Share

Kabanata 351 Ang Pinakamagandang Regalo

Nagulat si Chloe. “Si Xavia ‘yun. Nakita mo na ang mga picture niya dati.”

Natigilan sandali si Emily bago bumugso ang galit niya. “Siya yun? Siya yung ginamit ang pagbubuntis para pagitnaan kayo ni Joseph?”

Dahil sa lakas ng boses niya at pagkakaduro niya, narinig yun ng ibang namimili. Tumingin sila kay Xavia, bakas sa ekspresyon nila ang pagtataka at iis.

Sinusubukan ni Xavia ang latest fashions sa isang luxury boutique. Nang marinig ang usapan, hindi nagbago ang emosyon niya, at kalmadong lumapit kay Chloe.

“Nandito ka rin ba para bumili ng damit, Ms. Chloe? What a coincidence,” Kalmado niyang sabi na parang hindi niya narinig ang pang-iinsulto ni Emily. Marahan siyang nagtanong, “Gusto kong bilhan ng regalo si Joe para i-celebrate ang upcoming fatherhood niya. May suggestions ka ba, Ms. Chloe?”

Umusok ang ilong ni Emily, at siya ang sumagot, “Jeez, wala pa akong nakikilalang kasing kapal ng mukha mo. Anong pinagmamalaki mo bilang isang homewrecker?”

Para sa kaniya ay ang la
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status