Share

ISAGANI TRINIDAD (Wild Men Series 48)
ISAGANI TRINIDAD (Wild Men Series 48)
Author: Sophia Sahara

1. P1: GANI

2016

WILLOW

Tinitigan ko ang kulay gintong likido na nasa baso na pinapaikot-ikot ko. The ice cubes I put in the glass complimented the whiskey. Beautiful. Perfectly good together. 

Then I sighed as what happened last night appeared in my mind. 

Dom died. Pinatay siya ni Alguien. Pinatay siya ng pinsan ko dahil sa utos ni Matthias, ang panganay na kuya ko. 

I sighed angrily… bitterly… and felt terribly… terribly sad and bad. 

Masama ang loob na inubos ko ang whiskey na laman ng basong hawak ko at muling nagsalin ng bago. Jack Daniel’s ang iniinom kong mag-isa ngayon. Mag-isa… kunwari. Alam ko naman kasi na nasa mga gilid lang ang mga tauhan ni Alguien at binabantayan ako.

Mula ako sa pamilyang mafia. Excellante ang pangalan ng organisasyon na mula pa noong 1920s nagsimula. Mula pa sa mga ninuno ko. Ang matriarch ng Excellante ay ang abuela ko, si Doña Elisa Escarra Esposito. Excellante na sa pamilyang Escarra talaga nagsimula pero mula nang mapangasawa ng abuela namin ang mula sa tagapagmana ng mga Esposito ay nag-iba ang takbo ng istorya ng dalawang pamilya. 

Excellante. Esposito. Escarra. Doña Elisa… 

At ako… ako ang nag-iisang babae na apo. Dalawang lalaki ang sinundan ko, sina Matthias at Nikias. Nag-iisang anak si Alguien at nag-iisang may dala ng apelyidong Esposito. Ivanov kami ng mga kuya ko dahil ang mama namin ang anak ni Doña Elisa. Ang bunsong anak ng abuela ko, si Tia Romana, ay namatay sa panganganak kasama ang baby niya.

Apat kaming apo sa Esposito na nabubuhay. Ang nakatatandang kapatid ni Doña Elisa, si Lolo Enrico, ang may dala ng apelyidong Escarra. Sa kaniya sana ang pamumuno ng Excellante pero naunang namayapa si Lolo Enrico kaysa kay Doña Elisa. Nang mga panahon na iyon ay si Mamita Elisa na ang namuno sa Excellante. 

And because of Excellante, I have a well-off living. Hindi kami ordinaryo. Dito lang sa Pilipinas kami medyo malaya dahil foreigner ang tingin sa amin dito. Maganda ang buhay namin pero hindi ako masaya. Hindi ako masaya na ginagawang prinsesa na walang kakayahan mamili ng taong gusto kong makasama. 

I am already twenty-one at ang lalaking minahal ko ay… ay mula pa pala sa mga kalaban ng Excellante. I felt betrayed by my own family but watching the video of Dominico talking to his woman made me feel more than betrayed, it made me feel dirty and stupid. 

I remember how I screamed as the gunshot from Alguien hit Dom’s head and the blood of that dead ex-boyfriend of mine splashed on my face. Hindi ko alam kung saan ako mandidiri, sa dugo ba ni Dominico na tumalsik sa akin o sa katotohanan na nagpahalik-halik ako sa walanghiyang iyon. 

Muntik ko nang maibigay ang virginity ko kay Dom. Mabuti at dumating si Alguien. 

Now, gulong-gulo na ako… gulong-gulo ako kasi minahal ko talaga si Dom at kahit nalaman ko na niloloko niya ako ay nasasaktan akong isipin na namatay siya na si Alguien ang may gawa. I should be the one that killed him. Such a nuisance. 

Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi at napalingon sa dalawang lalaki na nag-uusap sa gilid. May kalakasan ang boses nila kaya naririnig ko ang usapan nila kanina pa. Ang babaw ng problema nila, one hundred thousand pesos. Kailangan ng lalaki na hindi ko alam sino sa kanilang dalawa.  Basta lasing ang boses na narinig ko na nagdadrama at baka siya ang nakasubsob na sa mesa. Pera para raw sa operasyon ng kapatid niya. 

Tumayo ako para lapitan sila. Gusto ko silang bigyan ng pera. Marami ako no’n. Ihahakbang ko pa lang sana ang mga paa ko para lapitan ang bakanteng upuan sa tabi nila, nang mapansin ko ang tatlong lalaki na palapit.  

Hindi ko na sana itutuloy ang plano ko. Uupo na sana ako ulit nang makita ko ang pagkislap ng kutsilyong hawak ng lalaking palapit. May balak silang masama sa dalawang lasing na nagdadrama. 

Dinampot ko ang bote ng Jack Daniel’s sa tabi ko. Alam kong hindi naman ako papabayaan ng mga tao ni Alguien, na pinasunod niya sa akin, kaya kahit medyo may tama na ako sa whiskey ay balewala sa akin sa naisip kong pakikigulo. I want to vent out my anger at malas ng tatlong napili ko. 

I saw the man's arm, the one holding a knife, moving. He wanted to stab the drunk guy, the one na natutulog na yata.  Para mapigilan ang lalake sa pag-atake ay kinuha ko ang baso na nasa mesa at ibinato rito. It hurts him dahil napaatras at natumba ito. Alam kong may kalakasan ang pagbato ko kaya normal lang ‘yon. Tumama pa sa kilay kaya for sure ay putok iyon. Nang tumayo ang lalaki ay hinanap nito ang pinanggalingan ng baso. Him and his friends look for possible one na bumato at ako lang ang nakatayo na nakita nila. 

Natawa ako sa umaagos na dugo mula sa kilay ng lalaki. Okay pala ang pagbato ko kahit medyo may tama na ako, para na rin itong nasuntok ni Matthias. 

“Ikaw ang bumato?” padurong tanong nito sa akin at nilapitan ako. 

Magsasalita pa sana ako nang makita kong tumayo ang lalaking nakasubsob kanina. Siya ang muntik saksakin. 

“Spencer!” tawag nito sa atensyon ng lalaki na nasa harap ko at hawak na ang kanang braso ko. “Dito ka palang gago ka. Anong problema mo sa babae na ‘yan at parang tinatakot mo?” 

Napataas ang kaliwang kilay ko. Mukhang ang lalaking ito na Spencer pala ang name, at ang lalaking lasing na nakatayo na, ay magkaaway talaga. Akala ko pa naman trip lang. Tinitigan ko ang lalaking nakatayo na mukhang wala sa katinuan. Mapapatay talaga siya kapag ganito. 

Mahaba ang buhok ng lalaki, hanggang balikat, na naka-braid ng maliliit mula anit. Hindi ko maklaro ang mukha niya pero matangos ang ilong niya at… at mukhang may itsura. Baka selos ang dahilan ng away nila nitong si Spencer. Agawan ng babae? Natawa ako. Hindi uso sa amin 'yon. 

Walang agawan ng minamahal sa amin. Suhulan at bilihan ng pag-ibig. Kidnapan kapag hindi makuha sa unang usapan. Patayin kapag mapanira na. Sakripisyo. Ito talaga,  sakripisyo sa dulo. 

“Pasalamat ka at hindi ikaw ang pakay namin ngayon,” sabi ni Spencer sa akin at pinagapang ang kamay niya sa braso ko muna bago ako binitiwan. 

Eww… eww sa malagkit nitong kamay na kahit hindi na ako hawak ay ramdam ko pa sa balat ng braso ko. Sinundan ko ito nang tingin na binalikan ang lalaking gusto nitong saksak!n. Inabot ng isang kasama nito ang kutsilyo na nabitiwan nito kanina, nang natumba, dahil sa pagbato ko ng baso. Napaatras naman ang lalaking kaaway nito. 

I rolled my eyes. Akala ko pa naman may mapapanood akong magandang eksena ngayon pero wala pala. Mukhang siga lang ang lalaki dahil sa buhok niya at porma. Such a weak na natakot agad dahil lang sa kutsilyo.

But I didn’t expect what happened next. Umatras lang pala ito para bumwelo at saka tinadyakan si Spencer, na mukhang ewan, na agad natumba. Lampa. Kasunod ay sinunod na nito ang dalawang kasama ni Spencer. Nagkagulo na sa bar na iyon at nagtakbuhan na ang iba palabas na ayaw madamay. 

Nang malingunan ako ng lalaki ay napakunot ang noo niya. Nagtataka yata na naroon pa ako. But why not? I am sad and bored. Gusto kong maaliw. 

Lalapit sana siya sa akin nang muli ay nakatayo si Spencer at may pasigaw pa na…

“Gani!!!” galit na tawag nito sa pangalan ng lalaking nahinto na sa paglapit sa akin. 

Isang hakbang pa ni Spencer ng paliparin ko na naman ang isang baso at sentro tumama sa mata nito. Napaatras lang ito ngayon kaya nilapitan ko na at ipinalo sa ulo niya ang bote ng Jack Daniel’s na hindi naman nabasag pero nag-crack. 

“Wow…” sabi ng kasama ng lalaking tinawag na Gani, na nakatingin habang papalapit sa akin. Namamangha ang mga mata niya. “Gani, nakita mo ‘yon?” tanong pa nito sa kasama. 

“Oo, mas may pakinabang pa siya kaysa sa ‘yo, gago!” 

“Grabe ka naman… Nakita mo namang natumba ako kasi naunahan ako ng kasama ni Spencer, lumaban naman ako ah…” 

Hindi ko na inintindi pa ang pagtatalo nila at nilapitan ko ang manager at kinausap. Binigay ko ang numero ng secretary ni Nikias, ang pangalawang kuya ko, para doon kunin ang bayad sa mga nasira. 

Lumabas na ako ng bar pagkatapos. Dumiretso ako sa kotse ko at hinintay lumabas ang magkaibigang nagdadrama kanina dahil kailangan ang one hundred thousand. I wanna help them pero mas gusto ko sundan sila sa kung saan sila nakatira. Aalamin ko lang ang tirahan nila at saka ako magpapadala ng tao para bigyan sila ng pera. 

Ilang saglit pa ay nakita ko na silang lumabas na nagtatalo pa rin. Sa ilaw sa mga sidewalks ay naklaro ko kahit paano ang itsura nila. They look like poor but undeniably the man who has a name Gani is good-looking. Kahit mukhang marumi ito ay guwapo pa rin. 

Napangiti ako. May naalala akong naging crush ko noong high school ako hanggang college sa HCU na kagaya ni Gani. Ruggedly handsome. But that crush of mine comes from a wealthy family like me, itong si Gani ay halatang mahirap lang talaga. 

Naglakad lang sila at sinundan ko nang pasimple. Nang mapansin ko na parang nagmamadali sila at hindi ko na makita, pagkatapos madaan sa isang lumang building, ay naisip kong sundan pa rin.  

I parked my car and get out of it. Alam kong hindi ako dapat sumusunod lalo na at ang lugar ay hindi ko kabisado pero… pero I don't know at curious ako sa kanila.  

And why would I worry? Kanina nga ay naiisip ko na gusto ko nang mamatay sa kahihiyan sa nagawa ko. Ang lalaking minahal ko ay muntik pa pala maging dahilan ng kapahamakan ng pamilya ko. Masyado kasi akong tanga at uto-uto.  

Isang kamay ang humablot sa braso ko at ang isang kamay niya ay tumakip sa bibig ko. 

“Sino ka? Bakit mo ko sinusundan?” he asked in my ear that made me shiver. 

Shiver as the warmth of his breath tickles my skin and not because I'm scared. 

Damn… 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status