HOPEPinapasok siya ni Kuya Sin at pormal kaming pinakilala sa isat isa. Sa pakiwari ko'y matagal na silang magkakilala ni Kuya base sa takbo ng kanilang usapan at klase ng pakikipag-usap nila sa isat isa. Sinabi ni Kuya na ni-request nito ang serbisyo ni Leigh para personal na ipagluto kami para sa hapunan. Dinig ko pa rin ang pag-uusap nila pero dahil sa pagod ko ay dumiretso ako sa sofa at dumanpot ng libro. "Ang ganda ng kapatid mo a, pagdating sa Pilipinas niyan mamomoroblema ka sa mga manliligaw. Dudumugin 'yan Tol," dinig kong aniya. Ramdam ko ang pagtingin ni Kuya Sin sa dereksyon ko pero nagkunwari akong hindi nakikinig at nasa binabasang libro ang buong atensyon. Pasimple ko silang sinulyapan. Inakbayan siya ni Kuya na para bang natural na natural lang sa kaniyang gawin iyon. Iginiya siya papuntang kusina. Tumaas ang kilay ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito. Naiinis ako. Isa rin kaya siya sa-Shit. For goodness sake! Hindi naman siguro dahil kitang kita naman
HOPEDalawang araw na hindi nagpakita si Leigh sa suite namin. Sa ikli pa lang ng pagkakakilala ko sa kaniya, parang nasanay na yata akong makita siya.Naging napakagaan ang loob ko sa kaniya at wala na iyong selos na nararamdaman ko noong una. Tol din ang tawag niya kay Daniel na nalaman kong ginagamit na endearment sa malapit na kaibigan na tinuturing mo nang kapatid. Dalawang araw ko pa lang siyang hindi nakikita ay parang hinahanap ko na ang buhay na buhay into tawa. Ang mga mata nitong nagiging guhit na lang kapag siya ay tumatawa. Nami-miss ko na ring marinig ang panunukso niya kay Daniel na kadalasang nauuwi sa matinding tawanan.Ang sabi ni Kuya Sin, marami raw itong trabaho sa ngayon kaya sa ibang araw na raw ito makakapunta. May events daw kasi sa hotel at maski gabi ay kailangan pa rin niyang pumasok.Si Kuya Sin naman ay laging umaalis ng umaga at babalik sa gabi. Nagtangka akong sumilip sa labas. Pero gano'n na lamang ang gulat ko nang makilala ang mga unipormadong
HOPE Nagpaalam muli si Kuya Sin na mawawala daw ito ng ilang araw. "What I hate the most is to leave you here, But I have to, Mine. I have to. I need to take care of all the businesses of the family." "I understand, Kuya..." I softly whispered. Pinagdikit niya ang mga noo namin. Nakapikit siya. Habang masuyong haplos ang aking pisngi, dinama ng daliri niya ang aking labi saka inangkin ito. Dama ko ang kapusukan sa halik niya. Hindi niya tinigilan ang labi ko hanggang sa kapusin kami ng hininga. "Ilang araw lang naman 'di ba?" lambing kong hinihingal habang nakapulupot naman ang mga braso ko sa baywang niya. "Uhum... But I still gonna miss you. Mas gusto kong magkulong sa kuwarto basta ikaw ang kasama ko," pinagbunggo niya ang ilong namin. Parang may humahalukay naman sa tiyan ko sa sinabi niyang iyon. It sounded so sweet. Iba pa rin ang dating sa akin ng paglalambing niya. Kahit pa nga may bahagi ng utak ko ang natutuwa sa napipintong pag-alis niya. Dahil para sa akin, i
HOPE Tila naging mabagal para sa akin ang pagdaan ng mga araw. Tila mas lalo akong nalulugmok sa lungkot at tila kawalan ng pag-asa. Halos gabi-gabi akong umiiyak at hindi makatulog. Isang Linggo na rin ang nakakaraan mula ng ikasal siya. Pagak akong natawa nang maalalang muli, hanggang ngayon wala siyang paramdam. Baka nasa kainitan pa iyon ng kanilang pagpupulot gata. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa isiping iyon. Damn him! I cursed him and his bitch. Halos iuntog ko na ang ulo ko para lang mawagwag ang imahe nilang dalawa paalis sa utak ko. Ang napakasayang mukha nila ni Robie sa larawang iyon na tila dinikit na sa isip ko at ayaw maalis. It's torturing me. Paulit-ulit na bumabalik at paulit-ulit din na para akong sinasaksak sa dibdib. "Hope, ang anak mo ang isipin mo, hindi ka na ngayon nag-iisa." Kita ko ang matinding pag-aalala ni Leigh sa akin. "Kailangan mong magpalakas, para inyo ng anak mo. Alam kong malalampasan mo rin ito," ang pagpapalakas niya ng loob. Per
THIRD PERSON "Where is Young Miss?" agad niyang tanong.Iba ang kabang bumundol sa kaniyang dibdib nang makita ang tatlong tauhan na parang delubyo ang mga mukha habang palinga linga na parang may hinahanap. "N-nawawala po siya Senior," nanginig ang boses na balita agad ng isa. "Nandito lang po siya sa loob e, inisa-isa ko naman po ang mga lumabas kanina pero parang bigla na lang po siyang nawala." Daniel cursed. "Paano nangyari 'yon?""Hindi nga rin namin alam Senior. Pero sigurado kaming hindi siya lumabas ng comfort room!""E, paano siya nawala?! Putang*na!"Hindi niya mapigilan ang galit. He knew it. She took this chance to escape. At ang mga gago nagpabaya sa pagbabantay. Iba ang pakiramdam niya sa mga kinikilos ni Hope nitong mga nakaraan.Tatakas talaga siya. Napahilamos siya sa sariling mukha. "Ang lalaki n'yong katawan natakasan kayo? Bakit hindi niyo siya binantayang mabuti?" agad siyang pumasok sa comfort room na iyon at siya mismo ang naghanap. Inisa-isa ang cubic
HOPE Napakislot ako sa talsik ng mantika. Nabitawan ko agad ang frying spatula na hawak ko. Agad akong napahawak sa parte ng braso kong natalsikan ng mantika. Namula agad iyon. Nanginig ang kamay ko. Ang hapdi sa balat. Napapangiwi ako. Ako na ang nagkusang magluto since naranasan ko naman magluto sa hotel kasama si Leigh at Daniel.Pero iba pa rin pala kapag mag-isa ko nang ginagawa iyon. Iyong walang alalay ni Leigh, walang Daniel na halos buhatin ako palayo sa stoves dahil takot na takot na baka ako'y masaktan. Nagulat ako sa mga gamit. At sa lahat ng lulutuin ko iyong hindi ko pa nararanasan lutuin. 'Yon ay ang pritong itlog at pritong isdang mabaho na nagpapaikot ng sikmura ko. Ang tawag daw do'n ay daeng na tilapia. Mas mahirap pa pala ito kaysa sa paglulutong naranasan ko sa hotel. Halos papakin ako ng nangangalit na talsik ng mainit na mantika. Dinig ko ang ingay sa buong kabahayan. Abala ang lahat. "Bilisan niyo na diyan Mariz, Mylene. Mahuhuli na naman kayo sa
ROCCOIlang tipa ko pa sa keyboard at bingo! "I found the address of the person who might have helped Hope to escape.""What's the name of the address? Give it to me and I'll go right now." May urgency sa tono niya. Pero hindi agad ako kumibo. Alam kong sa istado ng isip nito ngayon ay hindi kami panatag na mag-isa siyang pumunta roon. Halos hindi na ito natutulog simula nang mawala si Hope. Lagi itong nasa lansangan at nagbabakasali na makita ang dalaga. Na nauuwi lang din sa paglalasing o, di kaya'y paghihit kapag walang magandang resulta ang naging lakad. Nag-aalala akong baka mapatay pa niya ang taong tumulong kay Hope kapag siya lang ang pumunta roon na mag-isa. At baka lalo pang matakot rin sa kaniya si Hope at hindi na Siya balikan. He hissed in the other line. "What's the fvcking address?" ang nawalan na niyang pasensya. Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. But I remain calm. "No Sin, come here first. We will talk and we'll go with you.""What the fvck?!""Look
HOPE "Nakakapagod ang araw na 'to ano? Okay, ka lang ba?" bumaba ang tingin ni Manay Deng sa tiyan ko. Tumango ako at tipid na ngumiti kahit sobrang pagod. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa ganitong pamumuhay. 'Di bali, kahit medyo nakakapagod minsan, pero masaya naman. Pasalamat din ako dahil sa kalagayan kong ito, inalok pa ako ng trabaho. "Huwag po kayong mag-alala okay lang po ako." Malumanay kong sabi. Alam ko, nag-aalala siya. Madaling araw kami nagigising para tumulong sa paghihiwa ng mga gulay. Pag hahanda ng rekado at pagtulong sa pagluluto. Then, maghapon na puno ng tao ang kainan. Masakit ang mga binti ko pero okay lang, alam ko masasanay rin ako. "Hinay hinay ka lang ha, huwag kang makipagsabayan d'yan kila Esay at Nora, mga baog ang mga 'yan kaya walang mawawala.""Grabe naman talaga sa amin si Manay Deng. Wala lang jowa baog na?" agad na react ni Nora. " Manay Deng, hindi naman ako baog mahilig lang talaga ang jowa kong maglagay ng kapote!" " 'Yang bun