HOPE Magbubukang liwayway na. Mas mahihirapan kaming makapagtago mula sa mga kalaban. Pero ang napansin ko, tila naging kaunti na ang nakikita kong kalaban sa paligid. Paano nangyari? Parang kanina lang wala kang makikitang ibang taong naglalakad na parang namamasyal lang kun'di mga kalaban.Maya't maya pa rin ang naririnig kong putukan ngunit hindi na kasing intense tulad kanina. Napahinto ako mula sa pagtakbo nang makarinig ako ng ugong ng chopper. Napatingala ako sa langit.There. Three choppers approaching our Island. "Kuya Sin..." Ang usal ko sa pangalan niya. Nakita ko ang unti-unting pagbaba ng mga ito isa-isa sa ibat-ibang bahaging dereksyon ng Isla. Ang isa ay dumapo pa nga malapit sa kinalalagyan ko. Nilipad ng dala nitong malakas na hangin ang aking buhok.Sinayaw nito ang medyo maluwag na cotton shirt kong suot na pinapatungan lamang ng isang wool jacket na hindi ko na nagawa pang isara ang mga botones. Nakita ko ang mabilis na pag-ibis ng mga armadong tauhan na na
HOPE Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili at makakain ay agad akong lumabas para puntahan si Daniel. Alamin ang kalagayan nito at kung kinakailangan ay ako pa ang mag-aalaga rito. Hindi rin makakatulong kung mananatili lamang ako ng kuwarto. Alam ko naman kasi na hindi ko rin magagawang makapagpahinga at hindi rin ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoong kalagayan niya. Paglabas ko ng kuwarto ay lumingon pa ako sa kanan at kaliwa. Walang tao. Huminga ako ng malalim, eventually, malalaman ko rin naman kung saan silid ito namamalagi.Magtatanong ako sa mga kasambahay rito. Nag-umpisa akong taluntunin ang hallway. Pagdating ko sa dulo ay may dalawang hallway rin doon. Nakalimutan ko kung pakanan ba iyon o pakaliwa para mahanap ang hagdanan pababa. Sa huli, pinili ko ang kaliwa. Ang daming hallway naman ng masyon na ito. Napakarami ring silid. Medyo nakakalito. Pero siguro sa paglipas ng araw masasanay rin ako. Halos hindi naman sila nagkakalayo ng laki at lawa
HOPE Pagmulat ng mga mata ko, nag-aalalang mukha ni Kuya Sin agad ang bumungad sa akin. Hawak niya ang kamay ko. Nasa labi niya. "May masakit ba sa 'yo? Tell me." Napahilot ang isa kong kamay sa aking sintido. Hinaplos niya ang buhok ko. Medyo nahihilo pa rin ako. "What do you feel?" imbes na sagutin ko ang mga tanong niya. "What did you do to Daniel and Linda?" nangilid agad ang luha ko. Iyon agad ang tumakot sa akin pagmulat ng mga mata ko. Ang posibling nagawa nito sa dalawa dahil sa galit nitong hindi ko makita ang pinagmumulan. Galit na walang katuturan. "I'm here. I'm just okay, Young Miss. You don't have to worry," namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Daniel. Lumanpas ang tingin ko kay Kuya Sin at tumingin sa likod niya. Namamalisbis ang luha kong pinilit na ngumiti nang makita siya. Katabi niya si Linda na kimi ang bawat kilos. Pilit na ngiti rin ang binigay niya sa akin. Muling napabalik ang mga mata ko kay Kuya Sin nang magpakawala ito ng marahas
HOPEHalos ayaw kong kumurap habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawing iyon sa Germany. Lumapag ang chopper na sinakyan namin sa ibabaw ng isang gusali. When I looked around, halos malula ako sa mga nakikita. Sa napakagandang tanawin. Tanawing kakaiba sa nakagisnan ko. Maririnig mo ang maliliit na ugong mula sa mga sasakyan. Ang mga beep nito. Ang tanawin ng mga maraming naglalakad at tila may kaniya kaniyang lakad. Kahit pa nang makapasok na kami sa isang presidential suite room na siyang tutuluyan namin ng isang linggo ay ang malapad na glass wall agad ang unang nilapitan ko. Awang ang labing pinagmasdan ang syudad na iyon. Pati ang mga palad ko'y hindi ko napigilan sa paglapat sa malapad na salamin na akala mo'y mahahawakan ko ang mga iyon sa palad ko. Nangatal ang labi ko at hindi mapigilang maging emosyonal. Ito ang mundong naipagkait sa aking makita sa loob ng maraming taon. Nangilid ang mga luha ko pero hindi ako kumurap. Tila bigla akong nangamba na maglaho ang
HOPEPinapasok siya ni Kuya Sin at pormal kaming pinakilala sa isat isa. Sa pakiwari ko'y matagal na silang magkakilala ni Kuya base sa takbo ng kanilang usapan at klase ng pakikipag-usap nila sa isat isa. Sinabi ni Kuya na ni-request nito ang serbisyo ni Leigh para personal na ipagluto kami para sa hapunan. Dinig ko pa rin ang pag-uusap nila pero dahil sa pagod ko ay dumiretso ako sa sofa at dumanpot ng libro. "Ang ganda ng kapatid mo a, pagdating sa Pilipinas niyan mamomoroblema ka sa mga manliligaw. Dudumugin 'yan Tol," dinig kong aniya. Ramdam ko ang pagtingin ni Kuya Sin sa dereksyon ko pero nagkunwari akong hindi nakikinig at nasa binabasang libro ang buong atensyon. Pasimple ko silang sinulyapan. Inakbayan siya ni Kuya na para bang natural na natural lang sa kaniyang gawin iyon. Iginiya siya papuntang kusina. Tumaas ang kilay ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito. Naiinis ako. Isa rin kaya siya sa-Shit. For goodness sake! Hindi naman siguro dahil kitang kita naman
HOPEDalawang araw na hindi nagpakita si Leigh sa suite namin. Sa ikli pa lang ng pagkakakilala ko sa kaniya, parang nasanay na yata akong makita siya.Naging napakagaan ang loob ko sa kaniya at wala na iyong selos na nararamdaman ko noong una. Tol din ang tawag niya kay Daniel na nalaman kong ginagamit na endearment sa malapit na kaibigan na tinuturing mo nang kapatid. Dalawang araw ko pa lang siyang hindi nakikita ay parang hinahanap ko na ang buhay na buhay into tawa. Ang mga mata nitong nagiging guhit na lang kapag siya ay tumatawa. Nami-miss ko na ring marinig ang panunukso niya kay Daniel na kadalasang nauuwi sa matinding tawanan.Ang sabi ni Kuya Sin, marami raw itong trabaho sa ngayon kaya sa ibang araw na raw ito makakapunta. May events daw kasi sa hotel at maski gabi ay kailangan pa rin niyang pumasok.Si Kuya Sin naman ay laging umaalis ng umaga at babalik sa gabi. Nagtangka akong sumilip sa labas. Pero gano'n na lamang ang gulat ko nang makilala ang mga unipormadong
HOPE Nagpaalam muli si Kuya Sin na mawawala daw ito ng ilang araw. "What I hate the most is to leave you here, But I have to, Mine. I have to. I need to take care of all the businesses of the family." "I understand, Kuya..." I softly whispered. Pinagdikit niya ang mga noo namin. Nakapikit siya. Habang masuyong haplos ang aking pisngi, dinama ng daliri niya ang aking labi saka inangkin ito. Dama ko ang kapusukan sa halik niya. Hindi niya tinigilan ang labi ko hanggang sa kapusin kami ng hininga. "Ilang araw lang naman 'di ba?" lambing kong hinihingal habang nakapulupot naman ang mga braso ko sa baywang niya. "Uhum... But I still gonna miss you. Mas gusto kong magkulong sa kuwarto basta ikaw ang kasama ko," pinagbunggo niya ang ilong namin. Parang may humahalukay naman sa tiyan ko sa sinabi niyang iyon. It sounded so sweet. Iba pa rin ang dating sa akin ng paglalambing niya. Kahit pa nga may bahagi ng utak ko ang natutuwa sa napipintong pag-alis niya. Dahil para sa akin, i
HOPE Tila naging mabagal para sa akin ang pagdaan ng mga araw. Tila mas lalo akong nalulugmok sa lungkot at tila kawalan ng pag-asa. Halos gabi-gabi akong umiiyak at hindi makatulog. Isang Linggo na rin ang nakakaraan mula ng ikasal siya. Pagak akong natawa nang maalalang muli, hanggang ngayon wala siyang paramdam. Baka nasa kainitan pa iyon ng kanilang pagpupulot gata. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa isiping iyon. Damn him! I cursed him and his bitch. Halos iuntog ko na ang ulo ko para lang mawagwag ang imahe nilang dalawa paalis sa utak ko. Ang napakasayang mukha nila ni Robie sa larawang iyon na tila dinikit na sa isip ko at ayaw maalis. It's torturing me. Paulit-ulit na bumabalik at paulit-ulit din na para akong sinasaksak sa dibdib. "Hope, ang anak mo ang isipin mo, hindi ka na ngayon nag-iisa." Kita ko ang matinding pag-aalala ni Leigh sa akin. "Kailangan mong magpalakas, para inyo ng anak mo. Alam kong malalampasan mo rin ito," ang pagpapalakas niya ng loob. Per