Days passed and I'm already comfortable with my students. Although they are sometimes noisy and chaotic in class, they would immediately quiet down when reprimanded.
Tungkol naman doon kay Chris, hindi ko na masyadong iniisip 'yon kasi normal lang naman sa isang tao ang magkaroon ng ka look-alike di ba? Isa pa, sabi ni Chris sa akin nu'ng tinanong ko siya, na wala silang kamag-anak sa Davao City, so natitiyak kong coincidence lang talaga ang pagiging magkamukha nilang dalawa ni Alex.
Until one afternoon I found a group of my students playing 'truth or dare' in the classroom. Wala kasi silang klase sa last subject kaya nakapaglaro sila. Young people at this age are like that, they really love to play most of the time. Some are busy with their cellphones while others are playing ML.
"Oi, tumapat sa iyo Chris! Ano, truth or dare?", tanong ni Bea, isa sa aking mga estudyanteng pinagkakatiwalaan ko sa classroom.
Hindi ko narinig ang sinagot ni Chris basta't ang umabot lang sa pandinig ko ay ang sinabi ni Bea na, "Sige, i-hug mo si Ma'am".
Chris immediately obeyed and I feel his warm embrace in just two seconds. I could not explain the sensation I feel deep inside. Parang---naramdaman ko si Alex sa yakap niya sa akin. Bigla akong natataranta kaya mabilis akong lumabas ng classroom.
"OMG!!! Why do I feel this way?", sabi ko sa aking sarili nang makarating ako sa faculty room. Pilit kong iwinaglit sa aking isipan si Chris dahil hindi naman tamang iisipin ko siya. I mean there's no reason to keep him in my mind dahil lang kamukha siya ni Alex.
Maya't maya'y naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata.
******
"Dude!!! H'wag mo naman akong iiwan please! Lumaban ka!"
"D-dude--p-please d-o-n't cry. I promise--I'll be always right here-- I love-you-so-much", utal-utal na wika ni Alex, while he was striking between life and death.
Humahagulgol ako habang nakayakap sa kanya.
"Dude, please don't leave me. Mahal na mahal kita"
Bigla akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya nang hindi ko na maramdaman ang kanyang paghinga.
"Dude!!! Dude!!!", malakas kong sigaw habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.
I felt his hand holding me tightly while he was gasping for breath.
"I--w-will--for-e-ver-- l-ov-e you--d-dude"
Those were the last words I heard from him because the next thing I heard was the sound of a heart monitor flatline.
"Dude!!!!", I shrieked as I wailed like a child.
********
"Precious, are you okay?"
Naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko. Isa sa mga kasamahan kong guro na si Kate. She is one of my close friends sa school dahil magkaedad lang kami at pareho kaming Grade 10- adviser. Hinagod niya ang aking likod, pagkatapos niyakap niya ako,
Patuloy pa rin ang impit kong pag-iyak kaya kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom sa akin.
Pagkaraan ng ilang sandali medyo lumuwag na rin ang pakiramdam ko.
"Are you okay now Pres? Ano ba kasing napanaginipan mo at umiiyak ka?"
"Uhm, it's nothing, Kate. Tungkol lang sa ex-husband ko, pero wala 'yon", pagsisinungaling ko, t'saka ko kinuha ang panyo sa loob ng bag at nagpunas ako ng aking mga luha.
"Are you sure na okay ka lang ha?", paninigurado nito.
Tumango lang ako at bahagyang ngumiti sa kanya.
O sige mauna na ako sa iyo kasi may date pa kami ng boyfriend ko. Basta Precious, nandito lang ako ha, if you need someone to talk to."
Tinapik niya ako sa balikat at pagkatapos kinuha nito ang bag niya at lumabas na ng faculty room.
Nang makaalis na si Kate, pilit kong inalala ang napanaginipan ko. Bigla na namang sumikip ang aking dibdib at muli na naman akong naging emosyonal. Hanggang ngayon kasi masakit pa sa akin ang nangyari kay Alex. Kahit 18 years na ang nakalipas, hindi ko pa rin siya makalimutan. How could I ever forget the man, I loved the most?
Bestfriend ko si Alex since childhood. Sabay kaming lumaki at nag-aral ng elementarya. Nagkalayo lang kami noong lumipat ang pamilya ko sa ibang lugar, kaya hindi kami magkasama nu'ng mag high school ako. Pero nagkikita pa rin naman kami tuwing bakasyon. Pumupunta naman kami sa lugar nila, kasi taga roon din ang mga relatives ko.
Akala ko hanggang mag bestfriends lang talaga kami, kasi unang-una hindi ko naman inexpect na may pagtingin din siya sa akin. For me, friendship is what I valued the most, and I'm willing to give up my feelings for him for the sake of our friendship. There was a time na sinubok ang pagkakaibigan namin, pero napaglabanan namin 'yon dahil nangako kami sa isa't isa na maging bestfriends kami forever.
Until such time we decided to be more than bestfriends. Pareho kaming takot kasi paano kung hindi mag work-out ang relasyon namin? Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. But we both decided to give it a try along with the promise that whatever happens, we would never give up our friendship.
Pero--
Iniwan niya ako. Napakasakit magbiro ang tadhana at bigla siyang kinuha sa akin...
Muli na namang tumulo ang mga luha ko.
Agad ko naman itong pinahid at baka may bigla na namang pumasok ng faculty room at magtaka kung ba't ako umiiyak.
I looked at my watch and it's already five in the afternoon. It's time for me to go home, so I fixed myself and took my things.
*******
Pagkauwi ko sa boarding house ay agad akong nagtimpla ng kape. Pagkatapos, nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. I took my cellphone and dialed my daughter's number.
"Hi anak, how are you? Nasa bahay ka na ba?"
"Yes mama. Maaga akong umuwi kasi wala naman kaming klase ng last period. Nagleave 'yong teacher namin."
"Ah okay. Ingat ka dyan lagi nak ha, H'wag pasaway kay granny. See you on Friday anak."
"Okay mama. Ingat din."
I heaved a sigh as I ended the call. I couldn't help but think about my daughter's situation. She is supposed to have a happy and complete family just like other kids. Pero hindi nangyari dahil nagloko ang ama niya at iniwan kami. But it's okay. That's life. Matagal na rin akong nakamove on. I am contented with my life now, kahit kami lang dalawa ng anak ko.
Three years old pa lang si Loraine nu'ng maghiwalay kami ng papa niya. Since then, hindi na niya ito nakita ng personal. Dahil masyado pa siyang bata nu'n sinabi ko nalang na nasa ibang bansa ang ama niya. Last year ko lang sinabi sa kanya ang totoo, I feel the hatred she has for her father but I told her na dapat na niya itong patawarin kasi kahit anong mangyari, ama pa rin naman niya ito.
"Mars, kakain na tayo", tawag sa akin ng ka board mate kong si Tess. Apat lang kami sa inuupahan naming boarding house. Dalawa kaming nasa taas at dalawa din ang nasa baba. Ako lang mag-isa sa room kasi ayokong may kasama. So far, okay naman ang mga ka boardmates ko. 'Yong dalawang nasa baba ay dalaga pa at parehong teller ng bangko at 'yong kasama ko naman dito na si Tess ay teacher din pero sa elementary. Kasing edad ko lang siya at gaya ko, hiwalay na rin ito sa asawa niya. Hindi nga lang sila nagkaanak dahil may deperensya ito sa matres, kaya siguro nangaliwa ang asawa niya.
Tess is one of my close friends but I never shared to her my past experience. 'Di dahil sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan, basta't ayoko lang magkwento tungkol sa nakaraan ko. Same vibes naman kaming dalawa, kaya lagi kaming magkasundo lalo na't pareho kaming teacher.
T'wing umaga, ako ang magluluto ng pagkain namin at siya naman sa gabi. We shared each other kung anong meron kami. Matagal na rin kaming magkasama sa boarding house, mga limang taon na.
Gaya ng dati, panay ang kwentuhan namin habang nasa mesa kami. Kung anu-ano na nga lang pinag-uusapan namin hanggang sa pareho kaming matatawa.
"Uhm, kumusta pala mga estudyante mo mars?", tanong nito sa akin habang sumusubo ng pagkain.
"Uhm, okay lang naman mars. Pasaway minsan, pero mababait naman."
At nang sumagi sa isipan ko si Chris, bigla akong natahimik. Naalala ko kasi ang kakaibang sensasyong naramdaman ko kanina nang yumakap siya sa akin.
"Mars, what's wrong? Ba't natahimik ka?"
"Uhm, wala naman mars. Nami-miss ko lang si Loraine"
"Ah okay." Biglang tumamlay ang boses ni Tess. Alam ko kasi na gusto niya talagang magkaanak, pero wala naman siyang magagawa dahil wala talaga siyang kakayahang magbuntis.
*******
Pasado alas onse na ng gabi, ngunit gising pa rin ang diwa ko. Usually, ten ako matutulog pero ngayon parang ayaw akong dalawin ng antok. Kinuha ko ang aking cellphone at nanood muna ng mga videos sa youtube para antukin ako. Mga ilang videos na rin ang napanood ko pero, ayaw pa ring mag cooperate ng mga mata ko.
I set aside my cellphone and placed it on the bedside table. I tried to close my eyes but suddenly, someone's face flashed in my mind.
Alex...
Chris...
I shook my head dahil hindi ko matiyak kung sino ang nakikita ko sa aking balintataw. When it flashed again in my mind, I become certain that it's Chris dahil sa kulay ng damit na suot nito kanina.
"Oh my God!, At bakit naman bigla kong naisip ang batang 'yon?", sabi ko sa aking sarili. I convinced myself na kung magkamukha man sila ni Alex at Chris, well it's just a coincidence and no big deal at all. At 'yong yakap niya kanina, was just a part of their "truth or dare".
Sinikap kong makatulog dahil may klase pa naman ako bukas, baka mapuyat ako sa kakaisip sa mga bagay na nagkataon lang naman. Ayoko ng isipin ang mga bagay na magpapaalala sa akin sa masasakit na nakaraan ko. So what kung magkamukha sila? It doesn't mean naman na pareho sila ng personality di ba? Isa pa, napakalayo ng agwat ng edad namin ni Chris para makaramdam ako ng kakaibang feelings sa kanya. Estudyante ko siya at anak lang ang turing ko sa lahat ng mga mag-aaral lalo na't nasa section ko pa.
******
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school kasi kailangan ko pang mag print ng aking lesson plan. Kailangan ko pa kasing ipaayos ang printer ko dahil ayaw gumana ang black ink, 'yon pa naman ang mas importante.
Pagdating ko ng classroom, nasa loob na halos lahat ng mga estudyante ko. As usual. most of them are busy on their cellphones. Ganito naman talaga ang mga millenials. Bahagi na ng kanilang mundo ang mga gadgets.
"Good morning ma'am", pagbibigay-galang ni Chris, at saka nagmano sa akin. Sumunod na rin 'yong ibang mga mag-aaral, pagkatapos bumalik na sa kani-kanilang mga upuan.
I seated at the back while observing them. Malinis naman ang classroom pati na rin sa labas. Kaya hinayaan ko na lamang silang mag cellphone muna habang naghihintay ng flag ceremony. After some time, nakita ko si Chris at iilang classmates niya na may bitbit na balde.
"Ma'am, mag-iigib muna kami ng tubig para sa C.R. Wala kasing agas ang gripo", sabi ni Chris.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. Napakabait naman ng batang ito. Sabi ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit napasulyap ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin at nginitian niya ako. Eto na naman ang kakaibang sensasyong nararamdaman ko. He looked at me, the way Alex used to. Umiwas ako ng tingin at itinuon ang mga mata ko sa aking laptop.
Minutes have passed and it's time for my English subject. Nakasanayan ko na talaga na before ako magstart ng klase, I would ask first my students, if they are okay. Then, magkukwento ako ng mga bagay-bagay at magtatanong ako tungkol sa kanilang lovelife. Mas intresado kasi sila sa ganitong mga topic kaysa sa subject lesson. Aliw na aliw din naman sila habang nagkukuwento ako sa kanila. Sa klase lang naman ako madaldal hahaha. Mas gusto ko kasing makipagbiruan sa mga estudyante ko para naman magiging komportable sila sa akin.
There are times that I feel conscious lalo na kapag nakatingin sa akin si Chris. Kahit saang anggulo ko kasi siya tingnan, nakikita ko talaga si Alex sa kanya. They have the same height, parehong dark brown ang kulay ng kanilang mga mata, matangos ang ilong and they both have a chiseled jawline. Pareho din sila ng style ng buhok at ang tanging kaibahan lang nila ay ang kanilang complexion. Mas maputi ng konti si Alex samantalang si Chris ay fair lang ang kulay ng balat.
"Ay si Ma'am, biglang natahamik! Siguro nami-miss niya jowa niya", sabay-sabay na wika ng mga estudyante.
"Ha??? Oy, wala akong jowa noh!!! Pass muna ako dyan. Para lang yata 'yan sa inyo mga anak!!", nakangiti kong sabi sa kanila.
"Oi si ma'am, ayaw aminin", panunukso nila.
"Hay, naku! Ba't naman sa akin napunta ang topic, ha????"
At nagtawanan ang buong klase. Nahawa na rin ako sa mga tawa nila kaya napahagikgik din ako. Siguro may ibang nakakaalam sa personal life ko tungkol sa hiwalayan namin ng aking ex-husband ko, syempre mga estudyante may pagka marites di naman. hahaha.
"Okay, tama na muna ang biruan class, and let's proceed to our lesson today", seryoso kong wika. Agad naman silang tumahimik nang magsimula na akong mag discuss.
*******
Napamahal na sa akin ang ang mga estudyante ko. Madali lang kasi talaga akong ma-attached sa isang tao. And I don't know if this is considered as my strength or weakness. Basta't ang alam ko lang, totoo akong magmahal. I love and care for my students like my own children. Kaya concern ako sa kanila at ayaw kong nasasaktan sila. Everytime na makikita ko ang sinuman sa kanila na hindi okay, agad ko namang kinakausap at inaalam kung anong problema. Ganito naman talaga ako noon pa, kaya no question na mahal ako ng mga naging estudyante ko at kahit karamihan na sa kanila ay nagsipagtapos na ng Junior High School, pero never nila akong nakalimutan.
As what others say, karamihan daw ng nagtatagumpay sa career ay malas daw sa personal at family life. I think this is true in me. But it's okay. Matagal ko na namang natanggap ang lahat na wala na talagang magmamahal sa akin ng totoo except kay Alex. I mean, I am talking to a romantic love.
Napabuntung-hininga ako ng maalala na naman ang bestfriend ko. Kung buhay pa sana siya ngayon, I would be the happiest woman on earth. At siguro, wala rin ako dito sa Pilipinas. Pangarap kasi namin noon ni Alex na after our graduation, doon na kami maninirahan sa Los Angeles, California. Nandu'n kasi mga relatives niya at balak ng kanyang mga magulang na kaming dalawa ang mamahala ng kanilang negosyo du'n. Kaya nga Business Management ang kursong kinuha namin pareho. Bukod roon, pangarap namin ang magkaroon ng mga singing gigs kasi pareho naming mahal ang musika.
But all those plans did not come to reality because Alex met a car accident, on his way to attend his parents' wedding anniversary. Ang saya-saya pa namin nu'ng araw before siya umuwi sa kanila. But I never thought that would be the last time na makakasama ko siya.
Life is so unfair sometimes! At nakapakasakit magbiro minsan ang tadhana.
"Ma'am excuse me, okay lang po ba kayo?"
Bigla akong napapitlag dahil hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Chris.
"Uhm, I'm fine. Thank you for asking."
"Oh sige ma'am mauna na po kami sa inyo", sabi nito.
Tumango lang ako at nginitan siya.
"Bye ma'am!", sabay-sabay na paalam ng iba pang mga estudyante.
"Bye. Ingat kayong lahat!", sagot ko naman.
Lampas alas kwatro na pala ng hapon. Ang bilis talaga ng oras at uwian na naman. Nang makaalis na ang mga estudyante, lumabas na rin ako ng classroom pagkatapos kong mai-lock ang pinto. Nagtungo ako sa faculty room kasi andu'n naman ang mga gamit ko.
Matapos naming maghapunan ni Tess at makapagligpit ng pinagkainan, pumasok na ako sa aking silid. I took my cellphone and dialed my daughter's number. Of course, I never forget to check on her whereabouts and I think it's what mothers usually do to their children. "Okay ka lang ba dyan anak? How's your studies?""Okay lang naman mama. Kayo po musta na kayo dyan? Hindi ba pasaway mga estudyante ninyo ma?", tanong ng anak ko."Uhm, pasaway minsan. At saka maiingay din sa klase, pero mababait naman sila."Nangalahating oras na kaming nagkukwentuhan ni Loraine at kung anu-ano na lang ang aming napag-usapan. Para lang kasi kaming magbarkada ng anak ko. Sumasabay ako sa mga biro niya at nagtutuksuhan kami kaya minsan nakakalimutan niyang nanay niya ako."Uhm, I think I should go now ma, kasi may gagawin pa akong assignment.""Oh sige anak, mag-iingat ka dyan lagi ha. At gaya ng lagi kong tagubilin, h'wag pasaway kay granny. At saka h'wag muna makikipag-boyfriend, masyado ka pang bata.""Op
Dumating na ang araw ng aming Christmas Party. Alas otso pa lamang ng umaga ay nasa school na si Chris. I stared at him silently, because he is so damn cute in his black t-shirt and blue jeans. "Uhm, mga anak tulungan niyo muna akong mag-ayos nitong paper tarp. Agad namang lumapit si Chris at nagpresentang siya na ang gagawa."Marunong ka ba dito nak?", tanong ko sa kanya."Yes ma'am, na try ko na itong gawin nu'ng grade 8. Ako na po ang bahala", sagot nito sabay kinuha ang gunting at ang glue.Tumulong na rin ang iba niyang mga kaklase at nagsimula na silang mag-ayos ng paper tarp. Pagkaraan ng ilang minuto, natapos na rin ito, at sinabi kong idikit na doon sa board.Maya't maya'y nagsipagdatingan na rin 'yong iba ko pang mga estudyante. Kaya nagpunta ako ng CR at nagpalit ng casual dress. Nakapantalon lang kasi ako at naka t-shirt nu'ng pumasok ako sa school kanina kaya kailangan ko ng magpalit ng damit at mag-uumpisa na ang aming Christmas Party.Medyo na-concious ako pagkalabas k
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at panibagong taon na naman. Sa susunod na araw ay balik-eskwela na. Parang ayoko pang matapos ang bakasyon dahil hindi pa namin nasusulit ng anak ko ang time namin sa isa't isa. "Mama, papasok po ako ha!", narinig ko ang boses ng anak ko sa may pintuan ng aking kwarto,"Come in, anak, bukas 'yan.""Dito ako matutulog mama, kasi babalik ka na sa boarding house niyo bukas", wika ng anak ko sabay tabi sa akin sa higaan.Sa bahay, magkaiba ang kwarto namin. Iba sa mama ko, iba din sa akin at kay Loraine. First year high school pa lang ako nu'n nang mawala ang papa ko ngunit hindi na ulit nag-asawa si mama. Mula noon siya na ang tumayong ina't ama naming tatlo ng mga kapatid kong lalaki.May mga pamilya na rin ang mga kuya ko at malapit lang ang mga bahay nila sa mismong bahay namin. Kapag may okasyon, saka lang kami nagkakatipon-tipon dito kagaya nu'ng Christmas at New Year's eve. Masasabi ko namang isang masayang pamilya kami, kahit nawala na ang
Mas lalo kaming napalapit ni Chris sa isa't isa kaya mas lalo ko siyang nakilala. Napaka-gentle niya at napaka-sweet sa akin hanggang sa naitanong niya sa chat kung ilang taon na ako. Kadalasan naman sa messenger lang kami nag-uusap kasi syempre, nag-aalangan din siya dahil teacher niya ako at baka sabihin ng iba, sipsip siya. Ayaw ko rin ng ganu'n kaya as much as possible, ayaw kong magpahalata na close na kami. Sa harap ng lahat, estudyante ko pa rin siya kahit may nabubuo ng closeness sa isa't isa."Sige na po ma'am, sabihin niyo na po ang edad niyo", pangungulit nito sa akin sa chat."Ay naku, hulaan mo na lang nak!", sagot ko naman."Uhm, siguro nasa 28 po kayo ma'am!""Ay hindi", sagot ko, na may nakalagay pang laughing emojis."Sabihin niyo na po ma'am! Hindi ko naman ipagsasabi sa iba eh!" pangungulit niya."Bakit ba, nagmatter ba sa edad ang pagkakaibigan, nak?"Parang nalungkot ako sa sinabi ko. Bigla tuloy tumulo ang aking luha. Naisip ko, baka kapag nalaman ni Chris ang ed
Lunes ng hapon at si Bea na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Nagsipag-uwian na ang lahat ng mga estudyante, at dahil sasabay siya sa akin sa pag-uwi, hinintay niya ako hanggang mag 4:30. Just to kill the time, nagkwentuhan muna kami ng kung anu-anong topic na maisipan. "May jowa ka ba ngayon nak?", tanong ko sa kanya. "Meron po ma'am. Nasa kabilang section po. Pero hindi naman kami laging magkasama ma'am. Ayoko ko munang magseryoso sa mga bagay na 'yan", nakangiting wika nito. "Tama 'yon nak, napakabata mo pa. Dapat ang pag-aaral muna ang bigyan ng top priority". "Uhm, may best friend ka bang lalaki nak?" "Ah, wala po ma'am. Close friends na lalaki lang pero boy bestfriend, wala po." "Okay lang po ba ma'am magkaroon ng boy bestfriend?", tanong nito. "Oo naman nak." "By the way nak, do you believe in reincarnation?" "Aba opo ma'am", nakangiti nitong sabi. "Mahilig po kasi akong manood ng mga paranormal na movie ma'am." Bigla naman akong nagkainteres sa sinasabi niya, a
Hindi ko pinansin ang chat ni Chris kinagabihan. Medyo sumama lang ang loob ko dahil sa sinabi niyang "bahala ka dyan". Feel ko wala na siyang pakialam sa akin. "Ma'am, kumain ka na ba? Ba't di ka nagreply?", muling tanong nito. "Eh di ba, sabi mo bahala na ako? Bakit nak, kasi bumalik na ang bestfriend mo kaya sinabi mo 'yon?" Nag-react siya ng sad emoji sa chat ko. "Hindi naman sa ganu'n ma'am, at saka hindi ko naman bestfriends si Naomi eh! Friend ko lang naman siya noon hanggang sa naging kami." "Oy sorry na. Ikaw lang naman ang bestfriend ko eh, at kahit nagkaayos na kami ni Naomi, magiging mag bestfriends pa rin naman tayo." Binabasa ko lang ang mga chat ni Chris at hindi ako nagrereply. Kaya nagsend na naman ulit siya ng message. "Remember ma'am, you will always be my bestfriend, my superhero and my mother" Okay na sana 'yon, nilagyan nga lang ng 'mother' sa dulo. Pero okay lang naman, para din naman akong ina niya kasi 'nak' naman ang tawag ko sa kanya. "Mama, h'wag ka
Nagpatuloy ang pagiging malapit namin sa isa't isa ni Chris. Palagi siyang nakikipagkwentuhan sa akin kapag vacant time. Kung anu-ano na lang ang topic namin at minsan nagbibiruan kaming dalawa. Pero hindi lang naman ako sa kanya nakikipag-usap kundi sa lahat ng mga estudyante ko. Ayaw ko rin namang sabihin nilang may favoritism ako. "Buds, talaga bang may jowa na si Naomi?", tanong ni Chris sa akin sa chat. Katatapos ko lang magligpit ng pinagkainan namin ni Tess, at heto na naman siya at nagcha-chat sa akin. Routine na kasi talaga namin na mag-uusap sa messenger tuwing gabi. Hindi rin naman kami nagvi-video call kasi mahina daw ang signal sa kanila kaya hanggang chat lang kami. "Oo, estudyante ko before ang jowa niya ngayon, at ito mismo nagsabi sa akin na sila na raw ni Naomi", sagot ko sa kanya. "Uhm, bakit buds, nagseselos ka ba?" "Hindi naman buds", agad na reply niya. "Mas mabuti na rin buds na may jowa na siya. Kasi sa totoo lang hindi ko naman talaga siya gusto para sa i
Maaga akong pumunta ng school kasi Third Parents' Day namin ngayon. Malayo pa lang natanaw ko na si Chris at ibang mga kaklase niya na nakatayo malapit sa may pintuan ng classroom. Ngunit nang makita niya ako, agad naman siyang pumasok sa loob. Binati ako ng mga aking mga estudyante ngunit si Chris ay nakaupo lamang sa isang tabi habang abala sa cellphone niya. Nanatili lang siyang walang imik at nakapakaseryoso ng mukha niya. "Ma'am okay lang po ba kayo?", tanong ni Bea sa akin sa chat. "Okay lang naman ako nak" "Parang hindi kasi ma'am eh!" Alam kong nag-alala ito sa akin. Ganito naman siya lagi, kapag nakikita niyang nakasimangot ako, kaagad naman itong magte-text sa akin at magtatanong kung okay lang ba ako. "Ma'am, hindi pa ba kayo nagkaayos ni Chris?", tanong niya. "Hindi pa nak. Galit yata sa akin. In fact, he unfriended me on f******k. Hindi rin siya nagrereply sa mga chat ko, ni hindi nga binabasa eh" "Oy, talaga lang ha, kapal naman ng mukha. Siya naman itong may k
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.