Share

Kabanata 191 Sinseridad

Nakaramdam si Joseph nang bara sa lalamunan niya habang nakaharap sa passionate at sincere na titig ni Chloe. Naiilang siyang umiwas ng tingin at sumagot, “Kung ano-anong naiisip mo.”

“Hindi, may nararamdaman ka nga para sa akin,” Sabi ni Chloe. Kahit na kinakausap niya si Joseph, aakalain mong kausap niya ang sarili niya. “Bakit hindi mo na lang aminin? Sinasabi dapat ang pag-ibig!”

Bago pa makasagot si Joseph, nagsalita ulit siya, “Maganda rin ang impresyon ko sa iyo!”

Hindi siya tanga. Napansin niya ang mga pagbabago kay Joseph. Sadyang hindi niya lang yun tiningnan mula sa ganoong anggulo.

Sa sandaling yun, nakumpirma ng reaksyon ni Joseph ang suspetya niya. Sumimangot si Joseph, matalim din ang tingin niya kay Chloe. “Magandang impresyon lang?”

‘Hindi ba dapat ay sobra-sobra niya akong mahal na hindi niya maimagine ang buhay na wala ako?”

Marahang hinawakan ni Chloe ang ilong niya, binaba ang tingin para itago ang nararamdaman niyang guilt. Mula sa gilid, mukha siyang isang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status