KAHIT AYAW MO NA
Written By LovieNot
KABANATA 1
LILAH DAZA
"Hey! Are you okay?" untag sa akin ni Richelle. Isa sa kaibigan ko. Sa lahat ay siya ang madalas na dumadalaw sa akin sa office or working area ko para lang makipag-chikahan. Isa na siyang fashion model kaya siguro siya ang mas kasundo ko. Madalas din nagbibigay siya ng ideas para sa design na pwede kong gawin.
"I'm okay. Ah, ano ulit ang tanong mo?"
"Duh? Nakadalawang ulit na ako girl huh? Ang sabi ko ay bakit wala kang update sa social medias mo same as Alester? Di ko na tuloy nalalaman kung ano ang ganap niyong dalawa."
Pinigilan kong mapasinghap. Hindi pa nga pala nila alam na break na kami ni Alester. Pareho kaming tahimik after ng break-up namin pero nanatiling nasa in a relationship ang aming status sa F******k.
"Uhm... Busy kami pareho," tipid kong sagot.
"Gano'n? Girl naman, 'wag naman masyadong workaholic. Dapat bigyan mo din ng time ang lalabs mo. Ikaw din, baka magsawa siya at umayaw na sa set-up niyong isa o dalawang beses lang nagkakapag-usap sa loob ng isang linggo. Seriously girl? Paano kayo umabot ng dalawang taon?" Nang-aasar pa ang tono niya.
"Sobra ka naman sa isa o dalawang beses lang kami kung mag-usap sa loob ng isang linggo," angil ko pa.
Pero ewan ko rin naman. Minsan ko ng naitanong iyon noong gabing nakita ko sila ni Dara. Bakit ko nga ba inakala na wala akong nararamdaman sa kanya gayong umabot kaming hindi lang isang taon?
That's because I'm stupid. Iyon ang laging nakukuha kong sagot.
"Never na magsasawa si Lester kay Lalah 'no? I'm sure about it. Ang bait kaya ni Les, naiintindihan niya ang pagka-ugag nitong pwend natin," singit agad ng bagong dating. It's Kristina na ngayon ay elementary teacher na din.
"Tin!"tili pa ni Rich sabay yakap sa isa na para bang ilang dekada silang hindi nagkita. Natumba pa sila sa sofa.
Nailing na lang ako. Mukhang seryoso talaga sila ng sabihin nilang magkakaroon na naman kami ng get together tonight.
"Loka ka! Ang sexy mo na ah?" puri ni Tin kay Rich.
"Ano pa't naging model ako 'no?"
Senenyasan ko sila na huwag upuan ang mga sketch pads na nasa sofa kaya pareho silang napaurong. Napangiwi na lang ako dahil mukhang nasa daldalan mode na naman sila.
"Di ka rin mayabang gurl huh? Mas maganda pa rin ako sayo kapag pumuti ako." Naghagikhikan pa sila. Nilaro-laro ko na lang ang lapis na nasa kamay ko. Dalawang araw na akong distracted at walang maiguguhit na design.
Kailangan ko rin sigurong mag unwind. Kailangan kong itaboy ang espirito ng katangahan sa sistema ko. Amen.
"Nasa La Conchita Bar na daw sina Shielou and Juvie. Let's go na!" Yaya ni Tin at iniligpit pa ang mga sketch pads na nasa sofa. Iniabot pa ito sa akin na para bang sinasabing kumilos na din ako.
Nakakatamad talaga. Psss!
"Sila lang ba?" usisa na naman ni Rich.
"Of course kasama ko si Ferdinand 'no?" Patukoy nito sa 10-year boyfriend niya. Ang tagal na din nila. Since high school pa lang kami. Ang tatag din ng samahan nila ah?
"Kasama rin ni Shielou ang manliligaw niyang si Jhon. Wag mo ng asahang may kasama ang NBSB nating pwend." Nagtawanan na naman sila habang dinadaot si Juvie. Isa na din itong business woman.
"Kung makatawa ka, may jowa ka ba?" agarang bwelta ni Tin kay Rich.
"Excuse moy! Wala akong jowa pero at least madami naman ang naging ka MU ko 'no? Iyon ang pinaka safe na relationship 'no?" tanggol ng isa sa sarili.
"Paano naging safe ang MU?"
"The more na wala kayong label, the less na magkakasakitan kayo sakaling may isang makahanap ng iba. Less issue din sa dalawang panig. Kumbaga, nasa open relationship lang kayo habang nilalandi niyo ang isa't-isa." Muntik ko ng maibato sa kay Rich ang lapis kong hawak dahil sa long time running principle niyang iyon kaso naalala kong branded pala ang lapis ko. Sayang lang.
"Eh ikaw girl? Hindi mo isasama si Alester, lalabs mo?" baling na tanong sa akin ni Tin. Umiling lang ako.
"Ah why o why? You should invite him too," ani nito. Napailing na lang ako sa kakulitan nito.
"Tawagan natin!" suhestiyon ni Rich sabay hablot ng phone ko na nasa table lang pala. Di ako mahilig maglagay ng pattern, password or code sa cellphone ko kaya naman mabubuksan talaga nila agad.
Ngali-ngali akong tumayo at sinubukang agawin ang phone pero nag ring na ang kabilang linya and to my surprise ay nasagot agad ng isa. Nasapo ko na lang ang aking noo na landingan ng airplane sabi nga nila.
Duh? Meron lang talaga ako ng noo ng mga genius. Hindi na rin masama.
"Lah?" Iyon agad ang sinabi ni Alester.
"It's me Rich, kamusta ka na gwapong CEO?" Gusto ko itong batukan dahil parang kinikilig pa ang bruha.
"Oh, sorry akala ko si L-ilah. Ayos lang naman ako. Kayo ba?"
"Good to hear. We're fine naman, magaganda pa rin. Anyway, friendsarry namin today and mag ge-get together kami. Pwede ka bang pumunta? La Conchita Bar, this 6pm na." Nakamot ko na lang ang pisngi ko.
Paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko? Kung ako rin ang sisisihin. Nabulagan ako na ikaw at ako, ay hindi na... Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kusang nagplay iyon sa kukuti ko.
"I'm busy..."
"Hala! Ayaw mo bang makita si Lalah?" Angil ni Tin. Kadramahan talaga ng dalawang ito. Sarap nilang kunyatan!
"Gusto..."
"Ayun naman pala eh! Gora na Dude." Tila ba lumukso ang puso ko dahil sa sinabi niya kahit pa alam kong may 'but' na kadugtong iyon.
"Tingnan ko lang. I can't promise." Nagpadiyak naman si Rich.
"Ano ba yan? Pero sige, basta try mo huh?"
"Yup. I'm just busy, sorry." Hinablot ko ang cellphone ko sa kamay ni Rich. Ngumisi lang ito sa akin. Tumikhim ako bago nagsalita. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko.
What the hell Lilah? Bahagya akong lumayo sa dalawa. Hininaan ko ring ang volume para hindi nila marinig.
"It's fine kung di ka makakapunta, pasensiya na sa kakulitan ng mga kaibigan ko. Sarap nilang isako." Hinaluan ko ng biro para di kami maging awkward. Narinig ko ang pagsinghap niya.
"Hindi pa ba nila alam?" Kaswal lang ang pagkakatanong niya.
"Na?" Kunwari di ko alam ang tinutukoy niya pero deep down ay gusto ko lang alamin kung tanggap niya na ba na wala na kami.
"Na wala ng tayo?" Tila ba dinamba ng libo-libong martilyo ang dibdib ko. Iyon naman talaga ang gusto kong marinig mula sa kanya eh, ang sabihin niya ding wala ng kami pero bakit ang sakit? Wala man lang akong kahit anong emosyon na nabakas sa tono niya.
"H-indi pa. Ngayon lang ulit kami nagkita-kita and busy ako the past few days. I'm sorry." Dalawang huling salita lang iyon pero ang dami kong ibig iparating sa kanya
I'm sorry dahil nasaktan kita. I'm sorry dahil nakipaghiwalay ako sayo. I'm sorry dahil... Dahil huli ko na narealized na mahal pala talaga kita. Pagmamahal na di ko nakita noong tayo pa.
Ang matunog na kanyang pagsinghap ang pumukaw sa nalulunod sa sakit kong diwa.
"I'll be there at 6:30 pm. Sorry if mahuhuli ako. I need to pick up Dara..." Di ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil pinipiga na naman ang puso ko.
"As what I've said, it's fine if di ka makakarating, kaya okay lang din naman na mahuli ka. Unahin mo na muna ang priorities mo." Sinikap kong maging normal ang tono ko pero nabigo ako. Nabasag ang aking boses. Bago pa siya nakapagsalita ay inunahan ko na.
"Ibababa ko na," pagtatapos ko at tsaka pinatay ang linya. Suminghap ako at tumungin kina Tin and Rich na hindi ko alam kung kanina pa ba sila nakatitig sa akin.
"Let's go. Malapit ng mag six," yaya ko sa kanila at isinukbit na ang shoulder bag ko.
"May problema ba kayo ni Ale?" usisa ni Tin na ikinatigil ko. Sinubukan kong ibalik sa normal ang aking mukha, alam ko kasing nakabusangot na ako, iyon marahil ang dahilan kung bakit naisip nilang di kami okay ni Lester.
"Wala naman," tipid kong sagot ng mahila ko na ang dila ko. Nagpatiuna na ako. May kanya-kanya kaming sasakyan kaya magkikita-kita na lang ulit kami sa La Conchita.
"Hey! Kamusta?" nakangiting bati sa akin ni Ferdinand na prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan.
"I'm fine! Kita-kits!"saad ko at pumasok na rin sa sasakyan ko. Agad na pinaharurot ko ang aking sasakyan papunta sa condo. Gusto kong magpalit muna ng damit.
High-waist Black pants ang isinuot ko at pinarisan ko iyon ng black off-shoulder. Hindi ko na napansin pa na naka purong itim pala ako kung di ako pinuna ni Shie ng makarating na ako sa meeting place namin.
"May lamay girl?" Iyon ang agad na sinabi ng kaibigan ko matapos naming magbatian.
"Meron yata?" natatawa kong saad. Pinasadahan naman ako ng tingin ni Rich pero binalewala ko lang iyon. Siya pa naman ang mas madalas na makapansin kapag may pinagdadaanan ako.
"Namatay si Doremon noong isang araw," malungkot na saad ni Juvie na ang tinutukoy ay ang isa sa kanyang mga alagang pusa.
"Anong connect girl?" bwelta ni Rich sabay flip ng kanyang buhok.
"Girl naman, usapang lamay tayo diba? Wag kang slow," hirit din ni Juv. Natawa na lang kami.
Ipinakilala rin sa amin ni Shie si Henrex na kapwa niya artista. Agad naman na nagkapalagayan namin ito ng loob, mabait naman though. Tahimik lang din like Shielou.
"Where's Ale?" usisa ni Juv. Nagitla naman ako. Hindi alam kung ano ang isasagot.
Bakit na ang daming naghahanap sa taong nawawala? Oh well, kung sa bagay, nawawala lang naman ang hinahanap diba?
"Busy," sagot ko. Ayokong pag-usapan pa namin ang tungkol sa kanya. Di pa din akong handang sabihin sa kanila ang totoo.
"Oh? Lagi naman iyong present sa get together natin ah?" may halong pagtataka ang tono nito.
"Hahabol yon," singit ni Tin. Imbes na makipag chickahan at daotan sa kanila gaya ng nakagawian namin ay tahimik lang ako. Hindi ako umiinom ng hard drink pero sa pagkakataong ito ay naka tatlong shots na agad ako.
Pakiramdam ko ay umiikot at nagiging blurred na din ang paningin ko. Tinantanan ko na ang alak dahil baka hindi na ako makauwi pa.
"Malapit ng mag 8:00 p.m pero wala pa rin si Alester ah?" rinig kong saad ni Tin.
"Umaasa kayo na darating siya? Ako nga hindi na umaasa eh."
Dahil kasama niya ngayon si Dara. Gusto ko iyong idugtong pero pinigilan ko. Malalaman nila ang totoo. Dahil sa pare-pareho na kaming may tama ay hindi na nila nakuha pa ang totoong kahulugan ng sinabi ko.
Uwing-uwi na ako pero hinintay ko na lang na matapos ang kasiyahang ito na hindi naman nga ina-absorb ng aking sistema. Around 9:00 pm ay nagsilabas na kami. Hindi na rin umiikot ang aking paningin pero kumikirot pa rin ang ulo ko.
"Bye guys!" Paalam ko na sa kanila. Pumasok na ako sa sasakyan bago pa sila nakapagsalita. Mabilis na pinaharurot ko ang aking sasakyan. Naririnig ko pa ang mga busina sa tuwing may pabigla-bigla na lang akong nilalagpasan ng pabigla-bigla.
Nang makarating ako sa labas ng La Conchita CU ay bigla ko na lang inapakan ang break at gumawa iyon ng ingay. Halos mauntog din ako, mabuti na lang talaga na naka seatbelt ako.
Pakiramdam ko ay hinahalukay ang aking tiyan at gusto kong magsuka. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan, bahagya akong nakatingala. Mabuti na rin iyon para di ako tuluyang masuka.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya tumupad sa binitawan niyang salita. Tumulo ang luha ko. Matindi ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso kaysa sa aking ulo. Hindi ko na magawang idilat pa ang mga mata ko. Unti-unti akong nilamon ng antok.
Kinabukasan ay nagising ako na nasa loob pa rin ako ng kotse. Tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko at iyon nakapagpagising ng tuluyan sa aking diwa. Nagmadali akong lumabas at agad na pumanhik sa unit ko na nasa third floor pa. Agad akong naligo, nag-ayos at bumaba ulit.
Kailangan kong pumasok sa trabaho. Ang dami ko ng sinayang na oras. Next month na ang fashion show pero wala pa akong nagagawang design para sa entries namin.
Di pwedeng wala dahil inaasahan pa naman ng staff ng show na palagi kaming handa sa ganong klase ng event. Hindi lang boutique ang nakataya kundi ang maging brand ng damit na pino-produce ng team ko at ang pangalan ko mismo. Ayokong mapahiya. Mataas pa naman ang expectation ni Ma'am Charlotta sa akin, ang head ng show.
Nakapaglagay din pala ako ng light make-up para di naman ako ngarag tingnan pero hindi pa ako nakapagsuklay kaya naman habang palabas ako ay sinusuklay ko ang lagpas balikat kong buhok.
Natigilan ako ng makita ko si Alester sa labas at may dala siyang bouquet ng bulaklak. Umiwas ako ng tingin at itinago ang suklay sa bulsa ng pants ko.
Alam ko namang si Dara ang sadya mo eh. Napabuntong-hininga na lang ako. Kunwari ay di ko siya nakita. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa pinagparkan ko ng sasakyan. Nasa likurang bahagi niya lang naman. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng magsalita siya.
"I'm sorry dahil hindi ako nakarating." Bakas sa kanyang boses ang sensiridad. Pinigilan kong mapabuntong hininga. Pwede naman kasi siyang tumawag o magtext na hindi siya makakarating eh. Umasa tuloy ang mga kaibigan ko.
At ikaw Lilah.
"It's fine." Pilit akong ngumiti. Wala naman na akong karapatan sa kanya. Wala na akong karapatang magtampo, magalit, mag demand ng atensiyon at oras niya dahil pinutol ko na ang ugnayan namin. Kahit noong kami pa ay hindi din naman ako demanding pagdating sa kanya eh, kaya siguro nagtagal kami dahil sa wala kaming pinapalaking isyu o bagay. Walang selosan, walang away, nagpapatangay lang kami sa alon at desisyon ng kapalaran.
Nakita kong papalabas na din si Dara kaya naman napaayos ako ng tayo at binawi ko ang paningin ko sa kanya.
"Good morning Ale!" masigla at nakangiti pa nitong bati. Humalik pa ito sa kanyang pisngi. Bagay na di ko man lang nagawa noon sa kanya. Ano ba itong iniisip ko my gosh! Epekto pa rin ba ito ng alak? O baka ng katangahan?
I guess the second one is the best and correct answer Lilah!
"Good morning," balik bati ng lalaki.
Mabuti pa sila, good ang morning. Ako, ito at ngarag dahil sa kakalaklak. Makalaklak, akala mo kung sanay ah? I'm not sanay though. Malakas lang ang loob ko.
"Ang aga mo naman. Di ka ba napagod sa trip ng mga kaibigan ko kagabi?" Tanong ng babae. Napasiring ng tingin sa akin si Alester pero di ko iyon sinalubong.
Now I know kung bakit di siya nakarating. Tse!
Hindi sumagot si Les pero inabot niya sa babae ang hawak niyang bulaklak. Humigpit ang hawak ko sa sling ng bag ko.
I knew it! Buti na lang talaga at hindi ako assuming. I mean hindi ko inisip na para sa akin iyon. Eh ano naman kung may pa bulaklak siya? Kaya ko namang bumili niyan, kahit buong flower shop pa ang bilhin ko.
"Oh my gosh. Ang sweet mo naman. Thank you." Hindi ko alam kung bakit tila napako na ako sa aking kinatatayuna at pinanuod pa talaga ang eksena nilang ito.
Binigyan lang ng bulaklak ay sweet na? How about kung gawin pa ni Lester ang mga bagay na ginagawa niya sa akin noon? Ano na iyon? Sweetest?
Binalingan ako ng tingin ni Dara at mukhang may sasabihin ito sa akin pero di ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na makapagsalita pa. Masama ang loob na pumasok ako sa kotse. Bumusina ako dahil nakaharang sila sa daraanan ko. Nakita kong nagulat pa sila.
Buti nga sa inyo. PDA! Walang alinlangang nilagpasan ko sila. Maraming katanungan na naglalaro na naman sa aking isipan at binabaliw ako ng mga ito pero pinilit kong hawiin lahat ng iyon sa kukuti ko.
Inis kong ipinarada ang kotse sa parking lot ng Lala Boutique. Dumiretso ako sa office at pasalampak na naupo. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at in-open. Naka-off pala ito?
Sunod-sunod na texts at chats mula sa mga kaibigan ko ang dumating, nagtatanong kung okay lang ba ako, ang iba doon ay nanenermon dahil nagmadali akong umalis. Naiiling na nangingiti na lang ako. Dinaig pa nila ang parents ko na nasa probinsiya ah?
Pinindot ko ang group chat naming magkakaibigan at tumipa ng mensahe.
'I'm fine. Nasa office na ako though. Masakit pa rin ang ulo ko. Wag na kayong mag-alala, alright?'
Nakapag-reply agad si Juvie at Tin na laging active sa social medias. Samantalang si Rich ay mukha niyang nakangiti ang isinent, si Shiela naman ay nag react lang sa chat ko. Tamad kasing mag chat pero sa aming lima ako ang binabansagan nilang seener.
Maya-maya ay pumasok si Haide at may dala itong bulaklak. Ang paborito kong bulaklak. Red roses na may halong ibang pang klase ng bulaklak pero nanaig pa rin doon ang kulay pula. Mas better kaysa sa flowers na hawak kanina ni Dara.
Tse! Ang bitter ko ah? Pansin ko lang.
"Good morning Ma'am Lah. Idinaan ito kanina ni Emman." Ang tinutukoy nito ay ang nagsisilbing right hand ni Alester.
Napakunot noo ako. Wew! Nililigawan na ba ako ngayon ni Emman? Bakit may pabulaklak ang lalaking iyon? Naipilig ko na lang ang ulo ko.
Hang over lang ito Lilah!
Pagkalapag nun ng babae sa mesa ko ay nagpaalam na din na aalis. Mukhang nasindak ito sa mood ko ngayon. Kinuha ko ang note at binasa.
'Mahal kita pero kailangan ko din palang mahalin ang sarili ko. Kapag okay na ako, kapag wala na ang sakit na idinulot mo sa puso ko, ay baka suyuin ulit kita... Kahit ayaw mo na.' -A.H
KAHIT AYAW MO NAWritten By LovieNotKABANATA 2LILAH DAZANasambunutan ko ang aking sarili dahil sa hindi talaga ako makapag pokus sa trabaho ko. Puro bilog at linya lang ang naiguguhit ko sa Sketch pad. Madami na ang akong nasayang eh.Hindi na naalis sa aking kukuti ang nasa note. Kahapon pa naman iyon but damn! Di na ako pinatahimik pa.'Kapag okay na ako, kapag wala na ang sakit na idinulot mo sa puso ko, susuyuin ulit kita.'Talk shit ba iyon? Pero hindi naman ganun ang pagkakilala ko kay Alester eh. Palagi siyang seryoso sa mga sinasabi niya.C'mon Lilah! Hindi ganun si Alester, kung ikaw ay baka pwede pa, diba?Tumayo ako at kinuha ang phone ko. Gusto ko siyang tawagan pero di ko magawa. Nanatili lang akong
KAHIT AYAW MO NAWritten By LovieNotKABANATA 3LILAH DAZAWalang imik na sumampa si Dara sa elevator. Kung minamalas ka nga naman at nakasabay mo pa ang isa sa taong gusto mo nang iwasan na.Matapos ng pakiusap ko sa kanya kagabi ay hindi na kami nagkausap pa dahil nagdesisyon na rin siyang umuwi. Inihatid pa namin ito sa labas ni Lester. Pagkatapos ay ipinagpatuloy namin ang pagpapanggap na kami pa rin kahit hindi naman na talaga.Napasinghap ako. Gusto kong magsalita pero wala akong mahita na sasabihin ko sa kanya."I'm sorry for what happened last night." Sa wakas ay nakapa ko rin ang dila ko. Saktong bumukas ang elevator senyales na nasa ground floor na kami. Mabagal ang mga hakbang namin."It's fine but... Sana di na maulit iyon Lil. Sana rin ay ipaalam niyo na
KAHIT AYAW MO NA Written By LovieNot Kabanata 4 Lilah Daza "Sexiest part of Alester's body?" pilyang tanong sakin ni Rich. Nasa La Conchita Coffee Shop kami ngayon at nagpapahinga. Isang linggo na rin mula nong magkita kami ng lalaking kanina pa nila bukambibig. Pagkatapos ng lunch namin with his family and girlfriend ay hindi na rin kami nagkita pa. "I don't know," ani ko na hindi inaalis ang aking paningin sa sketch pad na hawak ko. Tuloy pa rin ang trabaho ko kahit na dapat ay nagsasaya ako. Marami na rin akong naiguhit na bagong desinyo. May natapos na rin at waiting for fashion show na lang ang mga iyon kaya nabawasan na ang pressure na nararamdaman ko. "Weh? Lalah naman! Sayo natapat yong bote eh, sagutin mo ng maayos ang tanong ko," angi
Kahit Ayaw Mo NaWritten by LovieNotKabanata 5Lilah Daza"Lilah!" Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. Si Dara iyon at mukhang meron talaga siyang pakay sa akin.Hinintay ko siya at sabay na kaming sumampa sa elevator pataas. Ngayon na lang ulit kami nagkasabay."Ano 'yon?" usisa ko naman sa kanya. Narinig ko pa ang pasimpleng pagsinghap niya."About you and Ale." Hindi naman agad ako nakaimik hanggang sa bumukas na ang elevator hudyat na nasa floor ko na ako. Sumabay siya sakin palabas kahit pa nasa 4th floor naman talaga siya."What about me and Les?" nakakunot-noo ko ring tanong. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya mas naguluhan pa ako. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita ng lalaking iyon mula noo
KAHIT AYAW MO NA Written By LovieNot Kabanata 6 Lilah Daza Gabing-gabi na ako nakauwi dahil sa tinapos namin lahat ng magiging entries namin sa upcoming Fashion show this coming friday. Meron pa naman kaming apat na araw since lunes pa lang ngayon. Laylay ang balikat ko at para bang gusto ko na talagang ipikit ang aking mga mata nang bumaba ako sa kotse. Kung pwede nga lang sa sasakyan ko na lang matulog ay baka ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil hindi pa rin ako nakapag-dinner eh. "Lah." "Ay kugtong!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Nasapo ko ang aking dibdib. Nakahinga lang ako ng maluwag ng mapagtantong si Alester pala iyon. "Sorry kung nagulat kita," natatawa niya pang saad. Napakamot na lang ako sa noo. "Gabi na ah? Nandito ka pa rin?" u
Kahit Ayaw Mo NaKabanata 7Lilah Daza"Congratulations everyone! Great job!" masiglang saad ni Ma'am Charlotta.Kakatapos palang ng fashion show at sa kabutihang palad ay matagumpay naman itong natapos. Namayani ang palakpakan sa loob ng hall kung saan lahat ng designers ay nagtipon-tipon."Lilah, sobra mo na naman akong pinahanga, ang gaganda ng mga gawa mo," nakangiti nitong baling sa akin. Sa lakas ng pagkakasabi nito ay paniguradong may nakarinig na iba including Dara na medyo malapit lang sa kinaroroonan namin."Thank you for the compliment Ma'am Charlotta, thanks to my team also." Napatango-tango lang ito.Binati at pinuri niya din ang iba pang mga designers. Kinausap pa ako ni Ma'am Charlotta kaya hindi agad ako nakaalis ng hall."Congratulations Miss Lilah Daza," bati
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"What?" sabay pang sigaw nina Rich and Juvie. Napangalumbaba na lang ako. Nasa La Conchita CS lang naman kami ngayon nakatambay."Totoo ba? Legit 'yan? May anak si Lester?" paninigurado ulit ni Tin. Napasinghap pa ako bago umayos ng upo."Nagkaroon siya ng anak," pagtatama ko pa.Dalawang araw na rin ang lumipas at hindi ko pa rin siya kinakausap. Hindi naman ako galit dahil sa nagka-anak siya sa kanyang ex-girlfriend kundi nagtatampo ako dahil bakit ngayon niya lang sinabi."Naguguluhan kami ah?" kunot-noong usal ni Shielou. Napabuntong-hininga na naman ako."Aksidente lang naman ang nangyari sa kanila.""Crazy, anong aksidente ang pinagsasabi mo Lilah?" asik ni Rich na mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Kahit Ayaw Mo Na#KAMNLilah Daza"Uuwi ka rin ng probinsiya?" nakakunot noong tanong ni Tin. Marahan naman akong napatango.Nasa condo ko sila ngayon dahil friendship day namin at mas ginusto na lang din nila na dumito lang kami since wala naman si Juvie. Hindi pa rin nakakabalik ng Manila."Why? Bakit?" usisa rin ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako."I need rest and... Peace of mind too," mahina kong saad at napapikit.Mukhang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makuha ulit siya. Siya na ang kusang lumalayo eh. I remember what happened yesterday sa LC Mall. He's with his friends Freddy and Yael. Alam kong iisang direksyon lang ang pupuntahan namin which is Lala Boutique pero noong makita niya ako ay bigla na lang sa katabing boutique sila pumasok.Noong pauwi naman, papasok na rin dapat sila sa elevator na kinasas