Share

Kahit Ayaw Mo Na
Kahit Ayaw Mo Na
Author: LovieNot

PANIMULA

KAHIT AYAW MO NA

LILAH DAZA

Laylay ang mga balikat ng bumaba ako sa aking sasakyan. Sobrang nakaka stress ang araw na ito para sa mga katulad naming fashion designer. Meron kasing paparating na fashion show at kasama ang 'Lala Boutique' doon. As a head designer and owner of the said boutique, I need to work hard as much as I could. 

Mabagal ang naging lakad ko dahil sa ninanamnam ko rin ang hangin na tumatama sa aking buhok. Hindi na muna ako pumasok sa aking condo. Naglakad-lakad na lang muna ako sa parke na nasa harapan lang naman ng La Conchita Condo Units.

Napatigil ako sa aking paglalakad ng mahagip ng aking paningin ang pamilyar na pigura. He's with someone else and... 

Naghahalikan sila habang ang babae ay nakasandal sa puno ng mahogany.

Wow! Nice view, tsk.

Tatalikod na sana ako bigla na lang silang napatingin sa gawi ko. Napaatras pa ako ng konti dahil sa gulat. 

"Lah?" Bakas sa mukha ni Alester na hindi niya rin inaasahan na makita ako sa lugar na ito sa ganitong oras. Napatingin ako sa aking wrist watch. It's 8:23 p.m already.

At nandito pa sila? Ano 'to? Over time dating?

Napalunok ako ng makilala kung sino ang babaeng kasama niya. It's Dara Alvarez, isa ring Fashion designer kagaya ko pero nasa kalabang company siya.

Magkakilala pala sila? Kailan pa?

"Uhm... I'm sorry. Hindi ko sinasadyang disturbuhin kayo. M-auna na ako," saad ko at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa. Ngali-ngali akong tumalikod.

"Lilah." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o sadyang emosyonal ang pagkakasambit niya sa pangalan ko.

Gustuhin ko mang lingonin sila pero di ko na magawa pa. Nararamdaman ko ang pangangatal ng labi at tuhod ko.

Damn it! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang... Nasasaktan ako?

Napapikit ako at napakuyom. Nang nakalayo na ako sa kanila ay tsaka pa lang ako humugot ng lakas para lingonin ang lalaking minsan ding naging parte ng buhay ko.

Inaasahan ko na nakatingin siya sa gawi ko, na pinagmasdan niya ako habang papaalis pero nagkamali ako dahil sa ikalawang pagkakataon... Naging malalim ang halikan nilang dalawa.

Habang pinagmamasdan sila ay namalayan ko nalang na nagsilaglag na pala ang mga luha ko.

Shit! Umayos ka Lilah! 

Nagmadali kong tinahak ang aking condo at tsaka pabagsak na umupo. Naihilamos ko ang aking palad sa mukha ko.

Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na nasaktan at umiyak ako ng dahil sa kanya.

Tumayo ako at pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit. Pinagmasdan ko din ang aking repleksyon ng mapadaan ako sa salamin. 

Am I happy now? Am I contented? Am I... complete?

Umiling ako at tsaka na pagdesisyonan kong lumabas para maghanap ng coffee shop na bukas pa. Paglabas ko ay sakto ding nakasalubong ko sina Alester at Dara. Inaalalayan ito ng lalaki na para bang anumang oras ay matutumba ito. 

Napasinghap ako ng mga ilang beses bago pa nila ako nakita. Ngumiti ako ng pilit.

Nandito din pala sa building na ito ang lungga ng babae kaya malamang sa malamang ay araw-araw ko silang makakabangga dito.

Sumisikip ang dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan.

Nakalimutan ko kung ano ang pakay ko sa labas. Para akong tangang nakatayo lang hanggang sa malagpasan nila ako. Nawalan ako ng ganang kumilos pa dahil sa dalawang magkasunod na eksena nila na nasaksihan ko.

Hindi ko alintana kung ilang minuto akong nakatayo lang at nakatingala sa kalangitang hindi napuno ng mga bituin.

"Lah? Nandito ka pa rin? Gabi na, magpahinga ka na." Hindi ako lumingon o kumilos man lang, ninamnam ko ang boses niyang halos isang linggo kong hindi naririnig mula ng...

Mula ng makipaghiwalay ako sa kanya. 

Damn! Stupid Lilah Daza! Wala kang karapatang masaktan dahil first of all, ikaw ang naunang nakasakit.

Tila umalingawngaw bigla sa aking pandinig kung paano siya nakiusap na huwag ko siyang hiwalayan. Kung paano niya hinawakan ang kamay ko para pigilang akong umalis. Kung paano siya tumangis dahil sa sakit.

Dalawang taon ang sinayang ko. Pero hindi iyon ang mas pinagsisihan ko kundi ang pagpakawala ng taong kasama ko sa loob ng dalawang taon na iyon. 

Bakit ko nga ba pinakawalan ang isang Alester Hernandez?

"Uhm... Coffee?" Iyon lang ang nasambit ko. Pinakatitigan niya pa muna ako. 

"Gusto kitang samahan lalo pa at gabi na pero madami pa akong trabaho na dapat tapusin eh. Pasensiya na. Mauna na ako." Pagkasabi niya nun ay agad siyang tumalima.

Tinanggihan niya ako. Iyon ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking kukuti.

Alam ko namang busy talaga siya dahil siya ang CEO ng La Conchita Company, family niya din ang may-ari ng Condo Units na ito. 

Parang ngayon ko lang napagtanto ang malaking kawalan sa parte ko ng bitawan ko siya.

Bigla ay nawalan ako ng ganang pumunta pa sa coffee shop. Napatingala ulit ako sa kalangitan. Tila may salitang 'Stupid' doon na namumuo. Nailing na lang ako.

Narinig ko ang busina sa kanyang sasakyan pero di na ako tumingin pa, ayokong makita ang pag-alis niya sa lugar na ito knowing the fact na hindi naman ako ang dahilan ng pag-alis niya.

Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil para akong tanga na napako na yata sa kinatatayuan ko.

One week lang may iba na siya. Hindi ko alam kung totoo bang mahal niya ako. Kung totoo ang luha at mga salitang binitawan niya ng gabing iyon.

"Mamahalin pa rin kita Lilah kahit... Kahit ayaw mo na."

Ngayon parang gusto ko din iyong sabihin sa kanya. Na kahit may iba na siya agad, na kahit ayaw niya na mamahalin ko pa rin siya. 

Damn it! Mahal ko siya, bakit ngayon ko lang napagtanto ito? Bakit?!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
ローゲン シオン
Ang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status