Share

Kabanata 342 Ang Pagkukusa Niya ay Para kay Icarus

Mapang-asar na ngumisi si Chloe. “Ano naman kung ikakasal ako? Wala kang kinalaman doon.”

“Sagutin mo ako.” Diniinan ni Joseph ang hawak niya. Galit, malamig at masama ang ekspresyon niya.

“Huwag kang mangialam sa ginagawa ko. Magiging tatay ka na. Hindi ba't mali na hawakan mo ako?” Namula ang maputing baba ni Chloe. Napakunot siya sa sakit.

Alam niya ang totoo. Hindi niya sinubukan na itago ito sa kaniya o talagang hindi niya binalak. Kung hindi niya anak yun, hahayaan niya ba manatili si Xavia sa villa?

“May kakaiba dito. Hinihintay ko ang resulta ng amniocentesis mga apat na buwan mula ngayon.” Hindi siya makasigurado nang walang ebidensya.

“Ano hihintayin kita? Para saan?” Inangat ni Chloe ang kamay niya para punasan ang luha niya. Wala na siya sa mood makipag usap sa kaniya. “Pwede bang umalis ka?”

Nakaramdam ng sakit sa puso si Joseph nang makita niya ang pagod at walang pakialam na tingin ni Chloe. Parang matagal na nang makita niya ang ngiti ni Chloe. Noon, masayahin si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status