit sa kanya ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Gusto niyang sa pagkakataon ngayon ang puso naman ang pagbigyan. Ngunit mukhang kailangan niyang tanggapin na hindi iyon magiging madali. Ilang balakid muna sa daraanan niya ang kailangan niyang sagupain bago makuha ang inaasam-asam.

Nang makalabas ang doktor at sabihin nito na ligtas na si Liberty at walang dapat alalahani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Rigel Star
Maraming thank you po ^^
goodnovel comment avatar
Rigel Star
Salamat po ^^
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thankyou so much otor.more power
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status