Pagkatapos ng dalawampung minuto sa press conference, nagpunta si Joseph sa stage para magbigay ng speech.Nang tapos na siya, imbes na maupo ay dumiretso siya sa likod at sumakay sa kaniyang kotse. Habang tinitingnan ang kaniyang relo, nakita niyang lagpas na ng alas siyete nang gabi.‘Pauwi na dapat ang dumbo na yun.Alam niyang maaga itong umalis sa trabaho pero wala siyang ideya sa regalong binili nito para sa kanya.“Lucas, bumalik tayo sa villa,” Utos niya.“Sige po, sir,” Sagot ni Lucas. Tinapakan niya ang accelerator pedal, pero bigla niyang tinapakan ang brakes nang humarang si Jane sa daan nila.Sumilip siya sa bintana para tingnan si Joseph na nanatiling walang emosyon, hindi man lang tumingin. Kakaiba ang ekspresyon ni Jane nang sabihing, “Lumabas ka ng kotse. May sasabihin ako sa iyo.”Lumingon si Lucas sa walang pakialam na si Joseph, nakayuko lang ito. Habang nag-aalinlangan at sumasakit ang ulo, dahan-dahang binaba ni Lucas ang bintana.“Ms. Jane, pwede bang sa
‘Tapos na. Mamamatay na ako.’‘Kagagawan siguro ‘to ni Jane, baliw ang babaeng yun!’Hindi niya maintindihan ang ideya na pumatay ng tao para lang sa isang lalaki.Napakalamig ng tubig pero hindi pa namamanhid ang katawan ni Chloe, ibig sabihin ay hindi pa siya ganoon katagal na nakalubog. Pero, umabot na sa baywang niya ang tubig, ibig sabihin ay mabilis ang pagtaas ng tubig.Kung malalaman agad ni Joseph ang sitwasyon niya ngayon, baka may pagkakataon pa na makaligtas siya. Kung hindi, walang dudang katapusan na niya.Pagkatapos umiyak, pinilit niya ang sarili na kumalma. Ayaw niyang sumuko hanggang sa huli. Sa kaniya ang buhay niya, at hindi pa siya handang bumitaw.Habang humihikbi ay sumigaw niya nang malakas, “T-tulong! May tao ba diyan?!“Nasa tubig ako. Kung naririnig mo ako, iligtas mo ako, please!”Binati siya ng katahimikan. Umaalingawngaw ang tunog ng tubig sa buong reservoir, dahilan para maging katakot-takot ang paligid.Hindi naglakas-loob si Chloe na tumingin s
Nanigas ang katawan ni Joseph. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita ang basang-basang si Chloe.Basang-basa ang buong katawan nito, maputi na ito ngunit mas lalo pang namutla dahil sa lamig. Pero, nanatili ang kakaiba nitong ganda, ang mga kilay at mata nito ay may pinapakitang panghihina at lungkot.Habang pinagmamasdan siya ni Joseph, hindi siya makapaniwala, sandali siyang namanhid. Nagsimulang maglaho ang tensyon sa katawan niya, napalitan ng matinding pasasalamat. Sa sandaling yun, napagtanto niya kung gaano siya kasaya na makita si Chloe na nakatayo sa harap niya nang ligtas.Hinubad niya ang kaniyang coat at lumapit kay Chloe, marahan niya yung sinabit sa mga balikat niya. May lambing ang boses niya na hindi pa naririnig noon, “Paano ka nakatakas?”Tinuro ni Chloe si Richard na nakatayo sa tabi niya. “Niligtas niya ako.”Nanlaki sa galit ang mga mata ni Jane. “Dad, bakit mo sinira ang plano ko?”Sumabog ang galit ni Richard, malakas ang boses niya. “Naiintindihan mo ba ku
Natigilan si Joseph, tumikom nang mahigpit ang mga labi niya. “Hindi mo ‘to kailangang gawin.”“Naiintindihan ko, pero gusto kong may gawin para sa iyo,” Sagot niya. Kung may pagkakataon si Chloe na tulungan ang mga Whitman, kukunin niya ang pagkakataong yun.Bumugso ang iba’t-ibang emosyon sa mga mata ni Joseph habang humihigpit ang kapit niya sa balikat ni Chloe.Nang maharap sa kinabukasan ng anak niya, namutla ang mukha ni Richard at sa huli ay sumuko. Sa lahat ng bagay sa mundo, anong halaga ng pera ang maikukumpara sa kinabukasan ng anak niya?*Pagkatapos makipag-usap kay Joseph, nagdesisyon si Chloe na huwag sabihan si Harold tungkol sa insidente. Dahil sa kondisyon nito sa puso, pakiramdam niya ay mas magandang hindi na ito bigyan ng stress.“Bago ang lahat, pumunta muna tayo sa ospital para hindi ka magkalagnat.”“Okay, naiinitan ako at saka nilalamig. Hindi maganda ang pakiramdam ko.” Bumahing si Chloe at nakaramdam na bumibigat ang ulo niya.Pinagmasdan siya ni Jose
Magdamag na natulog si Chloe bago nagising, nakita niya ang isang nurse na inaasikaso ang kamay niya.“Hindi pa humuhupa ang lagnat mo, kaya itutuloy natin ang IV drip mo. Kailangan mong manatili sa ospital ngayong araw para maobserbahan, kaya hindi ka pa pwedeng madischarge,” Sabi sa kanya ng nurse.“Anong temperature ko?” Tanong ni Chloe.“102.2,” Sagot ni Emily, kinumutan niya si Chloe. “Mag-focus ka muna sa pagpapahinga sa mga susunod na araw at huwag mo pagurin ang sarili mo.”“Pero paano ang trabaho ko? At birthday ni Joseph? At saka sa susunod na araw na ang hearing…” Sinambit ni Chloe ang mga inaalala nya.“Si Joseph ang CEO ng Fairlight, kaya bakit ka nag-aalala sa trabaho? At saka, hindi naman one-time event ang birthday niya. May pagkakataon ka pa para bumawi sa kaniya sa susunod. Binigay ko na ang regalo mo sa kaniya. Para naman sa court hearing, matagal pa naman yun. Maayos na ang pakiramdam mo nun,” Sabi ni Emily sa kaniya.“Tama ka… Oo nga pala, nasaan si Joseph?”
Hindi mapigilan ni Chloe na aminin na maganda ang sulat-kamay ni Xavia.Nilapag niya ang envelope sa mesa at kinuhanan yun ng litrato para isend kay Joseph.Kinahapunan, nag-reply si Joseph. [Got it.]Naguluhan si Chloe. Hindi ba siya dapat mas masaya sa pagbabalik ni Xavia?Anyway, hindi naman yun mahalaga kay Chloe. Pagkatapos ng lahat, matatapos naman talaga ang kontrata nila, at hindi maiiwasan ang paghihiwalay nila. Sino man si Xavia at kung sino man ang makakasama ni Joseph balang-araw ay walang kinalaman sa kaniya.Gayunpaman, may kaunting lungkot na hindi nawala sa kaniya. Natural lang na magkaroon ng feelings sa isang tao pagkatapos niyong makasama nang matagal ang isa’t-isa, katulad ng bond na mayroon sila ni Toto.*Maagang dumating si Joseph kaysa sa inaasahan ni Chloe. Pero, hindi siya mag-isa.Kasama niya rin si Samuel.“Joe, maging considerate ka naman! Bakit sikreto kang nagce-celebrate ng birthday? Tawagan natin ang mga kaibigan natin, magsaya tayo,” Sigaw ni
Kitang-kita ang perpekto niyang katawan sa suot niyang itim na loungewear, habang ang mukha niya naman ay may kakaibang charm.Nang mapansin ang tingin niya, lumingon si Joseph at nagkatinginan sila. Natulala sila pareho, pakiramdam ni Chloe ay nahuhulog siya malalim at kaakit-akit nitong tingin.Kumislap ang mga mata niya, at naiilang niyang binawi ang tingin. “Sa tingin mo ba ay magagalit sa iyo si Miles?”“Anong magagawa niya? Hahamunin niya ba ako?” Aroganteng suminghal si Joseph.Pumalatak ang dila ni Chloe, pero sa loob-loob niya ay alam niyang walang sasabihin si Miles. Nag-aalala lang siya na gumamit ito ng dirty tricks laban sa kanila.“Gamit ang agreement at assets at jewelry records na kinuha ni Benjamin mula sa bangko, mananalo tayo bukas. Pero, kapag sinubukan niyang gumamit ng emotional card sa iyo, huwag mo lang siyang pansinin,” Payo ni Samuel.Ang paghanap ng ebidensya sa kasong ito ay hindi ang pinakamahirap na parte. Ang totoong hamon ay nasa relasyon nina Chl
“Hindi ko ‘yan sinabi, Your Honor! Huwag kayong makinig sa kaniya!” Desperadong sumigaw si Ava.Bumaling ang tingin ng judge kay Ava, matalim ang kaniyang tingin. “So, handa mo bang labanan si Ms. Chloe para sa legacy ng nanay niya? Sa pagkakaintindi ko, half-sisters kayo ni Chloe at iisa ang inyong tatay. Dahil galing sa tunay niyang ina ang assets na ito, wala kang karapatan na angkinin yun.”Tumagos sa hangin ang mga salita ng judge, dahilan para mamutla si Ava. Nahirapan siyang magpaliwanag, “Hindi yun ang ibig kong sabihin…Gusto ko lang magsalita para sa tatay ko.”“May pagkakataon kang magsalita mamaya, pero sa ngayon, manahimik ka muna,” Mariin na utos ng Judge.Lumingon siya kay Benjamin at nagtanong ang judge, “Defendant, ikaw na ang magsalita Sabihin mo ang demands mo.”“Gusto kong makuha ang portion ng assets na yun, dahil pagmamay-ari namin yung dalawa ng asawa ko.” Sabi ni Benjamin, nakaramdam siya ng pag-asa nang mapansin ang pag-iisip ng judge.Mabuti na lang ay ma