“At sino ka? Bakit mo pinagtatanggol si Ava?” Lumapit si Emily at tiningala si Max. “Oh, alam ko na….isa ka sa mga uto-utong naloko niya.”Sumugod at inatake na ng bestie niya ang kalaban nila, kaya siyempre, hindi siya pwedeng umatras.Inakala ni Max na siya ang tinutukoy nito, kaya namula ang mukha niya at natahimik siya.Humalo ang mga luha ni Ava sa mabahong likido ng mga itlog, nakakalat ito sa kaniyang mukha. Bilang resulta, ang pangit tingnan ng itsura niya. Sumigaw siya, “Ako ang harapin niyo! Huwag niyong ilabas ang galit niyo kay Max!”Komplikado ang nararamdaman ni Max nang tingnan siya. Mukhang epektibo ang ginawa ni Ava.Ngumisi si Chloe. ‘Hindi niya nakakalimutan na magpanggap na mabait kahit sa ganitong sitwasyon. Magaling!’Tumikhim siya at malakas na nagsalita para mas maraming tao ang makarinig. “Mr. Max, tama? Sinasabi mong hindi ko dapat ito ginawa kahit anuman ang nangyari. Well, gusto ko sabihin sa inyo ang ginawa niya. Sana talaga ay hindi ka niya maloko.
Tumaas ang mga kilay ni Joseph habang sumusulyap kay Chloe na mukhang kinakabahan. Kinuha niya ang phone niya at naglakad papunta sa bakuran. Nakakunot ang noo ni Chloe habang nakatitig sa likuran ni Joseph. Nilabas niya ang phone niya at nag-text kay Emily.[Sa tingin ko nag-file ng police report si Ava.][Ang kapal ng mukha! Ang dami niyang ginawang kawalang-hiyaan! Hindi ba siya natatakot na mabuking?][Pero wala siyang iniwang ebidensya.][Anong dapat nating gawin? Aarestuhin ba tayo ng mga pulis?]Nang maisip yun, napuno ng takot si Emily. [Sa tingin ko, ayos lang tayo. May kamag-anak si Joseph na nagtatrabaho sa police station. Tinawagan niya ngayon si Joseph, tinatanong niya ata si Joseph tungkol sa nangyari.]Maituturing na civil dispute ang insidente. Dahil magkamag-anak sila ni Ava, sa tingin niya ay kailangan niya lang humingi ng tawad kay Ava sa harap ng publiko para maayos ito. Ayos lang sa kaniya na humingi ng tawad kay Ava.Nang marinig yun, na-relax si Emily. Pag
“Pupunta ako sa station.”Umalis si Chloe sa harapan ni Joseph. Ayaw na niyang pag-usapan ang topic na yun.“Hindi ka pwedeng umalis.”“Ayos lang. Wala akong pakialam.”“Pero may pakialam ako.” Pinitik ni Joseph ang maputi at makinis na noo ni Chloe bago nagtanong, “Nakalimutan mo na ba kung sino ka ngayon?”Pagkatapos ng maikling sandali, sumimangot si Chloe. “Oh, shoot! Nakalimutan ko na.”Pumirma ng kontrata si Chloe kay Joseph. Pwede siyang mapahiya, pero hindi ang mga Whitman. Kapag hinukay ng media ang katotohanan at pinalaki ang insidente na ‘to, sasabihin nilang ang makapangyarihang misis ni Joseph ay nambato ng bulok na itlog sa isang babae sa harap ng publiko.Pfft!Parehong nakakatawa at nakakatakot ang eksena na yun…Gustong lumaban ni Chloe pero nawalan na siya ng kumpiyansa nang maisip ang legal fee ni Samuel. Nagdesisyon siyang pigilan ang sarili.Sa police station, pagkatapos kausapin ni Samuel si Tyson at malaman ang insidente, sumama ang ekspresyon niya. Kai
“Pero bakit?”“Masiyadong sexy ‘yan.”Nagulat si Chloe. Pinagmasdan niya nang ilang minuto ang suot niya bago sinabing, “Hindi. Simple at lumang shirt lang ‘to.”“Magpalit ka. Isipin mo kung sino ka ngayon. Hindi na lang sarili mo ang nirerepresenta mo ngayon.”Gustong-gustong sumagot ni Chloe, pero oras na para pumasok sa trabaho. Kaya naman, bumalik siya sa kwarto para magbihis ng isang boyfriend-style top. Natatakpan ng mahabang laylayan ng shirt ang kaniyang pants kaya parang wala siyang ibang suot bukod sa shirt niya. Mukha itong ordinaryo, pero nakakaakit ‘to para sa mga lalaki.Kumunot ang noo ni Joseph. “Sinong inaakit mo?”Hindi na siya sinunod ni Chloe sa pagkakataong ito. Nagpamaywang siya at sinabing, “Anong ibig mong sabihin sa normal at kakaibang damit? Pinapahirapan mo lang ako. Walang kwenta kahita nong suotin ko!”Nagdilim ang matatalim na mga mata ni Joseph. Tumayo siya sa sofa at lumapit habang umaatras si Chloe. Hindi nagtagal, nasa harapan na siya nito. “Hmm
Halatang handa si Ellie dahil pwersahan niyang tinulak si Chloe sa gilid. “Sinabi ko na sa iyo na tingnan mo muna lahat bago pumunta dito. Bakit hindi ka nakinig?”Nagulat si Chloe. “Tiningnan ko ‘yan…” Kahit na maingat niyang tiningnan ang laman ng plan, malinaw na may nakaipit sa file na dapat ay napansin niya.‘Sandali…’ May biglang napansin si Chloe at tiningnan ulit ang folder. Hindi ito paperclip, pero isang matulis na safety pin!Namula at kinabahan ang ekspresyon ni Ellie. “Mr. dahil ito sa kapabayaan niya. May first aid kit ako sa opisina ko. Kukunin ko muna at tutulungan ko kayo bendahan ang sugat niyo.”Pinunasan lang ni Joseph ang dugo sa daliri niya gamit ang tissue na para bang maliit na convenience lang ito at saka tiningnan si Chloe. “Natusok ka ba?”“Hindi, naalala ko na nang ibigay ni Ms. Wendy sa akin yung folder, wala naman ‘yan diyan, at hindi ako gumamit ng safety pins. Pero, kasalanan ko pa din, pasensya na.”“Kapag nagkamali ka, tanggapin mo agad imbes na
Nainip si Joseph sa mala-pagong na kilos ni Chloe. Dahil ayaw na niyang magsayang pa ng oras, yumuko siya at pinagdikit ang kanilang distansya hanggang sa magdikit ang kanilang mga katawan. Mahigpit ang pisil niya sa baba nito, hinimok niya itong sagutin siya.Sa mabilis na sandali, isang matinding intimacy ang bumalot sa kanila, hindi inaaakala ni Joseph na madadala siya sa ganitong sensasyon. Para bang mayroon siyang nadiskubreng bago niyang hahanap-hanapin, isang nakakamatay na attraction sa ganitong intimate exchanges. Nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumalalim ang kagustuhan niyang mapalapit pa kay Chloe.Habang malabo ang isipan, dumilat si Chloe at tinitigan ang malapit at napakagwapong mukha sa harapan niya. Pinalambot ng mahahaba nitong pilikmata ang matalim nitong mga mata habang magaan naman siyang hinahawakan ng kamay nito.Hindi mapigilan ni Chloe na magtaka kung namamalikmata ba siya. Sa sandaling yun, naramdaman niya na pareho ang intensity ng halik nila, para ba
Nanatiling tahimik si Joseph, pinagkrus lang niya ang mga hita at nag-scroll sa financial news articles sa phone niya.Tinanggap ni Nathan ang pananahimik ni Joseph bilang kompirmasyon at nagbuntong-hininga. “So, nagdesisyon ka nang seryosohin ang sa inyo ni Chloe?”Patuloy siyang hindi pinansin ni Joseph.“Sigurado ka ba dito? Long-term commitment ito. Huwag mong iwanan si Chloe sa limbo habang nakakapit ka pa kay Xavia. Hindi yun cool, mister babaero!”Nalaman ni Nathan ang impormasyon tungkol sa pamilya ni Chloe galing kay Samuel, at base sa una nilang pagkikita, kumbinsido siyang hindi mabuting tao ang tatay ni Chloe.“Araw-araw kang nagpapalit ng partner. Anong karapatan mo na pangaralan ako?”Umiling si Nathan at sumagot, “Consensual ang kasunduan ko sa mga babae. Hindi yun pareho.”“Ah oo, ikaw ang mas kagalang-galang.”Walang naisagot si Nathan sa komentong yun. Pinagpatuloy niya ang seryosong sinasabi, “Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. Kinausap ako ni Xavia kahapon. M
Halata ang gulat sa mukha ni Chloe nang sumagot, “Hindi. Anong narinig mo?”Sandali niyang nakasama sa trabaho ang janitor noong pumasok siya sa Fairlight pero nilipat rin siya sa marketing department. Minsan ay nag-uusap sila sandali kapag nagkikita sila sa kumpanya, unti-unti silang nagkakilala.“Ilang araw ng may naninira sa iyong katrabaho mo sa banyo, at iisang tao lang yun.”May isang taong sumagi si isip ni Chloe at nagtanong siya, “Narinig mo ba kung anong pangalan ng taong yun?”“Narinig kong tinatawag siya ng iba na Ms. Nelly o Kelly, parang ganun,” Sagot ng janitor.Mabilis na nahanap ni Chloe ang koneksyon—-may isang tao lang sa marketing department na may pangalang ganun ang tunog, si Ellie Miller.Habang paakyat naman si Chloe papunta kay Joseph, nakasalubong niya ang isang high-level executive mula sa ibang department na binigyan siya ng thumbs-up at ngiti. “Good luck, Chloe! Pupunta ka ulit kay Mr. Joseph?”Pilit siyang ngumiti, bahagyang nanigas ang katawan niya
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti