Home / Romance / Karmine’s Tale / CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ

Share

CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ

Author: KarleenMedalle
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ

Karmine's Point of View

Napatigil ako ng humarang sa harap ko si John. Isa sa Senior Engineering Student na napapabalitang may gusto raw sa akin, "Puwede ba kitang mayayang mag-early lunch ngayon? My treat." He smiled at me, showing me his set of pearl white teeth.

Gwapo si John, matalino at mayaman. At higit sa lahat gusto niya ako, gustong-gusto. Ang pagkagusto niya sa akin ay umabot na sa puntong ibibigay niya ang lahat ng gusto ko at lahat ng mga hihilingin ko sa buhay. Kung tutuusin ay puwede ko siyang gamiting tulay para umangat at hindi na ako maghirap pa pero hindi ko ginawa, hindi ko magagawa at hinding-hindi ko magagawang gawin dahil wala akong gusto sa kaniya. At dahil ayaw ko ng dagdagan ang malaking gap na namamagitan sa amin ng kapatid niya. Hindi ko siya kayang gamitin, hindi lang dahil sa kapatid niya kung hindi dahil hindi ako ang tipo ng babaeng gagamit ng isang lalaki o ng isang tao para lamang umangat sa buhay.

"I'm sorry, John pero may trabaho pa kasi ako mamaya. Excuse me," pasintabi ko sa kaniya bago lumihis ng daan. Nagmamadali ako’ng umalis pero mabilis niya ako’ng naharangan. Naiiritang napabuntong-hininga ako at hinarap siya.

"Wait, puwede bang ihatid na lang kita sa trabaho mo? At puwede ko namang hintayin na lang na matapos ang shift mo para maihatid kita sa inyo. Please?" pagbabakasakali pa niya gamit ang nangungusap na tingin at malambing na boses.

Napatingin ako sa inosente at itim niyang mga mata, puno iyon ng pagsusumamo na pumayag ako sa offer niya, na huwag ko na siyang tanggihan pa at pagbigyan na lang siya sa gusto niya pero hindi maaari dahil ayaw kong paasahin siya at mas lalong saktan.

"May gusto ka ba sa akin?" kunot ang noong tanong ko sa kaniya kahit na alam ko naman na talaga ang sagot.

Kalat na sa buong University ang nararamdaman niya para sa akin. Alam na ng lahat ng estudyante, staff at maging ng faculty. At naiirita ako sa pagsulpot-sulpot niya sa kung saan-saan.

Bahagyang namula ang pisngi at tainga niya sa tanong ko. So pure and so innocent. Ang kagaya niyang inosente at mabait ay hindi nababagay sa isang kagaya kong matagal ng sira at nababalot ng dilim. 

"Masama bang gustuhin kita, Karmine? Kasi wala namang batas na nagsasabing bawal kang gustuhin at... mahalin." Bahagyang humina ang boses niya sa huling sinabi.

"Kung may gusto ka man sa akin, John ay I'm sorry pero hindi ko masusuklian ang feelings mo. Kaya kung puwede, please lang, habang kaya mo pang umahon ay gawin mo kasi hindi kita sasaluhin. At wala akong balak na saluhin ka." Napayuko siya sa rahas at talim ng sinabi ko.

"Pero mahal kita, Karmine. Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko. Isang pagkakataong mapatunayan ang sarili ko sa 'yo. Pagkakataon para mapatunayan sa’yong mahal kita. Totoong mahal kita, Karmine, so please just give me a chance—just one chance to prove myself to you, to prove that I am worthy." Umiling lang ako sa sinabi niya at tumalikod na. 

Mas mabuting masaktan ko siya ngayon kaysa ang paasahin ko siya sa wala. Hindi ko siya gusto. Wala akong ibang nararamdaman sa kaniya at hindi ko puwedeng pilitin ang sarili kong gustuhin at mahalin siya. Umuwi muna ako sa boarding house para makapagpalit ng damit. Dalawang palapag ang boarding house na inuupahan ko para sa silid naming dalawa ni Karine. Sa ibaba ay mga lalaki ang umuukupa roon at sa itaas naman ay mga kababaihan. Palabas na ako nang makitang parang tangang nagtatawanan ang tatlong lalaki sa salas. Wala naman talaga ako’ng balak na pansinin sila pero nagbago iyon ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

"Hindi ako makapaniwalang ganito ka-sexy si Rine," manghang saad ni Jojo.

Ang usap-usapan dito ay may pagka-manyak siya at mga kaibigan niya kaya nga hindi ko masyadong pinapalabas ang kapatid ko kahit pa rito sa loob ng boarding house kung hindi naman niya ako kasama.

It's better safe than sorry and prevention is better than cure, ika nga nila.

"Ako rin naman, e. Paano ba naman kasi balot na balot siya palagi. At halos hindi na siya lumabas sa kwarto nila," segunda naman ni Kokoy sa kaniya.

Aksidenteng napatingin sa direksiyon ko si Dino at kaagad siyang namutla habang nakatitig sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata para magsilbing babala at huwag siyang mag-ingay. Hindi naman ito napansin ng dalawang kasama niya.

Walang ingay na naglakad ako sa likod nila. At dahil sabado ngayon ay halos nasa sala ang lahat ng mga boarders ni Aling Tasing. Kaniya-kaniyang kuwentuhan silang lahat. Kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ang pinag-uusapan ng tatlong ugok na ito. Litrato iyon ng kapatid ko na natutulog at nakalilis ang kumot kaya kitang-kita ang mapuputi niyang hita na ang tanging suot ay itim na maikling cotton short na mas nagpatingkad sa kaputian ng kutis niya.

"Sino ang pinag-uusapan niyo? Ang kapatid ko ba?" malamig kong tanong. Napatalon sina Jojo at Kokoy pagkarinig ng boses ko. Aligagang itinago nila ang cellphone sa ilalim ng throw pillow at nagpatay-malisya.

"Naku, Karmine hindi, a. Bakit naman namin pag-uusapan ang kapatid mo, ‘di ba mga, tol?" baling ni Kokoy sa dalawa. 

"Binabastos ninyo ba ang kapatid ko, Dino?" 

Malakas siyang napalunok at namutla. Pinagpawisan din ang noo niya kahit sa amin naman nakatutok ang stand fan, "Si J-Jojo ang p-pumasok sa k-kwarto niyo at k-kinunan ng l-litrato si K-Karine habang n-natutulog ang k-kapatid mo. T-Tapos si K-Kokoy ang k-kumuha ng p-picture niya." Halos mabuhol ang dila niya sa sobrang pagkataranta at takot.

"Dino!" dabay na sinigawan siya ng dalawa.

Inilahad ko ang kamay ko. Nanginginig na inabot ni Dino ang cellphone ni Jojo sa akin matapos niya iting kunin sa ilalim ng throw pillow. Tiningnan ko ang gallery niya at nagpapasalamat ako’ng isang litrato lang ang nakita ko. Binura ko iyon kasabay ng pagbagsak ko sa aparato sa sahig. Inapak-apakan ko rin ito ng maka-ilang beses. Malakas na napasinghap silang lahat sa ginawa ko. Wala ni isang nakapagsalita sa ginawa ko. Subukan lang talaga nilang magsalita ng masama laban sa akin at sa kapatid ko ay talagang makakatikim din sila sa akin.

"Para lang sa kaalaman ninyong mga siraulo kayo ay hindi ko inalagaan at minahal ang kapatid ko para lamang bastusin niyo at pagpantasyahan. Sa susunod na malaman kong pinagpapantasyahan at binabastos niyo ang kapatid ko ay hindi na lang cellphone niyo ang dudurugin ko kundi maging ang makakapal niyo ng pagmumukha. Nagkakaintindihan naman siguro tayong apat dito, hindi ba?" Kalmado lang ang panlabas kong anyo pero galit na galit na talaga ako.

Gusto kong pumunta ng kusina at kumuha ng matalim na kutsilyo dahil gusto ko silang tatlong pagsasaksakin. Ang mga bwisit na ito ay talagang ginagalit ako! "Sagot!" sigaw ko. Ngayon ang unang pagkakataong narinig nila akong nagtaas ng boses kaya hindi na nakapagtatakang ganito ang naging reaksiyon nila. 

Napatalon ang tatlo bago sumagot, "O-Oo na. I-I'm sorry. H-Hindi na n-namin ito uulitin." 

"Good. Pumunta na kayo ng kwarto niyo at magpalit ng pantalon. Basa na kasi." Parehong napatingin sila sa basang pantalon nila. "Sino pa ang may ibang kopya noon?" tanong ko bago pa sila makapasok sa kwarto nila.

"W-Wala na. I-Iyon lang ang k-kopyang mayroon kami." Pumasok na sila sa silid nila at siya naman ang pagpasok ni Mang Edgar dito sa salas.

Nagtatakang tiningnan niya ako.

"O, ano’ng nangyari sa mga iyon? Ba't parang takot na takot sa'yo ang tatlong iyon?" tanong ni Mang Edgar, asawa ni Aling Tasing at isa sa tanod ng barangay na ito. "At kaninong cellphone iyan?" Tinuro niya ang kawawang aparato na durog na durog.

Nagkibit-balikat ako at sinabing, "Pinasok nila ang kwarto namin at kinuhanan ng litrato ang kapatid ko habang natutulog kaya naman ito ang nangyari." Napatango siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa. Higit sa lahat ng boarders na narito, silang dalawa ng asawa niya ang nakakaalam kung gaano ko kamahal at iniingatan ang aking kapatid. "Mauna na po ako, Mang Edgar. Pakihatid na lang po ang pagkain ng kapatid ko mamayang tanghali sa kwarto namin. Siya nga po pala ay nagluto ako ng sinigang na hipon para sa ating apat ni Aling Tasing paki-init na lang po iyon. Babalik po ako mamayang alas cuatro ng hapon. Alis na po ako." Napatango na lang siya sa sinabi ko.

Dumiretso na ako sa café na pinagtatrabahuhan ko tuwing Biyernes at Sabado. Part-time job lang naman kasi ito. Convenient naman ito sa akin kasi every Friday and Saturday ay 7:30 AM to 10:00 AM lang ang klase ko. 11:00 AM to 6:00 PM lang ang pasok ko rito. Pagkatapos ng shift ko dito ay may tatlong oras pa ako para magpahinga. Pitong oras lang ang trabaho ko rito sa cafè. Bakante ang buong araw ng linggo ko para sa Sunday Bonding namin ng baby girl ko.

"Karmy, ikaw na ang kumuha ng order ng table number 6. Ikaw na lang kasi ang libre," utos ni Jude sa akin.

"Okay..." Nagkibit-balikat lang ako bago dumiretso sa table number 6. "May I get your order, Ma’am, Sir?" Hindi ko inaasahang makita si Adele rito. Ngumiti siya sa akin bago bumaling sa boyfriend niya at parang pusang hindi mapaihi na nagpa-cute dito.

Kadiri.

"Oh, hello there, cousin. Arjo, babe this is my cousin, Karmine. Karmine, couz, this is Arjo, my boyfriend." Tinanggap ko ang kamay ni Arjo na nakalahad. He kissed my hand. Ako naman ngayon ang gustong mapangiti sa ginawa niya. Don't get me wrong, ha dahil hindi ko siya gusto. Ang gusto ko lang ay asarin si Adele. Try ko lang kung hanggang saan ang pisi ng pasensiya niya.

"What's your order?" He smiled at me.

"Black coffee with cream and sugar at isang yema cake lang sa akin, ikaw, babe anong gusto mong kainin?" 

"Strawberry shortcake and strawberry banana smoothie. That's all, babe I'll just order another if like ko pa." Umismid pa siya sa akin.

Natawa ako ng bahagya sa naging reaksiyon niya.

Ganito niya talaga kagusto ang lalaking ito? Edi shing! Edi, siya na. Kaniya na! Saksak pa niya sa baga niya. Asa siyang aagawin ko itong butiking ito.

"One black coffee with cream and sugar, one strawbery banana smoothie, one strawberry shortcake and one yema cake. Is that all, Ma'am and Sir?" pag-uulit ko at nang tumango sila ay ubinigay ko sa barista ang order nila.

Ako na iyong kumuha ng cakes sa salaming estante at naglagay sa tray kasama ng mga drinks.

"Here's your order, ma'am, sir. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan pa po kayo. Enjoy!"

* * *

Matapos ng shift ko ay naghanda na ako para umalis. Bago umalis ay ibinigay ni Jude sa akin ang bayad ko. Araw-araw ko kasing nakukuha ang sweldo ko dahil part time ko lang naman ito. Hindi gaya sa kanilang regular at kada kinsenas nila nakukuha ang mga sahod nila, "Thank you." 

"Ba't hindi ka na lang mag-apply bilang regular worker rito? Kaya naman ng café mag-adjust sa oras mo sa eskwela at mas malaki pa nga ang kikitain mo kung ganoon."

Pang-ilang beses ko na ba itong narinig kay Jude? Hindi ko na mabilang.

"Hindi na, Jude. Sapat na sa akin itong kinikita ko sa loob ng dalawang araw. At isa pa may trabaho pa ako sa club. Sige, mauna na ako sa iyo." Malungkot na tinanguan niya lang ako.

Bago ako umuwi ay pumunta muna akong National Book Store para ibili si Karine ng bagong sketch pad, mechanical pen, water colors at colored pencils. She's into arts kasi. Pumasok ako sa kwarto namin. Nakadapa siya sa higaan niya at may kung ano’ng kinukutingting.

"May pasalubong ako sa'yo."

Nakangiti kong inilagay sa mesa ang mga pasalubong ko sa kaniya. Napabalikwas siya ng bangon at agad na tinungo ang mesa at isa-isang inilabas ang mga nasa plastic bag.

Nagniningning sa tuwa at galak ang mga mata niya pagkakita sa simpleng pasalubong ko. Impit na napatili pa siya at niyakap ako ng mahigpit. I hugged her back. Pinupog ko ng halik ang mukha niya na ikinahagikgik niya. Siya na iyong kumalas sa yakap namin at inusisa ang laman ng plastic bag.

"Thank you, po. Puno na kasi ang sketch pad ko." Nakangiting ginulo ko ang buhok niya.

"Talaga? Dapat sinabi mo para nabilhan agad kita. Sa susunod na may kailangan ka sabihin mo agad sa akin, ha."

"Ate, naman, e ayaw ko ngang manghingi na lang basta. Pera mo kaya iyan." Napailing na lang ako sa sinabi niya. 

"Kung ano ang akin ay iyo na rin. Ay, teka nga, nagmeryenda ka na ba, Mahal Ko?" 

"Opo. Siya nga pala, Ate sabi ni Aling Tasing may roommate na raw tayo. Sa Monday siya rito pupunta." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano? Pero may usapan kami ni Aling Tasing, a. Ang usapan ay tayo lang ang puwedeng umukupa ng kwartong ito. Sandali nga at kakausapin ko siya…" Hinawakan niya ang braso ko at umiling. Napapabuntong-hiningang naupo ako sa puting monoblock chair at tinaasan siya ng kilay.

"Ate, naman. Sila Aling Tasing kaya ang may-ari ng boarding house na ito kaya puwede nilang gawin ang gusto nila. At isa pa, tingnan mo, o.” Tinuro niya ang bakanteng double deck sa gilid. "Ang kwartong ito ay puwede pang upahan ng dalawang tao kaya pumayag na ako. Alam kong may usapan kayo pero kaibigan niya raw kasi ang nakiusap kaya hindi niya na ito na-hindi-an pa. Kinausap rin ako ng kaibigan niya, mabait naman raw ang anak niya kaya pumayag ka na, po please?" I rolled my eyes. Alam talaga nilang hindi ko kayang hindi-an ang kapatid ko.

"Sabi mo e. Tapos mo na ba lahat ng assignments mo? Gusto mo bang tulungan kita?"

Umiling lang siya, "Tapos ko na po lahat. Magpahinga ka po kaya muna? Gigisingin na lang kita kapag luto na ang hapunan natin." 

Umakyat na ako sa itaas na bahagi ng double deck at nahiga para kahit dalawang oras mahigit lang ay makapagpahinga muna ako bago pumasok sa club. Nagising ako ng maramdaman ang marahang pagtapik ni Karine sa pisngi ko.

She smiled sweetly at me. Isang ngiti lang ng batang ito ay para bang magic na nawala ang pagod ko.

"Handa na po ang pagkain." 

Bumaba na kaming dalawa sa hapagkainan. Nag-iwas ng tingin ang tatlong ugok pagkakita sa amin. Buti naman. Baka madukot ko na ang mga mata nila kung sakaling nakatingin sila sa kapatid ko. Tahimik lang kaming kumain. Ramdam ko ang tensyon sa hangin. Iyong mga madadaldal na boarders ay nakakapagtakang tahimik pero mas gusto ko ang ganitong katahimikan dahil nar-relax ako.

Matapos ang awkward na hapunan ay kinausap ko ang mag-asawa.

"Pumapayag na ako."

"Salamat at pasensiya ka na kung hindi ko matutupad ang pangako ko sa'yo, Karmine."

"Basta ba ay hindi niya ipapahamak ang kapatid ko. Iyon lang ang hinihingi ko, Aling Tasing, Mang Edgar." Sabay na tumango ang mag-asawa sa akin habang ngiting-ngiti. Tsk.

Sana lang talaga ay hindi ko pagsisihan na pumayag ako’ng may ibang makausap o makasama ang kapatid ko dito sa kwarto.

Hindi ko ikinukulong ang kapatid ko sa apat na sulok ng kwartong ito. Pinoprotektahan ko lang siya sa lahat ng mga mapagsamantala at mapang-abusong mga tao. Kagaya na lang doon sa mga bastos na lalaking iyon. Hindi mo naman inaano pero nakikipasok ng kwarto ng may kwarto. Para ano? Para mambastos ng isang babae? Ng isang bata? Mga tarantadong hudas! Ang sarap nilang saksakin sa kamay at sa mga mata sa totoo lang nang magsitanda naman sila.

At least nabigyan ko sila ng leksiyon na huwag na huwag mambabastos ng mga babae at lalong-lalo na ng mga bata dahil talagang may kalalagyan sila akin.

Related chapters

  • Karmine’s Tale   CHAPTER TWO: KARINE RUIZ

    CHAPTER TWO: KARINE RUIZKarine’s Point of ViewBata pa lang ako ay pinoprotektahan na ako ng Ate ko sa kahit na ano at kahit na sino’ng makakapanakit sa akin. Kaunting galos lang ay halos magwala na siya sa galit. Palagi niya ring ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya, kung gaano niya ako kamahal. Sobrang suwerte ko nga sa kaniya kasi siya ang naging kapatid ko. Lahat ng pag-aalaga, atensiyon, oras at pagmamahal ni Ate ko ay nakalaan palagi sa akin hanggang sa nakasanayan ko na lang na halos lahat ng mga ginagawa niya ay para sa akin at sa kung ano’ng ikabubuti ko. Masayang magkaroon ng kapatid na kagaya niya kasi alam kong kapag nadapa ako ay nandiyan lang siya para tulungan akong bumangon. Na kahit na ano’ng mangyari ay hinding-hindi niya ako pababayaan.Noong bata pa ako palagi ako’ng pinapagalitan at inuutusan ni Mama kapag wala si Ate pero kapag nandiyan naman si Ate ay ang bait-bait niya sa

  • Karmine’s Tale   CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING

    CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDINGKarmine's Point of View"Secret. Basta, you will like it."Matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay nagpaalam na kami kay Aling Tasing. I'm planning to surprise her. Para naman mas lalo siyang ma-inspire mag-aral dahil sa reward system na igagawad ko sa kaniya. Nag-top one kasi siya sa buong klase niya after the first grading and I couldn't be more proud of her than I am now.Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makitang pamilyar ang lugar na binabaan namin. Hindi niya inaasahang dito kami pupunta. Natawa ako ng bahagya at marahang pinisil ang baba niya. Ang cute niya talaga. Marahil ay nagtataka siya kung ano ang ginagawa namin dito. Sabagay, I can't blame her for thatdahil ang huling araw na nandito kami ay noong pinalayas nila kami ng kapatid ko sa bahay nila. Tatlong taong mahigit na rin ang nakakaraan nang pinalayas kami ng asawa ni Tiya Delia sa bahay nila dahil sa sulsol

  • Karmine’s Tale   CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING PART 2

    CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING PART 2Karmine's Point of View"Ang ganda naman po rito, Ate ko…" namamanghang saad ng kapatid ko habang nakatitig sa asul na karagatan.True. Maliit na resort nga lang ito pero ang ganda ng karagatan at ng buong lugar. Napakapayapa pa kaya hindi ka magsisising ito ang napili mong resort na puntahan at pagpahingahan. Parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng lugar. Hindi ka mas-stress. Mar-relax ka talagang tunay, "Sana lang ay ganito kagandang view ang nakikita ko sa araw-araw.""Gosh, I can't wait to take a dip. Swimming na kaya tayo?" Nakangiting anyaya naman ni Adele sa amin ng kapatid ko."Sige, kung iyon ang gusto mo, ‘Nak. Pero huwag naman sanang agaw-pansin ng mga lalaki ang suotin, ha?" Bahagyang natawa naman ito sa bilin ng ina."Ma, naman. Maganda ako kaya natural agaw-pansin talaga ako kahit na ano pa ang suotin

  • Karmine’s Tale   CHAPTER FOUR: THE TASK

    CHAPTER FOUR: THE TASKKarmine’s Point of View “Bye, cousins. I enjoyed it. Sobra! Ingat kayo pauwi.” Sinagot ko naman ng isang pagtango at simpleng ngiti ang pamamaalam ni Adele bago kami pumasok ng kapatid ko sa boarding house. Naghanda ako ng chicken spread sandwich at juice para sa baon namin. Just in case na magutom kami. Matapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto namin—tsk, mamaya pala ay may roommate na kami which I totally dislike the idea—para ilagay sa mesa ang dalawang paper bag na ang laman ay sandwich at orange juice na nasa loob ng tumbler. Nagbihis lang ako ng uniform ng Business Administration which is a black pencil cut skirt, white long sleeve blouse with a black tie and a pair of black three inch high heeled shoes. “Ate, mauna na po ako at may report pa kasi akong gagawin.” Salubong niya sa akin pagkalabas ko ng kwarto. “Hold on.” Pigil ko sa kaniya. “Here, baon mo for this week.” Ibinigay ko sa kaniya

  • Karmine’s Tale   CHAPTER FIVE: KARMINE, THE HEARTBREAKER

    CHAPTER FIVE: KARMINE, THE HEARTBREAKERKarmine’s Point of View“Ms. Katigbak, pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng opisina niya dito sa faculty office.“Yes, nagtatanong na kasi sila sa akin kung ano na ang update sa pinapagawa namin sa iyo. It has been more than a month pero wala ka pa ring nagagawa. There’s no progress even just a bit. Had you already made a business proposal? If yes, na-proofread mo na ba? Do you need help in anything? How about the appointment? Nakapag-set ka na ba sa secretary niya? Or do you need my help?”“Relax, Ms. Katigbak, I already had my business proposal with me. And yes, natapos ko na iyong i-proofread for the nth time. And another, yes I already had an appointment with Mr. Mondragon and it’s scheduled next week. Walang nangyari sa loob ng isang buwan dahil puno na ang schedule ni Mr. Mondragon at hindi na kasi

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIX: THE SAVIOR OF THE NIGHT

    CHAPTER SIX: THE SAVIOR THE NIGHTKarmine’s Point of View People may judged me for all they want and I don’t really care at all. I don’t really care what they think of me but then sometimes I get really, really pissed. Hinuhusgahan nila ako sa kung ano man ang nakikita ng mga mata nila at kung ano man ang mga naririnig ng mga tainga nila at naman talaga iyon maiiwasan. Pero nakakainis lang kasi na hindi naman nila ako kilala pero kung makapanghusga sila akala mo naman ay kilalang-kilala nila ako. Would they rather me giving John a chance to fool him and hurt him in the process? Kasi ako hindi ko iyon kaya. Mas mabuting masaktan ko siya ngayon sa katotohanan kaysa sa masarap na kasinungalingan at panlilinlang. I knew for a fact that I don’t love him. I can’t love him. After all, I’m not capable of loving someone. I’m a beast, an untamable one well, at least, that’s what I thought and I perceived myself to be. Napabutong-hininga ako at ipinilig ko ang ulo ko. Ayaw ko ng pakaisipin pa

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SEVEN: ROBERT EZEKIEL MONDRAGON

    CHAPTER SEVEN: ROBERT EZEKIEL MONDRAGONRobert Ezekiel’s Point of View “Ang mukhang ito na napakagwapo ay nagawa pa niyang isnabin? The nerve of that lady, man! Ang lakas ng loob niyang gawin sa akin ‘yon. Hindi ko ito matatanggap. Hinding-hindi! Hoy, Kiel! Nakikinig ka ba sa akin?” I just shook my head at him. Puro nonsense at mga kabulastugan lang naman ang mga pinagsasabi niya. If I don’t know him well enough I’ll think that he is in love with the girl he is talking about which made me cringed. Love and Nigel in one sentence is next to impossible. Love. It’s only applicable for the bunch of fools and I don’t belong to that group. Never again. Not anymore. Why would you bother yourself loving someone else? What benefit would you get if you love a person? Absolutely nothing. You’ll just give yourself another problem and a series of heartache and headache. “Are you in love with her?” I asked him with full of disgust.

  • Karmine’s Tale   CHAPTER EIGHT: THE FATHER I NEVER HAD

    CHAPTER EIGHT: THE FATHER I NEVER HADKarmine’s Point of View Who would have thought that Cielo would be my friend? Si Cielo iyong lalaking nagwala sa club at siya rin iyong inuto ko para kumalma at tumigil sa pagt-terrorize sa lahat ng nasa club ilang linggo lang ang nakakaraan. And who would have thought that he’s actually a nice person in the reality? He might look scary at first but that’s just his front, it’s only his façade to appear and look strong and look intimidating to other people para siya maloko nila. Yet, in the reality, he’s just a sad, scarred and lonely old man deep inside of him. I pity him at some point but I know he don’t need it. No one need to be pitied on. No one actually wanted to be pitied upon. And, yet in an odd way, I found a father figure within him. But people don’t just understands it because they kept on putting colors on our relationship. People nowadays are too narrow and fickle minded that they kept on putting colors making stories in their heads a

Latest chapter

  • Karmine’s Tale   EPILOGUE

    EPILOGUERobert Ezekiel Mondragon's Point of ViewA thought suddenly crossed my mind and I shuddered with that terrifying thought. "No, please, no!" I muttered, unconsciously, scared for the unknown.Samu’t saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Naroon ang pagkagulat, pagkalito, pagtataka at ang pinakapinagtatakhan ko sa lahat ay ang awa at lungkot na bumalatay sa mga mata niya.“Manang, hey!” I snapped my fingers in front of her.“U-Uh, hijo. A-Ano nga ulit iyong tanong mo?”Hindi ko alam kung bakit pero naginangatngat na ng kaba at takot ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay may mali...May mali talaga pero hindi ko mawari kung ano iyon at kung bakit ganito na lang ako makaramdam ng takot.“Manang, naman!” naibulalas ko. Unti-unti na ako'ng nakakaramdam ng pagkainis. “Tinatakot mo ako, Manang! Ano na nga? Nasaan na ang mag-ina ko?” naiirita kong tanong sa hanggang ngayon ay clueless pa rin niyang mukha.“Hijo, Kiel, Diyos ko! M-Mag-ina?”“Yes, Manang Edna! Mag-ina! Ang ma

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SEVENTY: A WONDERFUL DREAM

    CHAPTER SEVENTY: A WONDERFUL DREAM Robert Ezekiel Point of View“Hooo.”Kanina pa ako palakad-lakad at paroon at parito dito sa labas ng Delivery Room ng ospital na parang sirang plaka.Hindi ko namalayang nangingiti na pala ako na parang baliw dito. Kinakabahan ako na natatakot na na-e-excite at natutuwa all at the same time!Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng mixed emotions kung ang pinakamamahal mong asawa ay nasa loob ng Delivery Room at kasalukuyang nanganganak sa panganay mo na bunga ng pagmamahalan niyo?Hindi niya ako pinayagang samahan siya sa loob ng DR habang nanganganak siya sa panganay namin dahil baka raw ay mahimatay ako sa takot at baka raw ay bangungotin ako ng ilang gabi.Bahagya ako'ng napatawa sa kilig sa naisip. My wife is so sweet, isn’t she?Now, now, I really can’t blame my wife for thinking that way. Minsan ko na kasing naisip na manuod ng videos online about sa mga babaeng nanganganak and the third video I happened to click was the mother delivering birt

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-NINE: AMIDST LIFE AND DEATH PART 2

    CHAPTER SIXTY-NINE: AMIDST LIFE AND DEATH PART 2Karmine's Point of ViewI don’t know how long we were chained in the walls and detained here, but all I know is that each passing day, they are starting to despise me even more. “Masaya ka na ba?” Napapitlag ako sa biglang pagkausap sa akin ni Max.Napabuntong-hininga ako. Hindi talaga lumilipas ang isang buong araw na hindi ipinapamukha ni Max sa akin ang naging kasalanan ko. At kapag ginagawa niya iyon ay mas lalong nag-guilty ako. But as if my guilt and conscience can do anything to save us.“Hindi ako masaya, Max. Hindi rin ako natutuwa sa mga nangyayari sa atin kung iyan ang ipinupunto mo.”Hilaw na tumawa siya at tinapunan ako ng matalim na tingin, “Sino bang bobo ang nagdala sa atin sa ganitong sitwasyon? Hindi ba’t ikaw? Kaya ano’ng magagawa ng konsensiya mo? Maaalis ba kami noon dito? Maililigtas ba kami niyang konsensiya mo?”Tumunghay si Jelina at napapailing na tiningnan ako. She gave me a sad smile, “May anak ako, Karmine.

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-NINE: AMIDST LIFE AND DEATH

    CHAPTER SIXTY-NINE: AMIDST LIFE AND DEATHKarmine’s Point of View“Argh!”I woke up with a splitting headache and my ears are ringing. Parang gusto kong biyakin ang ulo ko para mawala ang sakit at kirot.Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero halos hindi ko magawa. Ramdam ko ang pangangapal ng mata ko maging ng buong mukha ko na para bang kinagat ng ‘sangkatutak na lumilipad na nakakadiring ipis. Ni hindi ko nga magawang maibuka ng maayos ang mga mata ko dahil kapag sinusubukan kong gawin ay ramdam na ramdam ko ang sumisigid na kirot dito dahilan para mapilitan ako'ng ipikit ang mga mata ko.That mother-fucking-son of a bitch! I swear I will make him pay for all of this one day! One way or another!Hindi lang pala ang ulo ko ang sobrang masakit kundi maging ang buong katawan ko. Damn. What the hell did just happened?“Your plan backfired on you, huh.” My head snapped back—it added to the intensity of the pain I am feeling—when I heard that familiar cold voice of a woman I’ve known

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-EIGHT: THE ACT OF BETRAYAL PART 3

    CHAPTER SIXTY-EIGHT: THE ACT OF BETRAYAL PART 3Karmine's Point of ViewI was walking down the familiar hallways of this mansion that once housed me when I was under Howard’s care.Nothing much had change. It still is beautiful. The whole mansion screamed of wealth, money, power and opulence, although no matter how pleasing it is to the eyes some of its parts are burnt down, courtesy of me.Nakasalubong ko si Grayson na kung hindi ako nagkakamali ay assistant ni Howard. He was holding some papers, yumuko siya ng magkasalubong kami at bahagyang ngumiti.“Hello, Gray,” nakangiting bati ko dahilan para ngumiwi siya.“Hello, Karmine. Uh, gotta go, ang dami ko pang kailangang gawin.” Awkward na ngumiti siya sa akin at itinaas ang mga papeles na hawak.He looks scared of me. Well, he really should. It's a good thing that Howard prepped his people when it comes to me.“How’s your job, Grayson?”Napalunok siya at bahagyang pinagpapawisan, “I am doing my job well. Anyway, I really need to go.

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-EIGHT: THE ACT OF BETRAYAL PART 2

    CHAPTER SIXTY-EIGHT: THE ACT OF BETRAYAL PART 2Karmine's Point of View"I'm sorry."Silly me.So damn stupid of me to think that they will understand me and forgive me for betraying them.My sorry is not and will never be enough for the damage I’ve done to them and the betrayal I’ve just committed. I bit my lips hard I felt the rusty smell and that rustic aftertaste of blood in my mouth as I let my tears fall, “I’m really sorry, guys. Oh, God! Patawarin niyo ako...”“B-Bakit? Bakit, Karmine? Hindi ba ako naging mabuting ama sa iyo? Hindi pa ako naging mabuting kaibigan? May pagkukulang ba ako? May nagawa ba ako'ng kasalanan sa iyo na hindi ko alam? Ano’ng mali ang ginawa ko sa iyo para traydurin mo ako—kaming lahat ng ganito kalala at kalupit? Nakalimutan mo na ba kung ano’ng klaseng hirap ang naranasan mo ng dahil sa kaniya? Kung—”“Correction, Westley. My darling doll suffered not just in my hands but yours as well. ‘Wag kang masiyadong maghugas ng kamay dahil isa ka rin sa dahilan

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-EIGHT: THE ACT OF BETRAYAL

    CHAPTER SIXTY-EIGHT: THE ACT OF BETRAYALKarmine’s Point of View“So, ano, Karmine? Napapayag mo siya, hindi ba?” excited at ngiting-ngiti na tanong ni Jelina sa akin pagpasok na pagpasok ko sa mala-haunted mansion ni Wolf.Hindi ako sumagot sa kaniya.“Hindi ba at napapayag mo siya sa plano natin? Right?”Nandoon silang lahat minus Brandon Adams who has been MIA since he let his undying love for Astrid go, in order for her to be with Robert. Too bad for her her plan failed. It all backfired on her. Sila ay mga nakatipon sa malawak at dim-lighted na living area habang nakaupo sa mga mamahaling upuan at mariing nakatitig sa akin.Hindi man sila magsalita ay alam kong ang gusto nilang marinig mula sa akin, sa sarili kong mga bibig ang balitang papabor sa amin. I know that they are expecting me to bring them a good news like I always does, but today is diferrent from the days before. And the news that I have now is exactly the very opposite of it.I sat on the single sofa and roamed my

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-SEVEN: ANOTHER DAY WITH THE MONDRAGONS PART 2

    CHAPTER SIXTY-SEVEN: ANOTHER DAY WITH THE MONDRAGONS PART 2Karmine's Point of ViewKulang na lang ng crickets sa sobrang tahimik nila at buo na ang sound effects. Napa-tsk ako pero ilang minuto pa muna ang nagdaan na sobrang tahimik ng lahat.The thick, tense and awkward atmosphere dissipitated when Juno asks us a personal question na ikinatawa ko ng malakas."Uh, so what are you guys doing in his room for hours?"He looks like a kid very curious of the questions swarming on his mind. Nilingon ko ang katabi kong pinamulahan agad ng mukha at nag-iwas ng tingin. Binatukan naman ni Bruno ang sariling Kuya dahil sa tanong nito.Humagikgik si Reina at tiningnan kami ng kapatid niya ng makahulugan habang itinataas-baba niya ang magkabilang kilay niya, "So, what did you guys do? I mean mula ten AM hanggang eight PM? Hindi naman puwedeng nag-jack-en-poy lang kayong dalawa sa kwarto ni Kiel, hindi ba?""S-Shut up, Reina!" paasik na saway ni Robert sa kapatid niya habang bahagyang nag-stutter p

  • Karmine’s Tale   CHAPTER SIXTY-SEVEN: ANOTHER DAY WITH THE MONDRAGONS

    CHAPTER SIXTY-SEVEN: ANOTHER DAY WITH THE MONDRAGONSKarmine's Point of ViewNapailing ako sa kaniya dahil mas nauna pa akong matapos mag-ayos kaysa sa kaniya, "Seriously, Robert? Sino ba talaga sa atin ang mas babae?"Kunot-noong nilingon niya ako. Muntik na ako’ng mapabunghalit ng tawa pero pinigilan ko dahil sa nakikita kong reaksiyon niya. Mukhang napipikon na siya.Ang bilis niya pa lang mapikon sa mga simpleng asaran lang."And what do you mean by that?"I shrugged my shoulders at him kunwari before answering his question nonchalantly, "Well, kanina after we made love mas nauna ka pang makatulog kaysa sa akin. Mukhang mas napagod ka pa kaysa sa akin and now mas nauna pa ako'ng natapos maligo at mag-ayos ng sarili kaysa sa iyo."Nanlaki iyong mga mata niya sa sinabi ko at namula ang magkabilang pisngi niya."Pfft—!"Iyon lang at napabunghalit na ako ng malakas na tawa sa harap niya. Natatawang sinalo ko ang tuwalyang ibinato niya sa mukha ko dala ng pagkapikon niya."Enough!"Hin

DMCA.com Protection Status