Share

Kabanata 338 Maliban Na Lang Kung Hindi si Xavia ang Babae Nang Gabing Yun

Nang maharap sa umaasang tingin ni Xavia, umiwas ng tingin si Joseph at kalmadong sinabi, “Maghintay muna tayo na umabot ng apat na buwan ang fetus para magawa ang amniocentesis bago tayo mag-desisyon.”

Nagsisimula pa lang ang masayang emosyon ni Xavia bago siya ulit masabuyan ng malamig na tubig. Tumaas ang boses niya, “Anong ibig mong sabihin?”

Walang emosyong sumagot si Joseph, “Gusto mo ba talagang sabihin ko pa sa iyo?”

Natahimik si Xavia.

‘Imposible. Imposibleng alam niya. Walang mali sa plano ko. Nagsusupetya lang siguro siya ngayon. Tama. Wala siyang ebidensya. Kailangan ko lang maging kalmado.’

Nang maisip yun, sinubukan ni Xavia na abutin ang kamay ni Joseph, pero nabasa nito ang intensyon niya at umiwas sa kaniyang hawak.

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Kung may tanong ka, sabihin mo lang nang direkta. Matagal na tayong magkakilala. Sabihin mo lang ang nasa isip mo,” Sabi niya.

Sa sinabi niya, biglang tumawa si Joseph. Totoo nga, matagal na silang magkakilala,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status