Nagsalita si Lucas sa pagkakataon na yun habang nakaupo sa unahan, “Sir, hintayin ba kita sa pababa?”Hindi niya gusto maging third wheel at guluhin ang intimate moment nila. At saka, kapag nagkaroon sila ng baby, pwede siya magpahinga sa trabaho!“Sigurado ka bang gusto mong gawin to sa loob ng sasakyan?” Nagdadalawang isip na tanong ni Chloe.‘Nasa mood ba siya para maglambing dahil spring na?’“Anong maduming isipin yang nasa utak mo?” Tanong ni Joseph, walang emosyon na tumawa.“Huh?”‘Hindi ba lambing ang gusto niya?’“Nakipag-usap ka sa ibang lalaki nang hindi ko alam at paparusahan kita dahil doon.”“Nag-uusap lang kami!”“Huwag ka na makipagtalo sa akin.”Malinaw na pinagbabantaan ni Samuel si Joseph kanina. Nadagdagan lang ang galit ni Joseph sa hindi pag amin ni Chloe at malamig ang hangin sa sasakyan kahit na nakapatay ang air condition.Habang nanginginig sa lamig, kinagat ni Chloe ang labi niya at sinubukan na hindi pansinin ang presensya ni Lucas.Sinimulan ni
Nang mapansin ni Joseph ang paghihintay ni Chloe, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa mga labi niya. Gayunpaman, hindi niya hahayaan na makuha niya yun nang madali.Sinabi niya, “Tingnan natin…”Nanlaki ang mga mata ni Chloe sa gulat. Para bang dumating ang taglagas, hindi lang seasons ang naapektuhan pati na rin ang desire ni Joseph. Akala niya dati ay impotent si Joseph, pero sigurado na siya ngayong hindi yun totoo. At kung normal siyang lalaki, mayroon siyang physiological needs.Pero, ayaw niyang lokohin ang sarili para sa personal gain. Mawawalan siya ng respeto sa sarili kapag ginagawa niya yun. Baka magawa niyang kumita ng 1 milyon kung magtatrabaho siya nang maigi, pero isang fairy tale lang ang kumita ng 28 milyon.*Sa bahay ng mga Johnson, pinagbabato ni Ava ang lahat ng alahas na naiwan ng nanay ni Chloe sa isang suitcase mula sa jewelry cabinet. Habang nagtatama-tama ang mga ornaments, gumagawa ito ng ingay, ang ilan ay parang masisira pa. Gayunpaman, walang pakiala
Pagkababa ni Chloe sa ground floor, nakita niya si Emily na nakikipagtalo sa mga magulang nito, problemado ang itsura nito at umiiyak.Binilisan niya ang paglalakad, lumapit si Chloe at nagtanong, “Anong nangyayari?”Agad na binaling ni Nelson Patel ang galit niya kay Chloe, nagpaulan agad siya ng insulto.“Anong nangyari? Kaibigan ang turing sa iyo ni Emily, pero anong ginawa mo? Ikaw, ikaw mismo, isang babaeng imoral, paano mo nagawang idamay ang anak ko sa gulong ito?”Namumula ang mga mata ni Lina Ress nang magsalita, “Paulit-ulit ka namin binalaan tungkol sa pakikipagkaibigan sa kaniya, at tingnan mo ang ginawa mong gulo! Sinira mo ang pagkakataon mong magpakasal! Nakakahiya!”“Hindi yun totoo. Naniniwala akong walang kinalaman si Coco dito,” Nanginginig ang boses ni Emily, nakakaawa ang mukha niyang basang-basa ng luha.Mabilis na kumuha ng tissue si Chloe para punasan ang mga luha ni Emily, hindi niya pinansin ang mga salita mula sa mga magulang nito. Nag-aalala siyang nag
Hindi maintindihan ni Emily ang hinihingi ng nanay niya kay Chloe. Nakakahiya ito.“Mom, Dad, nagmamakaawa ako sa inyo. Huwag niyo nang palalain pa ang sitwasyon ko. Kasalanan ko ito. Hindi ko dapat pinagkatiwalaan ang gagong yun.”“Manahimik ka!” Mahinang sagot ni Lina, “Hindi mo ba nakikita kung paano protektahan si Chloe ng boss niya? Siguradong may lihim silang koneksyon, ibig sabihin ay dapat tayong humingi ng kabayaran sa pinsalang dinulot nila sa atin.”Kahit na nagpaliwanag na si Lucas, hindi pa rin nawala ang paniniwala ni Lina na si Chloe ang dapat sisihin sa sitwasyon ng anak niya. Pinipilit niyang humingi ng kabayaran mula kay Chloe, at kung hindi pera ang maibibigay, sana ay alukin man lang ng trabaho ang anak niya sa kumpanya nila bilang kabayaran. Para kay Lina, mas malaki at mas prestihiyoso ang opisinang ito kaysa sa pinagtatrabahuan ngayon ni Emily.“Pinapahiya niyo lang ako lalo!” Sigaw ni Emily. Nababalot na siya ng hiya ay pagsisisi. Sa galit, iniwan niya ang m
Bahagyang inangat ni Joseph ang ulo niya sa tuwa. ‘Tanga-tanga talaga siya. Bakit siya proud na yung luto niya ay kalasa ng restaurant sa baba?’Naintindihan ni Nathan ang ibig sabihin ni Joseph at mas lalo pa siyang natakot. ‘Huwag mo sabihin sa akin na seryoso si Joe sa babaeng ‘to. Parang hindi rin naman novelty ang tingin niya sa kaniya. Well, magiging masaya ako na nakahanap na siya ng mamahalin niya kung nakaraang buwan ko pa nalaman, pero ngayong babalik na si Xavia… sa tingin ko hindi pa siya nakakalimutan ni Joseph.’Umalis si Chloe pagkatapos ihatid ang pagkain. Nang isara niya ang pinto, narinig niya ang mga sinabi ni Nathan. “Kinontak ako ni Xavia. Tinanong niya ako kung bakit hindi ka sumagot sa kaniya at kung galit ka pa rin daw ba sa kaniya.”Bahagyang nanigas ang mukha ni Chloe at natulala siya, hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan niya. Hindi pa niya kailanman ang ganitong klaseng interes na makinig sa usapan ng iba. Ngayon, gustong-gusto niyang marinig ang sa
“At sino ka? Bakit mo pinagtatanggol si Ava?” Lumapit si Emily at tiningala si Max. “Oh, alam ko na….isa ka sa mga uto-utong naloko niya.”Sumugod at inatake na ng bestie niya ang kalaban nila, kaya siyempre, hindi siya pwedeng umatras.Inakala ni Max na siya ang tinutukoy nito, kaya namula ang mukha niya at natahimik siya.Humalo ang mga luha ni Ava sa mabahong likido ng mga itlog, nakakalat ito sa kaniyang mukha. Bilang resulta, ang pangit tingnan ng itsura niya. Sumigaw siya, “Ako ang harapin niyo! Huwag niyong ilabas ang galit niyo kay Max!”Komplikado ang nararamdaman ni Max nang tingnan siya. Mukhang epektibo ang ginawa ni Ava.Ngumisi si Chloe. ‘Hindi niya nakakalimutan na magpanggap na mabait kahit sa ganitong sitwasyon. Magaling!’Tumikhim siya at malakas na nagsalita para mas maraming tao ang makarinig. “Mr. Max, tama? Sinasabi mong hindi ko dapat ito ginawa kahit anuman ang nangyari. Well, gusto ko sabihin sa inyo ang ginawa niya. Sana talaga ay hindi ka niya maloko.
Tumaas ang mga kilay ni Joseph habang sumusulyap kay Chloe na mukhang kinakabahan. Kinuha niya ang phone niya at naglakad papunta sa bakuran. Nakakunot ang noo ni Chloe habang nakatitig sa likuran ni Joseph. Nilabas niya ang phone niya at nag-text kay Emily.[Sa tingin ko nag-file ng police report si Ava.][Ang kapal ng mukha! Ang dami niyang ginawang kawalang-hiyaan! Hindi ba siya natatakot na mabuking?][Pero wala siyang iniwang ebidensya.][Anong dapat nating gawin? Aarestuhin ba tayo ng mga pulis?]Nang maisip yun, napuno ng takot si Emily. [Sa tingin ko, ayos lang tayo. May kamag-anak si Joseph na nagtatrabaho sa police station. Tinawagan niya ngayon si Joseph, tinatanong niya ata si Joseph tungkol sa nangyari.]Maituturing na civil dispute ang insidente. Dahil magkamag-anak sila ni Ava, sa tingin niya ay kailangan niya lang humingi ng tawad kay Ava sa harap ng publiko para maayos ito. Ayos lang sa kaniya na humingi ng tawad kay Ava.Nang marinig yun, na-relax si Emily. Pag
“Pupunta ako sa station.”Umalis si Chloe sa harapan ni Joseph. Ayaw na niyang pag-usapan ang topic na yun.“Hindi ka pwedeng umalis.”“Ayos lang. Wala akong pakialam.”“Pero may pakialam ako.” Pinitik ni Joseph ang maputi at makinis na noo ni Chloe bago nagtanong, “Nakalimutan mo na ba kung sino ka ngayon?”Pagkatapos ng maikling sandali, sumimangot si Chloe. “Oh, shoot! Nakalimutan ko na.”Pumirma ng kontrata si Chloe kay Joseph. Pwede siyang mapahiya, pero hindi ang mga Whitman. Kapag hinukay ng media ang katotohanan at pinalaki ang insidente na ‘to, sasabihin nilang ang makapangyarihang misis ni Joseph ay nambato ng bulok na itlog sa isang babae sa harap ng publiko.Pfft!Parehong nakakatawa at nakakatakot ang eksena na yun…Gustong lumaban ni Chloe pero nawalan na siya ng kumpiyansa nang maisip ang legal fee ni Samuel. Nagdesisyon siyang pigilan ang sarili.Sa police station, pagkatapos kausapin ni Samuel si Tyson at malaman ang insidente, sumama ang ekspresyon niya. Kai
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti