Thank you sa mga nag-aabang kay Gani. Salamat din sa mga nagbibigay ng gems sa kaniya.
GANI Idinilat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit dahil sa liwanag ng ilaw mula sa kisame. Nakakasilaw. Nakakabulag. Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bakal sa loob ng utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko para sana mawala iyon pero lalo lang sumakit. ‘Pero teka… nasaan ako?’ Nagtataka ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Iniisip kung sino ang may-ari ng kuwarto at bakit ako napadpad rito. Pinilit kong bumangon at napangiwi ako sa masakit kong binti na nakabenda. Pinilit kong tandaan ang nangyari nakaraang gabi. May gulo at may pinatay. Sino ang mga ‘yon? At sa dami ng lugar dito sa Maynila ay bakit doon pa sa amin nila naisipan magbarilan? Muling kumirot ang ulo ko dahil sa pagbangon. Kinapa ko iyon at may benda din pala ang ulo ko. Pilit kong tinandaan ang nangyari kagabi. May bumaril sa akin at pupuruhan pa sana ako pero nanlaban ako, hanggang sa may naglagay ng sako sa ulo ko, kasunod ay ang paghampas ng kung ano, at iyon na ang huling natandaan ko. Ako ba a
WILLOW “Master Trace is calling.” Inabot sa akin ni Leviticus ang phone ko, na nasa kaniya pala kaya kanina pa nawawala. Ano na naman kaya ang pinaggagawa ni Levitius sa phone ko? Nakaraan na pinakialaman niya ay napalitan na lahat ng nasa settings, pati wallpaper ko ay pinalitan niya ng picture ni Gani na tulog at nakanganga. Kalalabas ko sa kuwarto. Iniwan ko si Gani at tatawagan ko rin sana si Trace para ipaalam na gising na ang isa. I need Trace help, for Gani, kaya mabuti na rin na saktong tumawag pala ito. “Hello, Trace!” I said to Trace excitedly as I answered his call. Noong isang araw ay nandito siya at pagkaalis niya ay dumating naman si Chloe. Akala ko nga okay na sila pero sabi ni Chloe ay hiwalay na talaga sila. As in hiwalay. I rolled my eyes thinking of how Chloe said that without batting her eyelashes. But I got worried at first. But now, hindi na. Naisip ko na kahit sabihin pa ni Trace na nagdududa siya sa mga plano ni Chloe, at kahit sabihin pa ng huli na saw
GANIKunot-noo akong napatingin sa batang biglang dumating dito sa bahay ni Willow. Ano kaya ng mahal ko ang batang ito na Cadence ang pangalan? Narinig ko na siya ang pinag-uusapan nina Blackie kanina kaya sino kaya ito at bakit parang importante sa lahat?“Hi!” bati ng bata sa akin nang malapitan ko siya at tabihan sa sofa. “Hindi naman siguro kayo po ang tatay ko, ‘di ba?” tanong niya habang nakakunot din ang noo na nakatingin sa akin. “Tatay?” tanong ko sa bata. “Hinahanap mo ang tatay mo? Dito?” Napaisip ako. Baka anak ng isa sa mga kuya ni Willow. Imposible naman kasing anak ni Poyong at napakagwapong bata nito.Kumibit balikat ang bata. Napalabi. Hindi na umimik. Ayaw na yata akong kausapin. Loko rin, eh. Siya ang nagsimula banggitin ang tatay niya tapos ngayon parang ako pa ang usisero bigla. “Ano mo pala si Willow?” tanong ko na lang. Nasa bahay kami ni Willow kaya siguro naman okay lang na itanong ko kung ano niya ang mahal ko. Kumibit ulit siya ng balikat. “Hindi ko po a
2016WILLOWTinitigan ko ang kulay gintong likido na nasa baso na pinapaikot-ikot ko. The ice cubes I put in the glass complimented the whiskey. Beautiful. Perfectly good together. Then I sighed as what happened last night appeared in my mind. Dom died. Pinatay siya ni Alguien. Pinatay siya ng pinsan ko dahil sa utos ni Matthias, ang panganay na kuya ko. I sighed angrily… bitterly… and felt terribly… terribly sad and bad. Masama ang loob na inubos ko ang whiskey na laman ng basong hawak ko at muling nagsalin ng bago. Jack Daniel’s ang iniinom kong mag-isa ngayon. Mag-isa… kunwari. Alam ko naman kasi na nasa mga gilid lang ang mga tauhan ni Alguien at binabantayan ako.Mula ako sa pamilyang mafia. Excellante ang pangalan ng organisasyon na mula pa noong 1920s nagsimula. Mula pa sa mga ninuno ko. Ang matriarch ng Excellante ay ang abuela ko, si Doña Elisa Escarra Esposito. Excellante na sa pamilyang Escarra talaga nagsimula pero mula nang mapangasawa ng abuela namin ang mula sa taga
2016ISAGANI“Ilan daw ang kailangan?” tanong ko kay Poyong na kausap ko. Sinadya ko siyang puntahan dito sa kanto kasi nakita ng mga tropa na umiiyak. May problema raw. “Isandaan.” “Isandaang libo?” pagkaklaro ko. “Alangan naman isandaang piso,” humikbing sabi nito. “Tanga ka ba, Gani? May operasyon ba na isandaang piso lang? Kung mayroon ay bakit pa ba ako mamomroblema rito…”Siraulo kausap nitong si Poyong. Napailing na lang ako. Ang totoo ay wala rin naman akong pera na maitutulong sa kaniya pero may alam akong pwede naming lapitan. “Tara!” aya ko. “Gani naman… nakita mo na problemado ako ngayon sa nangyari sa kapatid ko tapos yayayain mo pa ako gumala. Wala akong panahon diyan.” “Sumama ka sa akin, gago! May lalapitan tayong tao na baka makatulong.”Agad na dumiretso ng upo si Poyong sabay punas sa basa niyang pisngi. Niyakap ako at pinokpok pa ang likod ko. “Salamat, Gani. Kung ibebenta mo man ang kidney mo para sa kapatid ko ay hindi kita makakalimutan talaga.” Inis ko i
December 2022WILLOWI am walking fast outta building of WEI Mall. I just visited my general manager na doon naka-assign. Nagmamadali ako kasi naiinis na si Nikias na hinihintay ako sa mansion niya. Dumating na raw ang private plane at kailangan na ako para makaalis na. Birthday ni Papa kaya kailangan namin pumunta ng Russia, nandoon sila nakatira at doon gaganapin ang party. Palabas na ako sa lobby nang may isang babae na bumunggo sa akin. “Bitch…” bulong ko sa inis nang hindi man lang siya nag-sorry at inirapan pa ako. People nowadays… kung hindi lang ako nagmamadali ay ipapakaladkad ko siya palabas ng mall ko. But no… I need to act like an ordinary one. Masyado na kaming napag-uusapan magpipinsan mula sa pamilyang Esposito. Ayaw na ayaw pa naman ni Mamita na maging kontrobersyal kahit sino sa amin dahil hindi kami ordinaryong mayaman lang. We are doing illegal things at mas importante na huwag maungkat iyon kaya dapat magpanggap lang kami na ordinaryong mga negosyante dito sa Pil
December 2022 GANI “Gani?” usal ng magandang babae sa pangalan ko. “Yes, mahal?” tanong ko at agad ko siyang nilapitan nang mapaupo siya bigla sa kama. Pakiramdam ko ay may dinaramdam siya at kanina pa siya namumutla at sumuka pa. Hinawakan ko ang braso niya pero para siyang napaso na biglang umiwas. Napalayo naman ako bigla dahil parang takot na takot siya sa akin. “Teka! Hindi ako rapist, huwag kang gan’yan makatingin!” Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang nakatitig sa akin at napailing. Iniwas niya ang mga mata sa akin, ayaw niya akong tingnan. “Anong… anong… itsura nila?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko. May kakaiba sa boses niya. Parang… parang nalilibu—hindi! Imposible. Baka nandidiri sa akin, iyon ang p’wede pa. At bakit nagta-Tagalog na siya? Napatingin ako kay Poyong na halatang nagulat din dahil sa pagta-Tagalog ng magandang babae. Marunong naman pala kasing mag-Tagalog ay pinahirapan pa ako kanina. Kaloko… Ibinalik ko ang tingin sa napakagandang
WILLOW “Fuck me…” I whispered. Ayaw ko man pero gusto ng katawan ko. At paano ba mapipigil ang init na nararamdaman ko? I know the type of drug. Ginagamit ang ganitong uri ng droga, ng ilang sindikato, sa mga babaeng ibinibenta nila para sa white slāvery or human trafficking. Prostitution at its finest. Hindi kami kasama sa ganito ang negosyo pero marami talaga na ito ang napili dahil mas mabilis ang kitaan. “Hindi ako santo,” sabi ni Gani na nakatitig sa akin. Nakatitig. Oo at nakatitig lang siya sa akin pero pakiramdam ko ay hinuhubāran na niya ako. Hindi pa niya ako hinahawakan pero iba na ang pakiramdam ko. Nag-iinit… nag-iinit ako masyado. “Hindi ako santo, binibini,” ulit na naman ni Gani pero ang palad niya ay lumapat na sa kanang panga ko, sa panga at leeg ko. “Hindi ako umi-Ingles pero naintindihan ko ang sinasabi mo. Maliban na lang kung nagmumura ka ay alam kong iba ang tukoy niyang salita mo. Gusto mong kan—” “Stop that!” saway ko. Hindi ko gusto ang salita niya.