“Mama, please huwag mo po kaming iwan ng kapatid ko. Hindi po namin kayang mawala ka. Please po dito ka na lang. Huwag mo na lang po kaming iwan. Maawa ka po sa amin. Sige na po. Pangako ko po magpapakabait ako ng sobra at hinding-hindi mo pagsisisihan na kami ang pinili mo. Hindi ko pasasakitin ang ulo mo. Hindi kita bibigyan ng problema. Gagawin ko ang lahat-lahat para sa'yo, para sa pamilya natin. Please, manatili ka na lang po dito. I love you. Huwag mo na kaming iwan. Hindi namin kakayanin. Masasaktan ako pati na rin si Karine. ‘Di ba po mahal mo kami? Dito ka na lang. Huwag ka na lang sumama sa kaniya. Anak mo naman kami kaya po pakiusap huwag mo na lang kaming iwan. Maawa ka po sa amin. Kailangan ka namin ng kapatid ko.”
Ito ako, o nakaluhod, umiiyak at nagmamakaawang huwag niya kaming iwan at abandunahin. Kasi hindi namin kakayaning wala siya. Kasi kailangan namin siya. Kasi kailangan namin ng isang inang mag-aalaga at gagabay sa amin.
Akala ko ba walang magulang na gustong makitang nasasaktan ang kaniyang mga anak pero bakit siya kaya niya? Pero bakit siya kaya niyang iwan ang mga anak niya para lang sa isang lalaki? Bakit kaya niyang ipagpalit kaming mga anak niya para lang sa ibang tao? Sa isang lalaki na pupuwede siyang saktan at iwan balang-araw? Wala ba kaming halaga para sa kaniya? Hindi ba niya kami mahal? Hindi ba kami mahalaga?
“Balang-araw ay maiintindihan mo rin ako. Nagmamahal lang ako. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Pinapili niya ako, Karmine kung kayo daw ba o siya. I’m sorry, anak pero siya ang pinili ko. Siya ang pinipili kong makasama habang buhay. Isang araw maiintindihan mo ako at ang mga naging desisyon ko. Kaya naman ay alagaan mo ang sarili mo at ang kapatid mo. Mahal na mahal ko kayo.” Tinanggal niya ang mga braso kong mahigpit na nakapulupot sa mga binti niya. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinarap sila ng lalaki niya. Matalim ang mga tingin ko sa kanila. Nakakatusok. Nakakapaso. Pero parang hindi nila alintana iyon. O sadyang wala lang talaga silang pakialam? Sabagay, sino ba naman ako para matakot sila sa akin? Anak lang naman niya ako samantalang ang lalaking iyon ay ang mahal niya, ang siyang pinipili niyang makasama sa buhay.
“Bakit ka umiiyak? Nasasaktan ka ba? Kasi kung oo, hindi mo kami iiwan para sumama sa lalaking iyan! Mahal mo kami!? Sinungaling! Kasi kung totoong mahal mo talaga kami ay hindi mo kami magagawang ipagpalit kanino man! Hindi mo kami magagawang iwan! Hindi mo kami tatalikuran para sa ibang tao! At kahit kailan at kahit na anong mangyari ay hinding-hindi kita maiintindihan dahil wala akong balak na gayahin ka! Kaya kung aalis ka ay umalis ka na! At kapag umalis ka at sumama sa lalaking iyan ay wala ka ng babalikan pa! Wala ka ng babalikang mga anak pa!” banta ko.
I’m hoping against hope na sana kami naman ang piliin niya. Kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang niya kami piliin. Ikatutuwa ko. Namin ng kapatid ko. Bata pa ang kapatid ko. Kailangan niya ng inang gagabay sa kaniya. Kailangan namin ang Mama namin. Kailangan namin siya.
"I'm sorry, anak ko pero ito sana ang pakatatandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo. Sobra. Hindi nga lang kayo ang makakapagpasaya sa akin. Pero alam ko namang darating ang araw na maiintindihan mo ako at kung bakit ganito ang desisyong napili ko. Palagi sana kayong mag-iingat na dalawa, ha? Paalam. Mahal na mahal kayo ni Mama."
Sinungaling!
Manloloko!
Masamang ina!
Walang kuwentang magulang!
"Sinungaling! Kung talagang mahal mo kami ay hindi mo kami sasaktan ng ganito! At kung tunay na mahalaga kami sa'yo ay kami ang pipiliin mo! Pero hindi, e mas pinipili mo siya kaysa sa amin! Mas pinipili mo ang lalaki mo kaysa sa aming mga anak mo! Mas pinipili mo ang lalaki mo kaysa sa aming dalawang inire at iniluwal mo! Pero kung iyan ang nais mo ay umalis ka na! Hindi na kita pipigilan pa. Pero huwag ka nang babalik pa at hindi ka na namin kailangan!"
“Agnes, halika na. Mahuhuli na tayo.” Marahan niyang pinunasan ang luha niya at umiling sa akin. Halos manlabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang walang humpay kung bumuhos.
“Patawarin mo sana ako, Anak pero gusto kong sumaya. At hindi kayo iyon. Hindi ko sa inyo mararanasan ang kasiyahang iyon.” Tumalikod na siya. Talagang iiwan niya kami. Talagang wala kaming halaga para sa kaniya.
Hinayaan kong tumalikod siya at mawala sa paningin ko. Sa buhay namin ng kapatid ko. Marahas kong pinunasan ang luha ko. Wala ka nang babalikan pa, Agnes. Sinisiguro ko iyan. At talagang aalagaan ko ang kapatid ko. Hindi mo na ako kailangan pang bilinan at utusan. Hindi ka namin kailangan. Tama. Hindi ka namin kailangan ng kapatid ko. Hindi kita kailangan sa buhay ko.
Kumuyom nang madiin ang kamao ko.
Marahan kong hinaplos ang buhok ng kapatid ko. Ang bata pa niya para mawalan ng ina. Wala na nga siyang kinagisnang ama pati ba naman ang nanay niya ay mawawala pa? Bakit kailangan nilang maging makasarili? Hindi man lang ba nila inisip ang mararamdaman namin? Bakit pa sila nag-anak kung pababayaan lang naman nila kami? Bakit pa sila nag-anak kung iiwan lang din pala nila kami? Sana hindi na lang sila nag-anak kung ganito lang rin naman pala ang gagawin nila. Wala silang karapatang tawaging mga magulang kung ganoon.
“Ikaw na lang ang mayroon ako, Karine. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawawala rin sa akin. Aalagaan kita. Ako ang tatayong Mama at Papa mo. Mahal na mahal kita. Hindi kita iiwan kahit na ano pa man ang mangyari.” Hinalikan ko ang maliit niyang mukha.
“Ate? Bakit ka po umiiyak? May masakit ba sa iyo? May umaway ba sa iyo?” Napangiti ako. Mahinang tinapik-tapik ko ang hita niya para mabilis siya ulit na makatulog.
“Wala. Sige na matulog ka pa. Hindi pa nagpapakita si Haring Araw. Pikit na...” Napangiti siya sa sinabi ko. Ang ganda talaga ng kapatid ko. Hindi ako magsasawang titigan siya.
KINABUKASAN ay nangyari na nga ang siyang kinakatakutan ko. Ang magtanong siya kung nasaan na ba ang babaeng iyon.
“Ate... Hoy, Ate... Ate, naman, e.” Napangiti ako ng makita ang nakabusangot niyang mukha at ang bahagyang pagdadabog niya.
“O, ba’t nakabusangot ang magandang mukha ng prinsesa ko? Nagugutom ka pa ba?” Nagdadasal ako na sana huwag siyang magtanong kung nasaan si Agnes.
“Nasaan po ba si Mama ko, Ate? Hindi ko pa siya nakikita, e. Gusto ko siyang i-kiss ng marami bago mo ako ihatid sa eskwela.” Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang lahat nang hindi nawawala ang ningning ng kasiyahan sa mga mata niya.
Napabuntong-hininga ako.
“Wala na siya rito, e. Puwede ba na tayong dalawa na lang muna ang magkasama? Ayos ba iyon sa baby princess ko tapos ako na lang ang iki-kiss niya ng madami?”
Napangiti siya sa paglalambing ko at tumango-tango habang nagniningning ang mga magaganda at bilugan niyang mga mata sa kasiyahan. Ayokong mawala ang inosenteng kislap sa mga mata niya kapag nalaman niya ang totoong nangyari at ginawa ng pinakamamahal niyang Mama. Mas mabuting ako na lang ang masaktan at magdusa sa mapait at masakit na katotohanan, huwag lang siya.
“Sige, po. Hatid mo na po ako.” Ayon nga at hinatid ko na siya sa klasrum niya.
Habang pauwi ako sa amin ay ramdam ko ang mga mapanghusgang mga tingin ng mga chismoso’t chismosang kapitbahay namin. At ang mga nakakairita nilang mga bulong-bulongan kung bulong pa nga bang matatawag ang ginagawa nila. Dalawang bahay bago ang inuupahang bahay namin ay hinarangan ako ni Pia kasama ang mga kaibigan niyang kinulang sa tela at nagmukhang payaso na sa kapal ng make up nila.
“Aww! Kawawa ka naman, ganda. Iniwan na kayo ng nanay mong malandi. Ayon, sumama na sa lalaki niya. Girls, sinong kawawa?” pang-aasar niya sa akin habang malaki ang ngising nakaguhit sa mukha niya.
“Si Karmine,” sagot nila gamit ang nanunuksong boses at sabay-sabay silang lahat na nagtawanan.
Hindi ko sila maintindihan. Ni minsan ay hindi ko naintindihan kung bakit kailangang maghilahan pababa ng mga tao. Bakit sila nagsasaya sa problema ng ibang tao? Bakit sila masaya kung alam naman nilang nasasaktan at nalulungkot ang taong inaasar nila? Bakit sila nagsasaya at natutuwa kung may mga taong nalulungkot at nasasaktan dahil sa mga masasakit na pangyayari sa buhay nila?
“Ayoko ng gulo, Pia. Please lang.” Sinubukan ko siyang lampasan pero hinablot niya ang braso ko para pigilan ako. Itinulak niya ako nang malakas.
“Ayaw mo ng gulo? Pero paano ba iyan? Kasi ako gusto ko!” Bago niya pa ako masampal ay napigilan na siya ni Tiya Delia at nahila na ako nito papasok ng inuupahang bahay namin.
Pinapasok ko siya sa bahay namin atnalok ko rin siya kung gusto niya ba ng maiinom pero tumanggi siya.
“Nabalitaan ko kung ano ang nangyari. Pagpasensiyahan mo na ang Mama mo, ha, Karmine? Ngayon lang kasi ulit iyon nakahanap ng lalaking mamahalin niya na mahal din siya pabalik. Kaya siguro ganito ang naging desisyon niya. Padalos-dalos at hindi nag-iisip ng tama.”
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Kumuyom din ang mga kamao ko sa kalokohang sinasabi niya.
“Tiya, naman. Maglolokohan pa ba naman tayo dito? Pinili niya ang lalaking iyon dahil hindi kami sapat ng kapatid ko para lumigaya at sumaya siya! Inabandona niya kami kasi wala kaming halaga ng kapatid ko sa kaniya! At mas pinili niya ang lalaki niya dahil wala siyang kwentang ina! Iyon ‘yon! Huwag mo na siyang pagtakpan pa at ipagtanggol pa, Tiya dahil kung nandito ka para bigyang rason ang kalokohan niya at ipagtanggol ang pang-aabandunang ginawa ng kapatid mo sa amin ay mag-aaway at magkakagulo lang tayo rito. Kaya, Tiya ang mas mabuti pa ay umalis na lang kayo rito at umuwi na sa inyo.”
“Pasensiya ka na sa nasabi ko, Karmine. Hindi ako nandito para pagtakpan o ‘di kaya’y ipagtanggol ang kapatid ko. Pasensiya ka na rin kung tingin mo ay nangingialam at nanghihimasok ako sa buhay niyo. Pero gusto mo bang sa amin ka na muna tumira? Kayong dalawa ng kapatid mo? Para naman may kasama kayo sa bahay at may mag-aalaga sa inyo.” Alok niya pero tumanggi ako. Ayaw ko ng gulo at kung doon kami titira, sigurado akong aawayin lang ako ni Adele. Si Adele ay anak niya na pinsan at classmate ko pero hindi kami kailanman nagkasundo. Palagi siyang galit sa akin at kung ano-ano’ng mga kalokohan ang ibinibintang sa akin na hindi ko naman ginawa.
“Pero menor de edad ka pa. Dahil umalis na si Agnes at wala nang gagabay pa sa inyong dalawa ay tiyak akong kukunin kayo ng DSWD at paghihiwalayin.”
Hindi ko alam kung tinatakot ba niya ako o ano pero talagang natakot ako sa sinabi niya. Natatakot ako’ng paghiwalayin kami ng kapatid ko. Siya na lang ang mayroon ako, siya na lang ang nag-iisa kong kayaman at hindi ako makakapayag na may taong maghihiwalay sa amin kaya naman ay pumayag na muna ako’ng doon na muna kami tumira sa kanila. Pansamantala. Kahit medyo labag sa loob kong humingi ng tulong sa iba, kahit pa sabihin natin na tiyahin ko siya. Kung nagawa nga ako’ng iwan ng sarili kong ina ay siya pa kayang tiyahin ko lang?
Pero tunay nga na napakabuti, napakaalalahin at napakabait ni Tiya sa ami . Pero kung ano ang ikinabuti niya ay siya namang ikinasama ng ugali ng nag-iisa niyang anak at ng asawa niyang lasinggero at batugan.
Hahabaan ko na lang ang pisi ng pasensya ko kay Adele para hindi ko siya magawang patulan sa lahat ng mga kawalanghiyaan niya. Doon kami sa kanila tumira ng higit sa tatlong taon. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang araw na hindi sinagad ni Adele ang pasensya ko. Walang araw na hindi niya sinira ang araw ko. Hindi ko siya pinapatulan kahit na anong bintang at kalokohan ang gawin niya sa akin dahil malaki ang utang na loob ko sa nanay niya. Pero nawala ang lahat na pagtitimping mayroon ako ng idamay niya sa galit niya sa akin ang kapatid ko.
Katatapos ko lang maglabada para sa isa sa may-kayang kapitbahay namin ng makita kong mahigpit na hawak ni Adele ang maliit na braso ng kapatid ko. Hindi na siya naawa sa bata. Mabilis ako’ng lumapit sa kanila at malakas ko siyang itinulak pahiwalay sa kapatid ko.
Galit na hinarap ko siya gamit ang nanlilisik kong mga mata. “Wala kang karapatang saktan ang kapatid ko, Adelaide San Juan! Tiniis ko! Tiniis ko ang lahat ng pananakit mo sa akin pero ang kantiin mo at saktan mo ang kapatid ko ay hindi ko iyon kayang palampasin! At hindi ko iyon mapapalampas!” sigaw ko sa mismong mukha niya at marahas na tinanggal ang mahigpit niyang hawak sa braso ng kapatid ko.
Napasigaw siya ng mariin kong hawakan ang kamay niya. Naiipit ang mga daliri niya sa loob ng palad ko. Kung dadagdagan ko ng lakas ay sigurado akong madudurog ko ang mga buto sa kamay niya.
“Aray!” sigaw niya bago marahas na haklitin ang kamay niyang hawak ko. Hinayaan ko na lang na mabawi niya ang kamay niya. “Kung hindi ka ba naman kasi malandi kagaya ng nanay mo ay bakit kailangang pati ang nobyo ko ay inakit mo? Wala kang utang na loob na babae ka! Matapos ka naming patirahin sa pamamahay namin? Matapos ka naming palamunin ng ilang taon? Ito talaga ang igaganti mo? Ang ahasin mo sa akin ang nobyo ko? Malandi ka talagang babae ka!” Gigil na gigil na dinuro niya ako sa mukha.
“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Adele. Hindi ko kailanman inakit o nilandi ang nobyo mo.”
Huwag mong sabihing tinotoo ng lalaking iyon ang banta niya?
“Sinungaling! Sinabi niya sa akin na mahal ka niya at nagmamahalan daw kayong dalawa! Malandi ka talagang babae ka!” Hinayaan ko siyang sabunutan ako pero nang makita kong muntik ng matumba ang kapatid ko dahil sa marahas niyang pagtulak dito ay sinabunutan ko na rin siya pabalik.
Wala na ako’ng pakialam sa mangyayari pa.
Sumusobra na ang babaeng ito. Wala siyang ni katiting na karapatan na saktan ang kapatid ko at idamay sa galit niya sa kasinungalingang hinabi ng walang kuwenta at pangit niyang nobyo!
“Tama na! Ano bang nangyayari rito? Hindi na kayo nahiya sa bata! At talagang sa harap pa niya ninyo napiling mag-away.” Napatigil ako sa pagsabunot sa kaniya ng marinig ko ang boses ni Tiya at fanoon din ang ginawa ni Adele. Binitawan niya ang marahas na pagsabunot sa buhok ko.
Aray ko po!
“Siya po ang may kasalanan, Mama! Inakit niya po si Badong! Nakipagsiping siya sa nobyo ko! Inaahas niya ang nobyo ko! Malandi kasi siya! Manang-mana sa nanay niya!” Nahihintakutan kong tiningnan si Tiya sa mga mata niya. Marahas na iniling-iling ko ang ulo ko. Tanda na hindi totoo ang ibinibintang sa akin ng sarili niyang anak.
“Hindi po! Hindi po totoo iyon, Tiya! Hindi ko po magagawang akitin at landiin si Badong! Wala po akong gusto sa lalaking iyon! Maniwala po kayo! Please, naman po. Wala po akong ginagawang masama,” humihikbing pakiusap ko.
Pakiramdam ko ay bumalik ako sa dati na umiiyak at nakikiusap kay Agnes na huwag kaming iwan pero iniwan niya pa rin kami ng kapatid ko.
“Sinungaling! Ang ibig mo bang sabihin ay si Badong ang nagsisinungaling sa inyong dalawa? Ha! Hindi sinungaling si Badong! Sinabi niya sa aking may relasyon kayo! Na inakit mo siya! Na nilandi mo siya kaya niya ako gustong hiwalayan! Para makapagsama na raw kayong dalawa! Malandi ka na nga sinungaling ka pa! Wala ka talagang utang na loob! Kinupkop ka namin at pinakain tapos ito pa ang igaganti mo sa kabutihang ginawa namin? Kaya ka siguro iniwan ng Nanay mo dahil alam niyang lalaki kang sinungaling at malandi!”
Inilang hakbang ako ng asawa ni Tiya at malakas na sinampal. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa lakas noon. Halos matumba ako sa sahig. Bahagya pa akong nahilo. Nalalasahan ko rin ang malakalawang na lasa ng dugo sa loob ng bibig ko.
Napangiwi ako at sinapo ko iyong pisnging nasampal. Marahan ko iyong hinilot-hilot.
“Walang hiya kang babae ka! Matapos ka naming tanggapin sa pamamahay na ito ay iyan pa ang igaganti mo sa lahat ng kabutihang ipinakita namin sa inyo ng kapatid mo? Ang ahasin ang nobyo ng pinsan mo? Lumayas ka rito! Kayo ng kapatid mo! Hindi namin kayo kailangan dito! Alis! Lumayas kayo sa pamamahay ko!” Kinuyom ko ang kamao ko sa galit, pagkapikon at pagtitimpi.“Teka lang, Bert bakit kailangan pa nating umabot sa ganito? Hindi natin sila puwedeng palayasin. Walang mag-aalaga sa kanila. Wala silang ibang mapupuntahan. Tayo na lang ang pamilya nila.”
Kahit kailan talaga ay napakabuting tao ni Tiya sa amin ng kapatid ko. Kahit na nagkasakitan na kami ng nag-iisa niyang anak ay ayaw pa rin niya kaming mapahamak. Ayaw pa rin niya kaming abandonahin kagaya ng ginawa ng sarili niyang kapatid, ng sarili naming ina. Minsan naiisip ko na sana siya na lang ang Mama namin. Nakakainggit si Adele. Mayroon siyang isang mabuti at mapagmahal na ina. Kung sana ay puwede lang akong mamili ng magulang ay siya talaga ang pipiliin ko. Siya ang gugustuhin kong maging ina namin ng kapatid ko. Dahil napakabuti niya. Maalaga siya, maalalahanin, mapagmahal at sobrang bait pa.
“Hindi, Delia. Iyang dalawang sampid mo na iyan ang aalis dito o kami ng anak mo. Mamili ka. Dali. Bilis.” Namutla si Tiya Delia sa banta ng asawa.
“Ano? Pero po, Papa sila dapat ang umalis rito. Hindi tayo. Bahay natin ito, e.” Bago pa makapagsalita ulit ng masasakit na salita si Adele ay sumingit na ako sa usapan nila.
“Aalis na lang po kami ng kapatid ko. Maraming salamat po sa lahat-lahat, Tiya. Habang buhay ko pong tatanawing malaking utang na loob ang pagpapatirang ginawa mo sa amin ng kapatid ko rito. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalala niyo po sa amin. Ang bait at buti niyo sa aming dalawa. Binago niyo po ang pananaw ko—” Na lahat ng mga magulang ay kagaya ng mga magulang namin. Mga walang kuwenta. Pero hindi ko na iyon isinatinig pa dahil alam kong masasaktan siya para sa kapatid niyang walang kuwenta. “Pasensya na po kayo sa gulong naidulot namin ng kapatid ko sa pamilya niyo, pasensiya na po kayo kung nagkagulo kayong pamilya dahil sa amin. Pero maraming-maraming salamat po talaga sa lahat ng tulong at nagawa niyo para sa amin ng kapatid ko, Tiya.”
“Pero disi-otso ka lamang at saka saan naman kayo tutuloy? Wala kayong ibang mapupuntahang dalawa,” nag-aalala niyang tanong.
“Hindi ko pa po alam sa ngayon. Atsaka po nasa tamang edad naman na ako kaya naman ay laya ko na pong buhayin ang sarili ko at ang kapatid ko. Sige po. Maya-maya’y aalis na rin po kami rito.”
Hawak ang kamay ng kapatid ko ay mabining hinila ko siya papasok sa kwartong tinutuluyan namin rito.
“Ate, saan na po tayo nito pupunta?” Pinunasan ko ang luhang naglandas sa pisngi ng kapatid ko.
“Sa ngayon ay hindi ko pa alam pero bahala na. Basta ito lang ang tatandaan mo, hinding-hindi ka iiwan at pababayaan ni Ate, okay? Alam mo ba kung bakit? Kasi lab na lab ka ni Ate.” Gigil kong hinalikan ang mataba at mamula-mula niyang pisngi.
“Ako po din po. Lab na lab din po kita. Sobra.” Natawa ako nang marinig ko ang cute na hagikgik niya.
Kasalanan mo ang lahat ng ito, Agnes! Kung hindi mo kami iniwan at inabandona ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito sa amin! Hindi sana kami mahihirapan ng ganito katindi! Hindi sana kami nakikituloy sa bahay ng may bahay! Hindi sana kami nakikiamot ng pagmamahal sa nanay ng may nanay! Wala ka talagang kuwentang ina, Agnes! Kayong dalawa ni Kiko ay magkatulad na walang kuwenta!
Kapag kami talaga ng kapatid ko ang nakaalis sa putik na ito ay hahanapin ko kayo at ipapamukha sa inyo na napagtagumpayan kong umangat nang walang tulong ni isa man sa inyo!
Mga walang kuwentang magulang! Mga hindi karapat-dapat na tawaging magulang!
CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ Karmine's Point of View Napatigil ako ng humarang sa harap ko si John. Isa sa Senior Engineering Student na napapabalitang may gusto raw sa akin, "Puwede ba kitang mayayang mag-early lunch ngayon? My treat." He smiled at me, showing me his set of pearl white teeth. Gwapo si John, matalino at mayaman. At higit sa lahat gusto niya ako, gustong-gusto. Ang pagkagusto niya sa akin ay umabot na sa puntong ibibigay niya ang lahat ng gusto ko at lahat ng mga hihilingin ko sa buhay. Kung tutuusin ay puwede ko siyang gamiting tulay para umangat at hindi na ako maghirap pa pero hindi ko ginawa, hindi ko magagawa at hinding-hindi ko magagawang gawin dahil wala akong gusto sa kaniya. At dahil ayaw ko ng dagdagan ang malaking gap na namamagitan sa amin ng kapatid niya. Hindi ko siya kayang gamitin, hindi lang dahil sa kapatid niya kung hindi dahil hindi ako ang tipo ng babaeng gagamit ng isang lalaki o ng isang ta
CHAPTER TWO: KARINE RUIZKarine’s Point of ViewBata pa lang ako ay pinoprotektahan na ako ng Ate ko sa kahit na ano at kahit na sino’ng makakapanakit sa akin. Kaunting galos lang ay halos magwala na siya sa galit. Palagi niya ring ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya, kung gaano niya ako kamahal. Sobrang suwerte ko nga sa kaniya kasi siya ang naging kapatid ko. Lahat ng pag-aalaga, atensiyon, oras at pagmamahal ni Ate ko ay nakalaan palagi sa akin hanggang sa nakasanayan ko na lang na halos lahat ng mga ginagawa niya ay para sa akin at sa kung ano’ng ikabubuti ko. Masayang magkaroon ng kapatid na kagaya niya kasi alam kong kapag nadapa ako ay nandiyan lang siya para tulungan akong bumangon. Na kahit na ano’ng mangyari ay hinding-hindi niya ako pababayaan.Noong bata pa ako palagi ako’ng pinapagalitan at inuutusan ni Mama kapag wala si Ate pero kapag nandiyan naman si Ate ay ang bait-bait niya sa
CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDINGKarmine's Point of View"Secret. Basta, you will like it."Matapos kong sabihin iyon sa kaniya ay nagpaalam na kami kay Aling Tasing. I'm planning to surprise her. Para naman mas lalo siyang ma-inspire mag-aral dahil sa reward system na igagawad ko sa kaniya. Nag-top one kasi siya sa buong klase niya after the first grading and I couldn't be more proud of her than I am now.Kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makitang pamilyar ang lugar na binabaan namin. Hindi niya inaasahang dito kami pupunta. Natawa ako ng bahagya at marahang pinisil ang baba niya. Ang cute niya talaga. Marahil ay nagtataka siya kung ano ang ginagawa namin dito. Sabagay, I can't blame her for thatdahil ang huling araw na nandito kami ay noong pinalayas nila kami ng kapatid ko sa bahay nila. Tatlong taong mahigit na rin ang nakakaraan nang pinalayas kami ng asawa ni Tiya Delia sa bahay nila dahil sa sulsol
CHAPTER THREE: SUNDAY FAMILY BONDING PART 2Karmine's Point of View"Ang ganda naman po rito, Ate ko…" namamanghang saad ng kapatid ko habang nakatitig sa asul na karagatan.True. Maliit na resort nga lang ito pero ang ganda ng karagatan at ng buong lugar. Napakapayapa pa kaya hindi ka magsisising ito ang napili mong resort na puntahan at pagpahingahan. Parang ang sarap tumira sa ganitong klaseng lugar. Hindi ka mas-stress. Mar-relax ka talagang tunay, "Sana lang ay ganito kagandang view ang nakikita ko sa araw-araw.""Gosh, I can't wait to take a dip. Swimming na kaya tayo?" Nakangiting anyaya naman ni Adele sa amin ng kapatid ko."Sige, kung iyon ang gusto mo, ‘Nak. Pero huwag naman sanang agaw-pansin ng mga lalaki ang suotin, ha?" Bahagyang natawa naman ito sa bilin ng ina."Ma, naman. Maganda ako kaya natural agaw-pansin talaga ako kahit na ano pa ang suotin
CHAPTER FOUR: THE TASKKarmine’s Point of View “Bye, cousins. I enjoyed it. Sobra! Ingat kayo pauwi.” Sinagot ko naman ng isang pagtango at simpleng ngiti ang pamamaalam ni Adele bago kami pumasok ng kapatid ko sa boarding house. Naghanda ako ng chicken spread sandwich at juice para sa baon namin. Just in case na magutom kami. Matapos noon ay dumiretso na ako sa kwarto namin—tsk, mamaya pala ay may roommate na kami which I totally dislike the idea—para ilagay sa mesa ang dalawang paper bag na ang laman ay sandwich at orange juice na nasa loob ng tumbler. Nagbihis lang ako ng uniform ng Business Administration which is a black pencil cut skirt, white long sleeve blouse with a black tie and a pair of black three inch high heeled shoes. “Ate, mauna na po ako at may report pa kasi akong gagawin.” Salubong niya sa akin pagkalabas ko ng kwarto. “Hold on.” Pigil ko sa kaniya. “Here, baon mo for this week.” Ibinigay ko sa kaniya
CHAPTER FIVE: KARMINE, THE HEARTBREAKERKarmine’s Point of View“Ms. Katigbak, pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng opisina niya dito sa faculty office.“Yes, nagtatanong na kasi sila sa akin kung ano na ang update sa pinapagawa namin sa iyo. It has been more than a month pero wala ka pa ring nagagawa. There’s no progress even just a bit. Had you already made a business proposal? If yes, na-proofread mo na ba? Do you need help in anything? How about the appointment? Nakapag-set ka na ba sa secretary niya? Or do you need my help?”“Relax, Ms. Katigbak, I already had my business proposal with me. And yes, natapos ko na iyong i-proofread for the nth time. And another, yes I already had an appointment with Mr. Mondragon and it’s scheduled next week. Walang nangyari sa loob ng isang buwan dahil puno na ang schedule ni Mr. Mondragon at hindi na kasi
CHAPTER SIX: THE SAVIOR THE NIGHTKarmine’s Point of View People may judged me for all they want and I don’t really care at all. I don’t really care what they think of me but then sometimes I get really, really pissed. Hinuhusgahan nila ako sa kung ano man ang nakikita ng mga mata nila at kung ano man ang mga naririnig ng mga tainga nila at naman talaga iyon maiiwasan. Pero nakakainis lang kasi na hindi naman nila ako kilala pero kung makapanghusga sila akala mo naman ay kilalang-kilala nila ako. Would they rather me giving John a chance to fool him and hurt him in the process? Kasi ako hindi ko iyon kaya. Mas mabuting masaktan ko siya ngayon sa katotohanan kaysa sa masarap na kasinungalingan at panlilinlang. I knew for a fact that I don’t love him. I can’t love him. After all, I’m not capable of loving someone. I’m a beast, an untamable one well, at least, that’s what I thought and I perceived myself to be. Napabutong-hininga ako at ipinilig ko ang ulo ko. Ayaw ko ng pakaisipin pa
CHAPTER SEVEN: ROBERT EZEKIEL MONDRAGONRobert Ezekiel’s Point of View “Ang mukhang ito na napakagwapo ay nagawa pa niyang isnabin? The nerve of that lady, man! Ang lakas ng loob niyang gawin sa akin ‘yon. Hindi ko ito matatanggap. Hinding-hindi! Hoy, Kiel! Nakikinig ka ba sa akin?” I just shook my head at him. Puro nonsense at mga kabulastugan lang naman ang mga pinagsasabi niya. If I don’t know him well enough I’ll think that he is in love with the girl he is talking about which made me cringed. Love and Nigel in one sentence is next to impossible. Love. It’s only applicable for the bunch of fools and I don’t belong to that group. Never again. Not anymore. Why would you bother yourself loving someone else? What benefit would you get if you love a person? Absolutely nothing. You’ll just give yourself another problem and a series of heartache and headache. “Are you in love with her?” I asked him with full of disgust.