May pasunod. Sana mabuo ko at malabanan ang antok.
HOPE Tumawag ako sa mansion para ipaalam na male-late ako ng uwi. Gusto ko sanang tanungin kung pumunta roon ang ama ng mga anak ko pero pigil ko ang sarili dahil sa sama ng loob sa patong patong na dahilan. So, 'yong mga bata lang ang kinumusta ko. Pero hindi maiwasan na ibalita rin sa akin na nagpunta nga siya sa mansyon. "Oo hija. Huwag kang mag-alala sa mga bata dahil nakakain sila ng maayos. Nandito ang daddy nila kaya iba ang energy nilang tatlo. Naku, mahihirapan na naman umalis 'to mamaya lalo na't laging nakakarga at tila ayaw nang bumitaw ng bunso mo." Iba ang energy nila? Uminit ang dibdib ko at the same time sinundot ako ng pangamba. Naalala ko ang lungkot ni Silverlyn kaninang umaga. Halatang sabik na sabik ang mga anak ko sa presensya ng ama nila. Nasasanay na sila sa presensya ng daddy nila sa napakaikling panahon. Nararamdaman kong mas gustong bigyan ni Sin ng oras ang mga anak niya pero sa akin wala na. Ayaw na niya. Pero dapat ba akong maging masaya kahit
HOPE Tiningnan niya ang ayos ko. Lalong nagdilim ang mukha niya. Parang nakakita ba ng mali. He hissed. "How did you manage to wear such a short dress? I didn't raise you that way, damn it." Tinapunan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. Desente pa rin naman ang suot kong dress kahit lamopas tuhod ang haba nito. Anong gusto niya? Ang liit ko na nga, gusto pa yata niya mahabang dress ang suotin ko!'Di Manang na ang naging dating ko niyan!Hinawakan niya ako sa siko at mabilis na iginiya papuntang elevator.Nakaawang ang mga labi kong tiningnan si Sunny. Oo ngat kasalanan nito kaya siya nasuntok ni Sin. Pinagpapasalamat kong dumating ito sa tamang oras dahil kung hindi, ay baka kung ano na ang nagawa ni Sunny sa akin lalo na't lasing na ito. Gano'n pa man, hindi pa rin puwede na iwan na lang namin si Sunny sa ganiyang sitwasyon. Baka napaano na ito dahil sa matinding pagkakasuntok ni Sin sa kaniya. Nakahandusay ito sa sahig ay parang hindi na humihinga. Pinigilan ko Sin sa
HOPE Sa buong duration ng biyahe namin ay hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Panakanaka niya iyong pinipisil o 'di kaya'y ginagalaw ang thumb niya pahaplos sa balat ko roon. Ang puso ko ay maya maya kung magwala. Lalo na noong mapahinto ang sasakyan namin sa stop light at dalhin niya ang aking kamay sa kaniyang labi bigyan ng magaan na halik iyon. Halos magliyab ang magkabila kong pisngi. Though, marami pa rin akong tanong. Kung ganito ako kamahal ng taong ito bakit? Bakit nagawa niya akong iwan? Bakit sa ilang taon, ngayon lang niya kami binalikan ng mga anak niya?Bakiy niya kami natiis? May kinalaman kaya ang pag-aaksidente ko sa kaniya? I mean, naaksidente ako noon ay magdadalawang buwang buntis na ako. Buti nga raw at hindi nalaglag ang pinagbubuntis ko noon kahit pa nga medyo malala ang natamo ko.Napaawang ang labi ko nang makita kong lumiko ang sasakyan papunta sa subdivision kung saan kami nakatirang mag-iina. "Sin, ang bata kailangan natin daanan kila mom and d
HOPE "Come," he opened his arms for me. Nang hindi ako nakakilos ay masuyo pa rin niya akong kinabig payakap sa kaniya.Siguro kung hindi siya bumalik, baka habang buhay ko na lamang papangarapin ang maraming bagay kasama siya, tulad na lamang ng sandaling ito. Kayakap ko siya, nariyan lamang ang mga anak namin at magkakasama kami sa iisang silid. "Thank you, for coming back to us..." emosyonal kong sabi. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Why I was being too emotional?Dahil siguro ilang taon akong nabuhay sa kalungkutan. Iyong magising ka ng walang maalala. Then, malaman mong buntis ka, pero wala ang ama ng mga anak ko. They said he didn't leave me. Pero hindi naman nila masabi sa akin at maipaliwanag kung nasaan siya, kung kailan siya babalik at kung babalik pa nga ba talaga siya?'Yon 'yong mga panahong tinago ang labis na lungkot at piniling magpakatatag para sa mga anak ko. Parang may kung anong humalukay sa tiyan ko nang magaan na naglanding ang pisngi ko sa dibdib niya.
HOPE "Judy, tikman mo nga kung okay na?" nakakaramdam ako ng nerbyos sa hindi ko malaman na dahilan. Binigyan ko siya ng pinggan na may pancit."Hmm..." Aniyang sumubo. Kagat labi kong hinintay ang hatol niya na para bang nasa amazing chef contest ako. "Ang sarap Ma'am, lalong mai-inlove si Sir Sin niyan," ang hagikgik niya. Uminit ang mukha ko. "Akin na 'to Ma'am ha, " aniyang dinala na sa lamesa ang pinggan. Madami dami rin kasi ang nilagay ko. Nakangiti akong tumango. Pinagluto ko si Sin ng pancit. 'Yon daw ang paborito niya. Nagluto pa ako ng kare-kare at nagpa-ihaw ng liempo na timplado ko. Hindi naman 'yan masasayang kung sakali dahil alam kong may mga tauhan siyang kasama. Para naman sa dessert ay gumawa ako ng leche flan na siyang paborito rin daw nito. Nag-text siya sa akin kanina at nakalapag na raw ang eroplanong sinakyan niya. I heard that he usually used a private plane. Handa na ang lahat pagdating na lang niya ang hinihintay, "Judy, ang mga bata a, pakitingi
HOPE Ewan ko kung magiging masaya ako sa mga nalaman kong dahilan niya. Ayaw daw samantalahin ang pagkakataon na may amnesia ako. So, hihintayin niya hanggang sa bumalik ang mga ala-ala ko?Paano kung hindi na? Mas mahalaga ba ang mga nakaraang iyon kaysa sa kasalukuyan? Nakabusangot akong nagpalit ng damit.Isang mahabang cotton shirt na maluwag at cotton short. Panay hinga niya ng malalim habang nakasunod ang mga mata sa akin. Heto na nagpalit na ako, happy? Naiinis ba ako sa kaniya or sa sarili ko? Basta. My mood was instantly ruined!Wala akong imik na tumalikod sa kaniya ng higa. "Mine..." Usal niya na parang nagmamakaawa. Hindi ko siya pinansin. Itutulog ko na lang baka bukas maging okay na rin ang pakiramdam ko. Kung ayaw niya 'di hindi. Sige. Maghintay siya hanggang sa bumalik ang ala-ala ko kung 'yon ang gusto niya. Ang sa akin lang, gusto ko rin naman ang mangyayari sa amin. So, anong magiging problema? I was the one who did the first move. Tumanggi siya. Ala
HOPE I was amazed at the intensity of his energy.Akala ko, tatlong beses ay okay na siya. Nang pangalawa kasi namin nakaramdam na ako ng pagod e. Then, niromansa niya ako agad sa pangatlong beses. Hindi na ako nakatanggi, lumaban pa rin ako sa bawat mapag-alipin at mapupusok niyang atake. Pagkatapos namin akala ko matutulog na siya. Kontento na. Pero wala pa yatang isang oras ay humirit pa siya sa akin.It was almost 2 am at halos wala pa kaming pahinga. Ang pinagtatakahan ko sa aking sarili, ay hindi ko rin siya mahindian.Bukod kasi sa gusto ko rin ang ginagawa namin. Marahil ganun siguro talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, hindi ka makatanggi. Handa mong ibigay ang lahat ng makakaya mong ibigay para ma-satisfied lang siya at maging masaya. Gano'n kasi ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Hanggat gusto pa niya at kaya ko pa naman, bakit ako tatanggi 'di ba? I want him to be happy and satisfied. Pero, shit. Medyo ramdam ko na ang pagkirot ng akin. "I wa
HOPE Napalunok ako ng sunod sunod nang mahuli ko ang pailalim na tingin sa akin ni Judy nang uminom ako ng gamot para sa sakit ng katawan."May sakit ba kayo, Ma'am?" nakangisi niyang tanong. "W-wala... Medyo masama lang ang pakiramdam ko..." Hindi ako makatingin sa kaniya. "Normal lang iyon Ma'am, lalo na kapag matagal na natingga tapos biglang nabira," humagikgik siya. Parang sinilaban ang mukha ko sa hiya. Napahilot ako sa magkabila kong sintido. Iniwan na niya ako sa lamesa at sinundan si Silverlyn na nakigulo na rin sa mga kuya niya sa sala. Awang labi kong tinitigan ang nag-iingay na cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Pangalan ni Sin ang patuloy na nag pa-pope up sa screen nun. Huminga ako ng malalim. Dinampot ko iyon at pinindot ang green button to accept his call."Mine..." Agad niyang sambit. Naging malamyos ang dating sa akin ng pausang boses niya. Parang nang-aakit. "Hmm?" maikli kong sagot. Napapikit ako. Damn. Gusto ko siyang makita at makayakap. Hindi ko itatang