Home / Romance / Kahit Ayaw Mo Na / KABANATA 4- OVERNIGHT

Share

KABANATA 4- OVERNIGHT

Author: LovieNot
last update Last Updated: 2021-10-15 17:56:58

KAHIT AYAW MO NA

Written By LovieNot

Kabanata 4

Lilah Daza

"Sexiest part of Alester's body?" pilyang tanong sakin ni Rich. Nasa La Conchita Coffee Shop kami ngayon at nagpapahinga. 

Isang linggo na rin mula nong magkita kami ng lalaking kanina pa nila bukambibig. Pagkatapos ng lunch namin with his family and girlfriend ay hindi na rin kami nagkita pa.

"I don't know," ani ko na hindi inaalis ang aking paningin sa sketch pad na hawak ko.

Tuloy pa rin ang trabaho ko kahit na dapat ay nagsasaya ako. Marami na rin akong naiguhit na bagong desinyo. May natapos na rin at waiting for fashion show na lang ang mga iyon kaya nabawasan na ang pressure na nararamdaman ko.

"Weh? Lalah naman! Sayo natapat yong bote eh, sagutin mo ng maayos ang tanong ko," angil pa ulit nito. Nabuntong-hininga na lang ako at itinigil ang ginagawa ko.

"Nasagot ko na, hindi ko alam."

"Kahit isa lang Lah," singit ni Juvie. Nag-isip naman ako at iginuhit sa isip ko ang pigura ni Alester.

"Lips?" Alangang tanong ko. 

"Hindi ka pa niyan sigurado?" Saad ni Tin. Napangiwi na lang ako.

"Eyes?"

"Counted ba 'yong eyes sa sexiest part of human body?" Ani Shielou na busy naman sa kakaselfie.

"Yeah, I mean I love his medyo singkit eyes and his pinkish lips too. His calm voice is nakaka inlove also. Sakto lang din naman ang built-in ng kanyang katawan, sexy din naman. His eyebrows also is damn attractive. That's it." Napanganga lang sila sa akin. Napakunot noo naman ako.

"What? Why? May mali ba sa sinabi ko?" takang tanong ko pa.

"Sexiest lang eh, nakarating ka na sa nakakainlove at attractive blahblah, napaghahalataan ka naman," may halong panunukso pa ang tono ng kugtong na Juvie.

"Eh kasi ang hirap mamili, lahat ng party ng katawan niya ay pasok sa sexiest category."

"Wow huh? Hindi naman halatang inlove ka."

Hindi ko naman ipapagkakailang inlove nga ako sa kanya pero hindi ko rin naman maamin.

"Ewan ko sa inyo."

"Bakit kasi hindi ka pa gumagawa ng paraan para magkabalikan kayo? Kailan ka pa kikilos Lilah?" asik ni Tin. Hindi naman ako nakasagot dahil hindi ko naman talaga  alam kung ano ang isasagot.

"Baka kapag tuluyan ng nawala sa kanya yong isa," patutsada ni Shielou, binalewala ko na lang at dinampot ulit ang sketch pad.

"Baka kapag wala na talaga silang pag-asang magkabalikan pa." Bahagya akong natigilan, umakto akong hindi nakikinig kahit na naaapektuhan ako sa mga sinasabi nila.

"Alam mo Lalah, minsan din ay kailangan nating ibaba ang ating pride para sumaya tayo ng lubusan," pangaral pa ni Juvie. Feeling mo naman talaga ay nakaranas ng magkaroon ng kasintahan eh.

"Lah, ayos lang ibaba ang pride basta wag lang ang panty," pilya pang saad ni Rich dahilan para magsitawanan kami. Nailing na lang din ako.

Minsan din ay kailangan talaga natin magkaroon ng mga baliw na kaibigan na magpapasaya sa atin tuwing nalulungkot tayo.

"Hindi ko nga alam kung paano."

"Landiin mo," sabay pa na saad ni Juvie at Rich, hindi na nakontento ang dalawa at nag-apir pa.

"Kausapin mo ng maayos Lilah," seryosong saad ni Shielou na tinanguan naman ni Tin.

"Sabihin mo ang totoo at humingi ka ng tawad sa nagawa mo. Subukan mong kunin ulit ang loob niya sa mabuting paraan," dagdag ni Tin at sabay dilat ng tingin sa dalawang nakangiwing Rich and Juvie. 

"Kapag natapos ko na itong ginagawa ko, malapit na ang fashion show eh."

"Girl, baka bago pa yan natapos ay tuluyan ng naging mag-on sina Ale at Dara, huwag tanga, ay naging tanga ka na pala." Sinamaan ko ng tingin si Rich dahilan para mag peace sign ito. Sila na nga eh.

"Si Lester," ani Tin sabay nguso sa bandang likuran ko kung saan nasa main door din.

Gusto kong lumingon pero tila ba naestatwa na ako sa kinauupuan ko. 

"Lester!" tawag na talaga ni Rich at tumayo pa.

"Oh, hi. You're all here din pala."

"Yeah because you know we're all maganda din but sa paningin mo ay mas pretty talaga si Lilah, right?" Parang gusto ko namang dagukan ang kugtong kong kaibigan. Ang daldal na nga ay idinadamay pa ang nananahimik na kaluluwa dito sa tabi-tabi.

"Yeah," alangang sagot din ng isa.

"Lah, hindi mo man lang ba babatiin si Alester? Para namang wala kayong pinagsamahan niyan," singit ni Juvie. Nakamot ko na lang ang sentido ko at inangatan ng tingin ang lalaking ginugulo nila. Mukhang gusto pa man ding mag relax ng isang ito dito.

"Hi, Les, please join us," saad ko pa at senenyasan itong maupo sa bankanteng upuan na nasa tabi ko.

"I'm sorry, gusto ko din namang maki-join sa inyo pero parating na din kasi ni Dara eh." Pasimple pang nagkatinginan ang mga bruha.

"Okay, it's fine," nakangiti ko pang sambit pero deep inside ay may ipo-ipong namumuo at tila ba ginagambal nito ang nananahimik kong puso.

"Eh, pwede rin naman dito si Dara. May bakanteng upuan pa naman eh." Pamimilit pa talaga ni Tin. Gust o ko na lang mapasapo sa noo. Bakit ba ang kukulit nila? May kasama nga 'yong tao eh.

"Is it okay Lah?" Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon kaya minuto pa siguro bago ako nakasagot.

"Yeah, it's fine." Naupo naman siya sa tabi ko. 

"Samahan mo muna ako Juv sa CR, natatae ako shit!" Saad ni Rich at walang alinlangang hinigit na ang isang hindi pa man nakakapagsalita.

"Order tayo ng dessert Shie, tulungan mo akong mamili," ani Tin. Agad naman na tumayo ang isa. Napa-awang na lang ang bibig ng kaming dalawa na lang ang naiwan sa mesa. Lumipat naman siya sa upuan na nasa bandang harapan ko.

"Dito na lang ako." Tinanguan ko lang siya.

"How are you?" saad niya na naman. Itinigil ko na muna ang ginagawa ko tsaka itiniklop at itinabi ang sketch pad.

"I'm fine, hindi na masyadong busy. Ikaw ba?"

"I'm always busy eh. Pero I find time to relax naman."

"You should, you need enough rest talaga." Tumango naman siya at sinipat ang kanyang cellphone ng umilaw ito. Napakunot noo pa ito habang may binabasa doon. Na curious tuloy ako.

"Tsk. Ciana and Fei talaga. Puro gimik ang alam," angil niya sa kalmadong paraan.

"Bakit?" Hindi ko na mapigilan pang hindi magtanong. Inabot niya naman ang kanyang cellphone sa akin. Nag-alangan pa akong tanggapin iyon kaya inilapag niya na lang sa mesa. Binasa ko naman ang message na nandodoon.

Fei: Kuya, I wanna invite Ate Lalah tonight. Girls bonding, sige na please?

"Pwede ka ba tonight?" tanong niya. Nag-isip naman ako. May kung ano sa isipan kong nagsasabing oportunidad na ito para mapalapit sa kanya ulit at para makakuha ng pagkakataon na makausap siya ng maayos.

"Yeah, sure. Gusto ko ring mag relax."

"O baka mas ma-stress ka lang sa kakulitan ni Fei."

"Let see." Pareho pa kaming natawa.

Maya-maya ay nagsibalikan na ang mga kugtong kong kaibigan at dumating din si Dara. Awkward masyado ang set-up pero dahil sa kalokohan nina Rich ay naging ayos naman ang takbo ng usapan.

Nauna na akong nagpaalam dahil sa kailangan ko din talagang dumaan sa office ko. Saglit lang ako sa Lala Boutique. Agad na dumiretso ako sa condo para maghanda sa girls bonding na sinabi ni Fei. Nagdala lang ako ng bihisan at nagpalit na din ng damit. 

Bandang 5:00 p.m ay bumaba na ako para pumunta sa bahay ng nina Lester. Saktong paglabas ko sa elevator ay ang pagpasok din ni Dara. Walang imikan na nilagpasan namin ang isa't-isa. Wala din naman akong balak na makipag close sa kanya kaya hindi ko din siya pinapansin kapag nakakasalubong o nakakasabay ko siya dito.

Pagkalabas ko ng building ay nakita ko kaagad si Alester na prenteng nakasandal na naman sa kanyang kotse. Nakapamulsa pa ito. Tumayo lang ito ng maayos ng makita ako.

"Akin na yang bag mo, ilalagay ko sa loob." Patukoy niya sa hindi namang kalakihang kong back pack.

"No, may sasakyan naman ako..."

"Hindi ko naman sinabing wala." Bara niya pa sa akin. Parang naging masungit yata siya.

"What I mean is..."

"Sa akin ka na sasabay, hinintay talaga kita." Tila lumukso naman ang aking puso mula sa aking dibdib at tinatangay na ng ipo-ipo papunta sa kalawakan.

"Hindi ko naman sinabing antayin mo ako," kaswal kong sambit.

"Hindi ko din namang sinabing may sinabi kang mag-antay ako." Malamyang tingin ang ibinigay ko sa kanya. Napakamot lang siya sa kanyang noo.

"Sa akin ka na sumabay."

"Fine," sukong saad ko at hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako, kusa na akong sumakay at basta na lang itinapon ang bag ko sa upuan na nasa likuran.

"Wala bang mababasag doon?"

"Wala," tipid kong saad. Hindi na rin siya umimik pa. 

Masyadong traffic kaya namang halos inabutan kami ng oras sa daan. Gabi na talaga ng makatating kami sa kanila.

"Alam ba nina Tita na pupunta ako ngayon dito?" usisa ko pa habang papasok na kami sa mansiyon nila.

"No, wala sila rito, kaming magkakapatid lang ang nandito. Nasa ibang bansa sila ngayon for business matter." Tumango-tango na lang ako. Isang cute at kulay puting aso ang sumalubong sa amin nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.

"Cute mo naman. Halika nga." Tuwang-tuwa ko pang saad tsaka kinarga pa ito. 

"Babae 'to?"

"Yeah." Nakangiti niyang saad. Ang bango halatang alagang-alaga pero ngayon ko lang ito nakita. Paniguradong kay Fei ito.

"What's her name?"

"F."

"F? As in letter F?"

"Yeah, si Fei ang may-ari niyan eh."

"Kaya naman pala, by the way, nasaan sila?"

"Sinundo lang ni Fei si Ciana sa LC Mall. Pauwi na rin ang mga iyon. Maupo ka muna," aniya at iginiya ako sa sala. Karga ko pa rin ang asong mukhang gusto ding makipagharutan.

"Mahilig ka sa aso?" tanong niya pa. 

"I don't know. Hindi naman ako nagkaroon ng pet eh."

"Eh ''yong kambing?" Gusto kong mapangiwi, naalala niya pa pala iyon? Palusot ko lang naman iyon eh.

"Yeah, right. Yon lang ang naging alaga ko." Tumango naman siya. Ibinaba ko na si F dahil mukhang ayaw niya ng magpakarga pa.

"I think I like dog na kung ganyan din lang naman ka cute," nakangiti kong saad. Nakakawala ng stress at pagod.

"Maraming magaganda at cute na aso."

"Hmmm? I need one too," saad ko at sakto naman ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang magkapatid na kararating lang.

"Ate Lah! Kuya Ale! Nandito na pala kayo." Halata ang saya sa tono ni Ciana. Lumapit agad ito sa akin at niyakap ako. Sumunod ay si Fei.

"Ate, thank you at pinagbigyan mo ako."

"Walang anuman Fei. Salamat sa imbitasyon."

"Maliit na bagay Ate." Nagtawanan na lang kami.

"Kuya, samahan mo na si Ate Lah sa taas, ikaw na muna bahala sa kanya, magluluto kami ni Ate Ciana dahil naka-off lahat ng kasambahay natin, linggo bukas eh."

"Sabay-sabay?"

"Yeah, pinayagan ko na dahil kawawa naman, minsan na nga lang makauwi sa pamliya nila ang mga iyon eh. Don't worry, marunong naman ako sa gawaing bahay eh, you know lumaki akong independent," pagmamalaki pa nito. Ginulo lang niya ang buhok ng kanyang kapatid. Alam ko rin naman ang buhay independenttttttt. Totoong nakaka-proud.

"Let's go," yaya niya sa akin. Sumunod na lang din ako. Napakalaki at napakaganda talaga ng bahay nila.

"Dito ka na lang sa kwarto katabi ng kwarto ko."

"Okay."

"Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sakin."

"Okay."

"Make yourself at home."

"Okay."

"Lalah naman, puro okay?" reklamo niya, nahiya naman ako.

"Ah, thank you?" patanong ko pang saad. Napangiwi na lang ako at napakamot sa noo.

Binuksan niya na ang kwartong sinasabi niya pero pareho kaming napamaang dahil sa kalat. Agad na isinara niya iyon.

"I'm sorry, wala nga pala dito ang kasambahay namin kaya siguro hindi pa nalilinisan yan. Dito ka na lang sa kabila." Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o manlulumo dahil ang apat na kwartong binuksan namin ay puro makalat.

"Fei!" may halong inis niyang tawag sa bunsong kapatid. Dumungaw pa siya sa ibaba.

"Fei!"

"Yes Kuya?" ani ng babae at nagmanadaling umakyat sa taas.

"Ano't napakalat ng mga kwarto rito?"

"Ay! Oo nga pala, kasi magge-general cleaning dapat kami kanina eh kaso hindi namin natapos kasi nga nakiusap ang mga kasambay na kung pwede mag-off muna sila. Kung kailan pa ang balik nila ay tsaka pa lang yan malilinis Kuya."

"Eh saan mo patutulugin si Lilah?"

"Sa kwarto mo."

"What?!" sabay pa naming sambit at nagkatinginan pa.

"Oh bakit? Magkasintahan naman kayo ah?"

Hindi niya pa  rin nasasabi ang tungkol sa break-up namin? Why?

"Tsaka bawal sa kwarto ko kasi may kung ano-ano pa akong ginagawa bago matulog. Kay Ate Ciana naman ay hindi iyon sanay ng may katabi dahil hubad yon lahat kapag natutulog." Parang gusto kong sapuin ang noo ko.

Nananadya ba sila? Pero mukhang hindi naman.

"Akala ko ba girls bonding?"alangang tanong ko pa. 

"Iyon nga, siyempre gagawin natin 'yon bago matulog, hindi naman pwedeng hindi tayo matulog, kaya mo ba?"

"Hindi," ani ko at nakabusangot na na nakatingin sa kanya na mukhang gusto na ding kutungan ang kanyang kapatid.

"O siya, baba na ako, hindi pa kami nangangalahati sa ginagawa namin eh. Bahala na kayo diyan." Nagmadali na itong bumaba.

"Paano na yan?" usisa ko pa. Napasinghap naman siya. 

"Ayos lang ba sayong sa kwarto ko matulog? May sofa naman ako."

Sa sofa niya ako patutulugin? Napanguso na talaga ako.

"Psss, of course ako yong sa sofa matutulog Lilah." Napangiwi na lang ako at sumunod na sa kanya. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na makakapasok ako sa kanyang kwarto. 

Sinuyod ko agad ng tingin ang kabuuan. Combination of white and grey ang motif color ng kanyang kwarto. Malinis, malapad at mabango din. Merong closet at merong parte kung saan ang daming librong nakalagay. Halo-halong klase ng libro. Para na siyang school library.

"Nabasa mo lahat ang mga 'yan?" namamanghang tanong ko pa.

"Yeah pero yong iba diyan ay hindi thorough reading, kung saan at anong page at information lang ang kailangan kong basahin."

Cool, still.

Malapad din ang kama at madaming pillows, though hindi ko bet ang kulay grey. Noon ay mahilig ako sa pink but now mas bet ko na ang yellow color.

Maya-maya ay bumaba na kami. Hindi naman ako lumaking spoiled brat kaya naman marunong din akong magluto at kung ano-ano pa. Tinulungan ko na sina Ciana at Fei. After naming makapagluto ay sa harap ng pool nila kami pumwesto. 

Balak pala nilang mag night swimming. Tumanggi ako dahil paniguradong hindi ko kakayanin ang lamig kaya ang magkakapatid lang ang nagkakasiyahan sa pool. Natutuwa din naman akong pagmasdan silang naglulunuran pa at naghahabulan. 

Siya ang naunang umahon dahil mukha namang wala pang balak ang kanyang dalawang babaeng kapatid. Napalunok pa ako dahil sa naka boxer short lang siya. Napaiwas agad ako ng tingin ng magkasulubong ang mga mata namin. 

Natataranta kong binuksan ang wine na nasa harapan ko at naglagay sa baso. Agad ko iyong tinungga.

"Tama na iyon," saway niya at tumabi sa akin. Para bang nilamig ako bigla kahit hindi naman nga ako nabasa. Napakunot noo ako dahil sa titig na titig siya sa akin.

"Bakit?"

"Hindi ka sanay na uminom, baka mamaya makatulog ka na naman kung saan."

"Sobra ito, andiyan ka naman eh." Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko. Tila ba may dumaang anghel dahil sa pareho kaming natahimik.

"Yeah pero ayokong malasing ka."

"Isa na lang," hirit ko pa. Ang tamis kasi tsaka ang bango ng wine nila.

"Malakas ang tama niyan. Dahan-dahan."

"Okay." Konti na lang ang inilagay ko sa baso ko, nilagyan ko din iyong isa at ibigay sa kanya.

"Cheers," nakangiti ko pang sambit.

"For?" Aniya pa. Napanguso naman ako. Kailangan ba talagang may rason?

"For... Nothing?" Tumawa naman siya at ginulo pa ang buhok ko. May haplos iyon sa aking puso. Isang buwan na din pala kaming hiwalay eh.

"Cheers." Sa wakas ay nakiayon din siya.

Inisang lagok ko na naman iyon pero sa pagkakataong ito ay nakaramdam na ako ng hapdi sa lalamunan at tiyan ko. Bigla din akong nakaramdam ng init.

Hinubad ko ang aking jacket at naiwan na lang ang white sando ko. Naka short lang din ako ng pangligo kaya komportable naman akong gumalaw. Naramdaman ko ang kanyang titig kaya naghumirintado na naman ang dibdib ko.

Tumayo ako ng bigla kaya nakaramdam ako ng hilo. Kamuntik na akong masubsob kung hindi niya ako nakahawakan sa bewang at na kabig papalapit sa kanya. Bumagsak ako sa kanyang kandungan.

Bigla na namang namuo ang ipo-ipp sa aking dibdib. Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa bewang ko dahilan para hindi ako makagalaw pa at halos kapusin din ako ng hininga.

"I missed you," bulong niya pa sa akin. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

C'mon Lilah, chance mo na ito. Pero kahit ano pang kumbinsing gawin ko sa aking sarili ay sadyang duwag talaga akong umamin ng tunay kong nararamdaman.

"M-e too ."

"You too what?" Napalunok at nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Namiss din kita."

"Totoo?"

"Yeah pero..."

"Pero?"

"Pero hindi dapat."

"Why?" Bahagya akong napapikit bago sumagot ulit.

"Dahil... May iba ka na." Siya naman ang hindi agad na nakaimik. Ang kanyang simpleng pananahimik ay nagdudulot ng sakit sa aking dibdib.

"Who?"

"C'mon Alester Hernandez, alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko."

"Is it Dara?"

"May iba pa ba?"

Nanahimik naman siya. Tumayo na ako at nakisali na din sa mga kapatid niya. Ininda ko ang lamig at tila ba bumalik ako sa normal kung huwisyo. 

Umaga na rin ng mapagdesisyonan naming matulog na. Nagbanlaw pa  muna ako at sa shower room na mismo nagbihis. Siya naman ang sumunod.

"Tulungan na kitang patuyuin ang buhok mo."

"Huwag na." Hindi na ako nakaalma pa ng kunin niya ang towel at siya na mismo ang nagpunas ng buhok ko, hindi kasi ako gumagamit ng blower unless necessary.

"Salamat," ani ko na matapos na siya.

"You sleep here, dito na ako sa sofa." Kumuha siya ng tatlong pillows at binitbit na iyon.

"Ano... Uhm..."

"Hmmm?" Nagtatanong niyang sambit.

"T-abi na lang tayo kung gusto mo." Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Pero kung ayaw mo ay ayos..."

"Gusto ko, hindi talaga ako komportable sa sofa, hindi ko pa nasusubukang matulog diyan," aniya at sumampa na agad sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti.

Wala namang masama kapag nagtabi kami diba? Tsaka hindi naman malalaman ni Dara.

  

LovieNot

Hello dear readers (kung meron HAHAHA) Sana patuloy niyo pong suportahan ang mga nobela ko rito sa GoodNovel. Pasensiya na sa mga error. Tao lang hihi. Godbless. Mwwwaapss!

| 4
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marilyn Rabino Moreno
cute kaya nang story
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
love your story
goodnovel comment avatar
MasugidNaMambabasa
Ang ganda ng story na ito author. Thank you and still waiting sa next update. I like your way of writing very much.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 5- KARMA

    Kahit Ayaw Mo NaWritten by LovieNotKabanata 5Lilah Daza"Lilah!" Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. Si Dara iyon at mukhang meron talaga siyang pakay sa akin.Hinintay ko siya at sabay na kaming sumampa sa elevator pataas. Ngayon na lang ulit kami nagkasabay."Ano 'yon?" usisa ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang pasimpleng pagsinghap niya."About you and Ale." Hindi naman agad ako nakaimik hanggang sa bumukas na ang elevator hudyat na nasa floor ko na ako. Sumabay siya sakin palabas kahit pa nasa 4th floor naman talaga siya."What about me and Les?" nakakunot-noo ko ring tanong. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya mas naguluhan pa ako. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita ng lalaking iyon mula noo

    Last Updated : 2021-10-16
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 6- CLOSURE

    KAHIT AYAW MO NA Written By LovieNot Kabanata 6 Lilah Daza Gabing-gabi na ako nakauwi dahil sa tinapos namin lahat ng magiging entries namin sa upcoming Fashion show this coming friday. Meron pa naman kaming apat na araw since lunes pa lang ngayon. Laylay ang balikat ko at para bang gusto ko na talagang ipikit ang aking mga mata nang bumaba ako sa kotse. Kung pwede nga lang sa sasakyan ko na lang matulog ay baka ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil hindi pa rin ako nakapag-dinner eh. "Lah." "Ay kugtong!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Nasapo ko ang aking dibdib. Nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtantong si Alester pala iyon. "Sorry kung nagulat kita," natatawa niya pang saad. Napakamot na lang ako sa noo. "Gabi na ah? Nandito ka pa rin?" u

    Last Updated : 2021-10-17
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 7- JEALOUSY INCARNATE

    Kahit Ayaw Mo NaKabanata 7Lilah Daza"Congratulations everyone! Great job!" masiglang saad ni Ma'am Charlotta.Kakatapos palang ng fashion show at sa kabutihang palad ay matagumpay naman itong natapos. Namayani ang palakpakan sa loob ng hall kung saan lahat ng designers ay nagtipon-tipon."Lilah, sobra mo na naman akong pinahanga, ang gaganda ng mga gawa mo," nakangiti nitong baling sa akin. Sa lakas ng pagkakasabi nito ay paniguradong may nakarinig na iba including Dara na medyo malapit lang sa kinaroroonan namin."Thank you for the compliment Ma'am Charlotta, thanks to my team also." Napatango-tango lang ito.Binati at pinuri niya din ang iba pang mga designers. Kinausap pa ako ni Ma'am Charlotta kaya hindi agad ako nakaalis ng hall."Congratulations Miss Lilah Daza," bati

    Last Updated : 2021-10-18
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 8- BEGGING

    Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"What?" sabay pang sigaw nina Rich and Juvie. Napangalumbaba na lang ako. Nasa La Conchita CS lang naman kami ngayon nakatambay."Totoo ba? Legit 'yan? May anak si Lester?" paninigurado ulit ni Tin. Napasinghap pa ako bago umayos ng upo."Nagkaroon siya ng anak," pagtatama ko pa.Dalawang araw na rin ang lumipas at hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi naman ako galit dahil sa nagka-anak siya sa kanyang ex-girlfriend kundi nagtatampo ako dahil bakit ngayon niya lang sinabi."Naguguluhan kami ah?" kunot-noong usal ni Shielou. Napabuntong-hininga na naman ako."Aksidente lang naman ang nangyari sa kanila.""Crazy, anong aksidente ang pinagsasabi mo Lilah?" asik ni Rich na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

    Last Updated : 2021-10-19
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 9 - GIVING UP

    Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"Uuwi ka rin ng probinsiya?" nakakunot noong tanong ni Tin. Marahan naman akong napatango.Nasa condo ko sila ngayon dahil friendship day namin at mas ginusto na lang din nila na dumito lang kami since wala naman si Juvie. Hindi pa rin nakakabalik ng Manila."Why? Bakit?" usisa rin ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako."I need rest and... Peace of mind too," mahina kong saad at napapikit.Mukhang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makuha ulit siya. Siya na ang kusang lumalayo eh. I remember what happened yesterday sa LC Mall. He's with his friends Freddy and Yael. Alam kong iisang direksyon lang ang pupuntahan namin which is Lala Boutique pero noong makita niya ako ay bigla na lang sa katabing boutique sila pumasok.Noong pauwi naman, papasok na rin dapat sila sa elevator na kinasas

    Last Updated : 2021-10-20
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 10- HEADACHE

    Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Inaantok pa akong bumangon dahil sa tunog ng doorbell. Curious din ako kung sino ang bisita ko sa ganito kaaga. Napatingin ako sa wall clock. Napabalikwas ako ng bangon ng pasado alas otso na pala. Late na ako sa trabaho pero hindi ko naman kailangan magmadali since boss naman ako. Napainat pa ako saglit bago bumaba ng kama. Pumunta pa akong cr para maghilamos. Inayos ko rin ang magulo kong buhok bago lumabas ng kwarto. Dalawang linggo na rin akong nakatira sa bagong unit ko. Yes, pagmamay-ari ko na din ito dahil nabili ko na talaga. Ayoko kasi ng parent-rent lang, mas magastos kapag ganun. Kung malasin na naman ako dito ay baka ibenta ko na lang. Pero isa lang ang sigurado ako sa ngayon, hindi na ako magpapaligaw sa CEO lalo pa at classmate ko din pala ang may-ari ng building na ito, si Mr. Buenvinida na sinasabi ni

    Last Updated : 2021-10-21
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 11- BEING TRAPPED

    Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza "I locked the door because I have this feeling na tatakas ka eh," paliwanag niya pa. Binato ko siya ng unan na nadampot ko. Lumabas kasi siya ng condo para daw mag groceries. Tuwang-tuwa naman ako dahil nga balak ko talagang tumakas pero sobrang disappointed ako dahil sa hindi ko mabuksan ang pinto. Naka-lock pala sa labas. "Na e-stress na ako dito sa lungga mo! Palayain mo na ako, please?" madrama ko pang sambit pero tinawanan niya lang ako tsaka napapalatak. "Makakauwi ka na." "Ngayon?" nakangiti kong sambit. Ginulo niya ang buhok ko. "Not now but soon." Naiinis ko siyang tiningnan. Hindi ko na talaga alam kung paano ako makakaalis dito. Pumunta siya sa kitchen at sumunod naman ako sa kanya. Binuksan ko ang kanyang refrigerator at may nakita

    Last Updated : 2021-10-22
  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 12- MAIN GOAL

    Kahit Ayaw Mo Na #KAMN Lilah Daza Nakatunganga lang ako sa harap ng screen ng laptop ko habang nanunuod ng K-drama, sobrang stress talaga ako dahil sa kakugtongan ng babaita kong kaibigan at ng dakilang ex-boyfriend ko. Nasa LC na nga ako ulit. Wala na akong magagawa pa. Hindi ko nga pinapansin ang dalawang iyon, dalawang araw na rin. Lagi kong nakakasabay sa elevator si Lester dahil hinihintay niya talaga ako. Magkatabi nga lang kasi ang unit namin. Si Rich naman ay lagi akong tinatadtad ng chats at texts pero sini-seen ko lang naman. Gusto ko munang palamigin ang aking ulo at pakalmahin ang nagdidirilyo kong sistema ng dahil sa sabwatan nila. "Kailan mo pa ako simulang nagustuhan?" "The first time I saw you with a red lipstick on your cheek, it makes me want to kiss you that day." Nakaramdam tuloy ako n

    Last Updated : 2021-10-22

Latest chapter

  • Kahit Ayaw Mo Na   SPECIAL CHAPTER

    Kahit Ayaw Mo NaAlester Hernandez' POVMarahan kong binuksan ang pinto ng opisina ng babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang isip ko.Sa bawat minuto na hindi ko siya makita ay para bang ang lungkot ng buhay ko. Wala akong ibang babaeng minahal kundi siya lang. Isang Lilah Daza lamang ang nakabihag at bumasag ng aking puso."I'm sorry Alester, walang mali sayo, hindi ka nagkulang in fact sobra-sobra pa nga ang ginagawa mo eh, ang nagawa mo sa akin. Pero... I'm sorry, hindi... Hindi kita mahal. Sinikap ko namang mahalin ka pero wala talaga eh. So it's better na maghiwalay na lang tayo. Hindi ako para sayo at hindi ka para sa akin. You deserve someone better. Someone who will love you back. And that's not me.""L-ah? Don't do this to me, please? Alam kong... Mahal mo ako, nararamdaman ko iyon, kung meron manakong ginawa na hindi mo nagustuhan,I'm sorry. Ayusin natin, pag-usapan

  • Kahit Ayaw Mo Na   EPILOGUE

    Kahit Ayaw Mo NaWritten By LovieNot—LILAH DAZA—Nagising ang aking diwa dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Pero gayunpaman ay malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa nakabukas pa ring bintana ng aking kwarto. Ito ang nagpaalala sa akin na nasa probinsiya nga pala ako. Wala pa ring katulad ang manirahan sa kinalakihan mong lugar. Totoo ngang 'There's no place like home' and this is my home.Kahit na nararamdaman ko pa ang kirot sa aking ulo dahil sa umaga na din ako nakatulog ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Naririnig ko na ang ingay mula sa labas. Ingay hindi dahil sa may gulo kundi dahil sa tiyak ay nagkakatuwaan na naman ang mga bata.Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table. Pasado 8:12 na pala ng umaga. Wala man lang nanggising sa akin ah? Bumangon na ako at lumandag-lundag pa sa kama. Parang

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 24- COOL OFF

    Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLovieNotLilah Daza"Kayo na pala ulit ni Kuya Ale?" nakangiting tanong ni Ciana. Marahan naman akong napatango at napasiring ng tingin sa lalaking kanina pa tutok na tutok sa kanyang laptop habang prenteng nakaupo sa couch.After nang nanyari noong gabing iniligtas niya na naman ako ay masinsinan kaming nag-usap. Napag-alaman kong set-up lang talaga lahat ng pangyayari. Naging open-minded naman kami pareho ni Alester kaya mabilis na naayos ang lahat. Kagagawan lang naman pala nina Bryan at Yael ang lahat. And speaking of Yael, rinig kong nasa ibang bansa na ito.Muli akong napasiring ng tingin kay Lester. Konti na lang at lalayasan ko na ang lalaking ito. Yayayain ako rito sa condo niya para maging audience niya lang? Kugtong talaga."Good to hear. Ikaw talaga ang gusto namin for him. Sana t

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 23- CONFUSED

    Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaIsang linggo na rin ang nakaraan mula nang maghiwalay kami ni Alester. Hindi rin maiwasang mag-cross ang mga landas namin lalo na sa LC establishment. Para hindi maging awkward pa ay naging kaswal na lang ang pakikitungo namin sa isa't-isa.Paminsan-minsan ay nakakasalubong ko rin si Yael at wala pa ring pagbabago sa pagtrato namin sa isa't-isa.Patuloy pa rin ang kompetisyon ng LB at BYDA Boutique. Gayunpaman ay meron na akong pinag-iimbestiga tungkol sa imitation issues sa pagitan ng dalawang boutique na kumakalat sa online platform. Habang wala pa akong sapat na ebidensiya ay nananatili muna akong tahimik."Sure ka na talaga? Ayaw mo na akong hintayin? You know naman on going pa rin 'yong photoshoot ko, bakla!" angil ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako. Kailangan ko na munang magpahinga. Hindi na rin kinakaya ng mental healt

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 22 - BETRAYAL

    Kahit Ayaw Mo Na Lilah Daza Kinusot ko ang aking mga mata. Nailibot ko rin ang aking paningin at nakahinga nang maluwag nang mapagtantong nasa kwarto ko lang naman ako. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko si Alester na nakaupo sa sofa habang natutulog. Biglang bumalik sa aking ala-ala ang nangyari. Nawalan ako ng malay dahil sa sakit at galit na namayani sa aking sistema. At ngayon na naalala ko na naman iyon ay unti-unti na namang nanghuhumirintado ang d****b ko. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Nagtama ang aming paningin. Agad siyang napaayos ng upo. "Lilah, mabuti naman at nagising ka na..." "Get out," walang gana kong sambit. "What?" "I said get out kung ayaw mong ako pa mismo ang kakaladkad sayo papalabas ng teritoryo ko, Mr. Hernandez." "Ano

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 21- NO EXCUSES

    Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapatigil ako sa paglalakad saglit nang mapansing nasa labas ng LC building si Yael. Kausap nito si Yonsan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan sa eksenang nakikita ko.Kinalma ko ang aking sarili at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang papalapit na papalapit ako sa kinaroroonan nila ay mas lumilinaw din sa aking paningin ang tensiyon sa pagitan nila.Sinadya kong patunugin ang takong ng suot kong sandals para makuha ko ang atensyon nila. Nagtagumpay ako dahil pareho silang napatingin sa akin. Kaswal lamang na tingin ang ibinigay ko sa kanila."Kung minamalas ka nga naman, bakit mukha mo pa ang nakita ko sa ganito kaaga?" himutok na saad ni Yael. Samantalang si Yonsan ay nanatiling tahimik."Baka naman kasi nakalimutan mong sa building na ito ako nakatira? O sadyang gumagawa ka lang talaga ng sarili mong

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 20- DARK PLAN

    Kahit Ayaw Mo NaLilah DazaNapasinghap ako habang nakatitig sa hawak kong report paper mula sa LB na nasa LC Mall. Ang laki ng ibinababa ng monthly sale nito at hindi ko maipaliwanag kung paano iyon nangyari.I mean, wala naman akong natanggap na report about sa pagdalang ng customers o kahit anong problema. Hindi ako makapaniwalang mas malaki ang ibinaba nito kumpara sa ibang LB."Bakit... I mean..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil gulat pa rin ang nasa sistema ko. "Are you sure na galing LB ito?" nagdududa kong tanong kay Haide."Iyan po ang inihatid dito ni Jinny.""Pupunta ako roon. May nangyayaring hindi maganda roon eh," ani ko sabay tayo. "Wala munang papasok dito sa office ko kapag wala ako. Kayo na rin ang bahalang magsara sakaling hindi agad ako makabalik," dagdag kong habilin. Unti-u

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 19- FALLING PETAL

    Lilah Daza"Tahan na diyan, tapang-tapang mo kanina eh tapos ngayon eh iiyak-iyak ka rin naman pala," asar pa sa akin ni Rich. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong umiiyak. "Magluluto ako, okay? Labas ka na lang kapag okay ka na."Ang swerte ko pa rin talaga sa part na may kaibigan akong laging nasa tabi tuwing kailangan ko. Tinuyo ko na ang mga mata ko at pumunta saglit ng CR. Nagpalit lang din ako ng damit bago lumabas.Bahagya pa akong nagulat dahil nadatnan ko sa sala si Yonsan na prenteng nakaupo habang nanunuod. Napadako ang tingin ko sa center table at nakita kong may nasa sampung soju na nakalagay doon."Hello, pinapunta ako ni Ate Rich dito. Gusto mo raw ng karamay," kaswal na saad nito. Believe din talaga ako sa lakas ng loob at radar ng batang ito eh. Kung umasta ay para bang tropa niya lang kami. Pero okay na rin para hindi kami magmukhang matanda.

  • Kahit Ayaw Mo Na   KABANATA 18- BUSY-LIKE

    KAHIT AYAW MO NA Lilah Daza Dahil sa pagod na nararamdaman ko ay matamlay akong nakarating sa condo. Mula pa kahapon ay nagbusy-busy-han ako para lang makalimutan ang away namin ni Alester namin kahapon. Iyon yata ang kauna-unahang matinding away namin bilang magkasintahan. Paano ba naman kasi ay ang kulit. Sinasabi ng ayaw ko munang kausapin siya ay panay ang punta sa office ko hanggang sa hindi na talaga ako nakatiis at inaway ko na. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit naging mainit ang ulo ko sa kanya. Hindi niya alam na nakita ko sila ni Yael noong isang araw sa company niya at maging sa LC Mall. Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay napabuntong-hininga na lang ako. Nang mag-angat ako ng tingin ay sakto naman ang paglabas ni Yonsan sa unit nito. Napakunot-noo ako dahil sa suot nito. All blac

DMCA.com Protection Status