Kahit Ayaw Mo Na
#KAMN
Lilah Daza
"Aray ko," angil niya pa nang diinan ko ang pagdampi ng bulak sa gilid ng kanyang bibig.
"Akala ko ba ay ayos ka lang diba? Bakit ngayon umaaray-aray ka diyan?" pagsusungit ko pa. Ngumisi naman siya sa paraang may naalala siyang magandang bagay.
"Bakit kasi sinuntok mo pa ang isang iyon? Sana ay hinayaan mo nalang," dagdag sermon ko pa.
"Hinayaan? Hindi ako papayag na ganonin ka niya o kahit na sino pa. Ayokong may humahawak sayo sa paraang hindi ko nagugustuhan. Tinawag ka pa niyang isa sa mga babae ko."
"Bakit kasi babaero ka?" pang-aasar ko pa dahilan para kumunot ang kanyang noo.
"I am not babaero, you know that."
"Defensive? Baka kasi dahil sa madaming nagkakagusto sayo kaya nasabi niyang babaero ka."
"Hindi porke't marami ang nagkak
Thank you so much sa mga nagbabasa at nagvo-vote nito. God bless babies.
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa hawak kong invitation card na galing kay Bella Yael. Hindi ko alam kung ano ang totoong motibo ng babaeng ito para padalhan ako nito. She's opening a boutique too? Seriously? Alam ko namang aware siya na owner din ako ng isang well-known boutique. Ano na naman kayang binabalak ng isang ito? Sinusubukan niya pa rin kaya akong i-bully sa ganitong edad? She's unbelievable. Napailing ako at basta na lang inilapag sa table ko ang card. Hindi pa man ako nakaupo ay bumukas na ang pinto ng office ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mukha ni Alester ang iniluwal niyon. "What brings you here?" kaswal kong saad. Dumapo ang tingin nito sa card na nasa table ko. Narinig ko ang pasimple nitong pagsinghap. "Oh? N
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "Bakit nandito ka na naman?" nakakunot-noo kong tanong kay Lester na siyang nasa harapan ng pinto ng unit ko. Malapad pa ang ngiti nito. "Kakamustahin lang po kita." Hinampas ko naman siya. Baliw na talaga, magkasama lang kami kaninang umuwi eh. Inihatid niya kasi ako kaninang umaga sa opisina ko kaya obligasyon niya din na sunduin ako. Mukha namang masaya siya sa ginagawa niya eh. Pinagbibigyan ko na lang. Kasi nasisiyahan ka din naman Lilah. "Kugtong ka talaga, bored ka ba o wala lang magawa?" "Hindi, actually marami akong dapat tapusin na trabaho." "Oh bakit nandito ka?" "Because I just wanna see your pretty face babe." Pinakatitigan ko lang naman siya. Saktong may padaan na dalagita, mukhang bagong salta dahil ngayon ko lang nakita ito.
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Nag-inat ako ng kamay habang hinihintay si Haide na mag-report. Inatasan ko kasi itong alamin kung may dapat ba kaming ibahala sa BYDA Boutique o wala naman. These past days kasi ay naging matunog ito sa mga buyer. May mga customer nga rin kami na kung minsan ay nababanggit ang tungkol sa boutique nina Yael at Dara. Pasalamat na lang talaga ako at mga loyal naman ang buyers namin. Bumabalik at bumabalik pa rin talaga sila sa Lala Boutique. "Good afternoon, Ma'am Lah," bati sa akin ni Haide. "Good afternoon, have a seat. Anong balita?" direkta kong tanong. Ako ang klase ng taong ayaw ng paligoy-ligoy at alam naman iyon ng mga taong malapit at nakapaligid sa akin. "Naging maingay po sa buyers ang boutique nila. Napag-alaman ko na nagbebenta sila ng mga branded na damit na mas mababa sa presyo na ibinibigay natin
Lilah DazaDahil sa nangyari kagabi ay hindi ako nakatulog nang maayos. Buong magdamag kong inisip kung sino ba ang sender ng red box na iyon."Kung may gusto akong takutin ay malamang hindi pwedeng ako mismo ang magdala ng box sa taong target ko, kaya naman sa tingin ko ay hindi ang lalaking iyon ang totoong may pakana ng lahat. Marahil ay binayaran lamang siya ng kung sino para i-deliver iyon sa akin," pag-aanalisa ko sa sitwasyon.Ang tanong sino ang salarin?Dahil sa antok na nararamdaman ko ay kamuntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Napakurap-kurap ako at tumayo. Nagdesisyon akong lumabas muna ng office at tumungo sa pinakamalapit na coffee shop at bumili ng iced coffee kahit malapit ng magtanghali.Ilang minuto lang din ay bumalik na ako sa aking opisina at muli na namang nag-isip. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang ipaala
KAHIT AYAW MO NA Lilah Daza Dahil sa pagod na nararamdaman ko ay matamlay akong nakarating sa condo. Mula pa kahapon ay nagbusy-busy-han ako para lang makalimutan ang away namin ni Alester namin kahapon. Iyon yata ang kauna-unahang matinding away namin bilang magkasintahan. Paano ba naman kasi ay ang kulit. Sinasabi ng ayaw ko munang kausapin siya ay panay ang punta sa office ko hanggang sa hindi na talaga ako nakatiis at inaway ko na. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit naging mainit ang ulo ko sa kanya. Hindi niya alam na nakita ko sila ni Yael noong isang araw sa company niya at maging sa LC Mall. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay napabuntong-hininga na lang ako. Nang mag-angat ako ng tingin ay sakto naman ang paglabas ni Yonsan sa unit nito. Napakunot-noo ako dahil sa suot nito. All blac
Lilah Daza"Tahan na diyan, tapang-tapang mo kanina eh tapos ngayon eh iiyak-iyak ka rin naman pala," asar pa sa akin ni Rich. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong umiiyak. "Magluluto ako, okay? Labas ka na lang kapag okay ka na."Ang swerte ko pa rin talaga sa part na may kaibigan akong laging nasa tabi tuwing kailangan ko. Tinuyo ko na ang mga mata ko at pumunta saglit ng CR. Nagpalit lang din ako ng damit bago lumabas.Bahagya pa akong nagulat dahil nadatnan ko sa sala si Yonsan na prenteng nakaupo habang nanunuod. Napadako ang tingin ko sa center table at nakita kong may nasa sampung soju na nakalagay doon."Hello, pinapunta ako ni Ate Rich dito. Gusto mo raw ng karamay," kaswal na saad nito. Believe din talaga ako sa lakas ng loob at radar ng batang ito eh. Kung umasta ay para bang tropa niya lang kami. Pero okay na rin para hindi kami magmukhang matanda.
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapasinghap ako habang nakatitig sa hawak kong report paper mula sa LB na nasa LC Mall. Ang laki ng ibinababa ng monthly sale nito at hindi ko maipaliwanag kung paano iyon nangyari.I mean, wala naman akong natanggap na report about sa pagdalang ng customers o kahit anong problema. Hindi ako makapaniwalang mas malaki ang ibinaba nito kumpara sa ibang LB."Bakit... I mean..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil gulat pa rin ang nasa sistema ko. "Are you sure na galing LB ito?" nagdududa kong tanong kay Haide."Iyan po ang inihatid dito ni Jinny.""Pupunta ako roon. May nangyayaring hindi maganda roon eh," ani ko sabay tayo. "Wala munang papasok dito sa office ko kapag wala ako. Kayo na rin ang bahalang magsara sakaling hindi agad ako makabalik," dagdag kong habilin. Unti-u
Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapatigil ako sa paglalakad saglit nang mapansing nasa labas ng LC building si Yael. Kausap nito si Yonsan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa eksenang nakikita ko.Kinalma ko ang aking sarili at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang papalapit na papalapit ako sa kinaroroonan nila ay mas lumilinaw din sa aking paningin ang tensiyon sa pagitan nila.Sinadya kong patunugin ang takong ng suot kong sandals para makuha ko ang atensyon nila. Nagtagumpay ako dahil pareho silang napatingin sa akin. Kaswal lamang na tingin ang ibinigay ko sa kanila."Kung minamalas ka nga naman, bakit mukha mo pa ang nakita ko sa ganito kaaga?" himutok na saad ni Yael. Samantalang si Yonsan ay nanatiling tahimik."Baka naman kasi nakalimutan mong sa building na ito ako nakatira? O sadyang gumagawa ka lang talaga ng sarili mong