PRELUDE
"I'm home!" Sigaw ko pagkapasok ko pa lang ng bahay.
"Iah!" Sinalubong ako ni Manang Saning ng yakap. "Bakit hindi ka nagpasundo sa airport ija?" Tanong niya pagka-kalas niya sa yakap.
"Isu-surprise ko po kasi si Inah, by the way Manang, where is Inah?" Tanong ko at nagsimula nang maglakad patungong hagdanan habang hinihila ang dalawa kong maleta.
"Umalis kanina eh, hindi sinabi kung saan siya pupunta." Sagot niya at tinulungan akong buhatin ang aking mga maleta paakyat sa itaas.
"Kanina pa po?" Tanong ko ulit at saglit na tumigil para lumingon kay manang.
"Oo, ang aga niya ngang umalis eh" Sagot niya kaya naman nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat at hindi na ulit nagtanong pa.
"Amba sanaol paalis-alis na lang." Sabi ko, hindi siguro ako narinig ni manang dahil hindi niya ako nilingon.
"Salamat manang" Sabi ko nang iabot niya sa akin ang maleta ko, nandito na kami sa tapat ng kwarto ko.
"Walang anuman ija." Sagot niya nang nakangiti.
"Manang matutulog lang po muna ako. Gisingin niyo na lang po ako kapag hapunan na o kaya naman kapag dumating na si Inah." Sabi ko at binuksan ang pinto ng aking kwarto.
"Sige, eh Iah ano palang gusto mong hapunan?" Tanong niya sa akin.
"Adobong baboy na lang manang. Ang tagal ko nang hindi nakakakain nun eh." Nakangiti kong sabi. Ngumiti din siya at umalis na.
Ipinasok ko muna sa walk-in closet ko yung dalawa kong maleta bago tumungo sa aking kama. Pinatong ko lang sa side table yung hand bag na dala ko at basta na lang humiga. Pagod na pagod ako kaya agad akong nakatulog...
***
"Iah ija, gising na, hapunan na" Naramdaman ko ang mahinang pag-tapik ni manang sa may binti ko kaya naman nagmulat na ako ng mata.
"Sige po manang, mauna na po kayo maliligo lang po ako" Sabi ko habang kinukusot ang aking mga mata. Naramdaman ko namang tumayo na si manang at naglakad papalapit sa pintuan.
Nandiyan na kaya si Inah?Saan naman kaya nagsususuot yon?
Kakamustahin ko din ang pag-aaral niya. Si manang at mga katulong lang ang kasama niya dito sa bahay. Ang parents naman namin ay nasa Batangas, minsan lang sila nauwi dito sa Manila dahil busy sila sa business namin doon. Ako naman sa ibang bansa galing dahil dun ako nagtatrabaho and I'm here for a vacation!
Dumiretso agad ako sa dining room matapos mag-ayos ng sarili. Kapag busy si Inah sa schoolworks baka pumunta akong Batangas para dun mag-bakasyon. Hindi kami makakapag-bonding kung busy siya eh, ayoko namang isturbuhin.
"Manang, si Inah po ba dumating na?" Tanong ko kay manang pagka-upo ko sa upuan ng hapag-kainan.
"Hindi pa ija." Sagot niya habang nilalagyan ng tubig ang aking baso. Napakalupet naman ng babaeng yon! Dinaig ako ah! Samantalang ako nung kaedad niya ako diretso uwi kaagad ako, kahit nga nung nasa condo nako hindi pa din ako gumigimik. Takot ko na lang sa parents ko.
"Lagi po ba siyang gabi na umuwi?" Naglagay na din ako ng kanin at ulam sa aking pinggan. Mag 8pm na wala pa din siya.
"Hindi naman ija pero may isang beses na umaga na siya umuwi. Hindi ko nga alam kung saan galing" Baka may ginagawang kalokohan yun? Mahirap nang malaki ang tiwala baka mamaya eh kung ano ano na palang ginagawa. I'll talk to her later.
"Sige manang tatanungin ko na lang siya kung saan siya galing. Sumabay na po kayo sa akin na maghapunan." Alok ko sa kaniya. Ang lungkot kaya kumain ng mag-isa.
"Naku Iah hindi kita masasabayan kumain dahil baka atakihin ako ng altapresyon. Bawal na ako kumain ng madami ngayon, pinagbabawas ako ng doktor eh" paliwanag niya kaya naman nginitian ko siya at nagsimula na akong kumain. Mataba nga si manang, siguro dala na din ng pag-edad kaya kailangan niyang magbawas sa pagkain.
Nakakamiss din ang pagtawag niya sa akin ng ija tsaka ng aking palayaw na Iah. Siya lang natawag sa akin ng ija tapos hindi naman Iah ang tawag sakin ng mga kaibigan ko sa ibang bansa.
Narinig kong may nag-doorbell kaya pinapuntahan ko sa isa sa mga maids. Sino kaya yun? Gabi na kung bisita yun. Tsaka kung si Inah yun hindi na yun mag-doorbell.
Binilisan ko ang pagkain para masilip kung sino yung dumating.
"Manang sino po yung dumating?" Medyo pasigaw kong tanong habang ipinaliligpit ang aking pinagkainan. Wala akong narinig na sagot kaya naman pumunta na akong living room.
Nag-init ang ulo ko dahil sa nakita ko.
"What the?! Bakit yan lasing? Saan kayo galing ha?!" Singhal ko sa dalawang kaibigan ni Inah. Gawain ba ng matinong babae ang umuwi ng lasing?
"Uhm, sa bar po kami galing, nagpasama po si Inah eh. Ayaw pong papigil eh. Hindi po namin siya naawat sa pag-inom kaya po siya nalasing. Pasensya na po." Nakatungong sabi nung matangkad na may mahabang buhok.
"Lagi ba kayong nagpupunta sa bar ha?!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking boses. Bente-singko na ako at bilang ko kung ilang beses pa lang ako nakapunta ng bar tapos hindi pa ako masyadong umiinom tapos itong si Inah kaka-debut lang eh ganito na umasta?!
"Padalawang beses pa lang po. Isa po nung kabilang kabilang linggo tapos ngayon po." Sagot naman nung may maikling buhok.
"Aba't parang may balak pa ata kayong bumalik ng bar ah?! Hindi porket nasa legal na edad na kayo eh kung saan saan na kayo magpupupunta! Sige na magsiuwi na kayo at gabi na. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo." Tumango naman sila at nagpaalam na.
"Manang pakilinisan na nga lang po yang si Inah. Hindi ko naman po yan makakausap ng matino sa ngayon dahil lasing." Masungit na sabi ko at umakyat na sa kwarto.
Should I scold her? Maybe tomorrow? Right!
Putakte na yan, napaglilipasan na nga ata ako ng panahon. Si Inah na disi-otso umuuwing lasing samantalang si Iah na bente-singko sumasama sa bar pero hindi naglalasing. Shet na yan.
Nakaka-stress first day pa lang. It's supposed to be my vacation, not stresscation. Fuck being older.
***
"Manang sinong naghatid sakin kagabi?" Narinig ko ang boses ni Inah habang naglalakad ako papuntang kusina. Mag-aalas dose na at ngayon lang ito nag-agahan?
"Yung dalawa mong kaibigan. Ija bakit naglasing ka?" Tanong ni manang. Huminto ako sa may poste at pinanood muna silang nag-uusap. Aba't ansarap kurutin sa singit ng babaeng to.
"Uhh, wala po manang" sagot naman ni Inah tapos nagpatuloy na sa pagkain.
"Inah bilisan mong kumain at mag-uusap tayo pagkatapos" Halatang nagulat si Inah nang marinig niya ang boses ko. Agad siyang inabutan ng tubig ni manang dahil nabilaukan ata siya. Napaghahalata mo ang mga taong may kasalanan eh. Tsk. Tsk.
"A-te? Ka-ilan ka pa dumating?"
"Kailan ka pa naging utal Inah?" Sarkastikong tanong ko. "Kahapon pa ako nandito. Lasing na lasing ka kaya hindi mo alam" Umirap ako pagkatapos kong sabihin iyon at pumunta na sa salas(living room).
Isinarado ko ang binabasa kong magazine nang makita kong umupo so Inah sa katapat kong sofa.
"A-te"
"Baka gusto mong mag-paliwanag Inah?!" Masungit kong sambit.
"A-te ano ka-se..."
"Magsasalita ka nang diretso o ano?!" Gagawa-gawa ng kalokohan tapos magpapaliwanag lang akala mo naumid ang dila.
"Ate sorry..." At nagsimula na siyang umiyak. Wala pa akong ginagawa sa kaniya ha.
"Sabihin mo nga sakin kung bakit ka naiyak?! Please, Be direct to the point! Sa pagkaka-alam ko mag-papaliwanag ka lang kung bakit ka lasing at bakit ka pumuntang bar ah? Eh anong iniiiyak mo diyan?!" Naiinis na ako dito kay Inah ah. Alam niyang maikli ang pasensya ko. Mabait ako pero depende sa mood ko.
"Ate bun-tis po a-ko" At humagulhol na siya ng iyak.
"Iyan ba ang sagot sa tanong ko ha?!" Hindi siya magaling mag change topic.
"Ate bun-tis po a-ko" Punyemas na yan. Anong buntis pinagsasasabi nito?! Wala tong boyfriend ah?
"Anong buntis?! Ang alam ko wala kang boyfriend tapos buntis? Ako ba niloloko mo?! Baka lasing ka pa?!" Napatayo na ako sa inis. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya pero kung totoo man malilintikan to sakin.
"Ate it's true. I'm pregnant." Nakatungong sabi niya.
Itinunghay ko yung mukha niya at sinampal.
"Gumising ka sa katangahan mo! Baka lasing ka pa?? Ano yan nag-inom ka kagabi tapos pag-gising mo may bata na sa tiyan mo? Grabe naman pala! Parang ayoko na tumikim ng alak ah?!" Ako wag niya kong tinitrip ah, hindi maganda ang gising ko dahil sa kalokohan niya kagabi tapos ganito naman ang ibubungad niya sa akin ngayon?!
"Ate seryoso kase." Nakangusong aniya.
"Punyemas! Mukha ba akong nagbibiro? Ano bang tinitira mo ha at kung ano-ano na lang sinasabi mo? " Tanginang yan. Buntis ha? Talaga lang ah?
"Ate buntis nga ako. Let me explain okay?" Sige pagbigyan. Baka sakaling mawala ang bisa ng alak sa sistema nito. Lokohin niya lelang niya.
"Ate sorry..sorry.. Hindi ko din alam kung paano nangyari. Basta ang alam ko nung unang beses akong nag-bar may nakilala akong lalaki tapos nalasing ako ng sobra... tapos ate.. ano... may nangyari samin... at kaya ako naglasing kagabi dahil nalaman kong buntis nga ako... hindi ko matanggap na dalawa yung guhit nung nag pregnancy test ako... ate sorry... ate.." humahagulhol na paliwanag niya. Tangina.
"So buntis ka nga?" Naiinis na tanong ko. Tumango siya.
"Alam ba nina mom and dad to?" Tanong ko sa kaniya sa isang seryosong tinig.
Mabilis siyang umiling at umiyak. "No ate. Ate please huwag mong sasabihin kina mom and dad" Edi totoo nga? Putek akala ko nagbibiro tong bata na to? Akala ko epekto lang yun ng alak?
"Anong gusto mo ilihim ko? Hanggang lumobo yang tiyan mo ha?! Tawagan mo yung tatay niyang magiging anak mo. Papuntahin mo dito at kakausapin ko bago ko sabihin kina mom and dad" Sabi ko. Walang mangyayari kung ililihim na buntis siya. Bakit mawawala ba iyang nasa tiyan niya kapag hindi namin sinabi sa parents namin?
"Ate... hindi ko po alam yung pangalan nung naka-ano ko..." Parang nahihiya pang sabi niya. Putanginang yan.
"Eh paano ko ngayon hahanapin yun?! Anong tingin mo sakin manghuhula?!" Pinakukulo talaga nito yung dugo ko. Binigyan pa ako ng problema.
"Ate sa Heiberg siya nag-aaral kase naka-uniform siya" Pinapayagan pala ang estudyante sa bar? Tapos naka-uniform pa? Kahit naman siguro nasa legal age na yun hindi pwede ang naka-uniform. Dala niya yung pangalan nung paaralan na pinapasukan niya eh. Tsk. Kabataan nga naman.
"Bukod dun ano pang alam mo sa kaniya?" Sa tingin niya ba mahahanap ko agad yung nakabuntis sa kaniya kapag nalaman kong sa Heiberg yun nag-aaral?!
"May tattoo siya ate sa may palapulsuhan tapos narinig kong sinigaw nung kaibigan niya ata yun? Nung palabas kami ng bar eh, ABABA wag mong ipuputok sa loob ah!" Wag ipuputok sa loob tapos ngayon may laman yang loob ng tiyan ng kapatid ko? Ano yun pinutok niya sa labas tapos ipinasok yung katas? Malupet!
"So you mean ABABA yung pangalan niya? Mahaba ba yung baba niya?" Anong klaseng pangalan naman kaya yun? Ababa? Ano siya kalahi ng minion? Bababa bababana?
"Hindi ko alam ate kung yun nga yung pangalan niya pero baka iyun nga. Oo ate mahaba kaya nga masakit eh" Anong masakit sinasabi nito?
"Anong masakit? Tinusok ba sayo ha?"
"Oo ate, pinasok pa nga eh"
"Hoy Inah ano bang pagkakaintindi mo sa baba?! Baba as in Chin! Baba hindi ibaba!Napaka-lantod mo mag-isip ah!" Konti na lang talaga mahahambiling ko to eh.
"Sorry naman ate. Please ate hanapin mo siya. Patay ako kina mom nito." Ano pa bang magagawa ko? Ako ang ate dito.
"Sana inisip mo muna yun bago ka bumukaka ano?!"
"Ate naman..." Paungot pang sabi niya. Kung hindi ko lang to mahal.
"Hangga't kaya ko tutulungan kita. Pagtatakpan kita hangga't hindi ko pa nahahanap yang nakabuntis sayo." Malumanay na sambit ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang ngumiti at tumango.
"Pero ate hanapin mo siya ah?" Nagsusumamo ang tinig niya. Hindi ko lubos maisip na mabubuntis yan ng ganiyan kaaga. Hay buhay punong-puno ng kulay.
"Oo na oo na. Pupunta na akong Heiberg, magbibihis lang ako." Iniwan ko na siya sa salas at umakyat na sa kwarto.
ABABA ang pangalan tapos may TATTOO sa may palapulsuhan. Okay napakadaling mahanap non! Grabe!
So ano ipagtatanong ko kung kilala nila si Ababa or whatsoever? Like wtf?!
So OPERATION MAHANAP ANG NAKABUNTIS KAY INAH will start now...
***
Ito yung simula ng Heiberg Seriesâşď¸
04-19-20
HOPE YOU ENJOY READINGâđť1Iah's POVMasasapak ko na tong guard na to, kanina pa akong nakikiusap eh! Pero kailangan ko ng mahabang pasensya kung hindi ako din ang magsisisi nito!"Ma'am pasensya na po talaga, bawal po talagang pumasok ang hindi estudyante sa loob." Mahinahon naman yung pagkakasabi niya pero naiinis pa din ako. Yung kahit mabait naman siya eh naiirita ako?"So kailangan ko munang mag-enroll para makausap ang management ng eskwelahang yan?! I'll just ask few things on the director!" May twenty minutes na siguro akong nakikiusap dito sa guard na to. Ni hindi man lang talaga ako pinalagpas ng gate at nandito lang ako nakatayo sa harap ng gate. Mainit kaya dito! Bumaba ako ng kotse dahil hindi kami magkaintindihan kanina tapos hindi man lang niya ako pagbibigyan?!"Ma'am hindi rin naman po kayo makakapag-enroll dito sa Heiberg eh. All Boys School po ito eh" Para akong hinambileng sa hiya ah. Oo nga pala All boys School to. Porkchop naman oh!Bakit pakiramdam ko eh ako ang mapapahiya sa araw na i
2Iah's POV"Ate sigurado ka ba diyan sa plano mo?""Pang-ilang tanong mo na nga ba iyan Inah? Manahimik ka nga muna diyan at mag-iisip pa ako ng idadahilan mamaya kay manang." Inis kong sabi kay Inah at inirapan siya. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng lipstick hanggang sa nagsalita na naman siya."Ate hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip mo." Sabi niya habang nakahalukipkip sa aking kama."Bakit manghuhula ka ba para maintindihan at malaman mo kung ano yung nasa isip ko ha? Intindihin mo na nga lang yung sarili mo. Handa na ba yung mga gamit mo ha at naka-upo ka lang diyan?" Hinarap ko na siya. Andami namang nalalaman nitong babae na to, mag-ingat lang ang hindi. Tsk."Oo ate nakahanda na yung mga damit ko. Kukuhanin ko na lang mamaya kapag paalis na tayo. Ate kinakabahan ako eh" Ayan na naman siya. Kinakabahan na naman. Sinabi nang wag mag-isip nang mag-isip baka mastress siya pumanget pa yung baby. Phew."Huwag ka ngang kabahan. Ako yung magpapanggap na lalaki okay?" Sabi
3Iah's POV"Oh Inah anong masasabi mo sa itsura ko?" Singhal ko kay Inah na nasa salas. Pagkadating kase namin pagkagaling sa mall ay hindi na ako nagpahinga at pumili na ng damit na isusuot at ipapakita kay Inah."Uhm, ang cute mo ate. Para kang Kpop Idol." At sinundan niya pa ng mahinang halikhik. Lakas ding mang-inis nito ah."Yung seryoso kase! Mukha na ba akong lalaki? Or what?!" Tanong ko sa kaniya sabay irap. Labag man sa kagandahan ko ito pero ito lang ang naisip kong matinong paraan eh."Oo ate mukha ka nang lalaki, ang gwapo mo tapos ang cute pa!" Parang kinikilig na sambit niya pa. Sus, kailangan ba talaga detalyado ang pagtatanong para tama ang isagot niya sa akin? Ang slow naman nito ni Inah, hindi yan mana sa akin. Kanino kaya?"Puro papuri ah? Pag ako talaga mukhang tanga may pektus ka saken!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Ayaw kong tingnan ang itsura ko sa salamin. Baka magsisi lang ako.Nagpa-gupit ako ng 'syete' ba tawag dun? Basta yung parang sa Kpop. Kaya siguro nag
4Iah's POVNagsimula akong maglakad ngunit napahinto din agad nang pumasok sa isip ko na tinakasan ko lang si kuya guard. Sh*t! Hindi ko alam kung saan ako pupunta!Sinundan ko na lang yung malaking pathway, panigurado namang ang pathway na to ay papunta sa mga buildings. At hindi nga ako nagkamali, natanaw ko na ang mga buildings. Malayo-layong lakarin din pala ito, malayo pa ako sa mga buildings na natatanaw ko. Hindi ba pwedeng idiretso dun ang mga sasakyan? Ang luwang kaya ng pathway!!!Nagtuloy ako sa paglalakad habang iginagala ang paningin ko. Bale ang pathway ay nasa elevated na area? Huh? Mas mataas ang nilalakaran ko kaysa sa field. May mangilan-ngilang estudyante ang nasa soccer field at nagwa-warm-up. Nasa left side ko ang soccer field.Nagdiretso naman ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang unang building.Ito siguro yung main building? May guard eh!"Good morning po Manong" Mahinang bati ko kay manong guard habang pinapalaki ang boses."Magandang araw din iho, ano
5Aniah's POV"Ano ate natanggap ka?" At ayun talaga ang bungad na tanong sa akin ni Aninah. Punyemas napaka-isip bata ah?! Ni hindi man lang sinabing mag-pahinga muna ako! Hayst, kids these days!"Yeah." Yun lang ang nakaya kong sabihin kahit punong-puno ang isip ko ng pwedeng sabihin. I'm tired and I don't want to talk."Kailan ka papasok ate? Kailan ka magsisimula? Naitanong mo ba kung may kilala silang Ababa? O nakita mo ba si Ababa?" Lumapit pa siya sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Iniwas ko naman ang mukha niya sa akin at isinandal ang ulo sa sofa."Aish. I'm tired! Kaya pwede? Mamaya mo na ako kausapin?!" Inirapan ko siya at ipinikit ang mga mata ko.Talagang hindi man lang ako kinamusta ah? At tsaka paano ko maitatanong kung may kilala silang Ababa eh hindi naman full name yun? Tapos sabi pa niya kung nakita ko? Eh ang lupit ko naman pala sa tingin niya at makikita ko si Ababa kahit hindi ko alam ang itsura nun?Pero natigilan ako nang pumasok sa isip ko yung mu
Aniah's POV"Who are you?"Like what the fudge?! Walang modo ampota! Hindi ba sila inorient na maging mabait sa mga bagong estudyante?!"I'm Ian" sabi ko at inilahad ang kamay. Tiningnan niya lamang iyon at ibinalik ang tingin sa mata ko. Walang manners! Ibinaba ko na ang kamay ko, nakakainis. Ako tuloy ang nagmukhang kahiya-hiya."Why are you here?" Tanong na naman niya. Ano to interview? Hindi ba pwedeng papasukin niya na lang ako sa loob?"Ito daw yung magiging room ko sabi ni Dean" Sagot ko habang pinapanatiling buo ang boses."What?!" Nagsalubong pa ang kilay niya, hindi ko alam kung dahil ba sa inis o sa gulat. Bakit? Hindi ba siya pwedeng magkaroon ng room mate? Baka nga may sira to sa ulo? Baka kaya tawa-tawa si Isidro kase ganito ang makakasama ko?"Sabi ko ito daw ang magiging room ko sabi ni Dean" Medyo nabobored kong sagot. Can he just let me in?"Are you fucking kidding me?!" Sigaw niya sa akin. Napapitlag ako sa lakas ng sigaw niya."Sa tingin mo?" Tinaasan ko siya ng is
7WARNINGâ ď¸This chapter contains indecent or vulgar words. Read at your own risk.Aniah's POVMag-iisang linggo na ako dito sa Heiberg at hindi ko pa rin nakikita si Ababa. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko. Bakit parang umurong lahat ng plano ko? Bakit nagdadalawang isip na ako sa mga ginagawa ko? Shit! This can't be! Sayang efforts ko noh! Pero nangako kase ako eh.Should I stop right now? Kung kailan andami nang nangyari? At may mga kasinungalingan na akong nabuo at nagawa?"Pre ano nahawa
8Aniah's POV"Oy bakit hindi ka nagsabi na aalis ka na kagabi? Andaya!"Ano pa bang side ni Isidro ang hindi ko pa nakikita? May isip-bata, may pa seryoso, may madaldal, may chickboy, ano pa ba?"Ah,sumakit ulo ko pre eh."Pero seryoso, sumakit talaga ang ulo ko kagabi dahil sa dami ng iniisip ko."Sige, sabi mo eh."Wala na akong pake sa sasabihin niya. I'm so stressed right now!Shet andaming what ifs sa utak ko. Bakit ba hindi ako kasing talino ni Inah? Edi sana nasolusy
EPILOGUE âAre you done preparing?â He asked. Maybe he is already downstairs.âYep, I will go down in a minute.â I did not bother to say goodbye, I just put the phone down. I looked at my outfit and to myself one last time before leaving my hotel room.I am wearing a very short black tube dress. It is not revealing for me because I donât have big boobs. It just hugged my body perfectly. It is so fitted.I love it. My footwear is just simple black stilettos. I did not bring any bag, I only had my phone and card with me.Gladly, the elevator is not packed. I can freely move and fix my hair without disturbing others. Before I leave my hotel room, I already fixed the things that I will be bringing with me on my flight tomorrow. I canât help myself to appreciate the things, even the smallest things in life. Maybe that is maturity. âWhat are you wearing?â That is the first question he asked when I entered his car. His brows are furrowed and he is staring at me like I did a lot of things in
Aninah's POVKailan ba ako huling nagpasalamat kay ate? Kailan ko ba nasabing mahal ko siya? Nasabihan ko na ba siyang mahal ko siya? Kailan ko ba nasabing proud ako sa kaniya? O nasabihan ko na ba siya? Kailan ko ba ipinaramdam sa kaniyang maswerte ako na naging ate ko siya?Andami kong pinalagpas na pagkakataon, Andami kong sinayang na oras upang magawa ang mga dapat kong gawin. Inuna ko ang pagtatampo ko kaysa ang pagpapahalaga sa ate ko. Nagsisisi ako dahil hindi ko alam na ganun na pala ang nararamdaman niya, hindi ko alam na nasasaktan na pala siya.Hindi ko napansin na kailangan niya rin ng suporta, na kailangan niya rin ng atensyon, n
15 Aniah's POV Maaga akong nagising kinabukasan ngunit wala naman akong maisip na gawin. Gusto kong bumawi kay Isidro pero tinatamad ako, it's a childish act at nakakahiya iyon. Minsan talaga pabago-bago ako hh desisyon depende sa mood ko. Tinitigan ko lang ang kisame hanggang sa makain na ng sikat ng araw ang aking buong silid. Tinatamad akong kumilos, tinatamad akong tumayo, tinatamad akong gumawa, at hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako tinamaan ng katamadan. Dala siguro ng buwanang dalaw ko kaya tamad na tamad akong kumilos. Ano bang gagawin ko ngayong araw? Leche naman oh, sana'y nasa bakasyon pa din ako kung h
14Aniah's POV"I don't know why I'm doing this."Walang namutawing salita sa pagitan naming dalawa. Nakasiksik lang ako sa dibdib niya at pinapakalma ang sarili. Nakatulong ang dahan-dahan niyang pagsuklay sa buhok ko upang kumalma ako.Nawala na ang panginginig ko at nakakahinga na ako ng maayos ngunit hindi pa rin bumabalik sa dati ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?Kahit may ideya na ako kung bakit mabilis ang tibok ng pudo ko ay pilit ko itong isinasantabi at isinasawalang-bahala. Malay ko bang ako lang a
13Aniah's POV"Bakit sa tingin niyo laging ako ang may kasalanan?"Hindi ko na pipigilan ang sarili kong sabihin ang saloobin ko. Punong-puno na ako, hindi ko na kaya ang sakit, ang bigat-bigat na. Hindi ko na kaya."Bakit laging ako ang may kasalanan? Bakit lagi ako ang mali? Bakit ako lagi? Carlotta Carlotta Carlotta! Si Carlotta na walang kwenta, Si Carlotta na walang ginawang tama, Si Carlotta na walang silbi, Si Carlotta na walang alam, Si Carlotta na walang direksyon sa buhay at Si Carlotta na walang ipagmamalaki sa buhay! Ano pa?!"Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Ilalabas ko
12Aniah's POV"Mom...Dad..."Tila namanhid ang buong katawan ko, tila nabingi ako pagkatapos kong marinig ang mga katagang iyon, tila hindi nakisama ang panahon sa nais kong mangyari... bakit ganoon?Bakit? Paano? Paano nila nalaman ang nangyari kay Inah? Hindi ko naman sinabi sa kanila, malabong sinabi din ni Inah sa kanila. Kaya paano? Sino? Sinong nagsabi?Hindi ko alam kung lilingon ba ako o mananatili akong nakatulala sa kung saan. Hindi ko alam kung tatayo ba ako upang magbigay galang o magkukunwaring hindi ko alam na nariyan s
11Aniah's POV"So the main reason why I disguised my self as a man, why I obscured as man is I'm finding someone. Someone who is responsible for my sister's pregnancy."Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa aking isipan ang mga sasabihin ko, ang tamang salita at tamang konstruksyon ng pangungusap. Hindi dahil ayaw kong magkamali, kung hindi gusto kong maunawaan agad nila ang nais kong iparating.And why I'm talking so deeply? Am I part of the "sinaunang people"?"And why would you call me and tell me someone needs me? Huh?"
10Aniah's POVNapatingin sa gawi ko si Addis dahil sa pag-banggit ko sa palayaw ng kaniyang kaibigan. Hindi ko siya pinansin bagkus nag-isip na lamang ng tamang salitang sasabihin."Bakit ka napatawag?"Bakit parang umurong ang dila ko ngayong nagsalita siya mula sa kabilang linya?"Uh, someone needs you."Wala na bang ibabagal ang tibok ng puso ko? Ang bilis eh."Sino?"Bakit parang galit ata to? Wala pa naman akong sinasabing pangalan pero parang tatanggi na kaagad siya.
9Aniah's POV"Inah? Kaya mo bang umuwi sa bahay mag-isa? Kailangan mo nang umuwi sa bahay eh. Baka magtaka na sila."I lied again. I can't tell her the real reason why I asked her to go home. Iyon ang gusto nina mommy kaya iyon ang gagawin koAng hirap makipag-usap kapag galing ka sa pag-iyak. Yung nagpipigil ka pa rin ng hikbi pero kailangan talaga."Bakit ate? May problema ba?"She's so innocent and I don't want her to get hurt. Ayokong malaman niya yung totoong pakikitungo sa akin nina mommy. Ayokong isipin niyang may sama ako ng loob sa kaniya da