‘Tapos na. Mamamatay na ako.’‘Kagagawan siguro ‘to ni Jane, baliw ang babaeng yun!’Hindi niya maintindihan ang ideya na pumatay ng tao para lang sa isang lalaki.Napakalamig ng tubig pero hindi pa namamanhid ang katawan ni Chloe, ibig sabihin ay hindi pa siya ganoon katagal na nakalubog. Pero, umabot na sa baywang niya ang tubig, ibig sabihin ay mabilis ang pagtaas ng tubig.Kung malalaman agad ni Joseph ang sitwasyon niya ngayon, baka may pagkakataon pa na makaligtas siya. Kung hindi, walang dudang katapusan na niya.Pagkatapos umiyak, pinilit niya ang sarili na kumalma. Ayaw niyang sumuko hanggang sa huli. Sa kaniya ang buhay niya, at hindi pa siya handang bumitaw.Habang humihikbi ay sumigaw niya nang malakas, “T-tulong! May tao ba diyan?!“Nasa tubig ako. Kung naririnig mo ako, iligtas mo ako, please!”Binati siya ng katahimikan. Umaalingawngaw ang tunog ng tubig sa buong reservoir, dahilan para maging katakot-takot ang paligid.Hindi naglakas-loob si Chloe na tumingin s
Nanigas ang katawan ni Joseph. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita ang basang-basang si Chloe.Basang-basa ang buong katawan nito, maputi na ito ngunit mas lalo pang namutla dahil sa lamig. Pero, nanatili ang kakaiba nitong ganda, ang mga kilay at mata nito ay may pinapakitang panghihina at lungkot.Habang pinagmamasdan siya ni Joseph, hindi siya makapaniwala, sandali siyang namanhid. Nagsimulang maglaho ang tensyon sa katawan niya, napalitan ng matinding pasasalamat. Sa sandaling yun, napagtanto niya kung gaano siya kasaya na makita si Chloe na nakatayo sa harap niya nang ligtas.Hinubad niya ang kaniyang coat at lumapit kay Chloe, marahan niya yung sinabit sa mga balikat niya. May lambing ang boses niya na hindi pa naririnig noon, “Paano ka nakatakas?”Tinuro ni Chloe si Richard na nakatayo sa tabi niya. “Niligtas niya ako.”Nanlaki sa galit ang mga mata ni Jane. “Dad, bakit mo sinira ang plano ko?”Sumabog ang galit ni Richard, malakas ang boses niya. “Naiintindihan mo ba ku
Natigilan si Joseph, tumikom nang mahigpit ang mga labi niya. “Hindi mo ‘to kailangang gawin.”“Naiintindihan ko, pero gusto kong may gawin para sa iyo,” Sagot niya. Kung may pagkakataon si Chloe na tulungan ang mga Whitman, kukunin niya ang pagkakataong yun.Bumugso ang iba’t-ibang emosyon sa mga mata ni Joseph habang humihigpit ang kapit niya sa balikat ni Chloe.Nang maharap sa kinabukasan ng anak niya, namutla ang mukha ni Richard at sa huli ay sumuko. Sa lahat ng bagay sa mundo, anong halaga ng pera ang maikukumpara sa kinabukasan ng anak niya?*Pagkatapos makipag-usap kay Joseph, nagdesisyon si Chloe na huwag sabihan si Harold tungkol sa insidente. Dahil sa kondisyon nito sa puso, pakiramdam niya ay mas magandang hindi na ito bigyan ng stress.“Bago ang lahat, pumunta muna tayo sa ospital para hindi ka magkalagnat.”“Okay, naiinitan ako at saka nilalamig. Hindi maganda ang pakiramdam ko.” Bumahing si Chloe at nakaramdam na bumibigat ang ulo niya.Pinagmasdan siya ni Jose
Magdamag na natulog si Chloe bago nagising, nakita niya ang isang nurse na inaasikaso ang kamay niya.“Hindi pa humuhupa ang lagnat mo, kaya itutuloy natin ang IV drip mo. Kailangan mong manatili sa ospital ngayong araw para maobserbahan, kaya hindi ka pa pwedeng madischarge,” Sabi sa kanya ng nurse.“Anong temperature ko?” Tanong ni Chloe.“102.2,” Sagot ni Emily, kinumutan niya si Chloe. “Mag-focus ka muna sa pagpapahinga sa mga susunod na araw at huwag mo pagurin ang sarili mo.”“Pero paano ang trabaho ko? At birthday ni Joseph? At saka sa susunod na araw na ang hearing…” Sinambit ni Chloe ang mga inaalala nya.“Si Joseph ang CEO ng Fairlight, kaya bakit ka nag-aalala sa trabaho? At saka, hindi naman one-time event ang birthday niya. May pagkakataon ka pa para bumawi sa kaniya sa susunod. Binigay ko na ang regalo mo sa kaniya. Para naman sa court hearing, matagal pa naman yun. Maayos na ang pakiramdam mo nun,” Sabi ni Emily sa kaniya.“Tama ka… Oo nga pala, nasaan si Joseph?”
Hindi mapigilan ni Chloe na aminin na maganda ang sulat-kamay ni Xavia.Nilapag niya ang envelope sa mesa at kinuhanan yun ng litrato para isend kay Joseph.Kinahapunan, nag-reply si Joseph. [Got it.]Naguluhan si Chloe. Hindi ba siya dapat mas masaya sa pagbabalik ni Xavia?Anyway, hindi naman yun mahalaga kay Chloe. Pagkatapos ng lahat, matatapos naman talaga ang kontrata nila, at hindi maiiwasan ang paghihiwalay nila. Sino man si Xavia at kung sino man ang makakasama ni Joseph balang-araw ay walang kinalaman sa kaniya.Gayunpaman, may kaunting lungkot na hindi nawala sa kaniya. Natural lang na magkaroon ng feelings sa isang tao pagkatapos niyong makasama nang matagal ang isa’t-isa, katulad ng bond na mayroon sila ni Toto.*Maagang dumating si Joseph kaysa sa inaasahan ni Chloe. Pero, hindi siya mag-isa.Kasama niya rin si Samuel.“Joe, maging considerate ka naman! Bakit sikreto kang nagce-celebrate ng birthday? Tawagan natin ang mga kaibigan natin, magsaya tayo,” Sigaw ni
Kitang-kita ang perpekto niyang katawan sa suot niyang itim na loungewear, habang ang mukha niya naman ay may kakaibang charm.Nang mapansin ang tingin niya, lumingon si Joseph at nagkatinginan sila. Natulala sila pareho, pakiramdam ni Chloe ay nahuhulog siya malalim at kaakit-akit nitong tingin.Kumislap ang mga mata niya, at naiilang niyang binawi ang tingin. “Sa tingin mo ba ay magagalit sa iyo si Miles?”“Anong magagawa niya? Hahamunin niya ba ako?” Aroganteng suminghal si Joseph.Pumalatak ang dila ni Chloe, pero sa loob-loob niya ay alam niyang walang sasabihin si Miles. Nag-aalala lang siya na gumamit ito ng dirty tricks laban sa kanila.“Gamit ang agreement at assets at jewelry records na kinuha ni Benjamin mula sa bangko, mananalo tayo bukas. Pero, kapag sinubukan niyang gumamit ng emotional card sa iyo, huwag mo lang siyang pansinin,” Payo ni Samuel.Ang paghanap ng ebidensya sa kasong ito ay hindi ang pinakamahirap na parte. Ang totoong hamon ay nasa relasyon nina Chl
“Hindi ko ‘yan sinabi, Your Honor! Huwag kayong makinig sa kaniya!” Desperadong sumigaw si Ava.Bumaling ang tingin ng judge kay Ava, matalim ang kaniyang tingin. “So, handa mo bang labanan si Ms. Chloe para sa legacy ng nanay niya? Sa pagkakaintindi ko, half-sisters kayo ni Chloe at iisa ang inyong tatay. Dahil galing sa tunay niyang ina ang assets na ito, wala kang karapatan na angkinin yun.”Tumagos sa hangin ang mga salita ng judge, dahilan para mamutla si Ava. Nahirapan siyang magpaliwanag, “Hindi yun ang ibig kong sabihin…Gusto ko lang magsalita para sa tatay ko.”“May pagkakataon kang magsalita mamaya, pero sa ngayon, manahimik ka muna,” Mariin na utos ng Judge.Lumingon siya kay Benjamin at nagtanong ang judge, “Defendant, ikaw na ang magsalita Sabihin mo ang demands mo.”“Gusto kong makuha ang portion ng assets na yun, dahil pagmamay-ari namin yung dalawa ng asawa ko.” Sabi ni Benjamin, nakaramdam siya ng pag-asa nang mapansin ang pag-iisip ng judge.Mabuti na lang ay ma
Pagkasabi niya ng mga salitang yun, nabalot ng katahimikan ang kwarto.Ang posibilidad na makasuhan ni Samuel at matalo ay nagdulot ng kaba sa lahat.Nanigas ang katawan ni Ava, nawalan ng kulay ang kaninang masigla niyang mukha. Mabilis niyang napagtanto ang mga salita niya at sinubukang ayusin ang sitwasyon.“Hindi ko sinabi yun kay Gideon, at iba ang demands namin. Kaya naman, may valid akong dahilan para maghinala,” Mabilis siyang nagpaliwanag, gustong linawin ang opinyon niya.“May karapatan kang maghinala, pero kailangan mong magbigay ng ebidensya,” Tinanggap ng judge ang statement niya at tumango.“W….wala akong ebidensya.”Sa galit, hinampas ni Benjamin ang kamao sa mesa at sinigawan si Chloe, “Kailangan mo bang sirain ang reputasyon ng pamilya natin para sa pera?”Ngumisi lang si Chloe bilang tanong, “Paano mo pa rin nagagagawang ipasa ang sisi sa akin? Ikaw naman talaga ang nagbalak na nakawin ang assets na iniwan sa akin ng nanay ko!”Dati, baka handa pang tulungan n
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti