Home / Romance / Kahit Ayaw Mo Na / KABANATA 2- CONFUSED

Share

KABANATA 2- CONFUSED

KAHIT AYAW MO NA

Written By LovieNot

KABANATA 2

LILAH DAZA

Nasambunutan ko ang aking sarili dahil sa hindi talaga ako makapag pokus sa trabaho ko. Puro bilog at linya lang ang naiguguhit ko sa Sketch pad. Madami na ang akong nasayang eh.

Hindi na naalis sa aking kukuti ang nasa note. Kahapon pa naman iyon but damn! Di na ako pinatahimik pa.

'Kapag okay na ako, kapag wala na ang sakit na idinulot mo sa puso ko, susuyuin ulit kita.' 

Talk shit ba iyon? Pero hindi naman ganun ang pagkakilala ko kay Alester eh. Palagi siyang seryoso sa mga sinasabi niya.

C'mon  Lilah! Hindi ganun si Alester, kung ikaw ay baka pwede pa, diba?

Tumayo ako at kinuha ang phone ko. Gusto ko siyang tawagan pero di ko magawa. Nanatili lang akong nakatingin sa number niya na nasa screen. 

You can do this Lalah.

Akmang ida-dial ko na iyon pero biglang nasa caller ID na si Tin. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha bago iyon sinagot.

Wrong timing naman ang babaeng ito.

"Hello?" intrada ko at naupo sa sofa na nasa loob ng opisina ko.

"How are you?" Napakunot-noo naman ako.

"Fine, why?"

"Sure ka ba?" Bakas sa boses nito ang pag-alala. Napasinghap na lang ako.

"Yeah. Bakit?"

"Alam ko na." Iyon lang ang sinabi niya pero biglang nangatal ang sistema ko. Batid ko naman kung ano ang tinutukoy niya eh.

"Kanino mo nalaman?" kagat-labi kong tanong. 

"Hindi na mahalaga kung kanino Lalah. Pupuntahan ka namin ni Rich mamaya sa condo mo ah? Doon na rin kami matutulog."

"Okay."

"May klase na ako, bye." Pinatay niya na ang tawag. Naka-ilang buntong hininga pa ako bago umupo ulit sa pwesto ko. Kailangan may maiguhit na ako. Hindi pwedeng wala kahit manggas man lang.

Sinubukan ko uling magpokus sa ginagawa ko. Ilang sandali pa ay may kumatok kaya napatigil ako sa aking ginagawa.

"Pasok," saad ko at muling sinipat ang aking gawa.

Pwede na. Pero.. hindi pwedeng pwede na. Dapat ay pwedeng-pwede talaga! Gosh! I need an inspiration right now!

Di ko namalayan na nahilot ko na pala ang sentido ko at mariing nakapikit. Nagising lang ang diwa ko ng may tumikhim. Nakahawak na sa batok nang idilat ko ang aking mga mata. 

"A-lester? Ginagawa mo rito?" takang tanong ko pa. Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Dara.

Oh shit! Di pwedeng makapasok siya sa office ko! I mean kakompetensiya ko siya kaya di pwedeng malaman niya na di pa ako prepared sa paparating na fashion show.

Agad na napatayo ako at nagmamadaling kinuha sa sofa ang mga ipinasang designs ng mga kasamahan ko at inilagay iyon sa drawer. Inilatag ko kasi iyon kanina para pag-aralan at ikonekta ang magiging disenyo ko sa mga gawa nila. 

Nagkalat pa sa sahig ang scratch pads ko kaya dinampot ko iyon isa-isa. Ramdam ko ang titig nila sa akin.

"I'm sorry kung makalat ang office ko. I'm busy and..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may mapagtanto ako. "May appointment ka ba with me Miss Alvarez?" seryoso kong saad. Mataman naman akong tinitigan nito.

"Ah, wala. Isinama lang ako dito ni Ale. Lalabas na lang ako kung gusto mo," akmang aalis na ito nang magsalita ulit ako.

"No, just stay. Anong kailangan mo Les?" baling ko na sa lalaki habang itinatapon sa basurahan ang kalat ko.

"May party mamaya sa bahay..."

"I'm sorry pero may usapan na rin kami nina Tin eh. Sa condo ko sila mamaya matutulog." Pinilit kong ngumiti.

For sure, imbitado din itong si Dara.

"Okay," tipid niyang saad at tsaka sumenyas na na aalis na sila. Tumango lang ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsuyod ng tingin ni Dara sa kabuuan ng opisina ko. Mabuti na lang at sa office hindi sa working area ko. 

Minsan na akong nanakawan ng design noon kaya naman wala akong tiwala sa mga taong pumapasok sa teritoryo ko lalo pa at kakompetensiya ko pa.

Kinuha ko ang aking phone at itinext ang lalaki.

'Next time, huwag mong dadalhin ang girlfriend mo sa teritoryo ko. In case hindi mo alam, isa siya sa competitors ko. Hindi ako galit, don't worry. Ayoko lang na maulit ito.' 

Hindi ako nakatanggap ng response mula sa kanya pero ayos lang, at least man lang nabasa niya sana ang text ko.

Natapos ang buong araw na naka dalawang designs ako pero di pa rin ako kontento. Iba pa rin talaga ang gawa ko kapag nasa tamang katinuan ako.

Maaga akong nag-out para makapagluto, paniguradong magrereklamo ang dalawang iyon kapag puro take-out o deliver ang pagkaing ipapakain ko sa kanila.

Meron naman akong stocks kaya no need na na dumaan ako sa pamilihan. Condo agad ang diretso ko. Namataan ko na naman na nasa labas si Alester, baka hinihintay si Dara.   

"I'm sorry, I don't know that Dara is your competitor," saad niya. Bahagya akong napasinghap. Gusto ko siyang tanungin na kung bakit sa dinarami-dami ng babae sa mundo ay si Dara pa? 

"Huwag lang sanang maulit," tugon ko. Nanatiling sa ibang direksyon ang kanyang paningin.

"Hey, let's go?" boses ni Dara ang pumailanlang. Bigla na namang sumikip ang dibdib ko.

"Saang floor ka nga pala Lilah?" tanong nito sa akin ng mapansing nakatayo lang ako.

"Third, how about you?"

"Nasa fourth ako eh." Pekeng ngiti ang ibinigay nito sa akin.

"Ayaw mo ba talagang pumunta sa party?" usisa na naman nito. Nanatiling tahimik si Alester. Ngumiti ako at tsaka umiling.

"Hindi naman sa ayaw, it's just that papunta din dito ang mga kaibigan ko."

"Bakit? Anong meron?" Pare-pareho naman kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Rich at Tin na nasa may likuran ko na pala.

"Hi Alester, hi Miss," bati ni Tin sa dalawa at hinalikan ako sa pisngi.

"Ano ulit iyong pinag-uusapan niyo?" balik usisa ni Rich, halatang chismosa talaga.

"About sa party sa bahay tonight."

"Oh? Party ba kamu? Game kami! Diba Lalah? Game na game kami!" Excited pa ang bruhang Rich kaya di ko mapigilang batukan siya.

"Buti nga, party-party ka pa diyan," ani Tin na mukhang di rin gustong pumunta kami sa party.

"Pwede rin kayong sumama Tin and Rich. It's fine." Imbita sa kanila ng lalaki. Tumikhim ako.

"Pwede kayong pumunta na lang sa party. Hindi kasi talaga ako pwede. Madami pa akong gagawin."

"Sa gabi?" usisa ni Dara.

"Yes, wala namang kaibahan ang umaga sa gabi eh," sagot ko. 

"Ano ka ba girl? Minsan lang tayo maging bata so dapat ay sulitin na natin!" Napapikit na lang ako dahil sa kakulitan ni Rich.

Wala akong nagawa ng pati si Tin ay gumayak na din sa party nina Alester. Para akong batang basta na lang kinaladkad ng dalawa papunta sa party. Nauna naman na sa amin ang dalawa kaya habang nasa biyahe kami ay panay ang angil ko.

"Mahal mo ba?" Natigilan ako sa tanong ni Tin. Siyang driver ngayon.

"Sino?"

"Si Alester Hernandez, sino pa ba girl? Ang slow huh?" Agad na singit ni Rich na nasa back seat pero nakadungaw sa pwesto namin.

"Mahal mo ba?" Ulit ni Tin. Di ko naman alam kung sasagutin ko ba iyon ng totoo o hindi.

Baka kapag sinabi kong oo ay husgahan nila ako dahil sa ako naman ang nakipaghiwalay pero ako itong nahihirapan ngayon.

"Be honest Lilah para matulungan ka namin."

"Para mabigyan ka namin ng tips on how to get back your lalabs." Naiiling na lang talaga ako kay Rich. Ang daming alam eh.

"Yes." Nakapikit kong sagot.

"Ay ang tanga mo girl sa part na mahal mo pero pinakawalan mo."

Sinasabi na nga ba!

"Ang judgmental mo din talaga girl, kaibigan ba talaga kita?" Asik ko. Napangiwi naman ito.

"Alam mo hindi mo ako kaibigan kapag sinabi kong tama lang ang ginawa mo gayong hindi naman. Sarap mong kutungan. Ang ganda ng relasyon niyo ni Alester tapos malalaman naming wala na kayo?"

"Akala niyo lang ay maganda."

"Akala mo lang din ay hindi maganda." Natameme ako nang si Tin na ang nagsalita.

"Hindi mo kasi nakikita ang kinang ng mata mo kapag si Alester ang kasama mo eh. Dahil na din siguro sa naka pokus ka sa tagumpay ng career mo ay hindi mo na nabibigyan pansin pa ang nararamdaman mo for him." Napasinghap ako.

Lagi ako pressured sa trabaho ko. Ang laging nasa kukuti ko ay kung paano mapalago ang business at the same time ay makilala ako bilang isa sa magaling na designers. I got the title already pero... Kulang pa rin pala talaga kapag nawala sayo ang taong mahal mo.

"Relationship is not just a joke but a commitment Lilah." Dagdag ni Rich. 

"What to do?" mahinang tanong ko. Sabay pa silang napabuntong hininga.

"Sa ating lima ay ikaw ang pinakamatalino pero bakit bigla-bigla ka na lang naging polpol?"

Sa probinsiya na pinanggalingan namin ay bobo ang ibig sabihin ng salitang polpol.

"I'm not polpol. I'm just... Confuse?"

"See? Hindi mo nga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman mo eh."

"Pero sigurado akong mahal ko siya."

"Mahal mo pero wala kang ginagawa para balikan ka nong tao?"

"Bakit kailangan ako ang kumilos para bumalik siya Tin? Kung mahal niya ako ay babalik siya ng kusa." Biglang inihinto nito ang sasakyan. Nasa harap na pala kami ng bahay nina Alester.

"Sarap mong kunyatan Lah! Minsan ibaba mo din ang pride mo para mas makita mo kung ano ba talaga ang nangyayari sa lipunan at kung paano mo makukuha ulit ang loob ng sinasabi mong mahal mo," sermon nito sa akin. Napabusangot naman ako.

"Hindi sa lahat ng oras lalaki ang susuyo Lalah! Hindi sa lahat ng oras ay sila ang mag sosorry. Minsan, kailangan din nating kumilos, kailangan nating magpakumbaba lalo pa kung tayo din ang nakasakit at ang nagkamali." Para naman akong sinampal dahil sa sinabing iyon ni Rich. 

Ako na ang walang alam kapag relasyon ang pag-uusapan! Shit! Paano kami umabot ng two years kung wala akong alam kung paano dalhin ang sarili ko bilang kasintahan? Ibig sabihin ay si Alester lang ang dumala nun? Tapos... Tapos ako pa ang may lakas loob na makipaghiwalay?

Damn shit self!

Sabi niya ay mamahalin niya pa rin ako kahit ayaw ko na... Pero bakit may Dara agad siya? Ewan! Nakakalito! Nakakatakot! Nakakasakit. 

"Ano? Hindi ka papasok sa loob?" Untag sa akin ni Rich ng makababa na kami.

"Eh? Pwedeng mauna na kayo? May tatawagan lang ako." Palusot ko pa pero ang totoo ay kinakabahan ako dahil baka may iba pang bisita na nakakakilala sa akin bilang girlfriend ni Alester. Ayokong maging sentro ng atensiyon sa gabing ito.

"Okay. Basta sumunod ka ha?" Tumango lang ako. Pumasok na sila habang ako ay nanatiling nakasandal sa kotse ni Tin.

Muli na naman akong napatingala sa kalangitan habang hinaplos-haplos ang braso kong nilalamig. Bakit kasi naka off-shoulder na naman ako?

Napatingala ako sa veranda na nasa second floor ng bahay nila. Madalas kaming tumambay doon kapag nagagawi kami dito. Napabuntong hininga na lang ako.

"Lah?" Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng pananabik ng lambing niya. Nakagat ko na lang ang labi ko ay umiwas ng tingin. 

"Hindi ka pa ba papasok? Malamig dito." Umiling ako. Ayoko ng pumasok pa.

"Pasensiya na kung napilitan kang pumunta dito." Di ko alam kung paano ko sasabihin na gusto ko naman talagang pumunta dito kung hindi niya lang kasama si Dara.

"B-akit?" Iyon ang salitang naiusal ko. Naguguluhan niya naman akong tiningnan. 

Bakit may iba ka na agad gayong sinabi mong mamahalin mo pa rin ako kahit ayaw ko na?

"Anong  bakit?" Agaran akong umiling.

Sumandal din siya sa kotse pero may distansiya sa pagitan namin. Pareho kaming walang imik.

"Uhm... G-irlfriend mo na si Dara?" Mahabang katahimikan ang namayani. Tanging malakas na tibok ng puso ko lang ang  naririnig ko. Natatakot pa rin ako kapag kinumpirma niya ang naiisip kong estado nila ng babae.

"H-indi. Nililigawan ko pa lang."

"Pero naghalikan na kayo? Nice." Di ko napigilan ang bibig ko na sabihin iyon.

"Well, pareho kaming may alak sa sistema ng oras na iyon." Kaswal niyang saad. 

Kaya ba todo alalay siya sa babae?

"Hindi naman natin ginawa iyon kahit nakainom tayo pareho." Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

"Pero hindi ko din naman gustong gawin natin iyon dahil lang sa alak na nasa sistema natin," bawi ko pa. Baka kasi kung ano ang isipin niya eh.

"Hindi ka naman umiinom ng alak eh,"  saad niya din.

"Sinubukan ko na, nong gabing... Basta."

Nong gabing hindi ka sumipot dahil ibang get together pala ang pinuntahan mo.

"Anong feeling?" Natatawa niya pang tanong. Pinigilan kong siringan siya ng tingin.

"Nakakasuka at ang bigat sa ulo," natatawa ko ding saad.

"Nakatulog ka sa kotse mo." Nilingon ko na talaga siya. Hindi iyon patanong. Alam niya? Paano niya naman nalaman? Nag report ba si Manong guard?

"Naku! Si Mang Sanny talaga! Chinismis niya ba ako sayo?" Umiling siya at siya naman ang tumingala. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang kanyang mukha.

Ngayon ko napagtanto kung gaano siya kagwapo. Mahabang pilik-mata, magandang korte ng kilay, matangos na ilong at pinkish lips. Sabagay, hindi siya purong pinoy eh. 

Hindi na yata mangyayari na ako ang magiging first kiss niya dahil naunahan na ako ni Dara, tse!

"First kiss mo ba si Dara?" Huli na para pigilan ko pa ang bunganga ko. Hindi agad siya nakasagot.

Obvious naman kasi Lilah eh!

"Hindi."

So? May iba pa siyang nahalikan? Oh my gosh! Okay na din at least hindi pala si Dara.

"Gusto mo malaman kung sino?"

"Ah hindi na. Hindi naman ako interesado sa kiss-kiss na yan eh. Anyway, pumasok ka na at baka hinahanap ka na ni Dara." Liko ko sa usapan.

"Sabay na tayo."

"O-kay." Napapikit pa muna ako bago sumunod sa kanya.

"Ate Lalah!" Tumakbo sa gawi ko si Luciana. Kapatid ito ni Alester na halos kasing edad ko lang naman pero dahil sa 'boyfriend' ko daw ang Kuya niya ay nag a-ate na rin siya sa akin. Pero keri na yon dahil mas matanda ako sa kanya ng limang buwan. 25 years old na ako at siya ay turning pa lang.

"Cia. Good evening."

"Good evening Ate Lah. Uhm, I thought hindi ka talaga pupunta dito kasi ang sabi ni Kuya kanina ay tumanggi ka daw."

"Na-realize ko na hahanapin mo talaga ako kaya nagbago ang desisyon ko," pabirong saad ko sabay natawa kaming dalawa.

Hinanap ko sina Tin and Rich and luckily ay agad naman silang nahagip ng paningin ko.

"Ano nga palang meron?" Tanong ko pa.

"Welcome party for Fei." Nanlaki naman ang mata ko.

"Umuwi na ang bunso niyo?"

"Yeah, 18 lang siya ng umalis and now 23 na. Kaya ito, may pa bonggang party kami." Napalingon ako sa gawi kong saan nakatingin si Ciana.

"Kanina ko pa napapansin ang babaeng iyan na dikit ng dikit kay Kuya Les, even my friends can tell." Nakanguso niyang saad. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Lilah! Mabuti naman at nakarating ka!" Halos patiling saad ni Tita Carmen. Ang mommy nila. Kasama nito si Tito Dong at ang babaeng kamukha nina Les and Cia. I think siya si Feilissa. Lumapit ako sa kanila at nakipagbeso.

"Good evening po Tita, Tito and.. Fei, I guess?" Alangang sambit ko. 

"You know me?" Medyo mataray ito kumpara ka Ciana.

"Of course naman bunso, girlfriend yan ng Kuya Les mo." Nakangiti pa si Tita ng sabihin iyon. Bigla tuloy akong nakonsensiya. Hindi pa nila alam na wala ng kami ni Alester? Bakit di niya sinabi?

"Girlfriend? I thought ang Dara na iyon ang gf ni Kuya?" Ayun na naman ang kirot sa puso ko. Hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko.

"By the way, what's your name again?"

"I'm Lilah Daza."

"Age and work?" Ito talaga ang pinaka-ayaw ko sa gatherings eh. Madaming tanong na ibabato sayo.

"25 and Fashion Designer."

"That's why your face is so familiar, I'm fashion designer too pero nasa New York ako naka base." This time ay nakangiti na ito.

"Ikaw ba ang designer ng LD garments?"

LD is stand for Lilah Daza na tanging sa Lala Boutique lang din mabibili. Pasok din naman ito sa panlasa ng madla.

"Sis, siya ang head designer and owner nun," singit ni Ciana na ikinalaki ng mata ni Fei. Pumalakpak pa ito dahilan para mapalingon ang lahat sa gawi namin. Bigla akong kinabahan at the same time ay nahiya.

"Kuya Les! Wag mo ng pakawalan itong girlfriend mo ah?" Ngiting-ngiting saad ni Fei.

Oh my gosh! Ipo-ipo, higopin mo na ako.

Umilanlang ang tuksuhan sa paligid. Hindi pa rin talaga naisapubliko ang break-up namin. Gusto ko na lang na tumakbo papalabas dahil sobra akong nagigimbal. 

Sa tingin ng lahat ako pa rin ang girlfriend ni Alester samantalang nandidito lang din ang nililigawan niya na si Dara. The fact na ako pa ang dahilan ng break up namin ay sobrang nakokonsensiya na talaga ako. Nakita ko ang pasimpleng paglabas ni Dara na sinundan naman agad ni Les. 

Now this is great! Ako na inaakala nilang 'girlfriend' ang napag-iwanan sa ere ngayon. Sana ay di na ako pumasok pa!

"Where's Kuya ba? How come na nasa ibang babae siya?" Iritang saad ni Ciana. Napalunok naman ako dahil sa kaprangkahan nito.

"Nagkatampuhan ba kayo, 'nak?" Usisa ni Tito Dong. Umiling lang ako.

Higit pa sa tampuhan. Maya-maya ay pumasok na din sila. Bago pa magkabukingan sa gabing ito ay tumayo ako at lumapit kay Les at Dara. Nakita kong sumama ang timpla ng mukha ng babae pero I need to save my reputation also. Kahit sa gabing lang ito.

"Pwede ko bang mahiram si Les sayo? Kahit sandali lang? Kahit... Ngayong gabi lang?" Iyon ang naging intrada ko na ikinabigla nila pareho.

I need to do this or else ako ang magmumukhang kabit. Pero wala ng sasakit pa sa ideyang pag mamay-ari ko siya noon pero ako ang nakikihati ng atensiyon niya ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status