Halata ang gulat sa mukha ni Chloe nang sumagot, “Hindi. Anong narinig mo?”Sandali niyang nakasama sa trabaho ang janitor noong pumasok siya sa Fairlight pero nilipat rin siya sa marketing department. Minsan ay nag-uusap sila sandali kapag nagkikita sila sa kumpanya, unti-unti silang nagkakilala.“Ilang araw ng may naninira sa iyong katrabaho mo sa banyo, at iisang tao lang yun.”May isang taong sumagi si isip ni Chloe at nagtanong siya, “Narinig mo ba kung anong pangalan ng taong yun?”“Narinig kong tinatawag siya ng iba na Ms. Nelly o Kelly, parang ganun,” Sagot ng janitor.Mabilis na nahanap ni Chloe ang koneksyon—-may isang tao lang sa marketing department na may pangalang ganun ang tunog, si Ellie Miller.Habang paakyat naman si Chloe papunta kay Joseph, nakasalubong niya ang isang high-level executive mula sa ibang department na binigyan siya ng thumbs-up at ngiti. “Good luck, Chloe! Pupunta ka ulit kay Mr. Joseph?”Pilit siyang ngumiti, bahagyang nanigas ang katawan niya
Agad na naapektuhan si Chloe sa mga salitang yun, dahilan para maging sensitibo siya. “Hindi…Hindi! Huwag ka ngang magpatawa. Magkatrabaho lang tayo na mayroong superior-subordinate relationship at roommates. Bakit ako magseselos?!”Ayaw niyang aminin na may nararamdaman na siya para sa kaniya, kaya mariin siyang tumangi.Napabuntong-hininga na lang si Joseph, halata sa boses niya ang haba ng pasensya niya kay Chloe. “Bumalik sa bansa si Xavia ngayong araw at pinilit niyang makipagkita sa akin sa Fairlight pagkababa niya sa eroplano.”Pero sa kalagitnaan, nahimatay si Xavia at umalis si Joseph pagkatapos siyang dalhin sa ospital.“Kalokohan. Siguradong kumain kayong dalawa sa labas!”“Hindi.”“Eh ano yang mga gusot sa manggas mo?” Sumimangot si Chloe, parang isang misis na kinukwestyon ang kaniyang mister. Gayunpaman, parang hindi niya alam ang sarili niyang behavior.“Hinila ni Xavia ang manggas ko nang mahimatay siya.”“Isumpa mo!”Hinawakan ni Joseph ang tainga ni Chloe at
Nakaramdam si Joseph nang bara sa lalamunan niya habang nakaharap sa passionate at sincere na titig ni Chloe. Naiilang siyang umiwas ng tingin at sumagot, “Kung ano-anong naiisip mo.”“Hindi, may nararamdaman ka nga para sa akin,” Sabi ni Chloe. Kahit na kinakausap niya si Joseph, aakalain mong kausap niya ang sarili niya. “Bakit hindi mo na lang aminin? Sinasabi dapat ang pag-ibig!”Bago pa makasagot si Joseph, nagsalita ulit siya, “Maganda rin ang impresyon ko sa iyo!”Hindi siya tanga. Napansin niya ang mga pagbabago kay Joseph. Sadyang hindi niya lang yun tiningnan mula sa ganoong anggulo.Sa sandaling yun, nakumpirma ng reaksyon ni Joseph ang suspetya niya. Sumimangot si Joseph, matalim din ang tingin niya kay Chloe. “Magandang impresyon lang?”‘Hindi ba dapat ay sobra-sobra niya akong mahal na hindi niya maimagine ang buhay na wala ako?”Marahang hinawakan ni Chloe ang ilong niya, binaba ang tingin para itago ang nararamdaman niyang guilt. Mula sa gilid, mukha siyang isang
“Ellie, sobra naman yun,” Sabi ng isa nilang katrabaho.“Nagbibiro lang ako. Huwag niyo masyado seryosohin,” Sabi ni Ellie.“Seryoso, sinong nagbibiro nang ganiyan?”Kumapit si Chloe sa braso ng katrabaho niya at umiling. “Hayaan mo na. Hayaan mo siyang sabihin ang gusto niya. Hindi na lang natin siya papansinin,” Sabi niya.Pagkatapos ng lahat, totoo naman talaga ang sinabi ni Ellie, at hindi niya yun kayang sagutin.Tiningnan lang ni Ellie si Chloe at saka umalis.Abala ang buong araw ni Chloe. Ginugol niya ang buong umaga sa pag-aayos ng mga business data at pag-conduct ng analysis bilang paghahanda sa afternoon meeting. Nanatili siyang abala hanggang sa matapos ang meeting.Pagkatapos nito, maawtoridad na lumapit si Ellie at nag-utos, “Ihanda mo ang implementation project strategy para sa akin bukas. Siguraduhin mo na isama mo ang cost, timeline at projected results.”Minasahe ni Chloe ang masakit niyang leeg at nagtanong, “Hindi ba’t responsibilidad mo dapat ang mga task n
Sa baba ng Fairlight, isang kotse ang nakaparada sa gilid ng kalsada. Sa loob, nagsalubong ang mga kilay ni Joseph habang nakatitig sa missed call na naka-display sa kaniyang phone screen. Nagdesisyon siyang ibalik ang tawag.“Hello, the number you dialed is currently unreachable…”Sa tuwing nakapatay ang phone ni Chloe, hindi magandang senyales yun, kahit na nasa opisina lang siya ngayon.“Dito ka lang. Aakyat ako,” Sabi niya kay Lucas. Binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba.Bumukas ang dibdib ni Lucas, may gusto sana siyang sabihin, pero nakita niya ang isang eleganteng babae. “Oh naku, siya yun. Hindi ba’t sinabi na niyang hindi na niya guguluhin si Mr. Joseph? Bakit siya ulit nandito?”Maraming umiikot sa isipan niya habang patago niyang inoobserbahan si Xavia mula sa kotse. Animo’y pinaghandaan ang lahat, aksidente niyang nakasalubong si Joseph sa zebra crossing. Nakasuot siya ng isang maselan at pink V-neck dress na mas binibigyang diin ang kaniyang payat na baywang at
“Pag-usapan natin ‘to bukas. Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga sa bahay,” Sabi ni Chloe.“Sure,” Sagot niya.“Pero akala ko umalis ka na. Bakit ka bumalik?” Tanong niya habang naghihintay sila ng elevator.Habang nakataas ang isang kilay, sumagot si Joseph. “Sino nagsabi sa iyong umalis ako?”“So, hindi ka umalis? Nasa opisina ka lang simula kanina?”“Busy ako kanina at nang matapos ako, halos alas diyes na,”Paliwanag niya.Sa madaling salita, hinihintay niya na kanina pa si Chloe.Pilyang ngumiti si Chloe, nagniningning ang mga mata niya, “Ganoon ba…”‘Ayaw niyang aminin na hinihintay niya ako!’Sa loob ng elevator, sumandal si Joseph sa pader, manipis ang baywang niya at malapad ang balikat. Malamig niyang tiningnan si Chloe at suminghal.Nabihag siya sa charm nito, ilang segundo siyang tinitigan ni Chloe. Ang totoo, naghinala na siya na hindi si Joseph ang tito ni Jake noong una niya itong nakilala sa bar. Lalo na, masiyado itong gwapo para maging tito ni Jake. Kahi
Nanigas ang mukha ni Chloe, nakaramdam siya ng matinding pait at lungkot na bumalot sa puso niya. Totoo nga, nasa isang contractual relationship lang sila. Kahit na mayroong ilang sandali ng sweetness sa umaga, hindi pa rin balanse ang relasyon nila.“Sige, mali ko na. Hindi na ako magsasalita,” Mahina niyang pag-amin.Gayunpaman, hindi natuwa si Joseph sa simpleng paghingi niya ng tawad. Bagkus ay nakadagdag lang ito sa inis niya.Hindi naglakas-loob si Lucas na mangialam at nagpatuloy na lang sa pagmamanaeho hanggang makarating sila sa villa.Si Chloe ang unang lumabas ng kotse at pumasok sa bakuran. Kinuha niya si Toto para maglakad. Noong una, tuwang-tuwa si Toto na makita silang bumalik, pero ngayong naramdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa, bumagsak ang mga tainga nito at halatang hindi mapakali.Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph at sinabing, “Huwag mo ilabas ang inis mo sa aso.”Habang nakangiti nang peke, sumagot si Chloe. “Ayos na ba ang ngiting ‘to para sa mah
Isang lalaking nasa kaniyang forties ang lumabas ng kotse, kagalang-galang ang kaniyang hugis parisukat na mukha. Simple lang ang suot niya, pero mayroong napakamahal na Blue Tiger’s Eye necklace sa leeg niya.Nakilala ni Ava ang lalaki na nasa ahrapan niya, bumugso ang pananabik sa puso niya. Siya ang tycoon na kumokontrol sa entertainment industry, marami na itong natayong film at television companies. Marami sa mga sikat na artista ngayon ang galing sa kumpanya niya.Gayunpaman, bihira siyang magpakita sa publiko. Bakit bibisita ang isang prominanteng tao sa isang tagong lugar?Nang unang makita ni Calvin si Ava, makikita ang pagkadismaya sa mukha niya, kinumpara niya ito sa kaniyang anak, nalulungkot na hindi nito namana ang genes ni Luciana. Kahit nadismaya siya noong una, lumambot ang ekspresyon ni Calvin nang maisip na ang babaeng ito ay kadugo ni Luciana.“Anong pangalan mo?” Marahan niyang tanong, may pananabik sa kaniyang mga mata.“Mr. Calvin, pasensya na sa nangyari. B