Huminga nang malalim si Chloe, determinado siyang hindi madala ng galit niya. “Kung ipipilit mong ibigay, bahala ka.” Gagawin niya lang ang parte niya. Ibabalik niya rin ang pera sa oras na umalis na si Harold.Kumurba ang sulok ng mga labi ni Joseph habang kinukuha ang isang itim na supplementary card mula sa wallet niya at nilapag yun sa bedside table. Agad nakilala ni Chloe ang card—ito ang supplementary card na binigay nito sa kaniya noon. Nang umalis na siya sa villa, binalik niya rin ang card.Walang credit limit sa card na yun, ibig sabihin ay basta hindi pa bankrupt si Joseph, pwede niya yung gamitin. Minsan silang tumira sa ilalim ng iisang bubong, at dati, hindi siya nakaramdam ng kakaiba tungkol dito. Pero ngayon, ang paggamit ng supplementary card na ito bilang divorce compensation ay nakapagtataka.May gusto sanang sabihin si Chloe pero sa huli ay nanatili na lang siyang tahimik. Akala ni Joseph ay dahil ito sa malaking halaga ng pera. Bahagyang nagsalubong ang mga kila
Nagulat si Chloe. “Si Xavia ‘yun. Nakita mo na ang mga picture niya dati.”Natigilan sandali si Emily bago bumugso ang galit niya. “Siya yun? Siya yung ginamit ang pagbubuntis para pagitnaan kayo ni Joseph?”Dahil sa lakas ng boses niya at pagkakaduro niya, narinig yun ng ibang namimili. Tumingin sila kay Xavia, bakas sa ekspresyon nila ang pagtataka at iis.Sinusubukan ni Xavia ang latest fashions sa isang luxury boutique. Nang marinig ang usapan, hindi nagbago ang emosyon niya, at kalmadong lumapit kay Chloe.“Nandito ka rin ba para bumili ng damit, Ms. Chloe? What a coincidence,” Kalmado niyang sabi na parang hindi niya narinig ang pang-iinsulto ni Emily. Marahan siyang nagtanong, “Gusto kong bilhan ng regalo si Joe para i-celebrate ang upcoming fatherhood niya. May suggestions ka ba, Ms. Chloe?”Umusok ang ilong ni Emily, at siya ang sumagot, “Jeez, wala pa akong nakikilalang kasing kapal ng mukha mo. Anong pinagmamalaki mo bilang isang homewrecker?”Para sa kaniya ay ang la
Naglaho ang ngiti sa mukha ni Xavia. “Anong sinasabi mo? Kung hindi ito anak ni Joseph, kanino pa ba?”“Ganoon ba? Well, mabuti,” Kalmadong sabi ni Chloe. Dumapo ang tingin niya sa isang suit, at inutusan ang salesperson, “Paki-pack ng suit na ‘to.”Naguluhan si Xavia. “Sinong binibilhan mo ng suit?”‘Para ba kay Icarus? Nakuha na ba siya nito? Mas mabilis pa yun kaysa sa inaakala ko.’Eleganteng ngumiti si Chloe, malinaw niyang sinabi, “Joseph.”Akala ni Xavia ay mali ang pagkakadinig niya at inulit ang kaniyang tanong.“Ang sabi ko, binibili ko ito para kay Joseph.” Kuminang ang mga mata ni Chloe. “Kahit na divorced na kami, pwede pa rin kaming maging magkaibigan. Ayos lang yun sa iyo, tama?”Lalo na at ganun din ang ginawa ni Xavia. Nilapitan niya si Joseph gamit ang pagkakaibigan nila. Sinalo niya pa ang saksak na para kay Chloe. Hindi maitatanggi na mas malupit at mas matalino ang babaeng ito kaysa kay Ava.“Siyempre naman,” Sabi ni Xavia matapos niyang mapakalma ang sari
Bumaba ang tingin ni Joseph, nakatitig sa mga salitang nasa card. Alam niya base sa handwriting na hindi si Chloe ang sumulat sa card. Binuksan niya ang box at nakita niya ang isang suit na sakto lang ang fit. Kahit na hindi ito luxurious item, may hindi maipaliwanag na charm dito na kumuha ng atensyon niya.Ang 1.86 meters na height ni Joseph ay nagbigay sa kaniya ng commanding presence, dahilan para bumagay sa kaniya lahat ng sinusuot niya. Bawat butones sa kaniyang white shirt ay nakaayos at malinis ang pagkaka-tuck ng laylayan nito sa kaniyang pantalon. Ang kaniyang well-defined na waistline ay nagbigay diin sa kaniyang malakas na physique, dumadagdag sa kaniyang magnetic appeal.Ang combination ng kaniyang imposing stature, metikulusong grooming at kumpiyansa sa kilos niya ay ang dahilan kung bakit siya hinahangaan ng lahat ng tumitingin sa kaniya.Ngumisis si Lucas. “Mukhang nasa puso pa rin kayo ni Ms. Chloe.”Marahil pinagsisisihan niya ang ginawa niya, gustong makipag-ayos
Marahang pinatuyo ni Joseph ang buhok niya gamit ang tuwalya at walang emosyong sumagot, “Hindi ka ba makapaghintay ng apat na buwan?”“Kung anak ko ‘yan, pananagutan ko.”“Sang-ayon ako, at handa kong gawin ang amniocentesis. Pero ilang taon na tayong magkakilala, hindi ba talaga ako karapat-dapat sa tiwala mo?!” Nanginginig ang boses ni Xavia habang nagsasalita, kumikinang ang mga mata niya dahil sa mga luhang hindi pa tumutulo. Pinipigilan niyang umiyak.Hindi natinag si Joseph, nakatitig lang siya kay Xavia. “May nangyari ba sa inyo ni Gabe?”Namanhid ang anit ni Xavia. Tama ang hula niya. Sinabi ni Gabriel kay Joseph ang totoo!“Oo, may one-time encounter ako sa kaniya. Pero nangyari yun bago pa kita nakilala. Masasabi mo nang 100 percent certainty na wala kang nagawang pagkakamali sa buhay mo?”Kahit nahaharap sa akusasyon, nanatiling kalmado si Joseph. “Dahil hindi mo first time, saan galing ang mga mantsa ng dugo sa kama nang gabing yun?”Bawat hibla ng buhok sa katawan
Pag-alis ni Xavia, nanatili si Joseph sa kinatatayuan niya, naninigas ang mga braso niya sa galit. Natatawa siya galit. Napagtanto niya na hindi sinusubukan ni Chloe na i-balance sila ni Icarus. Bagkus, isang pawn lang ang turing nito sa kaniya sa laro nito, pinagyayabang ang triumph niya sa iba.Kinuha ni Joseph ang nakasabit na suit sa kaniyang wardrobe. Bumugso ang inis sa loob niya, hinagis niya sa basurahan ang suit.*Samantala, dumating na ang autumn, at mas makapal na damit na ang suot ni Chloe.Simula nang matapos niya ang kaniyang university studies, nalubog na si Chloe sa mga demands ng kaniyang trabaho, kaya wala na siyang oras para kumuha ng driver’s license. Matapos pamahalaan ang negosyo ng pamilya niya, nakikita na niya ang inconveniences sa pag-asa sa mga taxi para sa transportasyon. Determinado siyang malampasan ito, sinamantala niya ang libreng oras at nag-enrol sa isang driving school bago pumunta sa opisina.Pagkatapak ni Chloe sa kumpanya, binati siya ng isan
Nang makapag-isip pa, napagtanto ni Chloe na hindi kilala ni Noah si Icarus, kaya naniniwala siyang nag-o-overthink lang ito. Nagpasalamat siya sa pag-aalala nito, binaba niya ang tawag at agad na tinawagan ang empleyado na nag-post ng video.Sa kasamaang palad, nasa business ang empleyado at hindi masagot ang tawag.Bumalik sa eskwelahan si Noah at pumasok sa classroom. Ang chestnut brown niyang buhok na malinis na nakaayos ay medyo natatakpan ang mga kilay niya, kitang-kita ang kaniyang inosente at kaakit-akit na mga mata. Tinatap niya ang mga daliri niya sa kaniyang phone screen, pumunta siya sa Facebook account niya, hinanap ang profile ni Icarus at binuksan ang confession video. Sa comment section, tinag niya ang official account ng Fairlight.Pagtapos ng workday, bumalik na ang empleyadong nag-post ng video. Humingi siya ng pasensya kay Chloe at mabilis na binura ang video habang nagpapaliwanag, “Ms. Chloe, nakalimutan ko na may endorsement deal kayo sa Exotic Star.”“Ayos l
Mabilis na huminto si Joseph nang marinig niya ang ringing ng isang bell. Hinawakan niya ang wrist ni Joseph, pwersahan niyan hinablot ang bracelet. Kumalat sa sahig ang mga mamahaling gems at beads, at natapakan niya pa ang isa. Lumamig ang tingin niya at puno ng paghahamak habang sinasabi, “Ang pangit ng accessory na ‘yan.”Namumula si Chloe dahil sa galit at hiya, nanginginig ang boses niya nang magsallita, “Bakit hindi mo tinitigilan si Icarus? Wala siyang ginawa sa iyo. Kung may ayaw ka sa akin, ako dapat ang puntahan mo!”Hinaplos ni Joseph ang namamagang labi ni Chloe. Husky ang boses niya. “Simple lang naman. Titigilan ko siya kapag nakipaghiwalay ka sa kaniya!”“Wala kang karapatan na mangialam sa buhay ko!”Binitawan ni Joseph si Chloe, kumurba ang sulok ng mga labi niya. “Well, pwede kang umalis.”Determinado ang mga mata ni Chloe. Walang mangyayari kung aalis siya. Inayos niya ang nagulo niyang bangs at nakita ang surveillance camera sa hallway. Nanigas ang mukha niya,
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti