December 2022
GANI
“Gani?” usal ng magandang babae sa pangalan ko.
“Yes, mahal?” tanong ko at agad ko siyang nilapitan nang mapaupo siya bigla sa kama. Pakiramdam ko ay may dinaramdam siya at kanina pa siya namumutla at sumuka pa.
Hinawakan ko ang braso niya pero para siyang napaso na biglang umiwas. Napalayo naman ako bigla dahil parang takot na takot siya sa akin. “Teka! Hindi ako rapist, huwag kang gan’yan makatingin!”
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang nakatitig sa akin at napailing. Iniwas niya ang mga mata sa akin, ayaw niya akong tingnan.
“Anong… anong… itsura nila?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko. May kakaiba sa boses niya. Parang… parang nalilibu—hindi! Imposible. Baka nandidiri sa akin, iyon ang p’wede pa. At bakit nagta-Tagalog na siya?
Napatingin ako kay Poyong na halatang nagulat din dahil sa pagta-Tagalog ng magandang babae. Marunong naman pala kasing mag-Tagalog ay pinahirapan pa ako kanina.
Kaloko…
Ibinalik ko ang tingin sa napakagandang babae sa harap ko. Naisip na pinagmukha lang pala akong tanga kanina pa. Na-enjoy ko pang tawagin siyang ‘asawa ko’ at ‘mahal ko’ kasi akala ko hindi nga makaintindi ng Tagalog pero… walanghiya at naintindihan naman pala ako at baka pinagtatawanan sa isipan niya.
Badtrip na lang talaga. Sana hindi ko na pala pinapunta si Poyong. Kung hindi siya sigeng Ingles kanina at panggap na hindi ako maintindihan ay sana kaming dalawa lang dito. Sana hindi istorbo itong si Poyong. Tsismoso pa naman itong si Poyong, siguradong ipagkakalat ang kung ano man ang inabot ng utak na hinala.
“Marunong ka naman pala mag-Tagalog…" inis na wika ko. Pakiramdam ko kasi ay niloko niya ako. Kailangan niya ayusin ang nararamdaman ko. Crush ko pa naman sana siya at inamin ko na tapos inuto lang pala ako. Siya lang kaya ang babaeng napaamin ako na crush ko.
“Yes, marunong ako. At… at huwag mo akong tawaging… ‘asawa mo,’ I’m not,” may katarayan ang tono ng boses niya. Parang sinasabi na mababang uri lang ako at hindi niya papatulan kahit kailan. Pero kung may katarayan ang boses niya ay may kakaiba talaga, parang… parang tono ng babaeng gusto talagang magpa—basta iyon na.
“Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ko. Naalala ko ang dalawang lalaki kanina sa mall. Parang may hinala na ako sa nangyayari sa kaniya. Paano kung hindi ko sila naunahan kanina? Siguradong napahamak na itong si… “Ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sabay upo sa tabi niya na nakaupo sa gilid ng kama.
Umiling siya. Halatang ayaw niyang magpakilala. Medyo nasaktan ako. Palibhasa ba halatang mahirap kami ay ayaw niya sabihin ang pangalan niya? Judgment naman ito.
“Bawal bang malaman ang pangalan mo?”
“Sorry… I can’t give my name. Mas mabuting hindi ninyo alam.”
“Judgment ka naman. Masama ‘yan,” ani ko. “Tinulungan kita kaya mas okay sana kung malaman ko ang pangalan mo.”
“Judgmental.”
“Ha?”
“Judgmental… hindi judgment.”
Napangiti ako. Itinatama niya ang Ingles ko kaya itinatama na rin niya ang puso ko. Parang sinasabi na rin niya na sa kaniya nga ang tamang direksyon ko. Nawala ang ngiti ko nang makita ko na nakatitig siya sa akin na parang pinagnanasaan ako… at ang boses niya… bakit ang tono ay parang—agad ang pagkislot ng pagkalȁlaki ko sa naisip ko. Napailing ako. Mali ang naiisip ko. Hindi p’wede at kakasabi ko lang na hindi ako rapist.
“Can you please—uhm, p’wede bang huwag mo akong titigan ng gan’yan?” tanong niya na may ungol na talaga.
“Ang ganda mo kaya ako napapatitig. Walang masama doon.”
Nakita ko ang pamumula niya lalo. “Ti–tigilan mo ‘yan… mmmm… Pag-usapan na lang natin ang… ang dalawang lalaki kanina… Ma–makikilala mo ba sila kapag… kapag nakita mo sila sa… susunod?” Umusog siya ng upo at dahil sa paggalaw niya ay lalong tumaas ang suot niyang paldang maiksi kaya napunta na naman sa mga legs niyang nakahantad ang mga mata ko.
Ang kinis talaga. Reyna nga siya ng buhay ko. Totoo yata ang love at first sight… tinamaan na nga yata ako. At mukhang hindi na ito crush kasi kanina pa ako tinitigǎsan dahil sa kaniya.
“Itigil mo rin ang… ang kakatitig sa legs ko…” turan niya na parang paungol na naman ang tono.
Napatingin ako sa mga mata niya. At iba na ang nakikita ko. Mukha na siyang gusto talagang magpabira. Nang lumunok siya at napahawak sa leeg ay sigurado na ako, gusto niya ng sex.
“Gani naman… Huwag ka kasi pahalata na minamanyak mo si Miss Ganda,” sabi ni Poyong at saka ko naalala na narito pa pala ang isa.
“Umalis ka na pala at hindi na kita kailangan,” taboy ko sa kaibigan ko na hindi nakakatulong kanina pa. At kailangan ko siyang paalisin dahil iba na rin ang nararamdaman ko.
“No… you… you better stay here,” sabi ng dyosa, na parang natakot dahil sa sinabi ko kay Poyong. “I don’t wanna left alone here with… with your friend,” dagdag pa niya na sinulyapan pa ako.
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya nilingon ko si Poyong. “Anong sabi?” tanong ko sa isa.
“Dito lang daw ako…” kumakamot na sabi ni Poyong. “Ayaw raw maiwan na kayo lang. Tinatakot mo kasi.”
Napangisi naman ako nang tingnan ko ang babae. Ibang klase. Ano ba iniisip niya? Na baka may kung anong gawin ako sa kaniya? Crush ko siya at ang lakas ng dating niya pero hindi naman ako nananamantala ng babae. Maginoo ako kahit hindi halata. At kahit alerto na ang pâgkalalaki ko ay kaya ko pang rendahan ito basta ayaw niya. Pero ayaw niya ba talaga? Kanina pa siya halatang nag-iinit… at nag-iinit na rin ako.
Pero sabi ko nga ay hindi ko ugaling manamantala. Binalikan ko ang nangyari kanina kung bakit narito kami…
Hindi ko siya kilala pero tinulungan ko siya. Wala naman talaga sana akong pakialam kung nahilo man siya kanina, kaso alam ko na hindi maganda ang plano ng dalawang lalaki na iyon sa kaniya. Nang nakita ko siyang namumutla at napasandal sa pader ng WEI Mall ay hindi ko naman sana gustong umepal. Kaso nga babae siya at mahina. At sobrang ganda. Ako naman ay hindi kayang tiisin mapahamak ang isang magandang nilalang na gaya niya, kaya ayun na nga at gumawa ako ng paraan. Kahit parang diring-diri pa niya akong itinutulak kanina ay okay lang basta maligtas ko siya.
Nang mawalan na siya ng malay ay hindi ko alam saan siya dadalhin. Tumawag ako ng taxi at isinakay na siya para makaalis kami roon. Mabuti na lang at guwapo naman ako kahit paano, at sabi na rin ng marami, kaya siguro naniwala rin ang taxi driver na syota ko siya. Tinanong kasi ako kung sino ang babaeng karga ko, sinabi ko syota ko na nahilo kasi buntis.
Sa taxi ay lalo kong nasilayan ang kagandahan niya. Ang kinis niya… at hindi lang siya maganda at sexy, ang bango-bango pa. Ang buhok niya na hindi ko maintindihan kung ilang kulay ba ang mayroon, ay malambot at pino. Basta brown ang buhok niya, parang sa mais nga lang na iba-iba ang pagka-brown. May light, may dark at may normal na brown. May pagka-yellow pa o blonde yata ang tawag.
“Stop… stop staring at me like that… ka–kanina ka pa,” sabi ng babae na nagpatigil sa akin sa kakaisip sa nangyari kanina. “Ang sabi ko ay huwag mo akong titigan nang… nang ganiyan.”
“Medyo nakakasakit ka na,” medyo asar kong sabi. Kanina niya pa ako pinagnanasaan sa mga tingin niya pero kapag nagsasalita ay parang rapist ako sa paningin niya. “Alam mo, binibini, kung masama akong tao ay kanina ka pa hubad o nagising ka na lang na nakapatong ako sa ‘yo.”
Agad ang panlalaki ng mga mata niya bago naningkit. Nakakainsulto. Nang-uuri talaga siya ng tao. Alam kong mayaman siya base sa itsura niya at sa mga suot niya. Pero totoo ang sinabi ko, kung masama ako ay kanina ko pa siya dapat pinagsamantalahan.
Sa taxi pa lang ay alam kong hindi na siya basta-basta. Wala kasi akong pambayad sa taxi kanina kaya pinakialaman ko ang bag niya at mabuti na lang may pera agad akong nakita kahit hindi ko pa nahanap ang wallet niya. Pagbukas ko pa lang ng bag niya ay may tig-iisang libo na akong nakita agad na parang isinuksok lang doon dahil nagmamadali ang may ari ng bag.
Sa pinakamalapit na motel ko siya dinala. Hindi ko madala sa hotel at baka tagain ako sa bayad. Kaya kong bayaran ang nagamit namin na pamasahe sa taxi at kahit itong sa motel, pero kung sa hotel… Oo at pang-hotel ang ganda niya pero wala akong pera pambayad sakali. Napasimangot ako. Masyado ko pa siyang pinahalagahan pero ganito naman pala kasama ang ugali. Hay naku na lang sa babaeng ito… Halatang type naman ako pero dahil mahirap ako ay mukhang iiwas na lang.
“May… kabastusan ka rin ano?” tanong niya na ang katarayan ay maririnig pa rin kahit may pagnanasa sa akin ang pagkakasabi.
“Yong, uwi ka na…” baling ko na naman kay Poyong. “Salamat sa pagpunta mo rito. Hindi na kita kailangan at nagkakaintindihan na rin kami nitong asawa ko.” Mas mabuting umalis na si Poyong at mukhang tama ako sa hinala ko. Iba na ang nangyayari sa babae.
“Hindi mo ako… asawa…”
“Eh ‘di hindi. Iwan kita kay Poyong gusto mo?” pabulong ang tanong kong huli. Nananantiya.
“No!” Biglang nanlaki ang mga mata niya at gusto kong matawa.
At tama nga ang hinala ko. Nilapitan ko siya at hinawakan at agad ang pag-ungol niya na pilit pinigilan. “Mukhang alam ko na ang nangyayari sa ‘yo,” bulong ko. “Kailangan mo ko.”
“Gani, huwag mong takutin…” singit na naman ni Poyong.
“Uwi ka na…, Poyong…” sabi ng babae at saka ako napatitig sa mga mata niya na asul. Tinitigan ko ang mga mata niya na namumungay na. Hanggang sa may naalala akong namumungay ang mga mata na babae na parang kahawig niya. Pero iba ang pamumungay ng mga mata ng babae na iyon noon, halatang dahil sa kalasingan.
“Are you sure, Miss Beautiful?” tanong ni Poyong sa babae.
“Yong, uwi na! Pinapaalis ka na nga eh! Salamat sa pagpunta. Ako na ang bahala rito…”
“Iba ka talaga, Gani!” sabi ni Poyong bago lumabas sa kuwarto. Kung ano man ang nasa isip niya ay siguradong bukas ay kalat na sa lugar namin.
“Anong nangyayari sa ‘yo?” nag-aalala kong tanong sa babae.
“Iyong dalawang lalaki kanina… kailangan ko silang mapahanap…”
Tumango ako. "Tulungan kita."
“Ma–malinis ka ba?” tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. Napatingin ako sa salamin. May mga tattoo ako pero malinis ako, marunong naman akong maligo. Nakakainsulto naman talaga ang babae na ito.
“Lagi akong naliligo, binibini.”
“No… I mean… wala ka bang… sakit?”
“Sakit?”
“Sabi ng kaibigan mo kanina ay malewhore ka. Are you sure na wala kang AIDS o kahit anong STD?”
“Naka-drugs ka ba?”
“Siguro… siguro kasi kanina ko pa gustong… gustong…”
“Gusto mong iyutɨn kita?” direktang tanong ko na ikinalaki ng mga mata niya. Sinadya ko ang salita para magbago ang isip niya at matakot pero parang iyon pa ang dahilan kaya inilapit niya ang sarili niya sa akin.
“Yes, fuck me… fuck me, Gani…” paungol na sabi niya. At tangina… hindi ako santo para tumanggi sa ganito kaganda.
Pa-comment naman sa mga nagbabasa kay Gani. Salamat po sa inyo. Thank you sa mga nagbigay na ng gems.
WILLOW “Fuck me…” I whispered. Ayaw ko man pero gusto ng katawan ko. At paano ba mapipigil ang init na nararamdaman ko? I know the type of drug. Ginagamit ang ganitong uri ng droga, ng ilang sindikato, sa mga babaeng ibinibenta nila para sa white slāvery or human trafficking. Prostitution at its finest. Hindi kami kasama sa ganito ang negosyo pero marami talaga na ito ang napili dahil mas mabilis ang kitaan. “Hindi ako santo,” sabi ni Gani na nakatitig sa akin. Nakatitig. Oo at nakatitig lang siya sa akin pero pakiramdam ko ay hinuhubāran na niya ako. Hindi pa niya ako hinahawakan pero iba na ang pakiramdam ko. Nag-iinit… nag-iinit ako masyado. “Hindi ako santo, binibini,” ulit na naman ni Gani pero ang palad niya ay lumapat na sa kanang panga ko, sa panga at leeg ko. “Hindi ako umi-Ingles pero naintindihan ko ang sinasabi mo. Maliban na lang kung nagmumura ka ay alam kong iba ang tukoy niyang salita mo. Gusto mong kan—” “Stop that!” saway ko. Hindi ko gusto ang salita niya.
GANI Nagising akong wala na siya sa tabi ko. Namputsa naman… inisa-isa kong dampot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at ipinatong sa kama. Nasapo ko ang mukha ko habang iniisip kung saan ko hahanapin ang babaeng iyon. Badtrip na kahit pangalan niya ay hindi ko pala nalaman. Huminga ako nang malalim. Bakit ko pa ba siya iisipin ay mukha namang walang halaga sa kaniya ang nangyari sa amin? At hindi ako ang na-virgin-an, siya! Dapat siya ang nag-iisip saan ako hahanapin pero bakit ako ang namomroblema? Napailing na lang ako at saka pumunta ng banyo para maligo. Pagpasok ay agad kong nakita na may naiwan siya. Ang panty niya na nasira ko pala. Iniwan niya na lang basta, hindi man lang itinapon sa basurahan. Maganda nga, burara naman. Dahil sa naisip ko na maganda siya ay kusa naman na nabuhay ang pagnanasa ko. Hindi ko alam bakit niya ako iniwan dito na ganito na lang pero… pero kahit virgin siya ay nakailan pa rin kami sa buong magdamag dahil sa lakas ng epekto ng droga sa ka
WILLOW I closed my eyes tightly as I wanna forget what happened. I talked to my parents and they understood why I didn’t attend Papa’s birthday. I told them half the truth. Ang sabi ko lang sa kanila ay nawalan ako ng malay at may tumulong sa akin, na nataong nurse kaya nadala ako sa malapit na ospital. I can’t tell them that I’d been a whore for a night for someone who has a lowlife. Baka kung ano pa ang gawin nila kay Gani, kawawa naman ang tao. Ako naman ang nanukso dahil sa droga kaya kahit saang anggulo tingnan ay wala siyang kasalanan. But my family will not accept that reason. Matti and Nikki could kill Gani if they knew. Hindi pwede. Hindi siya gaya ni Dominico na dapat lang mamatay. Muli ay binalikan ko ang nangyari kaninang madaling-araw doon sa motel. Nang magising ako ay yakap ako ni Gani. Dahan-dahan akong bumangon at pakiramdam ko’y bugbog na bugbog ako. Masakit na masakit ang pagkababȃe ko. Sobrang sakit na kahit nagbibihis na ako ay napapangiwi pa ako. Pumunta ako n
GANI Nakatingin ako sa babaeng sumasayaw sa entablado. Maganda at mestiza, parang si Willow, pero wala akong maramdaman na kahit ano. Muli kong itinaas ang bote ng beer sa bibig ko at tinungga ang laman niyon. Masama ang loob ko. Masakit ang ginawa sa akin ni Willow. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito tapos ang baba lang pala ng tingin niya sa akin. Isang milyon. Iyon pala ang halaga ko para kay Willow? Galante nga siya pero masakit sa pride ko ‘yon. Aaminin ko na ngayon lang ako nagkaroon ng isang milyon pero pakialam ko sa isang milyon, si Willow ang gusto ko. At kung nasaktan ako sa insultong binigay sa akin ni Willow ay dinagdagan pa ng Powerpuff Girls. Ang mga pinsan niyang masasamang ugali gaya niya. Pagkatapos nila akong pilitin na samahan sila sa WEI mall, at ituro kung sino sa mga lalaki sa CCTV ang sinasabi ko na gustong gawan ng masama si Willow, ay para akong basahan na tinapak-tapakan nila sa kakaulit sabihin na kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako magugustuhan ng
WILLOW “These are the proposals for the designs you need to review,” abot sa akin ng sekretarya ko ng naka-book bound na files. Binuklat ko naman iyon at pilit na tiningnan pero napasandal ako sa swivel chair ko at nahihilong pumikit. I cleared my mind at muling sinubukan tingnan ang mga naroon na designs. Isang linggo na akong ganito at parang nagdududa na ako sa nararamdaman ko. Posible kaya? Oh, holy crap… huwag naman sana at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang pamilya kapag nagkataon. Sa edad ko na ito ay baka masabihan pa ako na tinalo ko pa ang triplets sa pagiging iresponsable. Masyado pa naman laging sinasabi ni Mamita na ako ang apo niyang babae na mapagkakatiwalaan talaga. At kapag nalaman ng lahat na buntis ako at sabihin kong hindi ko kilala ang ama, para hindi nila hanapin si Gani, ay siguradong hindi rin sila maniniwala. But that happened between me and Gani was only a month and a week ago, kaya baka hindi naman kagaya ng naiisip ko ang dahilan ng hilo ko. Sa
GANI “Tarantado!” Asar kong sinipa ang isang lalaki sa basketball court na nanapak kay Poyong. Agad namang sumubsob ito at tatayo pa sana nang sundan ko ng tadyak ang likod niya kaya lalong nasubsob pa at napadapa na lang. Inikot ko ang tingin sa mga kalaro niya na hindi naman lumalapit para manugod. Mabuti naman at may mga utak naman pala ang mga ito at ayaw na akong kalabanin pa. Nilingon ko si Gerald na nakasubsob pa rin at mukhang mas gusto na lang din ang dumapa roon. Baka nakatulog pa nga. Gago ang puta! Kayabang pero gano’n lang ay bagsak na. Mahinang nilalang ang kupal! “Ano?!” tanong ko sa anim na tropa niya sa pagba-basketball. “Papalag kayo?!” pahamong tanong ko. Alam ko naman na hindi sila papalag kasi kilala ako sa lugar namin na tanging nakapagpatino kay Spencer ilang taon na ang lumipas. Tatlo yata… o apat? Lima? Teka… animm na yata. Ah, puta! Ayoko na alalahanin! Basta gano’n na nga! Basta ako iyong tumapos sa kasigaan ni Spencer kaya ngayon ay mabait na tatay na
WILLOW I sighed as Nikias ended our convo. Kakatawag lang niya at tinatanong na naman ako kung kailan ko ba ihaharap ang tatay ng pinagbubuntis ko sa kanila. Ang dami ko nang dahilan at mabuti na lang nagagawa ko pang palusutan ang tanong kapag inaalam na ang pangalan ni Gani. Lumapit ako sa kama at nahiga na lang muna dahil nahihilo na naman ako. Mabuti na lang at kahit paano napapakiusapan ko pa si Nikias kaya pinoprotektahan pa niya ako kay Matthias. Pero alam kong mapupuno na sa akin ‘yon at kanina nga ay may taning na ako na ten days to introduce the man who impregnates me. Dahil nga rin sa sitwasyon ko kaya umalis muna ako sa mansion ni Alguien, kahit gusto ko sana roon para mabantayan ko si Chloe dahil nagwo-worry ako sa kaniya ay… “Oh, God… my life is really messy right now!” nasapo ko ang mukha ko at gusto kong maiyak. Kung sana ay nakausap na ng tatlo si Gani ay wala na sanang problema kaso ang sabi ay ayaw silang kausapin ni Gani at tinalikuran lang noong mahanap nila.
GANI “Gani!” tawag sa akin ni Poyong na hindi ko nilingon. Nakakabuwisit na ang gago, eh! Ilang araw na kasi siyang panggulo sa katahimikan ko. Binilisan ko ang paghakbang at binilisan din ng gago ang paghabol sa akin. Patawid na ako sa kalsada nang maabutan niya ako at pigilan. “Ano ba?!” asar kong palag at inalis ang mga braso niyang nakayakap na sa akin. “Nababakla ka na ba?!” tanong ko nang makahakbang ako ng tatlo palayo sa kaniya pagkatapos ko siyang itulak. “Tado ka naman, Gani, eh!” kumakamot na sabi nito. “Concern lang ako sa ‘yo kasi hindi ka na makausap ng matino. Tapos hindi ka na naliligo! Halos hindi ka na rin kumakain! Mag-ahit ka naman at pagupit! At saka… at saka mabaho ka na! Sana alam mo na pwede kang mabaliw sa ginagawa mo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Mabaho? Anong mabaho? Gago ito, ah! Sakto naman na may mga estudyanteng dumaan sa gitna namin. At dahil nakaharang kami sa daanan ay napatingin sa amin, lalo na sa akin, pagkatapos ay nagtakip ng m