Share

Kabanata 170 Nagpipigil ng Nararamdaman Si Dumbo

Natigilan si Joseph, tumikom nang mahigpit ang mga labi niya. “Hindi mo ‘to kailangang gawin.”

“Naiintindihan ko, pero gusto kong may gawin para sa iyo,” Sagot niya. Kung may pagkakataon si Chloe na tulungan ang mga Whitman, kukunin niya ang pagkakataong yun.

Bumugso ang iba’t-ibang emosyon sa mga mata ni Joseph habang humihigpit ang kapit niya sa balikat ni Chloe.

Nang maharap sa kinabukasan ng anak niya, namutla ang mukha ni Richard at sa huli ay sumuko. Sa lahat ng bagay sa mundo, anong halaga ng pera ang maikukumpara sa kinabukasan ng anak niya?

*

Pagkatapos makipag-usap kay Joseph, nagdesisyon si Chloe na huwag sabihan si Harold tungkol sa insidente. Dahil sa kondisyon nito sa puso, pakiramdam niya ay mas magandang hindi na ito bigyan ng stress.

“Bago ang lahat, pumunta muna tayo sa ospital para hindi ka magkalagnat.”

“Okay, naiinitan ako at saka nilalamig. Hindi maganda ang pakiramdam ko.” Bumahing si Chloe at nakaramdam na bumibigat ang ulo niya.

Pinagmasdan siya ni Jose
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status