Share

Kabanata 337 Buntis si Xavia

Nang makarating sa bahay ni Joseph, nagpalit si Chloe ng isang disposable slippers na kadalasang sinusuot ng mga bisita. Pumasok siya sa kusina at inabala ang sarili sa pagluluto.

Dumapo ang tingin ni Joseph sa white cartoon slippers sa loob ng wardrobe, dahilan para muling magsalubong ang mga kilay niya.

“Bakit hindi mo suot ang original pair mo?” Tanong niya.

Nagulat si Chloe sa tanong na yun habang kumikilos siya sa kusina. Natigilan siya sandali bago kaswal na sumagot, “Ayaw kong isuot. Itatapon ko din ito pag-alis ko.”

“Bakit mo itatapon?” Tanong ni Joseph, kahit na alam na niya ang sagot.

“Hindi na ako dito nakatira. Gusto mo bang itabi ko ito bilang keepsake?” Sagot ni Chloe.

Walang pasabing binagsak ni Joseph ang pinto at pumasok sa study. Makalipas ang kalahating oras, lumabas siya sa kwarto at tiningnan ang pagkaing nasa kusina. Kumuha siya ng tinidor, nagsimula siyang kumain.

Naguluhan si Chloe. “Hindi ba’t para kay lolo ang pagkain na ‘to?”

“Nakatulog daw siya sabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status