Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at panibagong taon na naman. Sa susunod na araw ay balik-eskwela na. Parang ayoko pang matapos ang bakasyon dahil hindi pa namin nasusulit ng anak ko ang time namin sa isa't isa.
"Mama, papasok po ako ha!", narinig ko ang boses ng anak ko sa may pintuan ng aking kwarto,
"Come in, anak, bukas 'yan."
"Dito ako matutulog mama, kasi babalik ka na sa boarding house niyo bukas", wika ng anak ko sabay tabi sa akin sa higaan.
Sa bahay, magkaiba ang kwarto namin. Iba sa mama ko, iba din sa akin at kay Loraine.
First year high school pa lang ako nu'n nang mawala ang papa ko ngunit hindi na ulit nag-asawa si mama. Mula noon siya na ang tumayong ina't ama naming tatlo ng mga kapatid kong lalaki.
May mga pamilya na rin ang mga kuya ko at malapit lang ang mga bahay nila sa mismong bahay namin. Kapag may okasyon, saka lang kami nagkakatipon-tipon dito kagaya nu'ng Christmas at New Year's eve. Masasabi ko namang isang masayang pamilya kami, kahit nawala na ang haligi ng aming tahanan. Parehong mababait ang mga kuya ko kasi bunsong kapatid nila ako at mahal na mahal nila kami ni Loraine.
"Mama, ba't ang lalim naman ng iniisip niyo?", untag ng anak ko.
"Ha? Uhm, iniisip ko lang na babalik na naman ako ng boarding house bukas. Hindi ko pa nasusulit ang bakasyon"
"Kaya nga po eh! Parang ayoko ko pang pumasok sa eskwela", nakasimangot na sabi ni Loraine.
Pagkatapos, sumeryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Uhm...mama, wala po ba kayong balak na mag-asawa ulit?", biglang tanong nito na ikinagulat ko naman.
"Bakit mo naman natanong 'yan nak?"
"Wala lang po ma. Iniisip ko lang, paano kung mag-aasawa na ako, sinong makakasama niyo?"
"Bakit mag-aasawa ka na ba ngayon?", nanunudyo na tanong ko sa kanya.
"Aba! hindi naman ngayon! Malayo pa po 'yon mama", natatawa nitong sabi.
"Basta po, kapag gusto niyo pong mag-asawa ulit, okay lang po sa akin. Basta't masaya po kayo, masaya na rin ako"
"Oh! Nakaka-touched naman anak. Salamat"
At sabay kaming nagtawanan habang yakap-yakap namin ang isa't isa.
At nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Uhm, may nagchat sa iyo ma", sabay kinuha nito ang phone ko sa bedside table at ibinigay sa akin.
Tiningnan ko naman kaagad at baka kasamahan ko sa trabaho. Ngunit galing pala kay Chris.
"Hello po ma'am, good evening! Malapit na tayong magkikita ma'am"
"Ma, sino 'yan? Ba't napangiti kayo?", tanong ng anak ko na noo'y pinagmamasdan lang pala ako.
"Uhm, estudyante ko anak.", kaswal kong tugon.
Buti at hindi na nagtanong pa ang anak ko kasi nasanay na naman ito na may mag text, or magchat sa akin na mga estudyante.
Pagkatapos kong magreply kay Chris, inilagay ko ulit ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table at patuloy kaming nagkukwentuhan ni Loraine.
"May nanliligaw na ba sa iyo sa school anak?"
"Aba, marami po. Maganda yata anak niyo ma!" nakangiti nitong sabi at may pakindat-kindat pa.
"So may boyfriend ka na?", seryoso kong tanong,
"Wala pa naman po ma, don't worry. Di ba nag promise ako? Saka na ako papasok dyan kapag eighteen na ako"
Tumango lang ako at muli ko siyang niyakap. I really love my daughter so much and she is more than enough to make me happy. Hindi ko na kailangan pa ang sinumang lalaki sa buhay ko. Sakit lang ng ulo 'yan.
*******
ARAW NG LUNES
Maaga akong nagising dahil kailangan ko ring pumunta ng maaga sa school. Ayoko ng ma-late syempre, New Year's Resolution. Nagsaing agad ako at nagluto ng ulam.
Sarado pa ang kwarto ni Tess, pero alam kong gising na 'yon at may ginagawa lang sa loob. Kadalasan naman umaga 'yan siya gumagawa ng lesson plan.
After done cooking, I took my bath towel and walked into the bathroom. Fifteen minutes lang naman ako naliligo kasi hindi ko naman ugaling magtagal sa banyo lalo na't may klase.
Pagkalabas ko ng banyo, ay 'yon din ang pagbukas ng pinto ng silid ni Tess.
"Good morning mars! Ang aga mo palang nagising", sabi nito at naghihikab pa.
"Huh? Kagigising mo lang pala mars? Aba, himala naman! Akala ko kanina ka pa nagising at nagsulat ng lesson plan."
"Tinatamad ako mars, may ka chat kasi akong kano kagabi, alas dos na kami natapos mag VC", humahagikgik na sabi nito saka humila ng upuan at naupo muna sa tapat ng mesa.
"Oi., ganu'n ba? Kailan pa mars?"
"Nakilala ko lang siya sa dating app mars nu'ng December 18. He is 46 years old mars, at ang gwapo!", kinikilig na sambit nito.
"Uhm, ano kaya kung mag d******d ka rin ng dating app mars. Malay mo makahanap ka rin ng jojowain!"
"Oi, ayoko! Wala 'yan sa plano ko. Kuntento na ako sa buhay ko mars. Pass muna ako dyan!", sagot ko naman at nagpatuloy na ako patungo sa aking silid.
*******
"Good morning ma'am. Happy new year po!", sabay-sabay na bati sa akin ng aking mga estudyante.
Tumango lang ako at nginitian sila, saka ako umupo sa likuran. Hindi ko alam kung bakit hinanap naman ng mga mata ko si Chris,
Maya't maya't dumating na ito kasama ng iba pa niyang mga classmates at nang magsalubong ang aming mga paningin, ay agad naman siyang ngumiti sa akin.
"Good morning ma'am! Happy New Year!", bati nito sabay nagmano sa akin.
Lumapit din 'yong ibang mga kaklase niya sa mesa ko at nakikipagkwentuhan. Masaya naman akong kausap sila. Panay ang biruan namin at tawanan.
Ayoko kasing sabihin nilang KJ ako, kaya nakiki-jam din ako sa kanila. Ganito naman talaga ako sa aking mga estudyante, kahit noon pa. Para lang kaming magkakabarkada, but not during classes hours. Ako pa rin ang guro nila at adviser sa section namin so, they are obliged to follow my rules.
Oras na ng aking klase sa first period. Magsisimula na sana akong mag-discuss ng lesson nang makita ko naman na namumula ang mga mata ni Mark.
"Nak, anong nangyari? Umiiyak ka ba?", tanong ko sa kanya.
Umiling lang ito at iniiwas ang tingin sa akin. Alam kong inaway na naman ito, ayaw lang magsalita. Kaya lumapit ako at nagtanong sa kanya.
"Nak, magsabi ka ng totoo, sinong umaway sa iyo?"
Yumuko si Mark, habang unti-unting tumulo ang luha nito. Bigla naman akong naawa sa kanya. Alam kong may nam-bully na naman dito.
Hay, hindi talaga mawawala ang mga bullies sa school. Mga batang likas lang talagang pasaway. At kaligayan nilang mang-api ng mga taong mahihina.
Bumalik ako sa harapan at nagsalita. "Alam kong may nam-bully na naman kay Mark. Inuulit ko, kapag nalaman ko kung sinong nang-away sa kanya, ako talaga ang makakalaban ninyo, at hinding-hindi ko kayo patatawarin!"
Nawalan tuloy ako ng ganang mag-discuss ng lesson. Kaya nagpapakopya na lamang ako sa board. Bumalik ako sa aking upuan sa likuran at kinuha ang aking laptop.
Maya't maya'y may nagpop-up na message sa aking cellphone. Nang tingnan ko 'yon, nanggaling pala kay Chris.
"Ma'am okay lang po ba kayo?"
"Okay lang ako nak. Thanks for asking.", sagot ko sa kanya sa chat.
"Pasensiya na po sa mga classmates ko ma'am. Nabigyan ka ulit ng sakit sa ulo."
Bigla akong napatingin sa kinaroroonan ni Chris, at muli na namang nagtama ang aming paningin. Nakikita ko naman sa mga mata niya ang pag-alala sa akin.
"Nak okay lang ako. Don't worry", chat ko sa kanya.
"Basta po ma'am, ayaw ko pong nalulungkot ka. You are my superhero."
'Yon ang huling chat niya sa akin. At 'yong huling sinabi niya!
YOU ARE MY SUPERHERO.
Muli na naman akong kinabahan at sinikap kong h'wag tumingin sa kinauupuan niya. I'm sure nakatingin siya sa akin.
"Diyos ko! Bakit sinabi niya 'yon sa akin?", usal ko sa aking sarili.
At muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari noon.
"Congratulations dude! At nanalo ang team niyo sa basketball tournament", masayang wika ko habang nakikipag high five kay Alex at sa mga kasamahan niya.
"Buti na lang talaga, dumating ka Precious at kung hindi, siguradong matatalo kami", sabi naman ni Dan. Isa sa mga kaibigan namin at ka team ni Alex sa basketball.
"Dahil sa iyo Precious, kaya kami nanalo!", sambit naman ni Patrick.
"Oy, bakit naman dahil sa akin, hindi naman ako ang naglaro eh!", natatawa kong tugon.
"Oo nga Precious, nu'ng 'di ka pa dumating, parang matamlay itong si Alex. Pero nu'ng dumating ka na, biglang ginanahang maglaro!", sabat ni Ann.
"Oyyy, parang iba na yata 'to eh!", sabay-sabay ng lahat, at saka nagtawanan na para talagang nanunudyo.
"Naku guys, baka mapikon 'tong si Precious, pikonin pa naman 'to", nakangiting sabi ni Alex.
"Oy, hindi ako pikon noh, baka naman ikaw", sagot ko at nagtawanan kaming lahat.
Pagkatapos bigla akong kinabig ni Alex at inakbayan.
"Basta dude thank you talaga at dumating ka. Nailigtas mo ang team naming naghihingalo kanina. You are my superhero!"
Mas lalong umugong ang tawanan na may kasamang tuksuhan. Wala akong magawa kundi matawa na lang. Ayaw ko rin namang magpahalata na apektado ako at baka malaman pa ng lahat na may lihim akong pagtingin kay Alex. Ang alam lang kasi ng lahat, bestfriends lang ang turingan naming dalawa, pero ewan nga ba't parang kinikilig silang lahat.
Bumalik ulit ang aking diwa sa kasalukuyan ng marinig kong tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay time na for the second period.
Tumayo ako at kinuha ang aking laptop. Doon na lamang muna ako sa faculty room para matapos na itong ginagawa ko. Hindi talaga ako makakapag-concentrate 'pag nasa loob ako ng classroom lalo na't nakikita ko si Chris.
Ngunit nang papalabas na ako ng classroom, hindi ko na naman sinasadyang mapatingin kay Chris at muli na naman kaming nagkatitigan.
Ako na ang unang nagbawi ng tingin at baka iba pa ang iisipin ng mga estudyante ko, lalo na't nakatingin din sila sa akin.
*******
Kinagabihan, balisang-balisa ako dahil paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang chat ni Chris.
You are my superhero!
Napabuntung-hininga ako at kinuha ko ang aking cellphone at nagbabasa ng mga chat sa messenger. Nakita kong online si Chris kaya ako na ang naunang magsend ng message sa kanya.
Nagkwentuhan kami sa chat haggang sa naibahagi ko sa kanya ang tungkol sa pagkakahawig nila ni Alex. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko ngunit alam kong patuloy siyang nakikinig sa akin. Hanggang sa naitanong ko sa kanya ang tungkol sa reincarnation.
"Hindi po ako naniniwala n'yan ma'am"
Sinabayan ko na lamang siya kasi hindi ko rin naman pwedeng ipagpilitan na maniwala siya tungkol dito.
Mahaba-haba na rin ang convo namin hanggang sa naging emosyonal ako kasi naikwento ko sa kanya kung paano nawala si Alex. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko 'yon sa kanya.
"Ma'am relax lang po. Take a rest now ma'am. Goodnight", 'yon ang huling chat ni Chris sa akin.
Inilagay ko na ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table at humiga na ako ngunit hindi ako makatulog. Bigla akong napaisip tungkol sa reincarnation.
Paano, kung nagre-reincarnate nga si Alex sa katauhan ni Chris? Biglang tanong ko sa aking sarili. Bumangon ako at kumuha ng tubig.
Kung nagkamali lang ako ng sapantaha, bakit sinabi din ni Chris sa akin ang mga nasabi ni Alex noon? Bakit kinakabahan ako 'pag nakikita ko siya? Bakit may kung anong kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan kapag nagkatitigan kaming dalawa?
Nagkaroon tuloy ng diskusyon ang mga bahagi ng aking utak.
"Magkamukha kasi sila Precious, kaya ganu'n ang nararamdaman mo!"
"Nagkataon lang ang lahat Precious, h'wag kang mag-ooverthink!
"Pwede rin namang nagkataon lang na magkamukha sila, pero paano maipaliliwanag ang kakaibang sensasyong nararamdaman mo para kay Chris?"
Napabuntung-hininga na lamang ako ng malalim. Siguro nga'y nag-ooverthink lang ako, nagkataon lang ang lahat. Masyado ko lang yata nami-miss si Alex at dahil ngayon lang ako nakatagpo ng kamukha niya, kaya iniisip ko kaagad baka ito na ang katuparan ng sinabi niya noon na kapag mauna siyang mawala sa mundo, magre-reincarnate siya sa ibang katawan.
Hay naku! nakakahiya naman kay Chris. Napakabata pa niya para madamay sa mga walang kwentang bagay na iniisip ko. Isa pa, he doesn't believe in reincarnation, so how could it be possible?
Sa pagkakalam ko, makakapasok lang ang isang kaluluwa sa katawan ng tao, kung ang tao na 'yon ay naniniwala sa reincarnation.
Pero si Chris ay hindi!
Mas lalo kaming napalapit ni Chris sa isa't isa kaya mas lalo ko siyang nakilala. Napaka-gentle niya at napaka-sweet sa akin hanggang sa naitanong niya sa chat kung ilang taon na ako. Kadalasan naman sa messenger lang kami nag-uusap kasi syempre, nag-aalangan din siya dahil teacher niya ako at baka sabihin ng iba, sipsip siya. Ayaw ko rin ng ganu'n kaya as much as possible, ayaw kong magpahalata na close na kami. Sa harap ng lahat, estudyante ko pa rin siya kahit may nabubuo ng closeness sa isa't isa."Sige na po ma'am, sabihin niyo na po ang edad niyo", pangungulit nito sa akin sa chat."Ay naku, hulaan mo na lang nak!", sagot ko naman."Uhm, siguro nasa 28 po kayo ma'am!""Ay hindi", sagot ko, na may nakalagay pang laughing emojis."Sabihin niyo na po ma'am! Hindi ko naman ipagsasabi sa iba eh!" pangungulit niya."Bakit ba, nagmatter ba sa edad ang pagkakaibigan, nak?"Parang nalungkot ako sa sinabi ko. Bigla tuloy tumulo ang aking luha. Naisip ko, baka kapag nalaman ni Chris ang ed
Lunes ng hapon at si Bea na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Nagsipag-uwian na ang lahat ng mga estudyante, at dahil sasabay siya sa akin sa pag-uwi, hinintay niya ako hanggang mag 4:30. Just to kill the time, nagkwentuhan muna kami ng kung anu-anong topic na maisipan. "May jowa ka ba ngayon nak?", tanong ko sa kanya. "Meron po ma'am. Nasa kabilang section po. Pero hindi naman kami laging magkasama ma'am. Ayoko ko munang magseryoso sa mga bagay na 'yan", nakangiting wika nito. "Tama 'yon nak, napakabata mo pa. Dapat ang pag-aaral muna ang bigyan ng top priority". "Uhm, may best friend ka bang lalaki nak?" "Ah, wala po ma'am. Close friends na lalaki lang pero boy bestfriend, wala po." "Okay lang po ba ma'am magkaroon ng boy bestfriend?", tanong nito. "Oo naman nak." "By the way nak, do you believe in reincarnation?" "Aba opo ma'am", nakangiti nitong sabi. "Mahilig po kasi akong manood ng mga paranormal na movie ma'am." Bigla naman akong nagkainteres sa sinasabi niya, a
Hindi ko pinansin ang chat ni Chris kinagabihan. Medyo sumama lang ang loob ko dahil sa sinabi niyang "bahala ka dyan". Feel ko wala na siyang pakialam sa akin. "Ma'am, kumain ka na ba? Ba't di ka nagreply?", muling tanong nito. "Eh di ba, sabi mo bahala na ako? Bakit nak, kasi bumalik na ang bestfriend mo kaya sinabi mo 'yon?" Nag-react siya ng sad emoji sa chat ko. "Hindi naman sa ganu'n ma'am, at saka hindi ko naman bestfriends si Naomi eh! Friend ko lang naman siya noon hanggang sa naging kami." "Oy sorry na. Ikaw lang naman ang bestfriend ko eh, at kahit nagkaayos na kami ni Naomi, magiging mag bestfriends pa rin naman tayo." Binabasa ko lang ang mga chat ni Chris at hindi ako nagrereply. Kaya nagsend na naman ulit siya ng message. "Remember ma'am, you will always be my bestfriend, my superhero and my mother" Okay na sana 'yon, nilagyan nga lang ng 'mother' sa dulo. Pero okay lang naman, para din naman akong ina niya kasi 'nak' naman ang tawag ko sa kanya. "Mama, h'wag ka
Nagpatuloy ang pagiging malapit namin sa isa't isa ni Chris. Palagi siyang nakikipagkwentuhan sa akin kapag vacant time. Kung anu-ano na lang ang topic namin at minsan nagbibiruan kaming dalawa. Pero hindi lang naman ako sa kanya nakikipag-usap kundi sa lahat ng mga estudyante ko. Ayaw ko rin namang sabihin nilang may favoritism ako. "Buds, talaga bang may jowa na si Naomi?", tanong ni Chris sa akin sa chat. Katatapos ko lang magligpit ng pinagkainan namin ni Tess, at heto na naman siya at nagcha-chat sa akin. Routine na kasi talaga namin na mag-uusap sa messenger tuwing gabi. Hindi rin naman kami nagvi-video call kasi mahina daw ang signal sa kanila kaya hanggang chat lang kami. "Oo, estudyante ko before ang jowa niya ngayon, at ito mismo nagsabi sa akin na sila na raw ni Naomi", sagot ko sa kanya. "Uhm, bakit buds, nagseselos ka ba?" "Hindi naman buds", agad na reply niya. "Mas mabuti na rin buds na may jowa na siya. Kasi sa totoo lang hindi ko naman talaga siya gusto para sa i
Maaga akong pumunta ng school kasi Third Parents' Day namin ngayon. Malayo pa lang natanaw ko na si Chris at ibang mga kaklase niya na nakatayo malapit sa may pintuan ng classroom. Ngunit nang makita niya ako, agad naman siyang pumasok sa loob. Binati ako ng mga aking mga estudyante ngunit si Chris ay nakaupo lamang sa isang tabi habang abala sa cellphone niya. Nanatili lang siyang walang imik at nakapakaseryoso ng mukha niya. "Ma'am okay lang po ba kayo?", tanong ni Bea sa akin sa chat. "Okay lang naman ako nak" "Parang hindi kasi ma'am eh!" Alam kong nag-alala ito sa akin. Ganito naman siya lagi, kapag nakikita niyang nakasimangot ako, kaagad naman itong magte-text sa akin at magtatanong kung okay lang ba ako. "Ma'am, hindi pa ba kayo nagkaayos ni Chris?", tanong niya. "Hindi pa nak. Galit yata sa akin. In fact, he unfriended me on f******k. Hindi rin siya nagrereply sa mga chat ko, ni hindi nga binabasa eh" "Oy, talaga lang ha, kapal naman ng mukha. Siya naman itong may k
Hindi ko napigilang umiyak nang mag-usap kami ni Chris. Ewan, mababaw lang talaga ang luha ko kapag kaibigan ang pinag-uusapan. "Sssh..h'wag kang umiyak", saway ni Chris sa akin. Nakita kong nakatingin si Bea sa amin kaya agad akong nagpahid ng luha baka makahalata na rin 'yong iba. Tiningnan niya ng masama si Chris na parang tinatanong nito, "Oh napa'no 'yan si ma'am? Ba't umiiyak" "Sorry na, kung hindi man ako nagreply sa chat mo. Masama lang talaga ang loob ko sa 'yo. Pero okay na ako ngayon", mahinang wika ni Chris. "So, why did you unfriend me on F******k? At bakit binura mo 'yong nickname na naka-set doon sa messenger?" "Hindi ko alam kung bakit. Nabigla lang kasi ako nu'ng time na nagalit ka. Kasi sabi mo, pinutol mo na ang connection mo sa akin" "Nope. I was referring to all of you, kasi syempre galit ako that time. But it doesn't mean na kung galit ako, mawawala na rin 'yong friendship natin. When I'm talking in the front, hindi lang sa isang tao ako nakikipag-usap, kund
Kahit masakit sa loob ko, kailangan ko na lang tanggapin na 'cold' na ang pakikitungo ni Chris sa akin. Lalo na't sa tingin ko nagkakamabutihan na sila ni Rhona, Pero nagcha-chat pa naman kami minsan, hindi na nga lang gaya ng dati. "Buds, masyado ka na yatang inlove dyan kay Rhona! Alam mo hindi ko siya gusto para sa iyo. May nalaman ako tungkol sa kanya. Kung ayaw mong makinig, bahala ka", sabi ko sa kanya sa chat, kinagabihan pagkatapos kong maghapunan. Masyado lang kasi talaga akong maprangka dahil unang-una kaibigan ko si Chris at ayaw kong masaktan siya. Kaya sinasabi ko talaga kapag ayaw ko sa isang tao para sa kanya. Wala naman akong problema sa personality ni Rhona. Maganda naman ito at medyo mahinhin. Kaya lang, may naoobserbahan kasi akong hindi tama. Ayaw ko sanang sabihin 'yon kay Chris, baka sabihin niyang pakialamera ako. Pero mas nangingibaw naman ang pagiging adviser ko sa kanya at pangalawang nanay niya sa school. Ganito din naman ako sa ibang mga estudyante, nakiki
Mabilis na nagdaan ang mga araw at palapit ng palapit na ang araw ng completion ceremony. Excited na rin ang mga estudyante na makakapagtapos na ng Junior High School. Magkahalong saya at lungkot ang aking nadarama kasi malapit ng matatapos ang school year at bakasyon na naman. But at the same time, I also feel sad dahil hindi ko na palaging makikita si Chris sa school. Kahit naman kasi nagbago na siya sa akin, at hindi na kami nagcha-chat gaya ng dati, kaibigan pa rin naman ang turing ko sa kanya. Hindi naman mawawala 'yon. At kahit sabihin man nating the reincarnation is over, but I couldn't deny the fact na may pinagsamahan din kami dahil estudyante ko naman siya at naging bahagi na ng buhay ko bilang guro. Pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nasasaktan ako, kapag nakikita ko silang dalawa ni Rhona na magkasama? Hindi pa naman daw sila magkasintahan pero ba't parang nagseselos ako sa closeness nilang dalawa? Hindi naman tama 'tong nararamdaman ko. Hindi na siya bahagi
Mag-aalas singko na lamang ng hapon ngunit hindi pa rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Loraine. Siguro nga nakalimutan na nga niya ang birthday ko o di kaya'y masyado lang talagang busy sa pag-aaral. Anyway, hanggang mamayang hating gabi pa naman ang kaarawan ko kaya kahit na bumati siya sa akin ng 11:59, accepted pa rin 'yon."Mars, p'wede bang pumasok?" tawag sa akin ni Tess habang kumakatok ito sa may pintuan."Halika ka mars, pumasok ka," sagot ko.Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang nakangiti kong kaibigan habang hawak-hawak nito ang isang medium-sized na box."Mars, please accept my simple birthday gift to you," wika nito."Naku, nag-abala ka pa mars. Sobra-sobra na nga ang pabor na ibinigay mo sa akin, iniisip mo pa talaga ang magbigay ng regalo.""Hay naku, wala 'yon mars. Para ka namang others eh," sagot naman nito, at nagtawanan kaming dalawa."Oh ba't naman parang malungkot ka mars?""Naisip ko lang si Loraine at si mama. Hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag sa ak
Dalawang buwan ang nakalipas at unti-unti ko na ring nakasanayan ang buhay ko sa Maynila. Dahil may kaliitan lang naman ang tiyan ko, parang hindi pa rin nahahalata na buntis ako kahit sabi ng doktor posibleng kambal daw 'yong anak ko.Hindi naman ako nagkakaproblema sa bahay ni Tess kasi maayos naman ang pakikitungo ng mga katulong sa akin. Naging maalaga din sila, lalo na si Manang Auring. Para na nga rin akong amo nila kasi, hindi nila ako pinapagawa sa mga gawaing bahay, pero paminsan-minsan naman nag-iinsist talaga ako kahit maghuhugas lang ng mga plato.Wala na akong balita tungkol sa school namin kasi nag-deactivate na ako sa aking mga social media accounts. Nagchange na rin ako ng number kaya tanging pamilya ko nalang at si Tess ang nakakausap ko. Nalulungkot pa rin naman ako dahil sobra kong nami-miss si Chris. Wala na akong balita sa kanya dahil hindi na rin siya binabanggit sa akin ni Loraine kapag nagkakausap kami sa telepono. Hindi rin ako nagtanong pa at baka mas lalo la
Nakapagdesisyon na ako na sabihin kay Loraine ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin basta't kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Naghalf-day lang ako sa school kasi bigla namang sumama ang aking pakiramdam. Ayaw kong doon pa ako magsusuka sa paaralan at baka malaman pa ng mga co-teachers ko ang aking kalagayan."Nak, I'm sorry," umiiyak kong sabi. "Sadyang mahal ko lang talaga si Chris." Seryoso lang na nakatingin sa akin si Loraine, at hindi man lang nagbigay ng komento. Alam ko nabigla siya sa kanyang nalaman. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. Hindi ako nakapagpigil sa aking nararamdaman. "Nak, okay lang sa akin na magalit ka. But please, kausapin mo ako," emosyonal kong sabi.Narinig ko ang malalim na buntung-hininga ng anak ko. "Ma, hindi naman ako nagagalit sa iyo eh. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo, kasi alam naman nating ikakasal n
Pagkatapos ng outing namin ay back to normal routine na naman ako. Malamig pa rin ang trato sa akin ng aking mga katrabaho, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tutal at sanay naman akong nag-iisa lang sa school, hindi ko na kailangan pa na may makakausap kung hindi rin lang naman totohanan ang pakikitungo sa akin. Nag-eenjoy din naman ako kahit papano sa aking klase, kaya sapat na sa akin 'yon. Alam ko na ako lang ang pinagtsi-tsismisan nila kapag nasa faculty room silang lahat, pero hindi ko na proproblemahin pa 'yon. Basta't magtrabaho lang ako ng maayos.Hindi na rin kami nag-uusap pa ni Chris kahit sa messenger man lang. Sinabi ko na mas mabuting mag focus muna siya sa nalalapit na niyang kasal. "Alam mo ma, billib talaga ako sa katatagan mo. Kasi kung sa akin nangyari 'yan, hindi ko alam kung anong gagawin ko ma. Baka na depress na ako," wika ni Loraine habang kumakain kami."Kailangan talaga akong magpakatatag anak, dahil nand'yan ka at kailangan mo pa ako. Saka sanay na rin nam
"Here we are!" bulalas ni Bea nang makarating na kami sa resort. Nauna silang bumaba ni CJ kasama ng mga partners nila, habang nasa loob pa kami ng sasakyan ni Chris. Medyo nagkaalanganin pa kaming dalawa kung sinong maunang magsalita. "Uhm, buti naman nakasama ka buds," I decided to break the silence."Yup. Gusto ko rin talagang mag-unwind eh," tugon nito. "Oo nga pala ba't hindi ang kotse mo ang ginamit?""Nasa talyer kasi buds, may konting sira," sagot naman nito."Oh, I see. Shall we go?" yaya ko sa kanya.Tumango siya at bahagyang ngumiti. Ngunit nang akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan, pinigil niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinapit."I missed you so much buds," wika niya. Nagkatitigan kaming dalawa. And the next thing happened so fast, at nararamdaman ko na lamang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako habang tinutugon ang mainit na halik na 'yon. "I missed you too buds.""Happy anniversary, babe," wika niya saka humalik sa akin sa noo. Naki
Kumalat na sa buong lugar ang balita na ikakasal na talaga si Chris at Leslie. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng lahat ng mga estudyante pati na rin ng mga co-teachers ko. 'Yong iba halatang natutuwa sa kasawian ko sa pag-ibig, pero may iilan din naman na nakikisimpatiya sa nararamdaman ko. Habang nakatuon ang aking atensyon sa aking ginagawang PPT slides sa laptop, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ito nang makarehistro ang number ni Bea."Hi, mimi," bati nito sa kabilang linya."Hello nak. Kumusta, napatawag ka?" tanong ko."Nagworry lang ako sa 'yo mimi eh. Okay ka lang ba?""No choice nak kundi magiging okay na lang," mahina kong sagot."Masama ang loob namin ni CJ kay Chris mimi. Ba't ang bilis naman niyang nagdesisyon na i-give up ang relasyon ninyo.""Nak, h'wag kayong magalit kay Chris. Nahihirapan din naman siya eh. Kahit kayo naman siguro sa sitwasyon niya, mapipilitan na lang talaga kayong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ninyo lalo na't k
Sa hangarin kong makatulong kay Chris, nangutang ako ng pera kay Tess. Pero konti lang din ang napahiram sa akin kasi nagkasakit din daw ang asawa niya. Umutang na rin ako kay kuya Roger kaya napilitan akong sabihin sa kanya ang tungkol sa relasyon namin ni Chris. I am just glad na hindi naman siya tumututol sa amin.Nagdaan pa ang maraming mga araw, nagtaka naman ako sa mga pagbabago ni Chris. Hindi na siya laging tumatawag sa akin. Dati naman, hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako nakakausap. Mapa-tawag o mapa-chat man. Pero ngayon hindi na siya araw-araw nag-uupdate sa akin. I find it very unusual kasi hindi naman siya ganito. Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga posibleng dahilan ng lahat. Hindi ko rin mapigilan na maging negatibo ngunit pilit kong nilalabanan 'yon at iniisip na lang na baka busy lang talaga siya sa trabaho dahil sa babayarang mga utang."Balita ko ikakasal na raw talaga ang kuya Chris mo doon kay Leslie, kasi buntis raw eh." Narinig kong usapan ng mga grade
Panibagong araw na naman sa eskwela. Kahit hindi ko na gusto ang mga tao sa paligid ko, pero wala akong magawa kundi deadma na lang kasi alangan namang tumigil ako sa pagtuturo. Ano na lang ang kakainin namin ng anak ko. Kahit hindi naman ako ang mag-isang bumibili ng mga kakailanganin sa bahay kasi nagpapadala naman ng alote kay mama ang mga kapatid ko, pero ayaw ko rin namang umasa lang sa kanila. Kahit sabihin namang malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa pero may kanya-kanya rin naman silang mga pamilya na bubuhayin.Hindi ko sinasadyang mapadaan sa classroom ng grade 8 at narinig ko ang mga pag-uusap ng isang grupo ng mga kababaihan. Dahil recess time pa naman kaya wala pa roon ang iba nilang kaklase."Talaga ba? Ipapakasal na ang kuya mo sa ibang babae? Ay kawawa naman si Ma'am Precious," wika ng isang estudyante.Naintriga akong pakinggan kung ano pa ang sasabihin nila kaya huminto muna ako saglit at nakinig sa kanila. Hindi naman nila ako nakikita kasi nakatalikod sila sa ak
Nang makauwi ako ng bahay, naabutan ko si Loraine sa kusina na nagluluto ng pagkain. Napaisip tuloy ako kung anong okasyon, kasi sa tingin ko abalang-abala naman siya."Hi ma, nandito ka na pala," bati nito saka humalik sa pisngi ko."Kanina ka pa ba umuwi nak?" tanong ko."Wala naman kaming klase ma. May seminar 'yong professor namin sa major subject kaya libre ako ngayon.""Ganu'n ba? Ano palang okasyon nak at parang abala ka sa ginagawa mo?""Wala naman ma. Gusto ko lang matikman niyo ni Lola ang mga bago kong resipe," magiliw na sagot nito."Kumusta pala sa school niyo ma?""Uhm, may nakaaway ako nak.""Ano po? Sino at bakit?" curious na tanong nito. Tumigil ito saglit sa paghiwa ng mga rekados at tumingin sa akin.Ikinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari, pati na rin ang malamig na pakikitungo ng mga kasamahan ko sa akin. Gusto ko namang mag open sa anak ko. Pagkatapos ng hindi namin pagkakaunawaan noong nakaraan,napag-isip-isip ko na wala na akong dapat na ilihim pa sa kanya.