Kahit Ayaw Mo Na
Written by LovieNot
Kabanata 5
Lilah Daza
"Lilah!" Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. Si Dara iyon at mukhang meron talaga siyang pakay sa akin.
Hinintay ko siya at sabay na kaming sumampa sa elevator pataas. Ngayon na lang ulit kami nagkasabay.
"Ano 'yon?" usisa ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang pasimpleng pagsinghap niya.
"About you and Ale." Hindi naman agad ako nakaimik hanggang sa bumukas na ang elevator hudyat na nasa floor ko na ako. Sumabay siya sakin palabas kahit pa nasa 4th floor naman talaga siya.
"What about me and Les?" nakakunot-noo ko ring tanong. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya mas naguluhan pa ako. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita ng lalaking iyon mula noong natulog ako sa kanila.
"Ako na ang girlfriend niya."
"I know," kaswal kong sagot. Hindi niya na kailangan pang ipagyabang iyon sa akin.
"Pero he's in a relationship with you pa rin sa social media. Tsaka hindi niyo pa rin sinasabi ang break-up niyo sa mga taong malalapit sa inyo?" sarkastiko niyang sambit. Pinigilan ko namang mapataas kilay dahil sa kamalditahan niyang ito.
"About sa relationship thingy na yan, siya dapat ang kinakausap mo dahil wala akong panahon para magbukas pa ng F******k para lang sa bagay na iyan, I have so much to do Dara. Isa pa, my friends already knew about our break-up, iyong sa kanyang na lang ang hindi. Kung meron ka mang kinakausap ngayon, diba dapat ay siya at hindi ako?" kalmado kong paliwanag at suhestiyon.
Nagkatuosan pa kami ng tingin. Hindi niya na maitatago pa sa akin ang totoong kulay niya. Ang bait kapag si Alester ang kaharap pero kabaliktaran naman iyon kapag hindi.
What a double-sided face,tsk.
"Ikaw ang nakipaghiwalay, ikaw dapat ang magsapubliko ng hiwalayan ninyo." Sa pagkakataong ito ay nabuhay na rin ang kasupladahan ko sa katawan. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Isapubliko? Immature lang ang gumagawa niyan. Tahimik kami nong kami pa tapos gusto mo mag-ingay ako para malaman ng lahat ang tungkol sa break-up namin? Ayos ka lang ba talaga?"
"Hindi kami makakapagsimula ng maayos kung nasa eksena ka pa rin," may diin niyang saad. Pinigilan ko ang sarili kong samaan siya ng tingin kahit pa higit pa doon ang gusto kong gawin sa kanya ngayon. Pagod ako tapos ganito pa? Ang saya lang eh 'no?
"Gusto mo ako pa ang gumawa ng paraan para makapagsimula kayo ng maayos? Wow naman. Responsibilidad ko pa ba 'yan?" sarkastiko ko ring tanong sa kanya.
"I wanna slap your damn face," asik niya. Natawa naman ako.
"The feeling is mutual," asik ko rin.
"Baka kasi hindi kayo makapagsimula dahil hindi pa siya tapos sa akin?" pang-aasar ko pa kahit naman hindi ako siguradong ako pa rin ang mahal ni Alester.
"Umaasa ka pa rin na mahal ka niya sa kabila ng ginawa mo sa kanya? Crazy."
"Kung ikaw ang mahal, bakit ako pa rin ang girlfriend niya sa harap ng kanyang pamilya?" pambabara ko. Hindi naman agad siya nakasagot. Gusto kong matawa dahil sa galit na bumalandra sa kanyang mukha pero pinigilan ko lang.
"We're both talking nonsense Dara. Let's cut this," dagdag ko at napakamot pa sa noo. Akmang tatalikod na ako nang magsalita na naman siya.
"Lubayan mo na si Ale." Tinitigan ko siya diretso sa kanyang galit na mga mata.
"Paano kung ayaw ko?"
"Gusto mong makipag kompetensiya na naman sa akin? Bakit ba ganyan ka? Binitawan mo na siya diba? Anong nangyari? Bakit ngayon ay naghahabol ka na naman?" Aaminin ko ring na insulto ako katagang binitawan niya.
"Naghahabol? Hindi pa nga eh. Isang malaking pagkakamali ang bitawan ang isang Alester Hernandez, pero lahat naman ng mali ay pwedeng maitama kapag ginusto mo eh."
"Sa tingin mo ba babalikan ka pa niya after what you did to him."
"Oh well, hindi rin ako sigurado."
"Bitch."
"Pareho lang tayo. Mauna na ako at gusto ko nang magpahinga. Kalma, nasa kay Alester pa rin ang desisyon at wala sa atin." Nakangiti kong sambit at tuluyan ng pumasok sa unit ko.
Diretso ako sa kwarto at ngayon pa lang nakaramdam ng panghihina. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa para maayos ang tungkol sa amin ni Lester. Maayos ko pa nga ba?
Nagbihis lang ako at pumanhik na sa kitchen. Kinuha ko ang wine na nabili ko kahapon nang mag grocery ako sa LC Mall. Napapadalas na ang pag-inom ko, parang stress reliever ko na rin.
Nakatatlong shot na ako ng maisipan kong tawagan si Alester. Dinampot ko ang aking phone at walang alinlangang tinawagan ang lalaki. Sa ganitong oras ay alam kong nasa opisina niya pa rin siya, parang hindi niya rin kasi hinatid iyong girlfriend niya eh.
Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot. Inis kong pinatay ang linya at ipinagpatuloy ang pag-inom. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng kirot sa aking sentido kaya nagdesisyon na akong bumalik ma sa kwarto. Hindi pa nga ako nag dinner pero uminom na agad.
Ang saya lang Lilah.
Pabagsak akong humiga at malalim ang buntong hiningang pinakawalan. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan pang nakaidlip na pala ako kung hindi lang may narinig akong ingay mula sa cellphone ko. Nakapikit man ay inilagay ko iyon sa bandang tenga ko at automatic naman na nasasagot ang call ng kung sino kapag ginagawa ko iyon.
Napatingin ako sa wall clock at pasado 9:00 p.m na din pala. Naalala ko ding mga ganitong oras tumatawag si Rich sa akin kung minsan.
"Hmmm? Inaantok na ako," pambungad ko pa bago ako kulitin ng kugtong. Sa lahat ng kaibigan ko ay siya pa naman ang nagpapasakit ng panga ko.
"I'm sorry for not answering your call, I was in the middle of a meeting kanina." Naimulat ko naman ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon ng makilala kung sino iyon.
"Ay, akala ko si Rich. Okay lang, pasensiya sa abala."
"Hindi naman ako naabala, actually I was happy."
"Na?"
"Na tumawag ka." Hindi naman agad ako nakasagot. Masaya siya na tumawag ako? Bakit?
"Bakit naman?"
"Ewan, siguro dahil sa minsan ka lang nauunang tumawag sa akin eh, kahit nong... Tayo pa." Binagabag naman ako ng aking konsensiya. Sa simpleng sinabi niyang iyon ay napagtanto ko kung gaano talaga kalaki ang pagkukulang ko sa dalawang taon naming relasyon.
"I'm sorry," tanging nasambit ko.
"Ano't napatawag ka pala?"
Oo nga, bakit tinawagan ko siya? Mukhang nawala na ang epekto ng alak sa sistema ko.
"About sa relationship status natin sa F******k." Napakagat ako sa aking labi. Kung ako ang tatanungin ay ayokong palitan namin iyon pero baka nga tama si Dara. Hindi sila makakapagsimula kung nasa eksena pa rin ako.
"Gusto mong palitan?" usisa niya pa. Napapikit na lang ako.
"H-indi... I mean..."
"Me too, ayokong palitan." Tila ba lumukso ang aking puso dahil sa sinabi niyang iyon. "Pero kung gusto mo talaga ay ayos lang naman sa akin Lah, after all ay wala na rin naman tayong relasyon." Isa na namang sampal sa akin ang katotohang iyon.
"Les," mahinang sambit ko habang pinipigilang umiyak.
"Lilah, masaya ka ba ngayon?" Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Nakapikit lang ako habang ninanamnam ang boses niya sa aking pandinig. "Ako kasi sinusubukan ko ng maging masaya ulit. Gusto kong maging masaya ka din kasama ng taong mamahalin mo ng lubusan."
Tuluyang nagsilaglag ang aking mga luha. Bakit parang... Ipinapaubaya niya na ako sa iba?
"H-indi mo na ba ako mahal?" wala sa sarili kong usal. Abot-abot ang kabang naramdaman ko dahil sa posibleng magiging sagot niya.
"Hindi naman sa hindi kita mahal Lah, gusto ko lang makita ka na maging masaya. Sorry kung hindi ko iyon naibigay sa iyo."
"Napasaya mo ako Les."
"Pero..."
"Masaya ako noong tayo, hindi ko lang nakita kasi talagang ang selfish ko." Pinigilan kong mapasinghot at baka malaman niyang umiiyak ako.
"Are you drunk?" bigla ay tanong niya. Napangiwi na lang ako.
"Why?" Narinig ko ang mahinang tawa niya. Napabusangot na talaga ako. Porket ganun ang sinasabi ko ay nakainom na agad? Hindi ba pwedeng nagpapakatotoo lang?
"Wala. Where are you?"
"Nasa condo, malamang. Ikaw yata itong nakainom eh."
"Nasa baba ako." Napakunot-noo naman ako. Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras? Gabing-gabi na, dapat ay nagpapahinga na siya.
"Gabi na ah! Patay na patay ka na ba kay Dara?" Sinikap kong huwag maging sarkastiko at nagtagumpay naman ako. Narinig ko ang kanyang pagsinghap.
"Baba ka muna."
"What? Why? Baka makita tayo ni Dara." Napabuntong-hininga naman siya.
"Ikaw kasi eh," aniya pa na ikinakunot na naman ng noo ko. Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin.
"Anong ako?"
"Wala. Magkita tayo sa La Conchita CS."
"Ngayon?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yes."
"Why? Wait..." Napabusangot na lang ako ng bigla niyang ibaba ang linya. Gabing-gabi na eh. Ano bang trip niya?
Padabog akong pumasok sa shower room at nagmadaling naligo. Siguro ay wala pang ten minutes ay nakapagbihis na din ako. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at hindi na rin ako naglagay ng kolorete sa mukha, ni powder ay wala dahil gabi naman eh.
Nagmadali na din akong bumaba bitbit ang susi ng kotse ko. Ang weird lang. Kanina ay kinausap ako ni Dara ng tungkol sa set-up ng relationship namin. Pinapalayo na rin ako sa kanya ng girlfriend niya pero heto ako at makikipagkita pa sa kanya sa oras na dapat ay tulog na ang mga nilalang sa mundo.
Pagkarating ko sa La Conchita CS ay agad kong nakita ang kanyang kotse. Ipinark ko rin ang sasakyan ko sa katabi niyon.
Mabagal na lamang ang aking kilos hanggang sa makapasok ako. Fortunately ay nakita ko naman agad siya. Mabibilang na lang din ang customers na nandidito rin.
"Hi, good evening," bati ko pa at nakiupo na rin sa table na kinaroroonan niya. Napansin kong merong mga pagkain na mukhang kakahain pa lang din naman. Kailan pa naging resto ang coffee shop? Sabagay, sila naman ang may-ari nito kaya naman he do can do whatever he wants to.
"Good evening. Hindi pa ako kumain eh, that's why." Paliwanag niya pa. Napatango na lang ako.
"Kumain ka ba?" dagdag tanong niya. Pasimple akong napangiwi nang maalalang hindi rin pala ako kumakain pa.
"Nakatulog agad ako eh," pagsisinungaling ko. Naglasing ka kasi agad Lilah.
"Let's eat then."
Hindi ako kumilos. Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya. Sobra ko talaga siyang namimiss. Noong kami pa kasi ay araw-araw talaga siyang may oras para kitain o makasama ako. Kung noon ay kinaiinisan ko iyon, ngayon naman ay hinihiling ko na maulit muli ang ganung senaryo.
Napansin niya sigurong nakatitig lang ako sa kanya kaya bahagya niya akong siniringan ng tingin. Kinuha niya iyong bakante pang plato at nilagyang ng pagkain at inilapag sa harapan ko.
"Eat Lalah, hindi ka mabubusog kong nakatitig ka lang sa akin," biro niya pa. Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan. Nakaramdam ako ng hiya. Napalunok pa ako bago nagsalita.
"Pinapunta mo ako rito para kumain?" usisa ko pa. Ngumiti siya at umiling bilang tugon sa tanong ko tsaka kumain na.
Sa halip na kulitin siya ay kumain na lang din ako. Ngayon na lang din kami kumain ng kaming dalawa lang. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag dinner kami together sa isang CS. Lakas din ng trip niya.
Nang tapos na kami ay inabutan niya ako ng tubig tsaka tissue. Meron na ding nagligpit ng mga pinagkainan namin. Tumayo siya at pumunta sa counter saglit. Nang makabalik siya ay may dala na siyang dalawang cup ng drinks. Ibinigay niya sa akin ang isa.
"Thank you." Ngiti at tango lang ulit ang itinugon niya.
"Uhm... Kayo na ba ni Dara?" pangungumpirma ko pa. Mataman niya akong tinitigan.
"Why?"
"W-ala, just asking." Nagbaba ako ng tingin. Hinintay ko lang na magsalita siya.
"Bakit mo natanong?" Nag-angat ako ng tingin at pinakatitigan din siya.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko, please?"
"Hindi."
"Iyong totoo, Alester."
"Hindi nga kami."
Pero bakit sinabi ni Dara na sinagot niya na ito nong welcome party for Fei?
"Ayaw pang umamin eh," bulong ko pa at napairap na lang sa kisame.
Napapitlag pa ako ng ikulong niya sa pagitan ng kanyang mga palad ang mukha ko tsaka tumawa pa bago iyon binitawan. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Para saan 'yon?" bantulot kong tanong. Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi.
"Cute mong mang-irap eh." Napaawang na lang ang bibig ko. Nakita niya?
"Aminin mo na kasi. Nanligaw ka, diba?"
"Yeah."
"Oh, eh di siyempre sinagot ka na nun."
Napasinghap naman siya. "I don't know."
"Anong I don't know? Hindi mo alam kung kayo?"
"Yeah."
"Why?"
"Ang alam ko kasi..." Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sumenyas siyang sasagutin niya na muna kaya naman tumango na lang ako at pinagmasdan siyang tumayo at bahagyang dumistansiya.
Naguguluhan na tuloy ako. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanila eh pero alam kong hindi magsisinungaling sa akin ang lalaking ito.
So, posibleng si Dara ang nagsinungaling?
Maya-maya ay bumalik na rin siya. Nagkatuosan pa kami ng tingin. Napasinghap na lang ako at tumango para iparating na ayos lang kung ayaw niyang sabihin ang totoo.
"Kasi ayaw niyang ipaalam sayo ito. Siguro dahil ayaw ka niyang masaktan. Kaya sana, huwag mo ng mabanggit sa kanya na sinabi ko sayo ang totoong estado namin."
Baka tama nga si Dara, ayaw niyang ipaalam sa akin ang totoong status nila.
"Are you okay?" tanong niya pa. Tumango lang ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Nakaramdam na ako ng antok pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magpaalam sa kanya para umuwi na.
Bahagya kong inihilig ang aking katawan sa upuan at isinandal ang ulo ko. Ramdam ko ang titig niya pero mas pinili kong huwag salubungin iyon. Saglit kong ipinikit ang aking mata ng kumirot ang aking sentido.
"Inaantok ka na?" untag niya sa akin.
"Slight," alangang tugon ko at nginitian siya.
"Gusto mo na bang umuwi?"
"Hindi! I mean, okay lang hindi pa naman gabing-gabi eh."
Lumipat siya sa tabi ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Walang salitang kinabig niya ang ulo ko at isinandal sa kanyang balikat.
Muli na namang naghumirintado ang puso ko. Pinaghalong kaba at saya ang aking nararamdaman. Bakit nga ba hindi ko naramdaman ito noon? O baka naramdaman ko talaga pero hindi ko lang pinagtuonan ng pansin dahil sa bawat segundo na kasama ko siya ay trabaho ko naman ang laging nasa kukuti ko? Ako nga talaga ang may mali sa umpisa pa lang.
Sinagot ko siya noong nanligaw siya sa akin dahil crush ko naman talaga siya eh. Parehong HU University ang pinasukan namin noong college pero mas ahead siya sa akin ng isang taon, magkaiba rin kami ng department since hindi naman kami parehong kursong kinuha.
Nagkakilala lang din kami dahil sa isang party. Hindi naman kami naging close talaga dahil nasa high society siya nabibilang eh samantalang ako ay nasa middle class lang.
After kong grumaduate ay pumunta ako ng ibang bansa para sa additional trainings and experience ko bilang fashion designer.
Noong bumalik ako ay nagkita ulit kami tapos nagulat na lang ako nang isang araw ay nanligaw na siya sa akin at aaminin kong isa sa nagtulak sa akin na sagutin siya ay ang mga kaibigan ko dahil nga perfect and boyfriend material talaga siya para sa mga ito. At ngayon ko lang iyon nakita kung kailan wala ng kami.
Hinubad niya ang kanyang coat na suot at ipinatong sa bandang likuran ko. Nakablouse lang kasi ako at hindi ko maipagkakailang nilalamig ako.
"Les."
"Hmmm?"
Hindi ko maisatinig ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, bagay na ikinaiinis ko sa aking sarili. Lilah naman, sabihin mo na ang totoong nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat. Ego ba ang pipiliin mo o siya?
"Bakit Lah?"
Napasinghap pa ako at naglakas loob na hawakan ang kanyang kamay. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya at wala siyang ibang pagpipiliin kundi ang ipulupot sa bewang ko ang isa niyang kamay para suportahan ang katawan kong nakahilig sa kanya.
"May problema ka ba? Work? Family? Friends?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang tono. Bahagya ako tumingala para tingnan siya.
"Wala sa nabanggit."
"Then tell me what's your problem? May maitutulong ba ako?"
Actually ikaw ang sagot sa problema ko ngayon.
Pinipisil-pisil niya ang kamay ko at nagdudulot iyon ng magandang pakiramdam. Tila ba sa pamamagitan nun ay ipinaparating niya na lagi siyang nasa tabi ko at handa akong damayan sa anumang magiging problema ko.
"I'm sorry sa nagawa ko sayo. Alam mo bang nagsisisi na ako? Bakit kasi... Pinakawalan pa kita?" emosyonal ko na talagang saad habang direktang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Lah," mahina niyang usal, halo-halong emosyon din ang naglalaro sa kanyang mga mata. Kahit naman hindi ganun kaliwanag sa pwesto namin ay kita ko pa rin iyon ng malinaw.
"I'm sorry for breaking your heart."
Tuluyang nagsilaglag ang aking mga luha pero hindi ko inalis ang aking paningin sa kanya at gano'n din naman siya sa akin.
Tuluyan ko siyang niyakap habang humihikbi na. Mahigpit iyon at ni isang beses ay hindi ko pa nagagawa ito sa kanya. Kung pwede nga lang na huwag ng kumalas sa kanya ay gagawin ko talaga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko pinilit na humiwalay na sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero natatakot ako dahil sa pananahimik niya na naman.
"Les, I am asking for your forgiveness. Alam kong hindi madali pero willing akong maghintay kung kailan mo ako mapapatawad."
Nanatili lang talaga siyang nakatitig sa akin. Mukhang hindi makapa ang kanyang dila o baka ay ayaw niya lang talaga magsalita. Baka hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Alester, magsalita ka naman. Alam mong hindi ako romantikong tao, hindi rin ako sanay manuyo, hindi ako sweet at tanga ako kaya... Pagtiyagaan mo na lang ulit ako."
Ibinaba ko ang aking tingin sa sahig at inisip kung tama ba ang sinabi ko. Kung may koneksyon pa ba iyon. Hindi ko talaga maisatinig ng maayos ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Inuunahan ako ng hiya at kaba.
"What do you want me to do Lilah?" kaswal niyang tanong. Bigla na lang akong nanlumo. Sa klase ng kanyang pananalita ay para bang hindi siya interesado sa mga sinabi ko.
"Gusto kong... A-ko pa rin ang mahalin mo."
"Why?"
Ito na naman tayo sa why eh, bakit ba kailangang may rason?
"Because..." Saglit akong nagbaba ng tingin ulit at napapikit. Speak Lilah. Tell him that you really love him. "Because... I love you B-abe," pagpapatuloy ko pa. Hindi ko na naialis pa ang paningin ko sa kanya.
Sa isang iglap ay agad na lumapat ang kanyang bibig sa labi ko. Kabado man ay nagawa kong namnamin ang unang halik sa labi na ibinigay niya sa akin.
"Say it again please?" pakiusap niya pa sa pagitan ng kanyang pino at mabagal ng halik. Nakakatuwang nasasabayan ko din iyon kahit wala pa akong karanasan sa ganitong bagay.
"I love you," lakas loob kong saad at ikinawit ang kamay ko sa kanyang leeg.
"Babe?" pahabol niya pa, nanunigurado kung nasambit ko nga ba ang tawagan naming siya lang naman ang madalas magbanggit lalo na kapag kaming dalawa lang.
"Babe," nakangiti kong sambit. Ngumiti din siya at tuluyan akong niyakap.
Ibig bang sabihin nito ay mahal niya pa rin ako? Malabo man pero at least nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko.
"Kahit ayaw mo na sa akin, mamahalin pa rin kita Alester," bulong ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.
Ngayon ay bumaliktad ang mundo Lilah, diba? Maybe this is an art of Karma.
KAHIT AYAW MO NA Written By LovieNot Kabanata 6 Lilah Daza Gabing-gabi na ako nakauwi dahil sa tinapos namin lahat ng magiging entries namin sa upcoming Fashion show this coming friday. Meron pa naman kaming apat na araw since lunes pa lang ngayon. Laylay ang balikat ko at para bang gusto ko na talagang ipikit ang aking mga mata nang bumaba ako sa kotse. Kung pwede nga lang sa sasakyan ko na lang matulog ay baka ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil hindi pa rin ako nakapag-dinner eh. "Lah." "Ay kugtong!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Nasapo ko ang aking dibdib. Nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtantong si Alester pala iyon. "Sorry kung nagulat kita," natatawa niya pang saad. Napakamot na lang ako sa noo. "Gabi na ah? Nandito ka pa rin?" u
Kahit Ayaw Mo NaKabanata 7Lilah Daza"Congratulations everyone! Great job!" masiglang saad ni Ma'am Charlotta.Kakatapos palang ng fashion show at sa kabutihang palad ay matagumpay naman itong natapos. Namayani ang palakpakan sa loob ng hall kung saan lahat ng designers ay nagtipon-tipon."Lilah, sobra mo na naman akong pinahanga, ang gaganda ng mga gawa mo," nakangiti nitong baling sa akin. Sa lakas ng pagkakasabi nito ay paniguradong may nakarinig na iba including Dara na medyo malapit lang sa kinaroroonan namin."Thank you for the compliment Ma'am Charlotta, thanks to my team also." Napatango-tango lang ito.Binati at pinuri niya din ang iba pang mga designers. Kinausap pa ako ni Ma'am Charlotta kaya hindi agad ako nakaalis ng hall."Congratulations Miss Lilah Daza," bati
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"What?" sabay pang sigaw nina Rich and Juvie. Napangalumbaba na lang ako. Nasa La Conchita CS lang naman kami ngayon nakatambay."Totoo ba? Legit 'yan? May anak si Lester?" paninigurado ulit ni Tin. Napasinghap pa ako bago umayos ng upo."Nagkaroon siya ng anak," pagtatama ko pa.Dalawang araw na rin ang lumipas at hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi naman ako galit dahil sa nagka-anak siya sa kanyang ex-girlfriend kundi nagtatampo ako dahil bakit ngayon niya lang sinabi."Naguguluhan kami ah?" kunot-noong usal ni Shielou. Napabuntong-hininga na naman ako."Aksidente lang naman ang nangyari sa kanila.""Crazy, anong aksidente ang pinagsasabi mo Lilah?" asik ni Rich na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"Uuwi ka rin ng probinsiya?" nakakunot noong tanong ni Tin. Marahan naman akong napatango.Nasa condo ko sila ngayon dahil friendship day namin at mas ginusto na lang din nila na dumito lang kami since wala naman si Juvie. Hindi pa rin nakakabalik ng Manila."Why? Bakit?" usisa rin ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako."I need rest and... Peace of mind too," mahina kong saad at napapikit.Mukhang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makuha ulit siya. Siya na ang kusang lumalayo eh. I remember what happened yesterday sa LC Mall. He's with his friends Freddy and Yael. Alam kong iisang direksyon lang ang pupuntahan namin which is Lala Boutique pero noong makita niya ako ay bigla na lang sa katabing boutique sila pumasok.Noong pauwi naman, papasok na rin dapat sila sa elevator na kinasas
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Inaantok pa akong bumangon dahil sa tunog ng doorbell. Curious din ako kung sino ang bisita ko sa ganito kaaga. Napatingin ako sa wall clock. Napabalikwas ako ng bangon ng pasado alas otso na pala. Late na ako sa trabaho pero hindi ko naman kailangan magmadali since boss naman ako. Napainat pa ako saglit bago bumaba ng kama. Pumunta pa akong cr para maghilamos. Inayos ko rin ang magulo kong buhok bago lumabas ng kwarto. Dalawang linggo na rin akong nakatira sa bagong unit ko. Yes, pagmamay-ari ko na din ito dahil nabili ko na talaga. Ayoko kasi ng parent-rent lang, mas magastos kapag ganun. Kung malasin na naman ako dito ay baka ibenta ko na lang. Pero isa lang ang sigurado ako sa ngayon, hindi na ako magpapaligaw sa CEO lalo pa at classmate ko din pala ang may-ari ng building na ito, si Mr. Buenvinida na sinasabi ni
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "I locked the door because I have this feeling na tatakas ka eh," paliwanag niya pa. Binato ko siya ng unan na nadampot ko. Lumabas kasi siya ng condo para daw mag groceries. Tuwang-tuwa naman ako dahil nga balak ko talagang tumakas pero sobrang disappointed ako dahil sa hindi ko mabuksan ang pinto. Naka-lock pala sa labas. "Na e-stress na ako dito sa lungga mo! Palayain mo na ako, please?" madrama ko pang sambit pero tinawanan niya lang ako tsaka napapalatak. "Makakauwi ka na." "Ngayon?" nakangiti kong sambit. Ginulo niya ang buhok ko. "Not now but soon." Naiinis ko siyang tiningnan. Hindi ko na talaga alam kung paano ako makakaalis dito. Pumunta siya sa kitchen at sumunod naman ako sa kanya. Binuksan ko ang kanyang refrigerator at may nakita
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Nakatunganga lang ako sa harap ng screen ng laptop ko habang nanunuod ng K-drama, sobrang stress talaga ako dahil sa kakugtongan ng babaita kong kaibigan at ng dakilang ex-boyfriend ko. Nasa LC na nga ako ulit. Wala na akong magagawa pa. Hindi ko nga pinapansin ang dalawang iyon, dalawang araw na rin. Lagi kong nakakasabay sa elevator si Lester dahil hinihintay niya talaga ako. Magkatabi nga lang kasi ang unit namin. Si Rich naman ay lagi akong tinatadtad ng chats at texts pero sini-seen ko lang naman. Gusto ko munang palamigin ang aking ulo at pakalmahin ang nagdidirilyo kong sistema ng dahil sa sabwatan nila. "Kailan mo pa ako simulang nagustuhan?" "The first time I saw you with a red lipstick on your cheek, it makes me want to kiss you that day." Nakaramdam tuloy ako n
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "Aray ko," angil niya pa nang diinan ko ang pagdampi ng bulak sa gilid ng kanyang bibig. "Akala ko ba ay ayos ka lang diba? Bakit ngayon umaaray-aray ka diyan?" pagsusungit ko pa. Ngumisi naman siya sa paraang may naalala siyang magandang bagay. "Bakit kasi sinuntok mo pa ang isang iyon? Sana ay hinayaan mo nalang," dagdag sermon ko pa. "Hinayaan? Hindi ako papayag na ganonin ka niya o kahit na sino pa. Ayokong may humahawak sayo sa paraang hindi ko nagugustuhan. Tinawag ka pa niyang isa sa mga babae ko." "Bakit kasi babaero ka?" pang-aasar ko pa dahilan para kumunot ang kanyang noo. "I am not babaero, you know that." "Defensive? Baka kasi dahil sa madaming nagkakagusto sayo kaya nasabi niyang babaero ka." "Hindi porke't marami ang nagkak
Kahit Ayaw Mo NaAlester Hernandez' POVMarahan kong binuksan ang pinto ng opisina ng babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang isip ko.Sa bawat minuto na hindi ko siya makita ay para bang ang lungkot ng buhay ko. Wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang. Isang Lilah Daza lamang ang nakabihag at bumasag ng aking puso."I'm sorry Alester, walang mali sayo, hindi ka nagkulang in fact sobra-sobra pa nga ang ginagawa mo eh, ang nagawa mo sa akin. Pero... I'm sorry, hindi... Hindi kita mahal. Sinikap ko namang mahalin ka pero wala talaga eh. So it's better na maghiwalay na lang tayo. Hindi ako para sayo at hindi ka para sa akin. You deserve someone better. Someone who will love you back. And that's not me.""L-ah? Don't do this to me, please? Alam kong... Mahal mo ako, nararamdaman ko iyon, kung meron manakong ginawa na hindi mo nagustuhan,I'm sorry. Ayusin natin, pag-usapan
Kahit Ayaw Mo NaWritten By LovieNot—LILAH DAZA—Nagising ang aking diwa dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Pero gayunpaman ay malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa nakabukas pa ring bintana ng aking kwarto. Ito ang nagpaalala sa akin na nasa probinsiya nga pala ako. Wala pa ring katulad ang manirahan sa kinalakihan mong lugar. Totoo ngang 'There's no place like home' and this is my home.Kahit na nararamdaman ko pa ang kirot sa aking ulo dahil sa umaga na din ako nakatulog ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Naririnig ko na ang ingay mula sa labas. Ingay hindi dahil sa may gulo kundi dahil sa tiyak ay nagkakatuwaan na naman ang mga bata.Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table. Pasado 8:12 na pala ng umaga. Wala man lang nanggising sa akin ah? Bumangon na ako at lumandag-lundag pa sa kama. Parang
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLovieNotLilah Daza"Kayo na pala ulit ni Kuya Ale?" nakangiting tanong ni Ciana. Marahan naman akong napatango at napasiring ng tingin sa lalaking kanina pa tutok na tutok sa kanyang laptop habang prenteng nakaupo sa couch.After nang nanyari noong gabing iniligtas niya na naman ako ay masinsinan kaming nag-usap. Napag-alaman kong set-up lang talaga lahat ng pangyayari. Naging open-minded naman kami pareho ni Alester kaya mabilis na naayos ang lahat. Kagagawan lang naman pala nina Bryan at Yael ang lahat. And speaking of Yael, rinig kong nasa ibang bansa na ito.Muli akong napasiring ng tingin kay Lester. Konti na lang at lalayasan ko na ang lalaking ito. Yayayain ako rito sa condo niya para maging audience niya lang? Kugtong talaga."Good to hear. Ikaw talaga ang gusto namin for him. Sana t
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaIsang linggo na rin ang nakaraan mula nang maghiwalay kami ni Alester. Hindi rin maiwasang mag-cross ang mga landas namin lalo na sa LC establishment. Para hindi maging awkward pa ay naging kaswal na lang ang pakikitungo namin sa isa't-isa.Paminsan-minsan ay nakakasalubong ko rin si Yael at wala pa ring pagbabago sa pagtrato namin sa isa't-isa.Patuloy pa rin ang kompetisyon ng LB at BYDA Boutique. Gayunpaman ay meron na akong pinag-iimbestiga tungkol sa imitation issues sa pagitan ng dalawang boutique na kumakalat sa online platform. Habang wala pa akong sapat na ebidensiya ay nananatili muna akong tahimik."Sure ka na talaga? Ayaw mo na akong hintayin? You know naman on going pa rin 'yong photoshoot ko, bakla!" angil ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako. Kailangan ko na munang magpahinga. Hindi na rin kinakaya ng mental healt
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Kinusot ko ang aking mga mata. Nailibot ko rin ang aking paningin at nakahinga nang maluwag nang mapagtantong nasa kwarto ko lang naman ako. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko si Alester na nakaupo sa sofa habang natutulog. Biglang bumalik sa aking ala-ala ang nangyari. Nawalan ako ng malay dahil sa sakit at galit na namayani sa aking sistema. At ngayon na naalala ko na naman iyon ay unti-unti na namang nanghuhumirintado ang d****b ko. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Nagtama ang aming paningin. Agad siyang napaayos ng upo. "Lilah, mabuti naman at nagising ka na..." "Get out," walang gana kong sambit. "What?" "I said get out kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sayo papalabas ng teritoryo ko, Mr. Hernandez." "Ano
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapatigil ako sa paglalakad saglit nang mapansing nasa labas ng LC building si Yael. Kausap nito si Yonsan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa eksenang nakikita ko.Kinalma ko ang aking sarili at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang papalapit na papalapit ako sa kinaroroonan nila ay mas lumilinaw din sa aking paningin ang tensiyon sa pagitan nila.Sinadya kong patunugin ang takong ng suot kong sandals para makuha ko ang atensyon nila. Nagtagumpay ako dahil pareho silang napatingin sa akin. Kaswal lamang na tingin ang ibinigay ko sa kanila."Kung minamalas ka nga naman, bakit mukha mo pa ang nakita ko sa ganito kaaga?" himutok na saad ni Yael. Samantalang si Yonsan ay nanatiling tahimik."Baka naman kasi nakalimutan mong sa building na ito ako nakatira? O sadyang gumagawa ka lang talaga ng sarili mong
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapasinghap ako habang nakatitig sa hawak kong report paper mula sa LB na nasa LC Mall. Ang laki ng ibinababa ng monthly sale nito at hindi ko maipaliwanag kung paano iyon nangyari.I mean, wala naman akong natanggap na report about sa pagdalang ng customers o kahit anong problema. Hindi ako makapaniwalang mas malaki ang ibinaba nito kumpara sa ibang LB."Bakit... I mean..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil gulat pa rin ang nasa sistema ko. "Are you sure na galing LB ito?" nagdududa kong tanong kay Haide."Iyan po ang inihatid dito ni Jinny.""Pupunta ako roon. May nangyayaring hindi maganda roon eh," ani ko sabay tayo. "Wala munang papasok dito sa office ko kapag wala ako. Kayo na rin ang bahalang magsara sakaling hindi agad ako makabalik," dagdag kong habilin. Unti-u
Lilah Daza"Tahan na diyan, tapang-tapang mo kanina eh tapos ngayon eh iiyak-iyak ka rin naman pala," asar pa sa akin ni Rich. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong umiiyak. "Magluluto ako, okay? Labas ka na lang kapag okay ka na."Ang swerte ko pa rin talaga sa part na may kaibigan akong laging nasa tabi tuwing kailangan ko. Tinuyo ko na ang mga mata ko at pumunta saglit ng CR. Nagpalit lang din ako ng damit bago lumabas.Bahagya pa akong nagulat dahil nadatnan ko sa sala si Yonsan na prenteng nakaupo habang nanunuod. Napadako ang tingin ko sa center table at nakita kong may nasa sampung soju na nakalagay doon."Hello, pinapunta ako ni Ate Rich dito. Gusto mo raw ng karamay," kaswal na saad nito. Believe din talaga ako sa lakas ng loob at radar ng batang ito eh. Kung umasta ay para bang tropa niya lang kami. Pero okay na rin para hindi kami magmukhang matanda.
KAHIT AYAW MO NA Lilah Daza Dahil sa pagod na nararamdaman ko ay matamlay akong nakarating sa condo. Mula pa kahapon ay nagbusy-busy-han ako para lang makalimutan ang away namin ni Alester namin kahapon. Iyon yata ang kauna-unahang matinding away namin bilang magkasintahan. Paano ba naman kasi ay ang kulit. Sinasabi ng ayaw ko munang kausapin siya ay panay ang punta sa office ko hanggang sa hindi na talaga ako nakatiis at inaway ko na. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit naging mainit ang ulo ko sa kanya. Hindi niya alam na nakita ko sila ni Yael noong isang araw sa company niya at maging sa LC Mall. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay napabuntong-hininga na lang ako. Nang mag-angat ako ng tingin ay sakto naman ang paglabas ni Yonsan sa unit nito. Napakunot-noo ako dahil sa suot nito. All blac