Share

Kabanata 340 I-Finalize Mo na Ang Kasal Mo Sa Anak Ko

Natigilan sandali si Joseph, binaba niya ang bintana ng sasakyan pero maliit lang. “Magsalita ka na. Anong gusto mo?”

Nag-alinlangan si Emily, hindi sigurado kung paano sasagot.

“Anong ginagawa mo dito?” Si Lucas na kababalik lang dala ang kaniyang almusal ay nakaramdam ng kaba nang makita niya si Emily.

Nitong nakaraan ay lagi siyang pinapaulanan ng text ni Emily at unti-unting naging malapit sila sa isa’t-isa.

Tinago ni Emily ang itim na bag sa likuran niya at ngumiti. “Nope. Wala.”

Habang binubuksan ni Lucas ang pinto ng kotse, mabilis siyang tinulak ni Emily at pwersahang hinagis ang laman ng black bag kay Joseph. Mabilis na kumilos si Joseph at kinuha ang katabing dyaryo para takpan ang sarili. Kahit na nagawa niyang maharang ang karamihan sa laman ng bag, may kaunti pa rin na dumikit sa suit niya.

Sa loob ng kotse, nabalot ng nakakasulasok at nakakasukang amoy ang loob, may halong sibuyas, blue cheese at hindi makilalang kulay gray na likido na mayroong masangsang na amoy.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status