Share

Kabanata 185 Ipag-shopping si Chloe

“Pero bakit?”

“Masiyadong sexy ‘yan.”

Nagulat si Chloe. Pinagmasdan niya nang ilang minuto ang suot niya bago sinabing, “Hindi. Simple at lumang shirt lang ‘to.”

“Magpalit ka. Isipin mo kung sino ka ngayon. Hindi na lang sarili mo ang nirerepresenta mo ngayon.”

Gustong-gustong sumagot ni Chloe, pero oras na para pumasok sa trabaho. Kaya naman, bumalik siya sa kwarto para magbihis ng isang boyfriend-style top. Natatakpan ng mahabang laylayan ng shirt ang kaniyang pants kaya parang wala siyang ibang suot bukod sa shirt niya. Mukha itong ordinaryo, pero nakakaakit ‘to para sa mga lalaki.

Kumunot ang noo ni Joseph. “Sinong inaakit mo?”

Hindi na siya sinunod ni Chloe sa pagkakataong ito. Nagpamaywang siya at sinabing, “Anong ibig mong sabihin sa normal at kakaibang damit? Pinapahirapan mo lang ako. Walang kwenta kahita nong suotin ko!”

Nagdilim ang matatalim na mga mata ni Joseph. Tumayo siya sa sofa at lumapit habang umaatras si Chloe. Hindi nagtagal, nasa harapan na siya nito. “Hmm
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status