Share

CHAPTER TWO: KARINE RUIZ

CHAPTER TWO: KARINE RUIZ

Karine’s Point of View

Bata pa lang ako ay pinoprotektahan na ako ng Ate ko sa kahit na ano at kahit na sino’ng makakapanakit sa akin. Kaunting galos lang ay halos magwala na siya sa galit. Palagi niya ring ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya, kung gaano niya ako kamahal. Sobrang suwerte ko nga sa kaniya kasi siya ang naging kapatid ko. Lahat ng pag-aalaga, atensiyon, oras at pagmamahal ni Ate ko ay nakalaan palagi sa akin hanggang sa nakasanayan ko na lang na halos lahat ng mga ginagawa niya ay para sa akin at sa kung ano’ng ikabubuti ko. Masayang magkaroon ng kapatid na kagaya niya kasi alam kong kapag nadapa ako ay nandiyan lang siya para tulungan akong bumangon. Na kahit na ano’ng mangyari ay hinding-hindi niya ako pababayaan.

Noong bata pa ako palagi ako’ng pinapagalitan at inuutusan ni Mama kapag wala si Ate pero kapag nandiyan naman si Ate ay ang bait-bait niya sa akin. Noong una ay iniisip kong wala lang talaga sa mood si Mama kapag nakikita niya ako o kaya ay mas mahal niya lang si Ate kaysa sa akin. Bata pa ako noon kaya iyon ang naiisip ko kapag pinapaboran ni Mama si Ate at sa tuwing naiisip ko iyon ay inggit na inggit ako sa kapatid ko at naiinis ako sa kaniya. Palagi ko nga siyang inaaway, e. Pero ngayon na malaki na ako at may sariling isip na ay sobrang nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon. Na para bang ang sama-sama kong kapatid kasi imbes na maging masaya ako sa magandang trato sa akin ng kapatid ko ay minsan sa buhay ko ay kinainggitan ko siya at lihim na kinainisan.

Pero ngayon ay naisip ko na kaya ganoon pala si Mama sa akin ay dahil alam niyang magagalit ng husto sa kaniya si Ate kapag nakita ng kapatid kong basta niya lang ako kung utos-utusan, basta niya na lang ako’ng pinapalo at pinapagalitan lalo na kapag ginagawa niya iyon sa akin ng wala namang kahit na ano’ng dahilan. At sa totoo lang ay sobrang nakakatakot ang Ate ko kung magalit. Para siyang dragon na bubuga ng apoy kapag galit.

Para siyang pandak at cute na dragon na bubuga ng apoy kapag nasasaktan ako. Lalo na kapag umuusok ang ilong at tainga niya sa galit at pagkapikon. Hehehe. Ang cute niya lang tingnan kapag ganoon.

Kinakain ako ng guilt ko kapag nakikita ko si Ate dahil alam kong para sa akin ang lahat ng mga ginagawa niya, para sa akin ang lahat ng mga sinasakripisyo niya pero minsan sa buhay ko ay napag-isipan ko pa siya ng masama. But it’s all in the past now. Ngayon ay isa lang ang alam ko at iyon ay mahal na mahal ko ang Ate ko. Mahal ko siya at tanggap ko siya kahit na anong mangyari at kahit na anong magawa niya. Hinding-hindi ko siya tatalikuran kagaya ng walang sawa niyang pagmamahal at pagsuporta sa akin at sa lahat ng mga ninanais kong gawin at maabot sa buhay.

Isang araw ay nagising na lang ako’ng wala na si Mama. Akala ko nga noon ay umalis lang siya ng maaga para sa trabaho niya. Pero inabot na nang mga araw, linggo, buwan at mga taon ay hindi pa rin bumabalik si Mama. Nasasaktan ako kasi ngayon ko lang napagtanto na tuluyan na nga kaming iniwan ni Mama. Na hindi na siya babalik pa. Hindi ko ito naisip noong nasa poder pa kami ni Tiya Delia kasi umaasa pa rin akong babalikan niya kami kasi alam niya kung nasaan kami nakatira pero hindi naman nangyari iyon,  e dahil hindi niya naman kami binalikan.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siya at hindi pa rin siya bumabalik. At hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako’ng babalik siya, na babalikan niya kami ni Ate. Babalikan niya kami dahil mahal niya kami. Babalikan niya kami dahil mga anak niya kami. Babalik siya dahil gusto niya kaming makasama ulit. Babalikan niya kami dahil babawi siya sa lahat ng mga naging pagkukulang niya bilang ina namin. Na pupunan niya ang mga taong nagdaan na hindi namin nakasama ang isa’t isa.

Gusto kong bumalik na siya kasi miss na miss ko na siya pero ayaw ko namang maging selfish. Alam kong galit si Ate sa kaniya kasi iniwan niya kami. Galit ang kapatid ko sa kaniya dahil inabandona niya kami. Kami na sariling mga anak niya ay pinabayaan niya ng walang pagdadalawang-isip.

Si Ate na walang ibang inisip kundi ako at ang kapakanan ko, ang kaligtasan ko at ang kasiyahan ko. Ganoon rin naman ang gusto kong mangyari para sa kaniya—ang tunay na mahing maligaya siya. Gusto kong makahanap si Ate ng taong magpapasaya sa kaniya, ng taong magmamahal sa kaniya higit kanino man. Gusto kong maranasan ng kapatid ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.

Gusto kong tulungan si Ate sa pagtatrabaho pero alam kong ayaw niya. Alam kong ayaw niyang nahihirapan ako.

* * *

HINAPLOS KO ang pisngi niya. Mukhang pagod na pagod talaga siya. Kawawa naman si Ate palagi na lang niyang pinapagod ang sarili niya para lang maibigay lahat ng pangangailangan ko maging ang mga kapritso ko sa buhay. Yumuko ako at hinalikan ko ang noo niya at inaayos ang kumot sa katawan niya. Dahan-dahang lumabas ako ng kwarto namin para maligo at magbihis sa banyo. Nasanay na ang katawan kong gumising ng maaga dahil ako kasi ang human alarm clock ni Ate. Hindi kasi iyon nagigising kapag simpleng alarm clock lang.

Ayaw ni Ate na lumalabas ako ng kwarto namin kapag mag-isa lang ako. Hindi ko naman alam kung bakit. Hindi ko rin siya maintindihan noong sinabi niyang pinoprotektahan niya lang ako. Pero sumunod na lang ako para walang gulo na mangyari pa. Iyon lang ang tanging magagawa ko; ang huwag pasakitin ang ulo niya. Pero ngayon ay susuwayin ko siya. Bababa ako para ipagluto siya ng masarap na agahan.

Napayuko ako ng maramdaman ko ang talim at diin ng mga tingin ng ibang boarders na nakatambay sa sala. Minsan ko lang silang makita at ganoon din naman sila sa akin. Kaya alam kong nagtataka sila kung bakit lumabas ako ng kwarto ng mag-isa. Nakikita ko lang sila tuwing agahan at hapunan kasi kasama ko si Ate. Kapag weekdays naman ay doon ako sa school kumakain. Pinapabaunan ako ni Ate ng pagkain. Kapag Sabado naman ay doon lang ako sa kwarto namin kumakain at dinadalhan lang ako ni Aling Tasing ng pagkain na madalas ay luto ni Ate. Ganoon rin ang sistema kapag nagmemeryenda ako, doon lang sa kwarto lang namin. Hindi naman ako nagrereklamo kasi nahihiya ako kapag may ibang tao ako’ng kasama lalo na kung hindi ko sila ka-close. May pagka-mahiyain kasi ako lalo na kapag palagay ko ay hindi nila ako gustong makita o makasama o makausap sa iisang lugar ay hindi ko na ipinipilit ang sarili ko. Hindi ko kasi ugali na ipilit ang sarili ko sa ibang taong hindi naman ako gusto dahil kay Ate pa lang ay sobrang busog na busog na ako sa atensiyon at pagmamahal niya. Iyong tipong wala na akong ibang hahanapin pa bukod sa Mama ko, siyempre.

Dumiretso ako sa kusina para sana ay ipagluto ko ang kapatid ko ng masarap na agahan pero dahil madadaanan ko ang hapagkainan ay hindi sinasadyang narinig ko ang pinag-uusapan ng ibang mga boarders. Kami ni Ate ang topic ng kung ano man ang pinag-uusapan nila. Ayaw ko mang makinig kasi masama ang makinig ng usapan ng may usapan pero kasi kami ni Ate ang pinag-uusapan nila, e. Nakaka-curious.

Hindi naman siguro masamang makinig sa sasabihin nila dahil kami naman ni Ate ang topic nila, hindi ba?

“Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon kay Karine para grabe siya kung protektahan ni Karmine. I mean, oo nga maganda siya pero duh lang may pagka-maarte kaya siya! Ang OA lang, ha.” Napakagat ako sa labi ko sa narinig.

Maarte ako? Parang hindi naman, a! Hindi lang nila ako kilala kaya ganoon na lang ang tingin nila sa akin.

Ba’t ganoon? Bakit nila ako agad na hinuhusgahan, e hindi pa naman nila ako kilala? Ganoon ba kasama at pangit ang tingin nila sa akin na tingin nila kaya hindi ako nakikihalobilo sa kanila ay dahil maarte ako? At saka si Ate pa talaga ang naging masama sa mga paningin nila.

“Tumigil ka nga, Mila. Wala namang ginagawa sa iyo ang bata, a. At pabayaan mo nga si Karmine kung iyon ang alam niyang paraan para protektahan ang kapatid niya. Buhay niya iyon, choice niya iyon. At saka kung iyon ang alam niyang paraan para ipakitang mahal niya ang kapatid niya, e pakialam mo ba? Buhay nila iyon kaya huwag ka ngang epal diyan,” pagkontra naman sa kaniya ni Ate Nari.

Napangiti ako dahil sa narinig ko. Unconciously kasi ay pinagtanggol ni Ate Nari si Ate ko kay Ate Mila.

Alam ko namang hindi talaga madaling makasundo si Ate dahil medyo ilag at cold siya sa mga tao. Harsh din siya kung magsalita dahil hindi niya fini-filter ang mga lumalabas sa bibig niya. Masiyado kasing prangka at honest ang Ate ko na umaabot na sa puntong medyo nakakasakit na siya ng damdamin ng iba dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

“Pero kahit na, Nari! Parang isang litrato lang, e. Ang babaw naman kasi ni Karmine. Buti sana kung n*******d iyong kapatid niya, e hindi naman! Hay naku! Ang OA niya lang talaga!” Aksidenteng napatingin sa gawi ko si Ate Nari at biglang nanlaki ang mga mata niya. Sinundan naman ni Ate Mila ang line if vision ng kaibigan at agad siyang namutla pagkakita sa akin.

“Anong ginawa ni Ate? At ano’ng litrato ang pinag-uusapan ninyong dalawa, Ate Mila, Ate Nari?” mahinahon na tanong ko sa kanilang dalawa. Wala naman akong intensiyong takutin sila kaya hindi ko maintindihan kung bakit namumutla na sila habang nakatingin sa akin.

“Ah, wala. Wala iyon! Huwag mo na lang pansinin iyon, Karine. Nasaan nga pala si Ate mo?” Palinga-linga pa si Mila sa likod ko na para bang may hinahanap siya.

“Nasa kwarto po at natutulog pa. Nasagot ko na po ang tanong mo, Ate Mila kaya baka naman ay puwedeng ang tanong ko naman po ang sagutin niyo?” Mataman ko silang tiningnan. “Ayaw ko po ng mga sinungaling kaya po, please lang sabihin niyo po sa akin ang totoo,” dagdag na pakiusap ko pa sa kanila.

“Sila Jojo kasi—” Napatigil si Mila nang makita ang grupo nila Jojo na naglalakad at kasunod nila si Ate na mukhang masama ang gising dahil sa madilim na bukas ng mukha niya.

“Ate, ang aga mo naman po yatang nagising?” salubong na tanong ko sa kaniya. Nakangiting sinalubong ko siya habang naglalakad siya palapit sa akin. Nawala ang inis na nakalatay sa mukha niya pagkakita sa akin.

“Ba’t ka lumabas ng kwarto?”

Napalabi ako sa kaniya, “Balak ko sanang ipagluto ka ng masarap na agahan kaya lang ay gising ka na, e. Edi hindi na matatawag na surpresa iyon...” nakangusong pagmamaktol ko pa sa kaniya.

Napansin niyang medyo nadismaya ako kasi nagising agad siya kaya inamo at inalo niya ako, “Hmm, how about tayong dalawa na lang ang magluto ng agahan ng lahat?” Napangiti ako sa suhestiyon niya at agad-agad na pumayag.

"Sige!"

Iyon nga at nagluto kami ng masarap na agahan para sa aming lahat na nakatira rito sa boarding house ni Aling Tasing. Matapos naming magluto para sa lahat ay excited ako’ng kumain. Linggo ngayon kaya may Sunday Bonding kami. Linggo-linggo naman namin itong ginagawa pero sa tuwina ay palagi pa rin ako’ng excited.

“Ay, Ate pumayag ka na bang may bago na tayong makakasama sa kwartong ‘to?” Nangingiting tanong ko sa kaniya habang marahang sinusuklay ko ang mahaba, maitim at tuwid na tuwid kong buhok habang nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin.

“Basta ba ay hindi ka niya ipapahamak,” sagot nito habang pumipili ng susuotin naming dalawa. “Which one do you prefer, the black or the red one?”

Masiyadong sexy at daring naman iyong mga dress na pinagpipilian niya dahilan para mapanguso ako, “The white one po, Ate iyong may violet ribbon. Ayaw ko ng mga damit na pinagpipilian mo kasi masiyado silang sexy at hindi sila bagay sa‘yo.”

Nagsinungaling ako.

Bagay naman kasi talaga sa kaniya ang kahit na ano’ng isuot niya. Ang ganda niya kaya at sexy. Kahit na hindi siya matangkad ay long-legged siya kaya nagmumukha siyang matangkad at bagay na bagay ang kahit na ano’ng damit sa kaniya—nagmumukha siyang manika na ilinaglihi sa sama ng loob.

Napahalakhak siya sa tinuran ko, “Okay, ipamimigay ko na lang ang mga ‘to. Don’t be pissed na, hmm?”

Napairap ako sa kaniya na ikinatawa niya lalo, “Who wouldn’t get pissed, Ate? Ang pangit kaya ng mga choice of dress mo. Masiyadong revealing. I don’t want to see you wearing any of those, okay?”

Naglakad siya palapit sa akin at dumukwang. Itinukod niya ang mga kamay niya sa tukador at nangingiting hinarap ako, “Okay, po. ‘Wag ka na ngang mainis at sumimangot diyan. And besides, those dresses were just a gift. Kung ayaw mong suotin ko iyon ay fine with me. Stop frowning at tatanda ka agad niyan, Mahal Ko. Smile...”

Napangiti ako sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi mapapangiti? She’s making funny faces. Ang cute lang talaga ng kapatid ko. Hihi. Akala mo kung sino’ng komedyante kapag ako ang kasama pero palagi naman iyang seryoso kapag ibang tao ang kaharap niya. Kapag kasi ibang tao ang kaharap niya ay para siya’ng ipinaglihi sa sama ng loob.

“Here, wear this.” She handed me a violet tank top, white denim shorts and a pair of white flat gladiator sandals.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya as I wore the clothes she chose for me. Sinuklay ko ulit ng sampung beses ang buhok ko bago namin napagpasiyahang lumabas na ng kwarto at umalis.

Ang ganda talaga ng Ate ko. No wonder kung bakit maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya. Nakasuot lang siya ng puting dress na may violet ribbon na pinaresan niya ng puting sandals pero takaw pansin pa rin talaga siya. Mas gusto ko ang suot niya ngayon kaysa sa mga damit na pinagpipilian niya kanina but then sigurado naman akong inaasar niya lang ako. She don’t like those kind of dresses. She prefer wearing t-shirts, blouses, and jeans than those kind of revealing clothes. Maliban na lang kung kailangan niya talagang magsuot ng mga ganoong klaseng damit ay nagsusuot siya. Pero ngayon nagsuot siya ng dress na okay sa panlasa ko kaya naman ay mas lalo akong nae-excite sa pupuntahan namin—kung saan man iyon.

Saan naman kaya kami pupunta? Gosh, nae-excite talaga ako. Pasimpleng napahagikgik ako sa sobrang excitement.

“Secret. Basta, you will like it.”

Sigurado ako’ng magugutuhan ko talaga kung saan niya man ako dalhin. With her, I am always happy and secured. Para bang walang bad days kapag ang Ate ko ang kasama ko. Iyong tipong kahit bagyo iiwas kapag nasa paligid siya.

Oops! Nababaliw na naman ako kapag ganitong nae-excite ako.

Haaay, Ate ko. Mahal na mahal talaga kita. Sobra.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status