Kahit Ayaw Mo Na
#KAMN
Lilah Daza
"Uuwi ka rin ng probinsiya?" nakakunot noong tanong ni Tin. Marahan naman akong napatango.
Nasa condo ko sila ngayon dahil friendship day namin at mas ginusto na lang din nila na dumito lang kami since wala naman si Juvie. Hindi pa rin nakakabalik ng Manila.
"Why? Bakit?" usisa rin ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako.
"I need rest and... Peace of mind too," mahina kong saad at napapikit.
Mukhang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makuha ulit siya. Siya na ang kusang lumalayo eh. I remember what happened yesterday sa LC Mall. He's with his friends Freddy and Yael. Alam kong iisang direksyon lang ang pupuntahan namin which is Lala Boutique pero noong makita niya ako ay bigla na lang sa katabing boutique sila pumasok.
Noong pauwi naman, papasok na rin dapat sila sa elevator na kinasas
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Inaantok pa akong bumangon dahil sa tunog ng doorbell. Curious din ako kung sino ang bisita ko sa ganito kaaga. Napatingin ako sa wall clock. Napabalikwas ako ng bangon ng pasado alas otso na pala. Late na ako sa trabaho pero hindi ko naman kailangan magmadali since boss naman ako. Napainat pa ako saglit bago bumaba ng kama. Pumunta pa akong cr para maghilamos. Inayos ko rin ang magulo kong buhok bago lumabas ng kwarto. Dalawang linggo na rin akong nakatira sa bagong unit ko. Yes, pagmamay-ari ko na din ito dahil nabili ko na talaga. Ayoko kasi ng parent-rent lang, mas magastos kapag ganun. Kung malasin na naman ako dito ay baka ibenta ko na lang. Pero isa lang ang sigurado ako sa ngayon, hindi na ako magpapaligaw sa CEO lalo pa at classmate ko din pala ang may-ari ng building na ito, si Mr. Buenvinida na sinasabi ni
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "I locked the door because I have this feeling na tatakas ka eh," paliwanag niya pa. Binato ko siya ng unan na nadampot ko. Lumabas kasi siya ng condo para daw mag groceries. Tuwang-tuwa naman ako dahil nga balak ko talagang tumakas pero sobrang disappointed ako dahil sa hindi ko mabuksan ang pinto. Naka-lock pala sa labas. "Na e-stress na ako dito sa lungga mo! Palayain mo na ako, please?" madrama ko pang sambit pero tinawanan niya lang ako tsaka napapalatak. "Makakauwi ka na." "Ngayon?" nakangiti kong sambit. Ginulo niya ang buhok ko. "Not now but soon." Naiinis ko siyang tiningnan. Hindi ko na talaga alam kung paano ako makakaalis dito. Pumunta siya sa kitchen at sumunod naman ako sa kanya. Binuksan ko ang kanyang refrigerator at may nakita
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Nakatunganga lang ako sa harap ng screen ng laptop ko habang nanunuod ng K-drama, sobrang stress talaga ako dahil sa kakugtongan ng babaita kong kaibigan at ng dakilang ex-boyfriend ko. Nasa LC na nga ako ulit. Wala na akong magagawa pa. Hindi ko nga pinapansin ang dalawang iyon, dalawang araw na rin. Lagi kong nakakasabay sa elevator si Lester dahil hinihintay niya talaga ako. Magkatabi nga lang kasi ang unit namin. Si Rich naman ay lagi akong tinatadtad ng chats at texts pero sini-seen ko lang naman. Gusto ko munang palamigin ang aking ulo at pakalmahin ang nagdidirilyo kong sistema ng dahil sa sabwatan nila. "Kailan mo pa ako simulang nagustuhan?" "The first time I saw you with a red lipstick on your cheek, it makes me want to kiss you that day." Nakaramdam tuloy ako n
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "Aray ko," angil niya pa nang diinan ko ang pagdampi ng bulak sa gilid ng kanyang bibig. "Akala ko ba ay ayos ka lang diba? Bakit ngayon umaaray-aray ka diyan?" pagsusungit ko pa. Ngumisi naman siya sa paraang may naalala siyang magandang bagay. "Bakit kasi sinuntok mo pa ang isang iyon? Sana ay hinayaan mo nalang," dagdag sermon ko pa. "Hinayaan? Hindi ako papayag na ganonin ka niya o kahit na sino pa. Ayokong may humahawak sayo sa paraang hindi ko nagugustuhan. Tinawag ka pa niyang isa sa mga babae ko." "Bakit kasi babaero ka?" pang-aasar ko pa dahilan para kumunot ang kanyang noo. "I am not babaero, you know that." "Defensive? Baka kasi dahil sa madaming nagkakagusto sayo kaya nasabi niyang babaero ka." "Hindi porke't marami ang nagkak
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa hawak kong invitation card na galing kay Bella Yael. Hindi ko alam kung ano ang totoong motibo ng babaeng ito para padalhan ako nito. She's opening a boutique too? Seriously? Alam ko namang aware siya na owner din ako ng isang well-known boutique. Ano na naman kayang binabalak ng isang ito? Sinusubukan niya pa rin kaya akong i-bully sa ganitong edad? She's unbelievable. Napailing ako at basta na lang inilapag sa table ko ang card. Hindi pa man ako nakaupo ay bumukas na ang pinto ng office ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mukha ni Alester ang iniluwal niyon. "What brings you here?" kaswal kong saad. Dumapo ang tingin nito sa card na nasa table ko. Narinig ko ang pasimple nitong pagsinghap. "Oh? N
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "Bakit nandito ka na naman?" nakakunot-noo kong tanong kay Lester na siyang nasa harapan ng pinto ng unit ko. Malapad pa ang ngiti nito. "Kakamustahin lang po kita." Hinampas ko naman siya. Baliw na talaga, magkasama lang kami kaninang umuwi eh. Inihatid niya kasi ako kaninang umaga sa opisina ko kaya obligasyon niya din na sunduin ako. Mukha namang masaya siya sa ginagawa niya eh. Pinagbibigyan ko na lang. Kasi nasisiyahan ka din naman Lilah. "Kugtong ka talaga, bored ka ba o wala lang magawa?" "Hindi, actually marami akong dapat tapusin na trabaho." "Oh bakit nandito ka?" "Because I just wanna see your pretty face babe." Pinakatitigan ko lang naman siya. Saktong may padaan na dalagita, mukhang bagong salta dahil ngayon ko lang nakita ito.
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Nag-inat ako ng kamay habang hinihintay si Haide na mag-report. Inatasan ko kasi itong alamin kung may dapat ba kaming ibahala sa BYDA Boutique o wala naman. These past days kasi ay naging matunog ito sa mga buyer. May mga customer nga rin kami na kung minsan ay nababanggit ang tungkol sa boutique nina Yael at Dara. Pasalamat na lang talaga ako at mga loyal naman ang buyers namin. Bumabalik at bumabalik pa rin talaga sila sa Lala Boutique. "Good afternoon, Ma'am Lah," bati sa akin ni Haide. "Good afternoon, have a seat. Anong balita?" direkta kong tanong. Ako ang klase ng taong ayaw ng paligoy-ligoy at alam naman iyon ng mga taong malapit at nakapaligid sa akin. "Naging maingay po sa buyers ang boutique nila. Napag-alaman ko na nagbebenta sila ng mga branded na damit na mas mababa sa presyo na ibinibigay natin
Lilah DazaDahil sa nangyari kagabi ay hindi ako nakatulog nang maayos. Buong magdamag kong inisip kung sino ba ang sender ng red box na iyon."Kung may gusto akong takutin ay malamang hindi pwedeng ako mismo ang magdala ng box sa taong target ko, kaya naman sa tingin ko ay hindi ang lalaking iyon ang totoong may pakana ng lahat. Marahil ay binayaran lamang siya ng kung sino para i-deliver iyon sa akin," pag-aanalisa ko sa sitwasyon.Ang tanong sino ang salarin?Dahil sa antok na nararamdaman ko ay kamuntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Napakurap-kurap ako at tumayo. Nagdesisyon akong lumabas muna ng office at tumungo sa pinakamalapit na coffee shop at bumili ng iced coffee kahit malapit ng magtanghali.Ilang minuto lang din ay bumalik na ako sa aking opisina at muli na namang nag-isip. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang ipaala