NORTH SINISTER "M-mama. Mama ko... bumalik ka na, please. Miss na miss na po kita." Walang tigil ang iyak ko habang nakatayo sa harap ng puntod ni mama. My dad wasn't here. Ang mga kapatid ng mama ko ang nag-asikaso sa labi niya. "Umiyak ka man nang umiyak diyan, sa tingin mo ba maibabalik mo pa ang buhay ng kapatid namin?" "Dapat nga nasa kulungan 'yan e, para kahit paano makakuha naman tayo ng hustisya. Katulad din 'to ng ama niya, napaka demonyo talaga!""Ubusin mo man ang luha mo, hindi na nun mababago ang katotohanan na ikaw ang pumatay sa kapatid namin. Napakabata mo pa demonyo ka na. Mamatay tao!""Katulad mo rin ang iyong ama, puro pasakit lang ang binigay niyo sa kapatid namin! Mas pinili niyong ipagpalit siya sa ibang babae!" Naninikip ang dibdib ko, habang patuloy na tinatanggap lamang ang bawat paninisi nila. Kung puwede nga lang na parusahan ang sarili ko, ginawa ko na. Hindi ko man sinasadya, pero tama sila pinatay ko pa rin ang sarili kong ina. It was an urgent ac
NORTH SINISTER"Ang sabi ko, bantayan mo at pagsilbihan siya, hindi na kasama roon ang pag-akbay akbay mo at pagkikipagtawanan, Daniel!" malakas na sigaw kong may pagbabanta ang tono. Rocco stopping himself from smiling, I glared at him. Binalik niya agad ang tingin sa screen ng laptop niya. Muli kong hinarap si Daniel na hindi rin maipinta ang mukha. "I'm watching you...Act like a real butler, asshole." He tsked at me. He was pissed. Halatang nagtitimpi lang at ayaw patulan ang paninita ko. "Tang*na naman, Young Master. Umiral na naman 'yang pagkaseloso mo! Pati ba naman ang pagkakaibigan namin ni Hope ay bibigyan mo pa ng malisya-""We had agreement, Daniel. I don't fvcking care if you were friends but follow and obey our fvcking agreement. And to remind you, you cannot just call her by her name, she's your Young Miss asshole!" ang iritado at galit na galit kong paalala sa kaniya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga, parang sumusuko na sa pakikipagtalo sa akin. So
NORTH SINISTER Laking takot ko nang makarating sa akin ang nangyaring kaguluhan sa Isla. Sinugod ito ng mga kalaban. I wasn't there. But I wasted no time. I called my pilot and I immediately flew to the island.Masuwerte na lang ako at nasa loob lamang ako ng bansa. Agad din akong humingi ng back up sa mga kaibigan ko. Though Daniel is with her, hindi pa rin ako kampanti. Hindi basta basta ang mga kalaban ng organisasyon na kinabibilangan ko.Bukod pa sa mga kaaway namin sa negosyo."Gagu ka ba? Nandyan kapatid ko papasugod ko ang Isla niyo?" He's pissed. Malay ko ba kung tinopak ito at hindi lang pagpapadala ng spy ngayon ang trip niya. "Kung may plano man ang mga sa opisyal ng Zagu ay siguradong makakarating sa akin ' yon." Ibig sabihin malaki ang posibilidad na hindi nga Zagu ang mga lumusob."Siguraduhin mong ligtas ang kapatid ko. Kapag may nangyari sa kapatid ko Ricci tutugisin ko pati kaluluwa mo," shit. My jaw clenched. Pinatayan ko na siya ng tawag. Nakakabingi na an
NORTH SINISTER Nanghihintakutan ang mukha niyang tinakbo ang drawer, hinili iyon pabukas. Pero bago pa niya mahugot ang kuwarenta'y singkong baril nito sa loob ay sinipa ko ang ulit ang drawer pasara.Napasigaw ito ng malakas at namilipit sa sakit mula sa pagkakaipit ng kamay nito. I grabbed him. Pumalag siya. I hit his face multiple times with my fist. Pumutok and labi't kilay niya. Nagkandadugo dugo ang mukha niya. I tied him up. I dragged him out of his room. Dinala ko siya sa hallway. Lupaypay ang ulo niya pero ang mga mata ay nanatiling matalim at palaban. "Sinasabi ko na nga ba, traydor ka North!" Hingal niyang utas. "Did I surprise you, Alexander?" ang ngisi ko. Nagsindi ako ng sigarilyo. Humithit at binuga ang usok sa mukha nito. "Hayop ka, pagsisihan mo ito, hindi mo pa talaga kilala ang anak ko North," mahinang tawa nito kahit na kitang galit na galit. Tumiim ang titig ko sa kaniya at umigting ang aking panga. Kailangan kong isunod agad ang baliw na babaeng iyo
NORTH SINISTER "Ayaw ko na rito! Ilabas niyo na ako tang*na niyo talaga isa isahin ko kayong gagapasin!" nanganglit ang bagang ko sa sobrang galit nang paggising koy nakatali muli ang buong katawan ko. "Kumalma ka nga, Sin!" Iritadong bulyaw na sa akin ni Rocco. I glared at him. Nagpumilit akong makawala pero masyadong mahigpit ang pagkakagapos ko.He heaved a sigh. Namaywang sa harapan ko. "Sin, magpagaling ka muna matatakot mo lang si Hope at lalong magkakagulo kung ganiyan ka pa rin na haharap sa mag-iina mo." Kumawagkawag ako pero masyadong mahigpit talaga ang pagkakatali nila sa akin. Napatingin ako sa lamesa kung saan laging nakapatong ang urn ng anak ko. It wasn't there. Naalarma ako. Where is it?Aburido ang mga mata kong hinanap sa paligid. "Muntikan mo nang matabig kagabi kaya inalis ko muna diyan at nilagay sa altar-""G-gusto ko lang makasama ang anak ko." Agad kong sabi. Medyo naging mahinahon at nakayuko. Nagwala na naman ba ako tulad ng lagi nilang sinasabi? Wa
SINISTER"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan Maximo. Kahit kailan walang lugar ang batang 'yan sa mansyon na 'to!" "Anak ko rin siya Sheila, at mula ngayon ay dito na siya titira sa ayaw at sa gusto mo,” kalmado ang boses ni Papa, hindi niya alintana ang galit ni Mama. Mula sa pinagtataguan kong cabinet ay sumilip ako. Naaawa kong tiningnan si Mama na ngayon ay puno ng luha ang mga mata habang mababakas ang matinding galit sa kaniyang mukha para kay papa. "Kumuha ako ng taong personal na mag-aalaga sa bata, wala kang dapat ikabahala dahil hindi mo magiging problema ang pag-aalaga sa kaniya," pagpapagtuloy ni Papa. Pero hindi man lang iyon napakalma si Mama. Mas mababakas ngayon ang matindi nitong galit para kay Papa. "Hindi ako papayag na makihati ang batang 'yan sa kayamanang dapat ay para sa anak ko lang, Maximo! Ilang taon na akong nagtitiis sa mga pananakit mo, sa pangbabae mo..." nanginginig ang boses niya habang patuloy sa pagluha. "Tinanggap ko lahat para sa anak ko, p
THIRD PERSONPagkabukas pa lamang ng elevator ay sinalubong na siya ng mga putok ng baril. Agad siyang nakapagkubli. Mabilis gumalaw ang kaniyang mga mata. Ang magkabila niyang kamay ay may hawak na baril. He was currently in the mission. Mula sa itaas ng organisasyon ay inatasan siyang pumunta ng Japan para sa isang delikadong misyon. Isang yakuza ang pinapatumba sa kaniya. Nahirapan man siya sa pagpasok dahil sa higpit ng security sa buong gusali ay matagumpay pa rin siyang nakarating sa palapag kung saan ang target. Walang mababakas na takot o pagkabahala sa kaniyang mukha. He used to kill and trained to kill. Bawal ang mahina at salitang konsensya sa organisasyong kinabibilang niya. Hindi na ito bago sa kaniya at sanay na sanay na siyang makipagpatintiro kay kamatayan."You have to get out of there in fifteen minutes, North," mula sa suot niyang wireless earbuds ay dinig niyang ani West, isa sa kaniyang kasamahan. "How many are they?""Twenty-two. Seven of them are guarding
HOPEMainit na ang tama ng araw pero napakasariwa pa rin ng hangin na pumapasok sa loob ng aking silid mula sa nakabukas na sliding door sa verenda. Nakakatamad, nakakaantok ang panahon, pero relaxing naman at the same time. Padapa akong nakahiga sa gitna ng kama, nakatagilid ang mukha kong nakapatong sa unan. Nakapikit ang aking mga mata, may nakasalpak na headphones sa aking magkabilang tainga. Sumasabay ang aking huni sa daloy ng musika. Hindi naman gaano kalakas ang volume, sapat lang para marinig ko pa ang malakas na hampas ng tubig dagat mula sa dalampasigan. Papasuko na ang aking mga talukap, alam kong ilang sandali na lamang ay hihilahin na rin ng antok ang diwa ko. Pero bigla akong napamulat nang may humalong ugong sa kantang aking pinakikinggan. Tinanggal ko ang headphones sa aking ulo, napabuka ang mga labi ko. Hindi ako maaring magkamali. Pamilyar na sa akin ang tunog ng chopper na gamit ni Kuya. Napabangon akong bigla. Si Kuya! He's home.Para akong robot na pin