HOPE Hinanap ko si Jonet pero hindi ko siya makita. Tinanong ko si Elsie gayong ito ang alam kong laging kasama ni Jonet. Pero nagulat ako sa naging sagot niya, "umalis na po si Jonet, Young Miss. Hindi po ba siya nakapagpaalam sa inyo?" "Hindi..." Ang wala sa sarili kong sagot habang nanlalaki ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala. I was too late. She's gone!Pakiramdam ko, parang bumagsak ang aking katawan sa napakalalim na balon. Hindi puwede. Hindi ako naniniwalang aalis si Jonet ng gano'n gano'n na lang. Malinaw ang mga narinig ko mula sa kaniya. At paano naman siya makakatakas ng isla?Hindi ako naniniwalang umalis ito, iba ang kutob ko. Hingal akong napasabunot sa aking buhok. Bigla kong hinawakan sa magkabilang balikat si, Elsie. "Sigurado ka ba? Paano siya umalis, kailan pa?" ang hindi ko makapaniwalang tanong. "K-kanina lang po, nag-usap po si Y-young M-master Sin at S-senyor Daniel. Isinabay na po ni Young Master si Jonet sa pag-alis." Nanlalaki ang aking
HOPE Hindi pa ako nakakabawi sa nangyaring pagsabog nang muli kaming ginimbal ng isa pang pagsabog. "Move! We have to move!" halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni Daniel. Nang itayo niya ako ay parang naging slow motion lahat ng nasa paligid ko. Binabalot na ng makapal na usok ang kapaligiran. Ang abo at alikabok ay humahalo rin sa hangin na siyang pumupuwing sa aking paningin. Ang walang humpay na palitan ng malalakas na putok ng baril. Hindi ko alintana ang aking itsura. Ramdam kong punong puno na ako ng alikabok. At maruming marumi na ang buo kong katawan. Dinala ako ni Daniel sa ligtas na lugar. Ni hindi ko nga alam kung masasabi kong ligtas la ba itong kinalalagyan namin or kung may ligtas pa ba na lugar sa isla ngayon. Sa dami ng kalabang nakikita ko tila malabo na kaming makaligtas kung walang darating na tulong. Tulala lamang akong nakatanaw sa nasusunog na mansyon namin. Nakaluhod sa buhanginan. Hindi makapaniwala sa nasasaksihang kaguluhan. "Where are you as
DANIEL Pagpasok ko pa lamang sa mahabang hallway ay sinalubong na ako ng mga sunod sunod na putok ng baril. Napamura ako nang pagkalabit ko sa hawak kong baril ay hindi na ito pumutok.Damn it! Napatago ako sa dingding na pader. Sinilip ko ang lalake. Shit. He's tall. Taller than me and well-built. Mahihirapan ako pero alam kong wala akong choice.I don't have bullets anymore. Wala na rin akong mapuputahan. Kung lalabas ako makikita lang niya ako at papuputukan. I looked around at wala rin akong makitang maaring gawing sandata. Narinig ko ang pagngisi niya. At ang pagsipol nito. "Yoho! Come out, my friend. Wala ka nang mapupuntahan." He laughed. Sinilip kong muli, iniumang nito ang mahabang baril sa ibang dereksyon. It means, he doesn't know where exactly my location. Palinga-linga siya at nagkakandahaba ang leeg. Bawat kanto ng hallway ay inaambaan ng baril. "Malapit na ako! Sumuko ka na lang baka maawa pa ako saiyo." He mockingly said. Rinig ko ang kaniyang papalapit na
HOPE Magbubukang liwayway na. Mas mahihirapan kaming makapagtago mula sa mga kalaban. Pero ang napansin ko, tila naging kaunti na ang nakikita kong kalaban sa paligid. Paano nangyari? Parang kanina lang wala kang makikitang ibang taong naglalakad na parang namamasyal lang kun'di mga kalaban.Maya't maya pa rin ang naririnig kong putukan ngunit hindi na kasing intense tulad kanina. Napahinto ako mula sa pagtakbo nang makarinig ako ng ugong ng chopper. Napatingala ako sa langit.There. Three choppers approaching our Island. "Kuya Sin..." Ang usal ko sa pangalan niya. Nakita ko ang unti-unting pagbaba ng mga ito isa-isa sa ibat-ibang bahaging dereksyon ng Isla. Ang isa ay dumapo pa nga malapit sa kinalalagyan ko. Nilipad ng dala nitong malakas na hangin ang aking buhok.Sinayaw nito ang medyo maluwag na cotton shirt kong suot na pinapatungan lamang ng isang wool jacket na hindi ko na nagawa pang isara ang mga botones. Nakita ko ang mabilis na pag-ibis ng mga armadong tauhan na na
HOPE Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili at makakain ay agad akong lumabas para puntahan si Daniel. Alamin ang kalagayan nito at kung kinakailangan ay ako pa ang mag-aalaga rito. Hindi rin makakatulong kung mananatili lamang ako ng kuwarto. Alam ko naman kasi na hindi ko rin magagawang makapagpahinga at hindi rin ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoong kalagayan niya. Paglabas ko ng kuwarto ay lumingon pa ako sa kanan at kaliwa. Walang tao. Huminga ako ng malalim, eventually, malalaman ko rin naman kung saan silid ito namamalagi.Magtatanong ako sa mga kasambahay rito. Nag-umpisa akong taluntunin ang hallway. Pagdating ko sa dulo ay may dalawang hallway rin doon. Nakalimutan ko kung pakanan ba iyon o pakaliwa para mahanap ang hagdanan pababa. Sa huli, pinili ko ang kaliwa. Ang daming hallway naman ng masyon na ito. Napakarami ring silid. Medyo nakakalito. Pero siguro sa paglipas ng araw masasanay rin ako. Halos hindi naman sila nagkakalayo ng laki at lawa
HOPE Pagmulat ng mga mata ko, nag-aalalang mukha ni Kuya Sin agad ang bumungad sa akin. Hawak niya ang kamay ko. Nasa labi niya. "May masakit ba sa 'yo? Tell me." Napahilot ang isa kong kamay sa aking sintido. Hinaplos niya ang buhok ko. Medyo nahihilo pa rin ako. "What do you feel?" imbes na sagutin ko ang mga tanong niya. "What did you do to Daniel and Linda?" nangilid agad ang luha ko. Iyon agad ang tumakot sa akin pagmulat ng mga mata ko. Ang posibling nagawa nito sa dalawa dahil sa galit nitong hindi ko makita ang pinagmumulan. Galit na walang katuturan. "I'm here. I'm just okay, Young Miss. You don't have to worry," namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Daniel. Lumanpas ang tingin ko kay Kuya Sin at tumingin sa likod niya. Namamalisbis ang luha kong pinilit na ngumiti nang makita siya. Katabi niya si Linda na kimi ang bawat kilos. Pilit na ngiti rin ang binigay niya sa akin. Muling napabalik ang mga mata ko kay Kuya Sin nang magpakawala ito ng marahas
HOPEHalos ayaw kong kumurap habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawing iyon sa Germany. Lumapag ang chopper na sinakyan namin sa ibabaw ng isang gusali. When I looked around, halos malula ako sa mga nakikita. Sa napakagandang tanawin. Tanawing kakaiba sa nakagisnan ko. Maririnig mo ang maliliit na ugong mula sa mga sasakyan. Ang mga beep nito. Ang tanawin ng mga maraming naglalakad at tila may kaniya kaniyang lakad. Kahit pa nang makapasok na kami sa isang presidential suite room na siyang tutuluyan namin ng isang linggo ay ang malapad na glass wall agad ang unang nilapitan ko. Awang ang labing pinagmasdan ang syudad na iyon. Pati ang mga palad ko'y hindi ko napigilan sa paglapat sa malapad na salamin na akala mo'y mahahawakan ko ang mga iyon sa palad ko. Nangatal ang labi ko at hindi mapigilang maging emosyonal. Ito ang mundong naipagkait sa aking makita sa loob ng maraming taon. Nangilid ang mga luha ko pero hindi ako kumurap. Tila bigla akong nangamba na maglaho ang
HOPEPinapasok siya ni Kuya Sin at pormal kaming pinakilala sa isat isa. Sa pakiwari ko'y matagal na silang magkakilala ni Kuya base sa takbo ng kanilang usapan at klase ng pakikipag-usap nila sa isat isa. Sinabi ni Kuya na ni-request nito ang serbisyo ni Leigh para personal na ipagluto kami para sa hapunan. Dinig ko pa rin ang pag-uusap nila pero dahil sa pagod ko ay dumiretso ako sa sofa at dumanpot ng libro. "Ang ganda ng kapatid mo a, pagdating sa Pilipinas niyan mamomoroblema ka sa mga manliligaw. Dudumugin 'yan Tol," dinig kong aniya. Ramdam ko ang pagtingin ni Kuya Sin sa dereksyon ko pero nagkunwari akong hindi nakikinig at nasa binabasang libro ang buong atensyon. Pasimple ko silang sinulyapan. Inakbayan siya ni Kuya na para bang natural na natural lang sa kaniyang gawin iyon. Iginiya siya papuntang kusina. Tumaas ang kilay ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito. Naiinis ako. Isa rin kaya siya sa-Shit. For goodness sake! Hindi naman siguro dahil kitang kita naman