CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING PART 2
Karmine's Point of View"Ang ganda naman po rito, Ate ko…" namamanghang saad ng kapatid ko habang nakatitig sa asul na karagatan.
True. Maliit na resort nga lang ito pero ang ganda ng karagatan at ng buong lugar. Napakapayapa pa kaya hindi ka magsisising ito ang napili mong resort na puntahan at pagpahingahan. Parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng lugar. Hindi ka mas-stress. Mar-relax ka talagang tunay, "Sana lang ay ganito kagandang view ang nakikita ko sa araw-araw."
"Gosh, I can't wait to take a dip. Swimming na kaya tayo?" Nakangiting anyaya naman ni Adele sa amin ng kapatid ko.
"Sige, kung iyon ang gusto mo, ‘Nak. Pero huwag naman sanang agaw-pansin ng mga lalaki ang suotin, ha?" Bahagyang natawa naman ito sa bilin ng ina.
"Ma, naman. Maganda ako kaya natural agaw-pansin talaga ako kahit na ano pa ang suotin ko."
"Ang yabang mo pa rin, Ate Adele," natatawang buska ni Karine sa nakakatandang pinsan.
"Adele, bantayan mo ang kapatid ko. Huwag mong hayaang may mga lalaking lalapit sa kaniya."
Odd. Kung noon ay sa tuwina’y nagkikita kaming dalawa ay palaging away ang kasunod pero ngayon naman ay nagagawa ko pa siyang utos-utusan.
We both grew up. Pareho kaming nag-mature in a good way. Hindi ko inakalang puwede pala kaming maging ganito. Not friends but not enemy’s either. Nag-rent kami ng isang maliit at komportableng cottage na may dalawang kwarto para sa aming apat.
Tinulungan ko muna si Tiya na ayusin ang mga gamit nila at siya naman ay dumiretso sa kusina para ilagay ang mga dala nilang pagkain. Mostly, ay mga junk foods at softdrinks in can.
"Salamat dito, Anak, ha? Kailangan talaga namin 'to para makalimutan pansamantala ang mga problema kahit na isang araw lang lalong-lalo na si Adele." Tinapik ko lang ang balikat niya bilang acknowledgement sa pasasalamat niya.
"Naiintindihan ko naman po siya. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay baka umalis na lang ako at hindi na bumalik pa. Tatagan mo na lang po ang loob niyo, Tiya. Sa nakikita ko naman ay kailangan lang niya ng oras at space para tanggapin ang lahat," payo ko pa sa kaniya.Kadiri. Ang baduy ko talaga. Well, totoo naman ang ipinayo ko pero kinilabutan ako sarili ko. Parang gusto kong tanungin ang sarili ko ng ‘Ako ba talaga ‘to?’
Malaim na napabuntong-hininga ako. Mukhang malapit na ako’ng masiraan ng ulo dahil maging ang sarili ko ay kinakausap ko na.
"Sana nga dahil ayaw ko talagang masira ang pamilya ko. Baka kapag nangyari iyon ay ikabaliw ko na."
Hindi na lang ako nagkomento pa sa sinabi niya. Baka may iba pa ako’ng masabi tungkol sa asawa niya at masaktan ko pa ang damdamin niya. Kaya ayaw ko ng mga pag-ibig-pag-ibig na iyan, e dahil ayaw kong magaya ako sa kaniya. Nagpapakatanga sa ngalan ng lintik na 'pag-ibig'.
But who am I to complain? I haven't fallen in love yet. I don't know what will happen in the near future. Ayaw kong pangunahan ang mga mangyayari. Ayaw kong magsalita ng tapos. Ayaw kong dumating ang araw na kainin ko ang lahat ng mga sinabi ko. I just hope na matagal pa ang 'future' na iyon. I may not believe in happy ever after but I still believe in the power of love. Naniniwala ako sa pag-ibig dahil nagmamahal ako. I love my sister. So much that I can do everything for her, for her happiness and most especially, all for her safety.
"Magpahinga ka na po muna, Tiya. Ako na ang magbabantay sa dalawa," natawa siya sa sinabi ko.
"Paano pa magkakanobyo ang kapatid mo kung ganito ka kahigpit sa kaniya?"
Napairap ako sa tanong niya. "Tiya, bata pa ang kapatid ko. She's barely sixteen. At hindi pa nga niya alam kung gaano kalupit ang mundo at ang mga tao."
"Pero hindi siya matututo kung hindi niya mararanasan ang sakit. At baka sa sobrang paghihigpit mo sa kaniya ay magrebelde siya."
"Huwag naman po sana at baka hindi ko kayaning makita siyang mapariwara ang buhay. At wala naman siyang sapat na dahilan para gawin iyon. Siguro sa point of view niyo ay parang sinasakal ko siya pero hindi po, e. Ginagawa ko ang lahat ng mga ginagawa ko dahil ang lahat ng mga iyon ay para lang din naman po sa kabutihan niya, sa kapakanan niya. Siya na lang po ang mayroon ako, Tiya at ayaw kong dumating ang araw na mawawala siya sa akin dahil sa kapabayaan ko."
"Kung iyan ang tingin mo, Karmine. Ikaw ang siyang nakakaalam dahil ikaw naman ang palaging kasama ng pamangkin ko. At isa pa ay alam kong hinding-hindi mo siya pababayaan. O, siya bantayan mo na ang dalawa at ako'y magpapahinga na muna."“Oo, naman po, Tiya. Hinding-hindi ko pababayaan ang kapatid ko. Mamamatay muna ako bago siya masaktan ng kung sino mang Poncio Pilato diyan.”
Napangiwi siya sa sinabi ko at sininghalan ako, “Magtigil ka nga sa sinasabi mo riyang bata ka! Ayaw ko ng mga patay patay na usapan at kinikilabutan ako!”
Natawa ako sa naging reaksiyon niya. Hinimas-himas pa niya ang mga braso niyang may naninindig kuno na mga balahibo habang umiiling-iling na naglalakad pabalik ng kwarto nila. Ang cute ng reaksiyon ni Tiya. Parang batang munti.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa senaryong nakikita ng aking mga mata. Nakakahawa ang mga ngiti at tawa ng kapatid ko. Paniguradong nag-e-enjoy silang dalawa ni Adele. Oh, well halata naman sa mga nakakahawang tawa nila at abot-taingang mga ngiti. Tirik pa ang araw pero nagsasabuyan na sila ng tubig sa swimming pool. Naupo ako sa lounge chair, eyeing the two. Medyo malayo sa pool area but enough for me to watch them closely and guard them.
Maya-maya pa'y mukhang napagod na rin sila sa kakalangoy at paglalaro. Naupo na lang sila sa hagdan ng pool. Ilang sandali pa ay may kung ano’ng sinabi si Adele sa kapatid ko bago siya umakyat sa pool at tumalilis ng alis. Naglakad ako palapit sa kapatid ko at naupo sa tabi niya. Our feet dangling on the floor at nababasa ito ng asul na asul na tubig sa loob nitong pahabang swimming pool.
"Nasaan na si Ate Adele mo?" She shrugged her shoulders at me.
"Sabi niya ay may bibilhin lang po muna siya at 'wag daw akong umalis dito dahil lulunurin mo raw siya kapag nagkataon." Natawa ako sa sinabi niya. "Alam mo, Ate masaya ako kasi nagkakasundo na kayong dalawa. Hindi kagaya dati na palagi niyong inaaway ang isa't-isa. At least, now you both matured. At kaming dalawa ni Tiya ang pinakamasaya para sa inyo."
"Ang dami mong alam. Sometimes, it freaks me out. Minsan ay mas mature ka pang mag-isip kaysa sa akin."
Totoo naman kasi. Kung matalino at responsable na ang tingin ko sa sarili ko ay 'di hamak na mas matalino at mas matured siyang mag-isip kaysa sa akin. She always had a sound judgment. She listen to both sides before judging, a thing that most of the time I forget. Responsable rin siya in her own way. Kung ako ay napilitang mag-mature at maging responsable dahil wala akong ibang mapagpipilian ay siya naman ay hindi which made me more proud of her than I already am. At hindi ako basta nagyayabang lang. Totoo iyon.
"Ano ka ba, Ate ko mana lang kaya ako sa iyo. Anyway, langoy na po tayo?"
"Sure!"
At iyon nga ang ginawa namin. Kaunti lang naman kasi ang mga tao rito since tirik na tirik pa ang araw. Nagpabilisan kami sa paglangoy at unfortunately ay isang beses lang ako nanalo. Dalawang beses naman siyang nanalo laban sa akin. I won the first round while she won the second and the last.
"Pinagbibigyan mo po ba ako?" Salubong ang kilay na tanong niya sa akin pagkaahon namin sa pool.
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa kalokohang sinabi niya, "Siyempre, hindi dahil bakit ko naman gagawin iyon? Ang sakit kaya sa pride na matalo ng isang bata." Which is the truth. Medyo durog na nga ang pride ko dahil sa pagkatalo ko sa kaniya. Medyo lang dahil sobrang proud talaga ako sa kapatid ko.
Kumunot ang noo ko sa nakitang dami ng taong nakapaligid sa pool at pinanunuod kaming magkapatid na magkompetensiya at magpabilisan sa paglangoy. Sigurado ako’ng kanina lang ay kaunti lang kaming narito sa pool pero ngayon ay ang dami na nila at nagpupustahan pa sila kung sino ang mananalo sa aming dalawa. At siyempre sa pasimuno at pangunguna ni Adele iyon. Bwisit na babaeng iyon. Nanggigigil ako sa kaniya at ang sarap niyang pitikin sa nguso niyang ang laki ng ngiti at lakas ng mga tawa niya.
She even whistled bago inabot sa akin ang dalawang puting tuwalya, "Gosh, cousin you're smoking hot. Kakainggit ka naman because boys are drooling over you."
Pahablot na kinuha ko sa kamay niya ang mga tuwalya. Una kong binalot sa katawan ni Karine ang tuwalya at ang isa naman ay sa ulo niya, ipinampunas ko ng basang-basa niyang buhok.
"Papaano ka po, Ate ko?" nag-aalala niyang tanong because I am all dripping wet at humahakab sa kurba ng katawan ko ang puting v-neck cotton shirt at ang blue cotton short na suot ko.
"I'm fine. Halika na at bumalik na muna tayo sa cottage para makaligo ka na at baka magkasipon ka pa." I am fully aware that men is ogling at me but I don't give a damn. As long as wala ako’ng naririnig na mga kabastusan at kabulastugan sa mga bibig nila.
Iniwan namin doon si Adele na nangongolekta ng perang pinanalunan niya.
"C'mon, c'mon, c'mon everybody ang mga pusta niyo, akin na!" She even giggled that annoyed me. Napa-irap na lang ako sa hangin sa pagkainis ko sa kaniya. Bwisit na babae.
Pinauna kong maligo si Karine kasi tinulungan ko pa si Tiya sa pagluto ng pininyahang adobo para sa tanghalian namin. Matapos siyang maligo ay ako naman ang pumalit sa kaniya sa banyo. Habang kumakain kami ng tanghalian ay napuna ni Tiya ang masaya at tuwang-tuwang si Adele. Napa-iling naman ako sa nakakainis na reaksiyon niya.
"Ang saya mo yata, ‘Nak?"
Nakakalokong tumawa naman siya at nakangising tiningnan ako. Bwisit talaga dahil talagang nagawa pa niya ako’ng asarin sa pamamagitan ng mga tingin niya.
"Nanalo kasi ako at salamat sa dalawang ito, Mama. Ay, mamaya ko na lang ikukuwento sa iyo sa kwarto natin kapag matutulog na po tayo at baka masapak na ako ng pamangkin niyo." Sinabayan niya pa iyon ng sobrang lakas na halakhak.
Matapos naming mananghalian ay nagpahinga muna kaming tatlo. Si Tiya naman ay lalabas daw muna. If I know ay mag-e-emote lang iyon, e. Ba't kasi hindi niya na lang iwanan ang asawa niya, e puro sakit lang naman ng ulo ang ibinibigay nito sa kaniya.
I slapped myself mentally. Baka mamaya ay karmahin na talaga ako sa mga naiisip ko at iyon ang ayaw kong mangyari. I've been through a whole lot of trouble in this lifetime at sobra na iyon. Ayaw ko ng dagdagan pa.
Bandang alas-tres ng hapon ay nandoon na kaming lahat sa dagat. At masaya ako’ng makitang nakangiti at tumatawa na si Tiya, iyong totoong tawa at ngiti talaga, hindi iyong kitang-kita mo na pilit at peke ang mga ngiti at tawa niya noong nakaraan. Nagpaalam ako sa kanilang mamimingwit lang muna ako. Napag-usapan kasi namin na magbo-bonfire muna kami bago matulog. Para naman ay sulit ang bayad at bakasyon namin dito. Nagrenta ako ng maliit na bangka at fishing rod.
Bandang alas-sais y medya ng hapon ay napagpasyahan ko ng tumigil sa pangingisda. Sapat na sa aming apat ang mga nahuli kong isda. Tatlong malalaki at limang maliliit na isda lang ang nahuli ko. Dala-dala ang timbang may laman ng mga nahuli ko ay dumiretso ako sa likod ng inuupahang cottage namin dahil sigurado ako’ng nandoon silang lahat.
Pagpunta ko roon ay may bonfire na. Napataas ang kilay ko ng makitang may ilang basyo ng bote ng alak doon. Iyong iba ay hindi pa nabubuksan, iyong iba naman ay wala ng laman. Sinalubong ako ng kapatid ko at kinuha ang timbang hawak ko para malinisan na niya ang mga isda.
"Ate, medyo lasing na po si Ate Adele. Pinigilan ko naman po pero ayaw talaga papigil. Hindi rin naman siya napigil ni Tiya. Ay, sige linisin ko na po muna ang mga ito." Nakangiting tumango lang ako sa kapatid ko.Lumapit ako sa kanila at mabilis kong hinablot ang bote ng beer sa kamay ni Adele. "Ano ba! Oh, its you, dearest cousin." She giggled and she’s already as red as a cherry tomato. Naupo ako sa tabi niya at nakita kong namumula na rin ang mga mata niya, naluluha at naiiyak na siya. "You know what, couz, kung alam ko lang na you're this nice pala, e ‘di sana ay hindi na lang kita inaway-away pa noon. E ‘di hindi sana ay wala ng space pa sa bahay para sa Paula na iyon. I hate her! Inaagaw niya si Papa sa akin!" At pumalahaw na siya ng iyak.
Hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Tiya sa tabi namin at pagbalik niya ay may dala siyang isang tasa ng kape para sa lasing na anak. I made Adele drink it. Medyo nahimasmasan naman siya noon. Bumalik na rin si Karine. We grilled the fish over the bonfire.
"Habang hinihintay nating maluto ang fish, ba't hindi tayo maglaro? Truth or dare lang."
"Pambata naman ang suggestion mo," puna ko.
Inirapan niya lang ako at sinabing, “Ang laki mong inggitera, Karmine.”
"Sige, ba! 'Wag ka ng KJ, Ate. Laro na tayo. Hindi pa ako nakakapaglaro nito, e." Nakaramdam ako ng awa sa kaniya dahilan para mapalunok ako sa laway ko. Nanginginig na kumuyom ang mga kamao ko sa narinig ko. Alam kong wala siya masiyadong mga kaibigan pero ang hindi pa niya malaro ang ganito ka-simpleng laro ay sobrang nakakainsulto sa akin. I felt something unseen force squeeze my heart tight it ached. I could feel Tiya Delia's gaze at me at alam ko ang iniisip niya; na ako ang dahilan kung bakit hindi pa nakakapaglaro ng ganitong laro ang kapatid ko. "Teka po at kasama ka po ba sa laro, Tiya?"Natatawang naiiling na lang ang matanda sa kaniya.
I sighed and nodded my head at her. Matapos sabihin ni Adele ang mechanics ng laro ay sinimulan niya na niyang iikot ang bote. At sa kamalas-malasan ay sa akin pa talaga tumapat ang nguso ng bote at ang pwetan naman nito ay na kay Karine.
She giggled with all excitement and happiness. My sister’s beautiful face is glowing with joy. "Truth or dare ka po, Ate?"
"Dare." I wanted to say "truth" but that would be boring at iyon ang ayaw kong mangyari. I want my sister to enjoy this this little game because this is all for her. May kung ano’ng binulong sa kaniya si Adele which made her blushed hard as her eyes widened. Tsk, sigurado ako’ng purong kalokohan lang naman ang laman ng bulong ni Adele.
She faked a cough, "Take off your shirt po, Ate and as well as your bikini top and take a dip at the beach tapos magsayaw ka. Iyong sexy dance dapat. Five minutes tops." Gusto kong umayaw but the excitement shining on her eyes made me do the opposite.
Nagpaalam kaming tatlo kay Tiya Delia na gagawin ko na iyong dare nila. Ipinagtulakan ako ni Adele sa dagat na muntik ko ng ikangudngod sa magaspang na buhangin.
“Ano ba, Adele! Grabe kang makatulak, a!” sita ko sa kaniya. E, kung siya naman kaya ang itulak ko ng mangudngod siya sa buhanginan? Matuwa naman kaya siya kapag ginawa ko iyon? Obviously, she won’t.
"Go, na. Take off your shirt and bikini top, cousin dear! Take it off! Take it off! Take it off! Wooh!" Baliw na babae. At talagang isinigaw pa niya, ha.
Naiiling na sinunod ko si Adele sa gusto niya. I took my shirt off and my bra and threw it at her face. Natawa silang dalawa sa ginawa ko. Nagv-video naman si Karine sa isang tabi. Parang tanga ang kapatid ko, oo. Nagv-video habang madilim pero ang ganda ng gabi ngayon. Madilim pero maliwanag ang buong kalangitan dahil sa buwang sumisilip sa mga ulap at sa mga bituin na nakalatag sa langit. Ang ganda ng reflection ng buwan at mga bituin sa dagat. It is breathtaking and magical. Inuna ko munang magsayaw slash gumiling-giling habang nakatalikod ako sa kanilang dalawa at nakatali in a messy bun ang buhok ko. Topless ako habang nagsasayaw sa ilalim ng buwan at mga bituin. Kung may nakakakita lang sa amin dito ay baka isipin nilang mga baliw kami o ‘di kaya’y may shooting ng porn movie.
Hay naku, talaga, oo! Everything I do for love to my sister.
Pagkatapos ng limang minutong pagsasayaw ay dumireso na ako sa dagat pero bago iyon ay humarap muna ako sa kanila ng topless at hindi ko tinakpan ng mga kamay ko o ng mga buhok ko ang magkabilang d****b ko kaya kitang-kita nilang dalawa iyon. Nanlalaki ang mga mata nila sa gulat dahil sa kalokohang ginawa ko. Napahalakhak naman ako sa sobrang tuwa sa reaksyon nila at maging sa ekspresyon ng mga mukha nila. Hindi nila iyon inaasahan. Sigurado rin ako’ng nakuhanan ng camera ng cellphone ni Adele ang pagharap ko sa kanila ng topless. Hindi ko na nga namalayang hanggang leeg ko na pala ang dagat. I swam like a pro. Hindi ko na namalayang tapos na pala ang limang minuto ko at nabitin pa nga ako kaso tinawag na ako ni Adele para bumalik. Lumangoy ako pabalik sa kanila. Nang haggang bewang ko na lang ang tubig ay nilakad ko na lang at dinampot ko ang damit at bra ko sa buhanginan at isinuot.
Naglakad ako pabalik sa kanila habang may ngising naka-plaster sa mukha ko.
"Happy?" Napatango-tango ang dalawa sa akin.
Matapos noon ay bumalik na kami sa bonfire. Sunod noon ay turn na ni Adele at ako naman ang magtatanong kung truth ba siya or dare. Nag-dare siya kaya naman ay binulungan ako ng kapatid ko para sa dare niya. Of course, I indulged my baby sister sa gusto niyang mangyari. I smirked dahilan para mapalunok si Adele sa kaba.
"Give us a sexy dance. Topless din dapat. Maximum of three minutes." Nanlaki ang mga mata niya sa dare ko sa kaniya. Natawa naman kaming tatlo sa naging reaksyon niya.
"Mama, o!" sumbong niya sa ina na tinawanan lang siya lalo
.
"No way, Ate Adele. Kung si Ate ko nga ay pumayag sa dare mo ikaw pa kaya? Unfair kaya 'yon," reklamo pa ng kapatid ko habang nakanguso siya.
Inutusan ko si Karine na i-video sa cellphone ko ang gagawin nito. Pikit-matang ginawa nga ni Adele ang dare ko sa kaniya. Matapos ang tatlong minutong pagsasayaw niya ng buong kalandian ay pulang-pula ang mukha niya habang isinusuot ang damit niya pabalik. Ha! Buti nga! Gantihan lang ito.
"Ikaw naman, Karine. Ikaw na lang ang hindi pa natatapatan kaya wala ka ng ibang choice. At dapat dare ang piliin mo para naman fun." Natatawang tumango lang si Karine sa kaniya habang game na game sa magiging dare niya. Ako naman ngayon ang binalingan ni Adele ng nagbabantang tingin. "At ikaw! Huwag kang super killjoy, okay?"
Napipilitang tumango ako ma pinagsisihan ko naman agad at halos suntukin ko si Adele sa dare na pinagawa niya sa kapatid ko!
"Kiss the first boy na makikita mo," dare ni Adele sa kapatid kong agad na namula ang magkabilang pisngi.
Sa totoo lang ay ang simple ng dare ni Adele sa kapatid ko but we both know this isn’t simple to my sister. Agad na pumunta kaming tatlo sa isang maliit na restaurant dito sa loob ng resort at iyon nga at ginawa ng kapatid ko ang dare na para sa kaniya.
She kissed the first guy she saw on his cheek at sinabing, "Sorry, po. Dare lang." Bago siya agad na kumaripas ng takbo palayo sa lalaki.
Nakahinga ako ng maluwag sa nangyari. At least, sa pisngi lang. Mabuti na lang at matalino ang kapatid ko at sa pisngi niya lang hinalikan ang binatang iyon! Pagbalik namin roon ay tawa ng tawa si Adele bago i-kinuwento sa ina ang nangyari. Tamang-tama naman na pagbalik namin doon ay luto na ang mga isda. Hinati ko sa aming apat ang mga nahuli kong isda.
Matapos noon ay natulog na lang kami dahil maaga pa kasi kami aalis bukas. Ako nama'y naligo pa muna bago ako dumiretso sa kwarto namin ni Karine. Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Pina-alarm ko kasi ito ng alas dos y medya ng madaling araw. Naligo muna ako bago ko ginising si Karine para maligo na at para makapagluto na ako ng super early agahan. Fried rice, sunny side up eggs, hotdogs, bacon and corn beef lang ang niluto kong agahan para sa aming lahat.
Matapos noon ay ginising ko na rin ang mag-ina para makakain na. Pupungas-pungas na tinungo nila ang hapag at nandoon na ang kapatid ko, tahimik na hinahanda ang mga pinggan, kubyertos at mga baso sa mesa. Tahimik lang kaming kumain. Mga halatang antok na antok pa rin talaga sila dahil tanging mga tunog at kalansing lang ng mga kubyertos namin ang maririnig sa buong cottage.
"Ako na ang maghuhugas nito. Mauna ka nang maligo, ‘Nak."
Umiling ako kay Tiya, “Tapos na po akong maligo pagkagising na pagkagising ko, Tiya.”
Tinulungan ko siyang maligpit sa mesa at maghugas. Siya ang nagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw at nagpupunas para ilagay sa dish cabinet.
"Salamat talaga dito, Anak, ha? Napasaya mo kaming mag-ina sa simpleng treat na ito lalo na ang anak ko."
"Wala po iyon, Tiya. Pamilya pa rin naman po tayo at isa pa, po ay naging masaya rin kami ng kapatid ko sa bonding na ito. Sulit po ang nagastos ko para dito. Totoong natuwa talaga ako sa nangyari sa ating munting bakasyon, Tiya. Sige, na po’t maligo ka na. Tapos na si Adele."
Lumabas ako para magpatawag ng taxi sa receptionist. Pagbalik ko sa cottage ay handa na sila. Kinuha ko ang malaking duffel bag na hawak ng kapatid ko. Si Adele rin ang may hawak ng mga bag nila. Ibinalik ko ang susi sa receptionist at nagbayad na.
"Nasa labas na po ang taxi ninyo, Ma'am." Ngumiti't nagpasalamat lang ako sa kaniya.
This time ay ako na ang nasa passenger seat sa tabi ng driver. Nauna kong ipinahatid ang mag-ina sa bahay nila na sinalubong naman agad ng kanilang padre de pamilya."Bye, cousins. I enjoyed it. Sobra! Ingat kayo pauwi."
Sinagot ko naman ng isang pagtango at simpleng ngiti ang pamamaalam ni Adele.
CHAPTER FOUR: THE TASKKarmine’s Point of View “Bye, cousins. I enjoyed it. Sobra! Ingat kayo pauwi.” Sinagot ko naman ng isang pagtango at simpleng ngiti ang pamamaalam ni Adele bago kami pumasok ng kapatid ko sa boarding house. Naghanda ako ng chicken spread sandwich at juice para sa baon namin. Just in case na magutom kami. Matapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto namin—tsk, mamaya pala ay may roommate na kami which I totally dislike the idea—para ilagay sa mesa ang dalawang paper bag na ang laman ay sandwich at orange juice na nasa loob ng tumbler. Nagbihis lang ako ng uniform ng Business Administration which is a black pencil cut skirt, white long sleeve blouse with a black tie and a pair of black three inch high heeled shoes. “Ate, mauna na po ako at may report pa kasi akong gagawin.” Salubong niya sa akin pagkalabas ko ng kwarto. “Hold on.” Pigil ko sa kaniya. “Here, baon mo for this week.” Ibinigay ko sa kaniya
CHAPTER FIVE: KARMINE, THE HEARTBREAKERKarmine’s Point of View“Ms. Katigbak, pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng opisina niya dito sa faculty office.“Yes, nagtatanong na kasi sila sa akin kung ano na ang update sa pinapagawa namin sa iyo. It has been more than a month pero wala ka pa ring nagagawa. There’s no progress even just a bit. Had you already made a business proposal? If yes, na-proofread mo na ba? Do you need help in anything? How about the appointment? Nakapag-set ka na ba sa secretary niya? Or do you need my help?”“Relax, Ms. Katigbak, I already had my business proposal with me. And yes, natapos ko na iyong i-proofread for the nth time. And another, yes I already had an appointment with Mr. Mondragon and it’s scheduled next week. Walang nangyari sa loob ng isang buwan dahil puno na ang schedule ni Mr. Mondragon at hindi na kasi
CHAPTER SIX: THE SAVIOR THE NIGHTKarmine’s Point of View People may judged me for all they want and I don’t really care at all. I don’t really care what they think of me but then sometimes I get really, really pissed. Hinuhusgahan nila ako sa kung ano man ang nakikita ng mga mata nila at kung ano man ang mga naririnig ng mga tainga nila at naman talaga iyon maiiwasan. Pero nakakainis lang kasi na hindi naman nila ako kilala pero kung makapanghusga sila akala mo naman ay kilalang-kilala nila ako. Would they rather me giving John a chance to fool him and hurt him in the process? Kasi ako hindi ko iyon kaya. Mas mabuting masaktan ko siya ngayon sa katotohanan kaysa sa masarap na kasinungalingan at panlilinlang. I knew for a fact that I don’t love him. I can’t love him. After all, I’m not capable of loving someone. I’m a beast, an untamable one well, at least, that’s what I thought and I perceived myself to be. Napabutong-hininga ako at ipinilig ko ang ulo ko. Ayaw ko ng pakaisipin pa
CHAPTER SEVEN: ROBERT EZEKIEL MONDRAGONRobert Ezekiel’s Point of View “Ang mukhang ito na napakagwapo ay nagawa pa niyang isnabin? The nerve of that lady, man! Ang lakas ng loob niyang gawin sa akin ‘yon. Hindi ko ito matatanggap. Hinding-hindi! Hoy, Kiel! Nakikinig ka ba sa akin?” I just shook my head at him. Puro nonsense at mga kabulastugan lang naman ang mga pinagsasabi niya. If I don’t know him well enough I’ll think that he is in love with the girl he is talking about which made me cringed. Love and Nigel in one sentence is next to impossible. Love. It’s only applicable for the bunch of fools and I don’t belong to that group. Never again. Not anymore. Why would you bother yourself loving someone else? What benefit would you get if you love a person? Absolutely nothing. You’ll just give yourself another problem and a series of heartache and headache. “Are you in love with her?” I asked him with full of disgust.
CHAPTER EIGHT: THE FATHER I NEVER HADKarmine’s Point of View Who would have thought that Cielo would be my friend? Si Cielo iyong lalaking nagwala sa club at siya rin iyong inuto ko para kumalma at tumigil sa pagt-terrorize sa lahat ng nasa club ilang linggo lang ang nakakaraan. And who would have thought that he’s actually a nice person in the reality? He might look scary at first but that’s just his front, it’s only his façade to appear and look strong and look intimidating to other people para siya maloko nila. Yet, in the reality, he’s just a sad, scarred and lonely old man deep inside of him. I pity him at some point but I know he don’t need it. No one need to be pitied on. No one actually wanted to be pitied upon. And, yet in an odd way, I found a father figure within him. But people don’t just understands it because they kept on putting colors on our relationship. People nowadays are too narrow and fickle minded that they kept on putting colors making stories in their heads a
CHAPTER EIGHT: THE FATHER I NEVER HAD PART 2Karine’s Point of ViewLinggo ngayon at dapat ay Sunday Bonding namin ni Ate ko kaya lang kasi ay ngayong araw din ang punta namin sa Lustre Industries para sa paggawa namin ng business plan. Para naman daw ay may alam kami kahit na kauntisa negosyo kaya naman dito kami dinala ng Class Adviser namin. Of course, mayroong consent ng owner ng company.Pero anh hindi ko inaasahan ay ang makikita ko rito ang Ate ko na binabastos at tinatawag ng kung anu-ano’ng masasakit na salita ng mga taga-alta. Narinig ko kung anu-ano ang tinawag nila sa kapatid ko at nagagalit ako. Gusto kong manakit at sugurin sila. Gusto ko silang saktan at pagbuhulin sa sobrang gigil at galit na nararamdaman ko sa kanila. Siguro ay ganitong galit rin ang nararamdaman ni Ate ko sa tuwing ipinagtatanggol niya ako sa mga bully noong bata pa ako. Noong mga panahong kasama pa namin si Nanay.Malalim na napabunto
CHAPTER NINE: THE MONDRAGON INC.,Karmine’s Point of ViewThis is it.Today is the day. Excuse ako ngayong araw sa lahat ng mga klase ko at exempted naman kung may test or quiz. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naman ako kinakabahan. Well, medyo kinabahan ako kaya nga pinuntahan ko si Cielo kahapon, e but he’s right, though. If it’s meant to be then it’s meant to be. Kung ayaw naman ay huwag ng pilitin pa pero ngayon ay mayabang na ako kung mayabang pero hindi na talaga ako kinakabahan.“Nervous?” Marahang umiling-iling lang ako sa tanong ni Ms. Katigbak sa akin.Nandito na kami ngayon sa main office ng Mondragon Inc., at kasama ko si Ms. Katigbak. Kasalukuyan kaming nakaupo sa waiting area sa labas ng opisina ni Mr. Mondragon, waiting for our turn to meet him and lay our proposals on the table and convince him—well, try to convince him. Try is the key word for it.
CHAPTER TEN: BLACKMAILEDKarmine’s Point of View “Ate ko.” Napatingin agad ako sa kapatid ko nang marinig kong tinawag niya ako. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Huwag ka pong mabibigla at magf-freak out sa sasabihin ko, ha? Pero kasi pakiramdam ko po ay may mga matang nakatingin sa akin,” kinakabahang wika niya habang hindi mapakali ang mga mata niya pati ang kamay niya. Senyales na kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Hindi ako sumagot sa sinabi niya pero ibinaling ko ang tingin ko sa bintana kung saan ay kitang-kita ko ang lahat ng nasa daan, mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang magchismisan at pag-usapan ang buhay ng iba, mga lasinggero na umaga pa lang ay lasing na at ang sasakyan na nakaparada malapit sa may eskinita. Nakatitig ako sa isang itim na BMW na sasakyan. Ang sasakyang palagi kong nakikitang nakasunod at nakamasid sa amin. Weird man sigurong isipin at pakinggan pero hindi ako natatakot sa k