CHAPTER SEVENTY: A WONDERFUL DREAM Robert Ezekiel Point of View“Hooo.”Kanina pa ako palakad-lakad at paroon at parito dito sa labas ng Delivery Room ng ospital na parang sirang plaka.Hindi ko namalayang nangingiti na pala ako na parang baliw dito. Kinakabahan ako na natatakot na na-e-excite at natutuwa all at the same time!Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng mixed emotions kung ang pinakamamahal mong asawa ay nasa loob ng Delivery Room at kasalukuyang nanganganak sa panganay mo na bunga ng pagmamahalan niyo?Hindi niya ako pinayagang samahan siya sa loob ng DR habang nanganganak siya sa panganay namin dahil baka raw ay mahimatay ako sa takot at baka raw ay bangungotin ako ng ilang gabi.Bahagya ako'ng napatawa sa kilig sa naisip. My wife is so sweet, isn’t she?Now, now, I really can’t blame my wife for thinking that way. Minsan ko na kasing naisip na manuod ng videos online about sa mga babaeng nanganganak and the third video I happened to click was the mother delivering birt
EPILOGUERobert Ezekiel Mondragon's Point of ViewA thought suddenly crossed my mind and I shuddered with that terrifying thought. "No, please, no!" I muttered, unconsciously, scared for the unknown.Samu’t saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Naroon ang pagkagulat, pagkalito, pagtataka at ang pinakapinagtatakhan ko sa lahat ay ang awa at lungkot na bumalatay sa mga mata niya.“Manang, hey!” I snapped my fingers in front of her.“U-Uh, hijo. A-Ano nga ulit iyong tanong mo?”Hindi ko alam kung bakit pero naginangatngat na ng kaba at takot ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay may mali...May mali talaga pero hindi ko mawari kung ano iyon at kung bakit ganito na lang ako makaramdam ng takot.“Manang, naman!” naibulalas ko. Unti-unti na ako'ng nakakaramdam ng pagkainis. “Tinatakot mo ako, Manang! Ano na nga? Nasaan na ang mag-ina ko?” naiirita kong tanong sa hanggang ngayon ay clueless pa rin niyang mukha.“Hijo, Kiel, Diyos ko! M-Mag-ina?”“Yes, Manang Edna! Mag-ina! Ang ma
“Mama, please huwag mo po kaming iwan ng kapatid ko. Hindi po namin kayang mawala ka. Please po dito ka na lang. Huwag mo na lang po kaming iwan. Maawa ka po sa amin. Sige na po. Pangako ko po magpapakabait ako ng sobra at hinding-hindi mo pagsisisihan na kami ang pinili mo. Hindi ko pasasakitin ang ulo mo. Hindi kita bibigyan ng problema. Gagawin ko ang lahat-lahat para sa'yo, para sa pamilya natin. Please, manatili ka na lang po dito. I love you. Huwag mo na kaming iwan. Hindi namin kakayanin. Masasaktan ako pati na rin si Karine. ‘Di ba po mahal mo kami? Dito ka na lang. Huwag ka na lang sumama sa kaniya. Anak mo naman kami kaya po pakiusap huwag mo na lang kaming iwan. Maawa ka po sa amin. Kailangan ka namin ng kapatid ko.” Ito ako, o nakaluhod, umiiyak at nagmamakaawang huwag niya kaming iwan at abandunahin. Kasi hindi namin kakayaning wala siya. Kasi kailangan namin siya. Kasi kailangan namin ng isang inang mag-aalaga at gagabay sa amin.
CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ Karmine's Point of View Napatigil ako ng humarang sa harap ko si John. Isa sa Senior Engineering Student na napapabalitang may gusto raw sa akin, "Puwede ba kitang mayayang mag-early lunch ngayon? My treat." He smiled at me, showing me his set of pearl white teeth. Gwapo si John, matalino at mayaman. At higit sa lahat gusto niya ako, gustong-gusto. Ang pagkagusto niya sa akin ay umabot na sa puntong ibibigay niya ang lahat ng gusto ko at lahat ng mga hihilingin ko sa buhay. Kung tutuusin ay puwede ko siyang gamiting tulay para umangat at hindi na ako maghirap pa pero hindi ko ginawa, hindi ko magagawa at hinding-hindi ko magagawang gawin dahil wala akong gusto sa kaniya. At dahil ayaw ko ng dagdagan ang malaking gap na namamagitan sa amin ng kapatid niya. Hindi ko siya kayang gamitin, hindi lang dahil sa kapatid niya kung hindi dahil hindi ako ang tipo ng babaeng gagamit ng isang lalaki o ng isang ta
CHAPTER TWO: KARINE RUIZKarine’s Point of ViewBata pa lang ako ay pinoprotektahan na ako ng Ate ko sa kahit na ano at kahit na sino’ng makakapanakit sa akin. Kaunting galos lang ay halos magwala na siya sa galit. Palagi niya ring ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya, kung gaano niya ako kamahal. Sobrang suwerte ko nga sa kaniya kasi siya ang naging kapatid ko. Lahat ng pag-aalaga, atensiyon, oras at pagmamahal ni Ate ko ay nakalaan palagi sa akin hanggang sa nakasanayan ko na lang na halos lahat ng mga ginagawa niya ay para sa akin at sa kung ano’ng ikabubuti ko. Masayang magkaroon ng kapatid na kagaya niya kasi alam kong kapag nadapa ako ay nandiyan lang siya para tulungan akong bumangon. Na kahit na ano’ng mangyari ay hinding-hindi niya ako pababayaan.Noong bata pa ako palagi ako’ng pinapagalitan at inuutusan ni Mama kapag wala si Ate pero kapag nandiyan naman si Ate ay ang bait-bait niya sa
CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDINGKarmine's Point of View"Secret. Basta, you will like it."Matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay nagpaalam na kami kay Aling Tasing. I'm planning to surprise her. Para naman mas lalo siyang ma-inspire mag-aral dahil sa reward system na igagawad ko sa kaniya. Nag-top one kasi siya sa buong klase niya after the first grading and I couldn't be more proud of her than I am now.Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makitang pamilyar ang lugar na binabaan namin. Hindi niya inaasahang dito kami pupunta. Natawa ako ng bahagya at marahang pinisil ang baba niya. Ang cute niya talaga. Marahil ay nagtataka siya kung ano ang ginagawa namin dito. Sabagay, I can't blame her for thatdahil ang huling araw na nandito kami ay noong pinalayas nila kami ng kapatid ko sa bahay nila. Tatlong taong mahigit na rin ang nakakaraan nang pinalayas kami ng asawa ni Tiya Delia sa bahay nila dahil sa sulsol
CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING PART 2Karmine's Point of View"Ang ganda naman po rito, Ate ko…" namamanghang saad ng kapatid ko habang nakatitig sa asul na karagatan.True. Maliit na resort nga lang ito pero ang ganda ng karagatan at ng buong lugar. Napakapayapa pa kaya hindi ka magsisising ito ang napili mong resort na puntahan at pagpahingahan. Parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng lugar. Hindi ka mas-stress. Mar-relax ka talagang tunay, "Sana lang ay ganito kagandang view ang nakikita ko sa araw-araw.""Gosh, I can't wait to take a dip. Swimming na kaya tayo?" Nakangiting anyaya naman ni Adele sa amin ng kapatid ko."Sige, kung iyon ang gusto mo, ‘Nak. Pero huwag naman sanang agaw-pansin ng mga lalaki ang suotin, ha?" Bahagyang natawa naman ito sa bilin ng ina."Ma, naman. Maganda ako kaya natural agaw-pansin talaga ako kahit na ano pa ang suotin
CHAPTER FOUR: THE TASKKarmine’s Point of View “Bye, cousins. I enjoyed it. Sobra! Ingat kayo pauwi.” Sinagot ko naman ng isang pagtango at simpleng ngiti ang pamamaalam ni Adele bago kami pumasok ng kapatid ko sa boarding house. Naghanda ako ng chicken spread sandwich at juice para sa baon namin. Just in case na magutom kami. Matapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto namin—tsk, mamaya pala ay may roommate na kami which I totally dislike the idea—para ilagay sa mesa ang dalawang paper bag na ang laman ay sandwich at orange juice na nasa loob ng tumbler. Nagbihis lang ako ng uniform ng Business Administration which is a black pencil cut skirt, white long sleeve blouse with a black tie and a pair of black three inch high heeled shoes. “Ate, mauna na po ako at may report pa kasi akong gagawin.” Salubong niya sa akin pagkalabas ko ng kwarto. “Hold on.” Pigil ko sa kaniya. “Here, baon mo for this week.” Ibinigay ko sa kaniya