KAHIT AYAW MO NA
Written By LovieNot
Kabanata 6
Lilah Daza
Gabing-gabi na ako nakauwi dahil sa tinapos namin lahat ng magiging entries namin sa upcoming Fashion show this coming friday. Meron pa naman kaming apat na araw since lunes pa lang ngayon.
Laylay ang balikat ko at para bang gusto ko na talagang ipikit ang aking mga mata nang bumaba ako sa kotse. Kung pwede nga lang sa sasakyan ko na lang matulog ay baka ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil hindi pa rin ako nakapag-dinner eh.
"Lah."
"Ay kugtong!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Nasapo ko ang aking dibdib. Nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtantong si Alester pala iyon.
"Sorry kung nagulat kita," natatawa niya pang saad. Napakamot na lang ako sa noo.
"Gabi na ah? Nandito ka pa rin?" usisa ko pa at tiningala ang floor kung saan naroroon ang unit ni Dara.
"Kanina ka pa ba rito?" dagdag tanong ko. Suminghap pa muna siya bago nagsalita.
"Paniguradong busy din sila ngayon dahil sa paparating na Fashion show. Sinundo at inihatid mo ba siya?" nakangiti bagaman nalulungkot ako sa ideyang iyon.
"Hindi. Galing akong opisina ko. Kumain ka na ba?" Hindi ko maipagkakailang natuwa ako sa sinabi niya. Umiling ako bilang sagot sa kanyang tanong.
"Tara sa La Conchita CS. Sabay na tayong magdinner." Napaawang naman ang bibig ko. Sa coffee shop na naman kami kakain? Akala ko ay isang beses lang namin iyong gagawin.
"CS? Kailan pa naging kainan ang coffee shop Les? Lutang ka na ba?" natatawa ko ng sambit. Mahina naman siyang natawa at hinawakan ang kamay ko. Tila ba lahat ng pagod ko ay nawala ng lumapat ang kanyang palad sa palad ko.
Hindi naman ito bago sa akin pero iyong pakiramdam na kinikiliti ang aking dibdib ay bagong-bago.
"Ang LC Coffee Shop lang kasi ang malapit dito eh. Pwede naman akong magpadeliver ng foods doon from LC restaurant. Sa akin ka na sumabay, ihahatid na lang kita mamaya. Mukhang pagod ka eh," nakangiti niya pang saad. Ngiting tila mas maningning pa kaysa sa mga bituin sa kalangitan.
"Pagod ka rin naman ah? Okay lang sa akin na mag-drive papunta roon."
"Tsk. Sige na, huwag nang makulit Lalah." Napakamot naman ako sa aking noo.
"Ikaw nga ang makulit diyan eh," may halong maktol kong sambit bagaman ay nagpagiya na sa kanya papasok sa loob. Ipinatong niya pa ang kanyang kamay sa ulo ko nong pumasok na ako. Para namang mauuntog talaga ako ah?
Umikot na siya papuntang driver seat at pumasok na din. Napasandal na lang ako sa upuan. Parang ayaw ko ng igalaw pa ang aking katawan. Masyado nga talaga akong napagod.
"Pagod ka?" rinig kong tanong niya sabay paandar ng sasakyan.
"Obvious?" nakapikit kong tugon. Kaswal lang naman iyon at hindi nang-iinsulto.
"After ng fashion show ay pwede ka namang mag-break muna. One month vacation, what do you think?"
"Isang araw lang ay sapat na na pahinga Les." Hindi ko na siya narinig pang nagsalita. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata ng marinig ko ang pamilyar na panimula ng kanta galing sa music player.
Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang kanta na kung hindi ako nagkakamali ay 'Kahit Ayaw Mo Na' ang pamagat.
"You know that song?" usisa niya pa sa akin. Tumango naman ako.
Daling sabihin na ayaw mo na. Pero pinag-isipan mo ba?
Sapul na sapul ako. Hindi ko alam kung ano ba ako sa kantang ito. Iyong kumakanta dahil babae naman ang vocalist o ang kinakantahan?
Lapit nang lapit, ako'y lalapit. Layo nang layo, ba't ka lumalayo?Labo nang labo, ika'y malabo. Malabo, tayo'y malabo.
Yeah, ang labo na nga ng sitwasyon namin at ako ang dahilan nun. Wala sa sariling napasiring ako ng tingin sa kanya. Nasa unahan naman ang kanyang paningin kaya siguro ay hindi niya ako napansin. Pasimple akong napasinghap at pumikit na lang ulit.
Sakto lang na natapos ang kanta ay nakarating din kami sa destinasyon namin. Pagkapasok pa lang ay agad na tinungo namin ang pinagpupwestohan namin lagi.
Inalalayan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng siko at kanang bewang ko. Bago pa man kami nakaupo ay may biglang tumawag sa kanyang pangalan. Pareho kaming napatingin.
Napakunot-noo ako ng makilala iyon. Si Bella Yael, sa natatandaan ko ay isa ito sa close friends niya nong college. Matagal-tagal ko na din itong hindi nakikita. Four years, I think.
"Alester, oh my gosh! Ikaw nga!" Agad na niyakap pa siya nito. Hindi man lang napansin na kasama niya ako. Nauna siyang kumalas sa babae.
"Bella, it's been a while since we've seen each other huh?" Halata namang hindi siya komportable sa presensiya ng babae lalo pa at nakapulupot na ang kamay nito sa kanyang braso. Nanatili lang akong tahimik. Hinihintay na mapansin ako ng babaeng kung makalingkis sa kanya ay wagas.
"Yeah, the last time na nagkita tayo ay iyong break-up natin, hindi ba? Two years ago na rin."
May kaba akong naramdaman ng sabihin iyon ng babae. Wala akong idea sa kahit anong past relationship niya sa iba. Pero nabanggit niya na meron na siyang naging girlfriend, hindi ko na nga lang inalam dahil hindi naman ako interesado.
Two years ago? Ibig bang sabihin nun ay kakahiwalay lang nila ng ligawan ako ni Lester?
"Huwag na nating pag-usapan yan Bella. I'm with Lilah nga pala." Siniringan naman ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa at aaminin kong tila nainsulto ako sa klase ng kanyang titig.
"Oh... Miss Suma Cum Laude? Nice meeting you here." Halata namang pekeng-peke ang ngiti nito sa akin at bakas ang sarkasmo sa tono. Pilit din akong ngumiti.
"Good evening." Iyon ang itinugon ko dahil hindi ko alam kung 'nice' ba na makita rin siya rito.
"May date ba kayo?" usisa na naman nito.
"Do we need to answer your question?" nakangiti kong tanong. Umarko naman pataas ang kilay nito.
"What do you think?" Lumabas din ang katarayan nitong tinataglay. Naramdaman ko ang pagkabig niya ng bewang ko papalapit sa kanya. Nanatiling kay Bella lang ang aking paningin.
"I don't think so," kibit-balikat kong saad. Umirap na talaga siya.
"Can we talk?" baling nito sa kanya.
"No," agarang sagot ko pa at pasimpleng hinawakan ang kanyang kamay at pinisil para iparating na ayokong kausapin niya ang babae.
May iba akong nararamdaman eh at hindi ko iyon maipaliwanag. Ayokong malapitan siya ng ex-girlfriend niya, naiinis ako sa ideyang baka sobra pa sa yakap ang gawin ng babaeng ito sa kanya.
"I am not asking you Miss Daza." Hindi na ako nagulat na alam niya ang apelyido ko dahil alam niya ngang Suma Cum Laude ako eh.
"Les, I'm hungry na," reklamo ko sa kanya at binalewala ang babae.
"Ipapahanda ko na ang pagkain," kalmado niyang saad at nilapitan ang isang staff dito.
"Bakit ba ang yabang mo? Sa pagkakaalam ko ay hiniwalayan mo na si Alester ah? So bakit kung umasta ka ay para bang girlfriend ka pa rin niya?" Sumama naman ang mukha ko dahil sa tinuran niyang iyon. Mas matalas pa ang tabas ng dila nito kaysa sa kay Dara.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo Miss Yael. Can't you see? Ayaw ka rin namang kausapin ni Les eh."
"That's because he's not over with me yet. Affected pa rin siya sa break-up namin two years ago. At alam mo ba ang naging role mo sa hiwalayan naming iyon? Panakip butas ka lang," puno ng pang-iinsulto niyang saad.
Aaminin kong may epekto iyon sa akin. Dahil bago niya pa man nasabi ang huling apat na salitang kanyang binitawan ay naisip ko din iyon kanina ng sinabi niyang two years lang silang hindi nagkita.
"Well, mauna na muna ako. Maybe next time na lang kaming mag-usap kapag wala ng bida-bida," pairap nitong saad at agad na umalis. Napabuga na lang ako ng hangin.
Ilang minuto pa ay nakahain na sa mesa ang mga pagkain na kung hindi ako nagkakamali ay galing sa LC Resto.
"Let's eat," yaya niya sa akin. Para bang nawalan ako ng ganang kumain pero gayunpaman ay pilit kong inalis sa aking kukuti ang pinagsasabi ni Bella.
Panakip butas huh? Sobra naman yata iyon.
"Bakit ka nakabusangot diyan Lalah?"
"Wala," tipid kong tugon at sa pagkain na lang ibinuntong ang inis na namamayani sa aking sistema.
Mas lalo pa akong na badtrip nang maalalang hindi pala si Dara ang first kiss niya. So si Bella kung gano'n?
Pakiramdam ko ay hindi na kanyang ipinta kahit ng mga sikat na pintor ang mukha ko. Hindi ko talaga alam kung bakit may kirot akong nararamdaman at sinasabayan pa iyon ng inis. Baka dahil sa pagod lang ako.
"Are you okay?" untag niya sa akin. Tumango lang ako. Maya-maya din ay natapos kaming kumain. Agad na nagyaya ako pauwi. Mabuti naman at hindi na siya umalma pa.
Hanggang sa makalabas kami ng coffee shop at makasakay sa kotse ay wala pa rin akong imik. Panakip butas huh? Shit!
"Alam kung hindi ka okay. May sinabi ba sayo si Bella na hindi mo nagustuhan?" Tiningnan ko lang siya at napasinghap.
"Wala, ano naman ang sasabihin niya?" Pinigilan kong huwag haluan ng inis iyon pero nabigo ako.
"Naiinis ka Lalah, I can feel it." Natatawa pa siya. Sarap niyang sambunutan.
"Bakit hindi mo sinabing ex-girlfriend mo pala si Yael?" mataray ko nang asik. Ito yata ang kauna-unahang nakaramdam ako ng ganito. Iyong naiinis ako na hindi ko maipaliwanag.
"Lah, hindi ka naman nagtanong."
"Kailangan tanungin pa kita?" asik ko na naman. Pinakatitigan niya naman ako sabay buntong-hininga at sumandal din sa upuan.
"You're not interested with my past relationships diba?" Natigilan naman ako roon pero sa pagkakataong ito ay hindi gumagana ang konsesiya ko.
"Eh di sana man lang sinabi mong isa sa exes mo si Bella. Alam mo namang hindi talaga kami magkasundo ng isang iyon noon pa eh. Tsaka two years ago pa lang kayong naghiwalay? Sa dalawang taon na iyon ay nasa eksena na agad ako. Two years din tayo Lester, huwag mong sabihing naging panakip butas mo lang ako?" mahabang lintayan ko, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na mahaba ang naging rants ko sa kanya.
"Panakip butas? Lah, hindi. Hiwalay na kami nong niligawan kita..."
"Pero hindi ka pa move-on."
"Hindi ako nanliligaw sa iba kung hindi pa ako nakapag move-on." Sumama naman ang tingin ko sa kanya kahit hindi ko sadyain. Mas nadagdagan lang ang bigat sa kalooban na nararamdaman ko.
"Nanligaw ka na agad kay Dara, o baka nga kayo na talaga eh. Isang linggo pa lang ang nakaraan mula nong hiwalayan kita. Does it mean na nakapag move-on ka na pala agad?" Hindi naman siya nakaimik. Isang mahabang katahimikan pa ang namayani sa pagitan namin.
"Move-on ka na agad, ang bilis naman pala."
"Lah..."
"Ewan ko sayo Lester! Ha! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako na... Nasasaktan," mahinang usal ko pa pero sigurado naman akong narinig niya iyon.
"Uwi na tayo. Inaantok na ako," dagdag ko. Pero hindi siya kumilos. Mataman lang na nakatitig siya sa akin.
"I'm sorry for not telling..."
"Siya ba ang first kiss mo? I mean si Bella?" Walang alinlangan kong tanong. Kahit hindi gano'n kaliwanag sa loob ay nakita kong umangat ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig sa akin.
"Now, you're jealous huh?"
"Says who? Hindi ako nagseselos! Sagutin mo na lang ang tanong ko," asik ko. Nagseselos nga ba ako? Ganito ba ang pakiramdam ng nagseselos? Nakakapraning.
"No."
"So iba pa? Sabihin mo sa akin kung sino."
"Akala ko ba ay hindi ka interesado sa kiss..."
"Alester huh?" may banta kong saad. Natawa naman siya, nang-aasar pa lalo.
"Ang selosa mo naman pala." Natatawa pa rin siya bagay na mas ikinakainis ko.
"May nakakatawa ba Hernandez?" Tiklop naman siya tsaka bahagyang napabusangot. Alam niyang kapag tinawag ko siya gamit ang kanyang apilyedo ay ibig sabihin ayoko nang asarin or kulitin niya pa ako.
Sa isang iglap ay naiupo niya agad ako sa kanyang kandungan at mahigpit na niyakap ang aking bewang.
"Ikaw ang first kiss ko Lilah," aniya habang direktang nakatitig sa aking mga mata. Napakunot noo naman ako.
Paanong ako? Eh sa natatandaan ko ay last week lang nong nagkiss kami. Ilang gabi din akong napuyat dahil sa eksenang iyon.
"Nagsisinungaling ka na naman ah. Pangalawa na ito," angil ko pa. Siya naman itong napakunot ng noo.
"Kailan lang ako nagsinungaling?"
"Nong... Wala, nevermind."
"Kailan?"
"Wala nga."
"Kailan?" Napairap na lang ako. Mukhang hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko sinasabi.
"Iyong sabi mong pupunta ka sa get together namin ng mga kugtong pero hindi ka sumipot." Kababakasang ng panunumbat at the same time ay tampo ang tono ko. Hinalikan niya naman ang pisngi ko. Nagdulot na naman iyon ng ipo-ipo sa aking kalooban.
"I'm sorry for that."
"Sinadya mo?"
"Yes," pag-aaminin niya pa. Napabusangot na talaga ako.
"Kugtong ka. Eh paano mo naman ako naging first kiss gayong nakita ko kayo ni Dara na naghalikan?" Mas humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Nagpapagaan iyon sa nagdidirilyo kong kalooban dahil sa inis. O tamang sabihing dahil sa selos?
"Remember nong nagkaroon kayo ng play sa La Conchita Coliseum?" Nagpaikot-ikot naman ang mata ko at inalala ang ganap na binanggit niya. Anong connect nun sa first kiss niya? Tsaka bakit ako? Wala akong natatandaang may naging kahalikan ako at hindi ko pa matandaan at kilala.
"Yeah, 3rd year college ako noon."
"After that ay may party dahil naging successful ang play niyong iyon."
"Hmmm." Pinakatitigan niya na naman ako. Bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko talaga maalalang may kissing scene akong na encounter noon.
"Nalasing ka." Nanlumo naman ako. Napabuntong-hininga pa.
"Hindi ako nalasing. Meron lang may naglagay ng kung ano sa juice na iniinom ko dahilan para maging 'wild' kuno ako."
Totoo iyon, meron talagang may inggit sa akin at gustong sirain ang reputasyon ko ng gabing iyon pero hindi sila nagtagumpay dahil dumating daw ang mga kaibigan ko. Ewan nga at hindi ko talaga maalala ang buong pangyayari. Basta nong magising ako ay ikinuwento na lang sa akin nina Rich ang nangyari.
"You kissed me." Nakataas ang sulok ng labi niyang saad.
"What? No, hindi kita hinalikan 'no? Bakit nandon ka ba sa LC Bar ng gabing iyon?"
"Nandon ako at nakita ko ang paglagay ng drugs sa inomin mo pero huli na para pigilan kita dahil nainom muna." Napaawang naman ang bibig ko at napalunok. Hinalikan ko talaga siya?
"Ako ang tumawag sa mga kaibigan mo," nakangiti niyang saad. Mataman ko lang siyang tinitigan, hindi mahita ang dila ko.
"You stole my first kiss Miss Lilah Daza. Since that night, hindi na kita nakalimutan pa." Dinampian niya ng magaang halik ang aking labi.
Nanatili akong tahimik, sinasamsam ang mga ideyang naglalaro sa aking isipan na gusto kong sabihin sa kanya. Kung gayon, siya ang tinutukoy ng mga kaibigan ko na naging knight in shining armor ko noon?
"I-kaw ang nagligtas sa akin nang gabing iyon?" Pinigilan kong magsilaglag ang mga luha ko. Sa halip na sagutin ako ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Sa pagkakataon ito ay nagawa ko na namang tugunan ang kanyang mabagal na halik, mahigit minuto din ang itinagal nun.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Hindi ka naman nagtanong." Pinanliitan ko siya ng mata. Natawa lang naman siya. Inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya at niyakap siya.
"I'm sorry huh?" emosyonal kong saad. Hinaplos-haplos niya naman ang aking buhok. Nakakatuwa na sa pamamagitan ng salitang 'sorry' ay tila ba naiintindihan na agad namin kung ano ang tinutukoy ng isa't-isa.
"I won't break your heart again babe," mahinang usal ko at ipinikit ang aking mga mata. "Kung ayaw mo na, wala akong pakialam," dagdag biro ko pa bagaman totoo iyon, kahit ayaw niya na sa akin, mamahalin ko pa rin siya kahit katumbas noon ay sakit dahil in the first place ako naman itong tanga na pinakawalan pa siya.
Dahil sa masarap na pakiramdam dulot ng presensiya niya sa gabing ito ay nakatulog ako sa kanyang mga bisig.
Nagising ako dahil sa mga kamay na pumulupot sa aking bewang. Gusto kong kumilos pero hindi ko magawa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at puting kisame ang namulatan ko.
Inilibot ko ang aking paningin mula itaas hanggang sa taong nakayakap sa akin. Tulog na tulog at kumikibot-kibot pa ang bibig. Kahit naman magulo ang kanyang buhok ay gwapong-gwapo pa rin.
Napagtanto kong nasa sofa kami natulog ng magkatabi. Kaya pala ang higpit ng yakap niya sa akin dahil pu-pwede akong mahulog. Ang likot ko pa man ding matulog.
Mukhang nasa bahay nila kami. Napahimbing yata ang tulog ko dahil sa hindi ko man lang naramdaman ang pagbuhat niya sa akin papunta dito.
"Les," panggigising ko pa sa kanya.
"Alam niyo, ang sweet niyo." Dahil sa gulat ay tuluyan akong nahulog. Ngali-ngali naman siyang bumangon at inalalayan akong makaupo.
Humagalpak lang ng tawa si Ciana na siyang nagsalita. Napakagat na lang ako sa aking bibig.
"Ciana," nagbabanta ang kanyang tono. Natawa na naman ang isa at sumenyas na aalis na siya pero halata namang pigil tawa pa rin ito.
"Are you okay? May masakit ba sayo?" nag-aalala niyang tanong. Umiling naman ako.
"Good morning," bati niya na at niyakap ako sa bewang.
"Good morning. Bakit hindi mo ako ginising?"
"Tulog na tulog ka eh."
"Buti nabuhat mo ako."
"Ang gaan mo nga eh. Halika na sa taas," yaya niya sa akin. Sumunod na lang ako. Pumanhik kami sa kanyang kwarto.
"Dito ka lang muna ah? Saglit lang ako sa labas, may bibilhin lang ako," paalam niya pa.
"Okay," nakangiti kong sambit. Agad na lumabas siya. Nahiga na lang muna ako since 5:25 a.m palang naman.
Ang himbing na ng tulog ko, ang ganda pa ng gising ko. Baka masanay ako nito. Habang tumatagal ay mas lalo kong napapagtanto kung gaano ko siya kamahal.
After more than 20 minutes ay bumalik na siya bitbit ang dalawang paper bag. Inabot niya ito sa akin. Nakakunot noo ko naman iyong tinanggap.
Damit at towel na LD brand at personal hygienes ang laman ng mga iyon.
"Sorry kung may kulang, hindi ko kasi alam kung ano-anong product ba ang ginagamit mo eh. Kasama ko naman si Fei na bumili niyan," tila nahihiya niya pang saad. Natawa naman ako.
"Dapat ako na lang ang isinama mo. Pero thank you, ayos na ito. Hindi naman ako maarte eh," ani ko. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag.
"Mauna ka ng maligo, sa baba muna ako," nakangiti niyang saad.
Tumayo na ako pero bago ako pumasok sa kanyang shower room ay ginawaran ko muna siya ng magaang halik sa labi. Nagulat ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko at mas pinalalim ang halikan naming iyon.
Umagang harotan huh? Well, sorry na lang ang mga babaeng nagkakandarapa pa rin sa kanya, ako pa rin ang bida sa puso niya.
Akin pa rin si Alester Hernandez.
Kahit Ayaw Mo NaKabanata 7Lilah Daza"Congratulations everyone! Great job!" masiglang saad ni Ma'am Charlotta.Kakatapos palang ng fashion show at sa kabutihang palad ay matagumpay naman itong natapos. Namayani ang palakpakan sa loob ng hall kung saan lahat ng designers ay nagtipon-tipon."Lilah, sobra mo na naman akong pinahanga, ang gaganda ng mga gawa mo," nakangiti nitong baling sa akin. Sa lakas ng pagkakasabi nito ay paniguradong may nakarinig na iba including Dara na medyo malapit lang sa kinaroroonan namin."Thank you for the compliment Ma'am Charlotta, thanks to my team also." Napatango-tango lang ito.Binati at pinuri niya din ang iba pang mga designers. Kinausap pa ako ni Ma'am Charlotta kaya hindi agad ako nakaalis ng hall."Congratulations Miss Lilah Daza," bati
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"What?" sabay pang sigaw nina Rich and Juvie. Napangalumbaba na lang ako. Nasa La Conchita CS lang naman kami ngayon nakatambay."Totoo ba? Legit 'yan? May anak si Lester?" paninigurado ulit ni Tin. Napasinghap pa ako bago umayos ng upo."Nagkaroon siya ng anak," pagtatama ko pa.Dalawang araw na rin ang lumipas at hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi naman ako galit dahil sa nagka-anak siya sa kanyang ex-girlfriend kundi nagtatampo ako dahil bakit ngayon niya lang sinabi."Naguguluhan kami ah?" kunot-noong usal ni Shielou. Napabuntong-hininga na naman ako."Aksidente lang naman ang nangyari sa kanila.""Crazy, anong aksidente ang pinagsasabi mo Lilah?" asik ni Rich na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"Uuwi ka rin ng probinsiya?" nakakunot noong tanong ni Tin. Marahan naman akong napatango.Nasa condo ko sila ngayon dahil friendship day namin at mas ginusto na lang din nila na dumito lang kami since wala naman si Juvie. Hindi pa rin nakakabalik ng Manila."Why? Bakit?" usisa rin ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako."I need rest and... Peace of mind too," mahina kong saad at napapikit.Mukhang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makuha ulit siya. Siya na ang kusang lumalayo eh. I remember what happened yesterday sa LC Mall. He's with his friends Freddy and Yael. Alam kong iisang direksyon lang ang pupuntahan namin which is Lala Boutique pero noong makita niya ako ay bigla na lang sa katabing boutique sila pumasok.Noong pauwi naman, papasok na rin dapat sila sa elevator na kinasas
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Inaantok pa akong bumangon dahil sa tunog ng doorbell. Curious din ako kung sino ang bisita ko sa ganito kaaga. Napatingin ako sa wall clock. Napabalikwas ako ng bangon ng pasado alas otso na pala. Late na ako sa trabaho pero hindi ko naman kailangan magmadali since boss naman ako. Napainat pa ako saglit bago bumaba ng kama. Pumunta pa akong cr para maghilamos. Inayos ko rin ang magulo kong buhok bago lumabas ng kwarto. Dalawang linggo na rin akong nakatira sa bagong unit ko. Yes, pagmamay-ari ko na din ito dahil nabili ko na talaga. Ayoko kasi ng parent-rent lang, mas magastos kapag ganun. Kung malasin na naman ako dito ay baka ibenta ko na lang. Pero isa lang ang sigurado ako sa ngayon, hindi na ako magpapaligaw sa CEO lalo pa at classmate ko din pala ang may-ari ng building na ito, si Mr. Buenvinida na sinasabi ni
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "I locked the door because I have this feeling na tatakas ka eh," paliwanag niya pa. Binato ko siya ng unan na nadampot ko. Lumabas kasi siya ng condo para daw mag groceries. Tuwang-tuwa naman ako dahil nga balak ko talagang tumakas pero sobrang disappointed ako dahil sa hindi ko mabuksan ang pinto. Naka-lock pala sa labas. "Na e-stress na ako dito sa lungga mo! Palayain mo na ako, please?" madrama ko pang sambit pero tinawanan niya lang ako tsaka napapalatak. "Makakauwi ka na." "Ngayon?" nakangiti kong sambit. Ginulo niya ang buhok ko. "Not now but soon." Naiinis ko siyang tiningnan. Hindi ko na talaga alam kung paano ako makakaalis dito. Pumunta siya sa kitchen at sumunod naman ako sa kanya. Binuksan ko ang kanyang refrigerator at may nakita
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Nakatunganga lang ako sa harap ng screen ng laptop ko habang nanunuod ng K-drama, sobrang stress talaga ako dahil sa kakugtongan ng babaita kong kaibigan at ng dakilang ex-boyfriend ko. Nasa LC na nga ako ulit. Wala na akong magagawa pa. Hindi ko nga pinapansin ang dalawang iyon, dalawang araw na rin. Lagi kong nakakasabay sa elevator si Lester dahil hinihintay niya talaga ako. Magkatabi nga lang kasi ang unit namin. Si Rich naman ay lagi akong tinatadtad ng chats at texts pero sini-seen ko lang naman. Gusto ko munang palamigin ang aking ulo at pakalmahin ang nagdidirilyo kong sistema ng dahil sa sabwatan nila. "Kailan mo pa ako simulang nagustuhan?" "The first time I saw you with a red lipstick on your cheek, it makes me want to kiss you that day." Nakaramdam tuloy ako n
Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "Aray ko," angil niya pa nang diinan ko ang pagdampi ng bulak sa gilid ng kanyang bibig. "Akala ko ba ay ayos ka lang diba? Bakit ngayon umaaray-aray ka diyan?" pagsusungit ko pa. Ngumisi naman siya sa paraang may naalala siyang magandang bagay. "Bakit kasi sinuntok mo pa ang isang iyon? Sana ay hinayaan mo nalang," dagdag sermon ko pa. "Hinayaan? Hindi ako papayag na ganonin ka niya o kahit na sino pa. Ayokong may humahawak sayo sa paraang hindi ko nagugustuhan. Tinawag ka pa niyang isa sa mga babae ko." "Bakit kasi babaero ka?" pang-aasar ko pa dahilan para kumunot ang kanyang noo. "I am not babaero, you know that." "Defensive? Baka kasi dahil sa madaming nagkakagusto sayo kaya nasabi niyang babaero ka." "Hindi porke't marami ang nagkak
Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa hawak kong invitation card na galing kay Bella Yael. Hindi ko alam kung ano ang totoong motibo ng babaeng ito para padalhan ako nito. She's opening a boutique too? Seriously? Alam ko namang aware siya na owner din ako ng isang well-known boutique. Ano na naman kayang binabalak ng isang ito? Sinusubukan niya pa rin kaya akong i-bully sa ganitong edad? She's unbelievable. Napailing ako at basta na lang inilapag sa table ko ang card. Hindi pa man ako nakaupo ay bumukas na ang pinto ng office ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mukha ni Alester ang iniluwal niyon. "What brings you here?" kaswal kong saad. Dumapo ang tingin nito sa card na nasa table ko. Narinig ko ang pasimple nitong pagsinghap. "Oh? N