Thank you po sa pagmamahal agad kay Gani. Sorry sa matagal na update. Tapusin ko lang talaga ang ibang stories ko at lagi na may update rito. Salamat po sa mga comments, gems, reactions, at support na binibigay ninyo.
WILLOW “These are the proposals for the designs you need to review,” abot sa akin ng sekretarya ko ng naka-book bound na files. Binuklat ko naman iyon at pilit na tiningnan pero napasandal ako sa swivel chair ko at nahihilong pumikit. I cleared my mind at muling sinubukan tingnan ang mga naroon na designs. Isang linggo na akong ganito at parang nagdududa na ako sa nararamdaman ko. Posible kaya? Oh, holy crap… huwag naman sana at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang pamilya kapag nagkataon. Sa edad ko na ito ay baka masabihan pa ako na tinalo ko pa ang triplets sa pagiging iresponsable. Masyado pa naman laging sinasabi ni Mamita na ako ang apo niyang babae na mapagkakatiwalaan talaga. At kapag nalaman ng lahat na buntis ako at sabihin kong hindi ko kilala ang ama, para hindi nila hanapin si Gani, ay siguradong hindi rin sila maniniwala. But that happened between me and Gani was only a month and a week ago, kaya baka hindi naman kagaya ng naiisip ko ang dahilan ng hilo ko. Sa
GANI “Tarantado!” Asar kong sinipa ang isang lalaki sa basketball court na nanapak kay Poyong. Agad namang sumubsob ito at tatayo pa sana nang sundan ko ng tadyak ang likod niya kaya lalong nasubsob pa at napadapa na lang. Inikot ko ang tingin sa mga kalaro niya na hindi naman lumalapit para manugod. Mabuti naman at may mga utak naman pala ang mga ito at ayaw na akong kalabanin pa. Nilingon ko si Gerald na nakasubsob pa rin at mukhang mas gusto na lang din ang dumapa roon. Baka nakatulog pa nga. Gago ang puta! Kayabang pero gano’n lang ay bagsak na. Mahinang nilalang ang kupal! “Ano?!” tanong ko sa anim na tropa niya sa pagba-basketball. “Papalag kayo?!” pahamong tanong ko. Alam ko naman na hindi sila papalag kasi kilala ako sa lugar namin na tanging nakapagpatino kay Spencer ilang taon na ang lumipas. Tatlo yata… o apat? Lima? Teka… animm na yata. Ah, puta! Ayoko na alalahanin! Basta gano’n na nga! Basta ako iyong tumapos sa kasigaan ni Spencer kaya ngayon ay mabait na tatay na
WILLOW I sighed as Nikias ended our convo. Kakatawag lang niya at tinatanong na naman ako kung kailan ko ba ihaharap ang tatay ng pinagbubuntis ko sa kanila. Ang dami ko nang dahilan at mabuti na lang nagagawa ko pang palusutan ang tanong kapag inaalam na ang pangalan ni Gani. Lumapit ako sa kama at nahiga na lang muna dahil nahihilo na naman ako. Mabuti na lang at kahit paano napapakiusapan ko pa si Nikias kaya pinoprotektahan pa niya ako kay Matthias. Pero alam kong mapupuno na sa akin ‘yon at kanina nga ay may taning na ako na ten days to introduce the man who impregnates me. Dahil nga rin sa sitwasyon ko kaya umalis muna ako sa mansion ni Alguien, kahit gusto ko sana roon para mabantayan ko si Chloe dahil nagwo-worry ako sa kaniya ay… “Oh, God… my life is really messy right now!” nasapo ko ang mukha ko at gusto kong maiyak. Kung sana ay nakausap na ng tatlo si Gani ay wala na sanang problema kaso ang sabi ay ayaw silang kausapin ni Gani at tinalikuran lang noong mahanap nila.
GANI “Gani!” tawag sa akin ni Poyong na hindi ko nilingon. Nakakabuwisit na ang gago, eh! Ilang araw na kasi siyang panggulo sa katahimikan ko. Binilisan ko ang paghakbang at binilisan din ng gago ang paghabol sa akin. Patawid na ako sa kalsada nang maabutan niya ako at pigilan. “Ano ba?!” asar kong palag at inalis ang mga braso niyang nakayakap na sa akin. “Nababakla ka na ba?!” tanong ko nang makahakbang ako ng tatlo palayo sa kaniya pagkatapos ko siyang itulak. “Tado ka naman, Gani, eh!” kumakamot na sabi nito. “Concern lang ako sa ‘yo kasi hindi ka na makausap ng matino. Tapos hindi ka na naliligo! Halos hindi ka na rin kumakain! Mag-ahit ka naman at pagupit! At saka… at saka mabaho ka na! Sana alam mo na pwede kang mabaliw sa ginagawa mo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Mabaho? Anong mabaho? Gago ito, ah! Sakto naman na may mga estudyanteng dumaan sa gitna namin. At dahil nakaharang kami sa daanan ay napatingin sa amin, lalo na sa akin, pagkatapos ay nagtakip ng m
WILLOW “What have you done?!” tanong ko sa triplets pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay. Nandito sila sa penthouse ko sa main WEI Mall na narito sa Marikina. Tinawagan nila ako kanina at kailangan ko raw silang puntahan dahil may problema. Nilapitan ko sila at tiningnan kung ano ang nangyari. May mga bahid ng dugo ang mga braso nilang lahat. Kahit sa mga mukha nila ay may mga mantsa ng dugo. Kay Exodus ako nag-alala masyado nang makita ko na may benda pa ang noo niya. “Anong gulo ang pinasok niyo?” I checked Exodus wound na sinabi niyang daplis lang naman. Daplis daw pero may walong tahi ang sugat sa taas ng noo niya nang alisin ko ang benda. “You look like you have a centipede on your forehead!” inis kong sabi na ngiti lang ang sinagot ni Exodus. “You might want to check him…” sabi ni Ganesis na ikinalingon ko. “Him?” tanong ko na nakakunot ang noo at sinundan ng tingin ang ‘him’ na tinutukoy ni Genesis. “The problem that we are informing you about earlier.” Genesis turne
GANI Idinilat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw mula sa kisame. Nakakasilaw. Nakakabulag. Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bakal sa loob ng utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko para sana mawala iyon pero lalo lang sumakit. ‘Pero teka… nasaan ako?’ Nagtataka ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Iniisip kung sino ang may-ari ng kuwarto at bakit ako napadpad rito. Pinilit kong bumangon at napangiwi ako sa masakit kong binti na nakabenda. Pinilit kong tandaan ang nangyari nakaraang gabi. May gulo at may pinatay. Sino ang mga ‘yon? At sa dami ng lugar dito sa Maynila ay bakit doon pa sa amin nila naisipan magbarilan? Muling kumirot ang ulo ko dahil sa pagbangon. Kinapa ko iyon at may benda din pala ang ulo ko. Pilit kong tinandaan ang nangyari kagabi. May bumaril sa akin at pupuruhan pa sana ako pero nanlaban ako, hanggang sa may naglagay ng sako sa ulo ko, kasunod ay ang paghampas ng kung ano, at iyon na ang huling natandaan ko. Ako ba a
WILLOW “Master Trace is calling.” Inabot sa akin ni Leviticus ang phone ko, na nasa kaniya pala kaya kanina pa nawawala. Ano na naman kaya ang pinaggagawa ni Levitius sa phone ko? Nakaraan na pinakialaman niya ay napalitan na lahat ng nasa settings, pati wallpaper ko ay pinalitan niya ng picture ni Gani na tulog at nakanganga. Kalalabas ko sa kuwarto. Iniwan ko si Gani at tatawagan ko rin sana si Trace para ipaalam na gising na ang isa. I need Trace help, for Gani, kaya mabuti na rin na saktong tumawag pala ito. “Hello, Trace!” I said to Trace excitedly as I answered his call. Noong isang araw ay nandito siya at pagkaalis niya ay dumating naman si Chloe. Akala ko nga okay na sila pero sabi ni Chloe ay hiwalay na talaga sila. As in hiwalay. I rolled my eyes thinking of how Chloe said that without batting her eyelashes. But I got worried at first. But now, hindi na. Naisip ko na kahit sabihin pa ni Trace na nagdududa siya sa mga plano ni Chloe, at kahit sabihin pa ng huli na saw
GANIKunot-noo akong napatingin sa batang biglang dumating dito sa bahay ni Willow. Ano kaya ng mahal ko ang batang ito na Cadence ang pangalan? Narinig ko na siya ang pinag-uusapan nina Blackie kanina kaya sino kaya ito at bakit parang importante sa lahat?“Hi!” bati ng bata sa akin nang malapitan ko siya at tabihan sa sofa. “Hindi naman siguro kayo po ang tatay ko, ‘di ba?” tanong niya habang nakakunot din ang noo na nakatingin sa akin. “Tatay?” tanong ko sa bata. “Hinahanap mo ang tatay mo? Dito?” Napaisip ako. Baka anak ng isa sa mga kuya ni Willow. Imposible naman kasing anak ni Poyong at napakagwapong bata nito.Kumibit balikat ang bata. Napalabi. Hindi na umimik. Ayaw na yata akong kausapin. Loko rin, eh. Siya ang nagsimula banggitin ang tatay niya tapos ngayon parang ako pa ang usisero bigla. “Ano mo pala si Willow?” tanong ko na lang. Nasa bahay kami ni Willow kaya siguro naman okay lang na itanong ko kung ano niya ang mahal ko. Kumibit ulit siya ng balikat. “Hindi ko po a