Share

CHAPTER-1

THIRD PERSON

Pagkabukas pa lamang ng elevator ay sinalubong na siya ng mga putok ng baril.

Agad siyang nakapagkubli. Mabilis gumalaw ang kaniyang mga mata. Ang magkabila niyang kamay ay may hawak na baril.

He was currently in the mission. Mula sa itaas ng organisasyon ay inatasan siyang pumunta ng Japan para sa isang delikadong misyon.

Isang yakuza ang pinapatumba sa kaniya. Nahirapan man siya sa pagpasok dahil sa higpit ng security sa buong gusali ay matagumpay pa rin siyang nakarating sa palapag kung saan ang target.

Walang mababakas na takot o pagkabahala sa kaniyang mukha. He used to kill and trained to kill.

Bawal ang mahina at salitang konsensya sa organisasyong kinabibilang niya.

Hindi na ito bago sa kaniya at sanay na sanay na siyang makipagpatintiro kay kamatayan.

"You have to get out of there in fifteen minutes, North," mula sa suot niyang wireless earbuds ay dinig niyang ani West, isa sa kaniyang kasamahan.

"How many are they?"

"Twenty-two. Seven of them are guarding the target."

Pinakiramdaman niya kung saan nagmumula ang balang umuulan sa kaniyang dereksyon.

He smirked and pointed his gun to his left and pulled the trigger.

Isang malakas na sinok lamang ang narinig niya mula sa tinamaang kalaban.

Alam niyang nasapol niya ito sa ulo. Inuumang muli niya ang baril sa kaniyang kaliwa at pinaputok.

Dilat ang matang humandusay ang isa pang kalaban.

Sunod-sunod na putok ang pinakawalan niya hanggang sa maging tahimik ang buong paligid.

Binitawan niya ang dalawang baril na naubusan na ng bala.

Mula sa kaniyang tagiliran ay hinugot niya ang kaniyang katana.

Tinalasan niya ang pakiramdam, alam niyang marami pang kalaban ang nagkukubli lamang sa paligid.

Hanggang sa marating niya ang sadya. Sa bukana ng nakapinid na silid kung saan naroon ang target niya ay may mga tauhang nakabantay.

Kita sa mukha ng bawat isa sa mga ito ang bangis sa pakikipaglaban. Ngunit hindi man lamang siya nakaramdam ng kaba.

Kilala niya ang sariling abilidad at kakayahan, sanay na siya sa ganitong uri ng pakikipaglaban. Kung tutuusin ay marami nang naunang mas delikado pa kaysa sa misyon niyang ito.

The men are all dressed in red and black. A traditional sword kimono and they are all handed with katana.

Sunod-sunod siyang sinugod ng mga ito, ngunit dahil sa pagiging bihasa rin niya sa paggamit ng katana ay isa-isang bumagsak ang kaniyang kalaban.

A blade flashed in the air and clang of tempered steel. Each of his enemies fell lifeless on the ground.

Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kaniyang mukha. Wala siyang ibang nasa isip kun'di ang matapos agad ang minsyon at makauwi sa kaniyang isla.

Tinulak niya ang malapad na pintuan pabukas.

Napangisi siya sa nabunggaran. Yoshi Kai, isa sa mga kilalang notorious yakuza, ngayon ay dilat ang mga matang nakabigti sa loob ng sarili nitong silid.

"He's dead," walang emosyon niyang sabi.

Buntong hininga lamang ang narinig niya sa kabilang linya.

Ang mga kalabang Hapon ay mas nanaising kitilin ang sariling buhay kaysa mamatay sa kamay ng kanilang kalaban.

Saglit niya itong tinignan. “You have to get out of there, North. Parating na ang mga pulis!" ang pukaw sa kaniya ni West.

Mabilis siyang kumilos nang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.

Nang makababa ng gusali ay agad niyang sinuot ang helmet, sumakay sa kaniyang Ducati at mabilis na pinasibad.

Mula sa misyon ay agad siyang lumipad pabalik sa kaniyang isla.

The isolated Island owned by himself was located in Italy.

"Boss, tutuluyan na ba namin? Kahit anong gawin namin ay ayaw niyang magsalita," one of his men informed him.

"Keep him alive until I get there," simple niyang sagot sa kausap.

Mahigpit ang naging hawak niya sa cellphone nang maputol na ang linya. Halos madurog iyon sa kaniyang palad.

He's wondering who ordered to spy on him. And who is the enemy, how did he find out about his island?

"I want to relax," usal niya. Agad naman kumilos ang isang tauhan nakaantabay lamang sa kaniyang tabi.

He's now on his private aircraft. Pabalik na siya ng Italya.

Sa isang maliit na lamesa ay nilatag ng kaniyang tauhan ang kailangan niya.

Maingat nitong binuhos sa pabilog na babasaging lamesa ang puti puting pulbos na naka-sachet.

Mula sa pagkakaupo ay nilapit niya ang ilong upang singhutin ang pulbos na iyon. Dalawang beses niyang ginawa. Maya maya lamang ay parang lumilipad na sa alapaap ang kaniyang pakiramdam.

**

Naalimpungan siya sa langitngit ng bumukas na pintuang bakal.

The creaking sounds of the door gave him a sinister feeling that flowed through his veins.

He shivered. He knows, it is his time.

Isang bombilya lamang ang tanging tumatanglaw sa silid na iyon kung saan siya kinulong at pinahirapan.

Padipa siyang nakapako sa isang krus na parang si Hesus.

Lupaypay ang ulo, namamaga at nangingitim ang mga mata mula sa inabot nitong mga suntok. Namamanhid na rin ang buo niyang katawan mula sa latay ng latigo partikular sa kaniyang likod.

Puno ang mukha ng dugo mula sa sugat sa kaniyang ulo, noo at putok na kilay.

North Sinister smirked as he looked at the man. Isang anay ang naglakas loob na pumasok sa kaniyang bakuran.

"Boss, ayaw po talaga niyang magsalita. Ginawa na namin ang lahat kulang na lang pasabugin namin ang bungo nito," imporma ng isa sa mga tauhan niya.

Nagsindi siya ng sigarilyo. Humithit at saka bumuga. Lumalabas pa ang usok sa kaniyang bibig at ilong.

Unti-unti siyang lumapit sa lalaking nakapako sa isang krus.

"Gisingin niyo," kalmado niyang utos.

Agad kumilos ang isang tauhan niya. Kinuha ang timba na may lamang tubig at sinabuyan niya ito sa mukha.

Napasinghap-singhap ito para umapuhap ng hangin. Kumawag din siya pero napadaing lang din sa sakit dulot ng mga natamong sugat at pagkakapako.

Pilit niyang iminulat ang mga mata at masamang tiningna si Sinister.

Sinister just smirked at him.

Marami na rin dugo ang nawala sa kaniya, hindi magtatagal ay mamatay na rin siya or papatayin na rin siya.

Pero sinusumpa niyang hindi siya magsasalita kahit maging kapalit pa ng kaniyang buhay. His loyalty belongs only for the organisation that he served for long years.

He's one of the best assassin of Zagu organisation. Mananatili siyang tapat dito. Mananatili siyang Zagu hanggang malagutan siya ng hininga.

Inaasahan na niya na darating din ang araw na ito. Na makakaharap niya ang isa sa mga kilabot at kinatatakutang mafia boss sa buong mundo.

Ang matunog na pangalang siyang papalit bilang pinuno ng macro, si North Sinister.

Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya, he's smirking like a devil. Humihithit ito ng sigarilyo at binubuga pataas.

Nang makalapit ito sa kaniya ay muli iyong humithit at binuga sa kaniyang mukha.

"I will ask you this just once," may babala ang kaniyang tono at tingin na kung magkakamali siya ng sagot ay mayroon siyang paglalagyan.

"Who ordered you to enter my territory?"

"W-wala kang m-makukuhang sagot sa akin, mas m-mabuti pang p-patayin niyo na ako-"

Napasigaw ito nang malakas nang idutdot ni Sinister sa kaniyang noo ang baga ng kaniyang sigarilyo.

Pagod na pagod na siya sa kaniyang kalagayan. Hinang-hina na rin siya.

Ang gusto na lamang niya ay wakasan na ang kaniyang buhay para matapos na ang paghihirap niya. Pagkatapos ng torture na natanggap niya sa mga tauhan nito ay alam niyang hindi na magtatagal ang kaniyang buhay.

"I'll give you one last chance to speak, who is your Boss? Who ordered you to enter my territory?" madiin na ulit niyang tanong at masama itong tinitigan.

But the man just smirked at him.

"S-sinabi ko n-nang wala kang makukuhang sagot ngunit sigurado akong nalalapit nang mabawi sa 'yo ang babaeng hindi mo pagmamay-ari-" bago pa man nito matapos ang sasabihin ay humiwalay na ang ulo nito sa kaniyang katawan. Tumilapon at saka gumulong sa sahig. Sumirit ang maganang dugo.

Dilat pa ang mga mata nito nang gumulong ang ulo.

Hiningal sa galit si Sinister, nanginginig ang kaniyang kalamnan.

"She's mine... hindi ako papayag na makuha or maagaw siya ng iba sa akin,” ang nanginginig niyang usal.

Comments (18)
goodnovel comment avatar
Nhor Bint Yussef Aman
ang spy ay kay ivan...peo grabe c sin...khit galing pa sa manga ky ivan na tauhan pinapatay nea wag lng maagaw c hope o mawala sa kanya
goodnovel comment avatar
Lynimelcai De Vera
mukhang maganda ito .....thank you ...
goodnovel comment avatar
Asliey
wow sa umpisa pala my west.at sya c north sinister astig.para ako nanonood ng action movie.galing ms A.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status