MAKAHULUGAN ang titig kay Aedam ng kaibigan. Maayos na natapos ang meeting niya. Ngayon ay magkaharap sila at kapwa naguguluhan. Nagtatanong ang mata nito sa kaniya, at maging siya. But still, hindi niya maalala.
Clueless. Speechless. Nganga. As in, wala siyang idea kung paano at kailan nangyari. Gumagamit siya ng protection kaya paano siya magkakaroon ng anak? "Daddy, I want chicken po." Sabay na gumawi ang tingin nila sa batang kumakain. Magalang ito. Cute. Tiyak na magandang ang ina ng batang ito. "Please po, daddy." Sumenyas sa kaniya si Tyron. Salubong ang kilay na sinunod niya ito. Gamit ang fork at spoon ay pinaghimay niya ito ng fried chicken. Inilagay iyon sa pinggan ng bata. "Thank you po, daddy. You're the best po. I love you po." May tila malamig na kamay ang humaplos sa puso niya matapos nitong ngumiti at marinig ang salitang binitiwan nito. Yung tipo na, feeling proud daddy siya, pero hindi talaga niya matandaan at wala siyang maalala sa mga nakaniig na hindi gumamit ng protection. "I used c**dom. Bago lahat and it's all branded. Hindi iyon mabubutas. Hindi naman puwedeng lumipad ang sperm ko sa matris ng nanay niya? Kaya, imposibleng anak ko iyan!" Napatunghay ang mata niya sa kaharap na kaibigan. "But she looks like you." Sabay na napabaling ang paningin nila sa batang maganang kumakain. Kamukha nga niya ito. Hindi niya napigilan ang sarili na lumunok ng laway "Para kayong pinagbiyak na bunga," sabi pa ni Tyron. "Ang kaibahan nga lang, wala kang dimple... sa p*wet ka lang merun." "Sira talaga ang ulo mo! Kung wala kang magandang sasabihin--" "Are you fighting po?" Natigil ang bangayan nila. Sabay na dumako ang paningin nila rito. Para itong anghel na kayang paamuin ang isang tigre. "No, baby," tugon ni Tyron. Inabot pa ng kaibigan niya ang pisngi nito. "Hey!" Maagap siyang pumalag. "Don't touch her!" Inalis niyang pilit ang kamay ng kaibigan sa pisngi ng bata. Ewan ba niya kung bakit siya nakararamdam na para gusto niyang ipagdamot ang bata sa iba. "Aw! Hinihipo ko lang naman ang pisngi niya. Ang cute kasi. Huwag mo namang ipagdamot ang anak mo sa akin," pang-aasar nito sa kaniya. "Shut up! Or else--" "Or else what?" Pinukol na lang niya ito ng masamang tingin, at muling itinuon ang paningin sa batang magana ng kumakain. Numumutok ang magkabilaang pisngi nito dahil sa pagkain. Sino kaya ang ina ng batang 'to? "Alam mo, p're, matalino siyang bata. Mukhang nagmana nga sa iyo." "Paano mo nasabing nagmana siya sa akin? E, hindi ko pa naman nakikilala ang ina nito! Hindi natin alam, sindikato pala ang may pakana nito." "Ay, ang taas agad ng nalipad ng utak mo, boss. Naririnig ka ng anak mo, oh." Inginuso nito ang katabi niyang bata. "I'm full po, daddy." Itinulak ng bata ang pinggan. May kaunti pang kanin pero ubos na ang hinimay niyang manok. "Thank you po, daddy." "W-welcome," pilit siyang ngumiti rito. Ibinigay niya ang iced tea rito at dahil maliit ang kamay ay dalawang palad ang ginamit nito para mahawakan ang baso. "Ako na lang ang maghahawak." Sinunod ng bata ang sinabi niya. Maingat niyang hinawakan ang baso at nagsimula itong uminom. Nangalahati ang laman ng baso. "Thank you, daddy." Ang cute ng bata. Palagi itong nagpapasalamat sa kaniya. Maganda ang pagpapalaki ng ina rito. Ibinalik niya ang baso sa gilid ng pinggan. "Umm, baby, what's your mother name, baby?" kapagdaka ay tanong ng kaibigan. Sumikdo ang puso niya sa tanong ni Tyron. Ewan ba niya kung bakit. "My mom..." Nag-isip ito. Matagal. Ang ending umatungal ito. "Waaahhh... daddy, I don't know po. Am I bad po? I forgot my mom." Muli silang nagkatinginan ni Tryon. Pinagloloko ba sila ng batang ito? At nang muling matuon ang paningin niya sa bata ay biglang nagbago ang awra nito "Shit!" murang lumabas sa isip niya. Ang mata nitong namumungay ay tutok na tutok sa kaniya. Paramg nagpipigil ng kung ano. "You need anything?" "Daddy, nawewewe po ako." "What?" "Wewe ako, daddy." Namimilipit ang bata. Hindi malaman kung ano ang gagawin." "F*ck! Nasaan ba kasi ang ina nito? Gagawin pa yata akong nanny." Humingi siya ng tulong sa kaibigan. "Tyron, what will I do?" "Then, samahan mo siya sa comfort room." Tarantang tumayo siya. Binuhat ang batang hindi pa rin niya kilala. Mabibilis ang kaniyang hakbang. Huminto siya sa tapat ng ladies at men's room. Saan siya papasok? Nanggigil na siya sa sobrang inis. "Daddy, hurry up po!" Mas lalo siyang nataranta. At ang ladies room ang napali niya. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa paningin niya ang mukha ng babaing palabas. "Sir, ladies room ito. Doon sa kabila ang mens roon." "Oh! I'm sorry. I'm with--" "Daddy, wewe na po ako." Lumabi ang batang kalong niya na lalong nagpataranta sa kaniya. "Oh, God!" Humakbang siya patungo sa men's room. "Wait lang, sir. Akina ang anak mo. Sasamahan ko na siya sa loob," sabi ng babaing nakasalubong niya. "Thank you," aniya. Nakahinga siya ng maluwag. Ibinigay niya rito ang bata. Matapos ang ilang minuto, muling lumabas ang babae, akay nito ang bata. Humawak sa palad niya ang bata. "Thank you po, tita ganda. Ba-bye po," kumaway pa ito sa babae. "Thank you, miss." "Misis na ako, sir." "Oh, sorry. Mukha ka kasing dalaga." May laman ang sinabi niyang iyon. Actually, maganda ito. Pasok sa kaniyang standard, kaso misis na raw pala. Hindi niya type pumatol sa may asawa, kaya pass na lang. Ngumiti lang ito. "Ang cute ng anak mo, sir. Halatang sa iyo nanggaling." Nauna itong umalis. Naiwan siyang halos hindi na makagalaw. Kamukha nga ba talaga niya ang bata? Anak nga ba talaga niya ito? But, how? Why? Nagising ang diwa niya nang kalabitin siya ng bata. "Daddy..." "Oh, sorry. Let's go." Magkahawak ang kamay nila nang bumalik sa mesa. Naabutan nilang may kausap sa phone ang kaibigan niya. Hindi na siya umupo, hinintay na lang niyang matapos ang pakikipag-usap nito. Kailangan niyang pumunta sa office, may pipirmahan pa siyang papeles. Tumayo na ang kabigan niya at lumapit sa kaniya. "Sa office ba tayo ngayon?" Halos maiyak na siya habang tumatango, na ikinakunot ng noo ni Tyron. "Oh, e, bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang hindi mapaanak na pusa." "How about the child?" halos pabulong niyang tanong. Hindi niya magawang tingnan ang batang nakahawak sa kaniya. Tiyak na magpapa-cute na naman ito. "Isama mo. Problema ba iyon?" "Ano? Bakit ko siya isasama? E, hindi ko nga kilala ang batang ito!" may diing sagot niya. Natatawang umiling ang kaniyang kaibigan. "Ang laki talaga ng problema mo, p're. Simple lang ang solusyon diyan, ipa-DNA test." Pagkawika nito'y naglakad na ito palabas. Naiwan siyang awang ang bibig. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa bata. Wala ba itong kasama nang pumunta rito? Pumantay siya rito at malayang pinagmasdan ang mukha nito. Kamukha nga niya. Kung totoo man na anak niya ito..."Bullshit na sperm! Pakalat-kalat kasi sa daan!" angil niya sa sarili. "Baby, wala ka bang kasama nang pumunta rito?" malumanay niyang tanong dito. "Merun po. Ang tita ninang ko po. Bad po ako, daddy. She said, huwag akong aalis sa tabi niya, pero ginawa ko pa rin," humibi ito, pero sa halip na maawa ay natuwa pa siya. Lalo itong naging cute sa paningin niya. "Okay-okay. Don't cry. Sama ka na lang sa akin." Hindi naman siguro siya kakasuhan sa gagawin niya. Besides, siya raw ang ama ng bata. Binuhat na niya ito at nagtuloy sa labas. Naabutan niyang may kausap na naman sa phone ang kaibigan niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Binuksan niya ang passenger seat at maingat na isinakay ang bata. Ikinabit din niya ang seatbelt nito. "Hey! Magkita na lang tayo sa office," paalam niya sa kaibigan. Tumango lang ang kaibigan niyang abot-tainga ang ngisi. Mukhang babae na naman ang kausap nito. Ganoon silang magkakaibigan kapag babae ang kausap, daig pa ang naka-jackpot ng premyo. Sumakay na siya at dahil may kasama siyang bata, malumanay lamang ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. Laking pasasalamat niya dahil walang gasinong traffic. Pagka-park niya ng sasakyan ay saka pa lamang niya napansin ang batang nahihimbing na sa pagtulog. Maingat siyang lumabas at gumawi sa kinaroroonan nito. Ingat na ingat siya na huwag makalikha ng anumang ingay. Ang bata na lang ang dinala niya, ipakukuha na lang niya sa kaniyang secretary ang kaniyang gamit. Inihilig niya ito sa kaniyang dibdib. "You're so cute," puri niya rito. Nakakagigil at parang ang sarap pisilin ng maumbok nitong pisngi. Sa entrance ng building ay nagsipangtinginan ang mga empleyado sa kaniya, may mangilan-ngilan na bumabati at mayroong hindi makapaniwalang may bitbit siya ngayong bata. Hindi na lang niya pinansin ang mga mapanuring mata, tiyak na magigising ang bata kapag nagbubulyaw pa siya. Pagkarating sa office ay sinalubong siya ng secretary, at tulad din ng mga tao sa ibaba, nakanganga rin ito. Gustong magtanong pero hindi maituloy-tuloy. "What?" iritadong tanong niya. "N-nothing po, sir." Bago pa tuluyang uminit ang ulo, inutusan niya itong kunin ang mga gamit niya sa sasakyan. Ibinigay niya ang susi rito at nagtuloy na pumasok sa loob ng office. May room siya roon, ipinagawa niya para may mapagpahingahan siya. Maliit lang ang bed, sakto lang sa kaniya. Maingat niyang ibinaba roon ang bata. "Daddy...I love you po." Nagsalita ito ngunit pikit ang mata. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig iyon sa bibig ng bata. Bakit parang ang saya niya? Ganito ba ang pakiramdam ng isang ama? Anak ba talaga niya ito? "DNA test..." Iyon ang pumasok sa utak niya. Ang tanging kasagutan para mapanatag ang kalooban niya. But what if kaniya nga ito? Sinong ina? Ipinilig niya ang ulo. Saka niya iisipin kung sino ang ina nito, sa ngayon ay kailangang masagot ang mga tanong niya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinuha niya ang gunting sa kaniyang mesa at gumupit ng ilang hibla ng buhok ng bata. Bago siya lumabas ng room, sinigurado niyang hindi ito mahuhulog. Nang dumating ang kaniyang secretary ay inutusan niya itong dalahin ang envelope na may lamang buhok nila ng bata. Gusto sana niyang siya mismo ang mag-aabot pero tambak ang gagawin niya. Nasa kalaghatian na siya ng binabasa nang pumasok si Tyron. Tinatanong nito ang bata. "In my room, why?" tanong niya na hindi umaangat ang mukha. "Wala lang." Naantala ang gagawin nitong pag-upo nang may narinig silang matinis na sigaw. "Daddy..." Mabilis pa sa hangin ang ginawa niyang pagtakbo. Kasabay ng kaniyang pagtakbo ay pagbilis ng tibok ng puso niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoong kaba. Nag-unahan pa sila ni Tyron papasok sa kaniyang room. "Daddy..." Nakaupo ang bata. Umiiyak at ang hinga ay tila mapupugto na. "Oh, God!" Agad niya itong niyakap. Ang maiiksi nitong braso ay pumulupot sa kaniyang baywang niya. Why does he seem to feel her fear? "What happened, baby?" "Nanaginip po ako, daddy. Si mommy, kinuha po siya ng monster. I'm scared, daddy." Muli itong pumalahaw ng iyak. Nagkatinginan sila ni Tyron. Hinihintay niyang kumalma ito, pero hindi tumitigil sa pag-iyak ang bata. Binuhat niya ito at nagtungo sila sa labas. Humihikbi pa rin. Iniupo niya ito sa couch. "Don't cry." Umupo siya sa harapan nito. "It's just a dream, baby." Pinahid niya ang luha sa namumulang pisngi ng bata. "Tahan na. Okay?" Pinipilit yata nitong ikalma ang sarili. "O-opo." "Good girl. Huwag mo nang isipin ang iyong panaginip. Never na mangyayari iyon, okay?" "Opo." Ang ilong nito'y pulang-pula na. "Daddy, sipon." Ano raw? Nagtatanong ang matang tiningnan niya ang kaibigan. "Sipon, daddy," muling salita ng bata. Pigil ni Tyron ang pagtawa. Mukhang na-gets na nito ang ibig sabihin ng bata. "A-ano bang sipon ang sinabi mo, baby?" Tinamaan ka ng lint*k, Aedam! Bakit kasi ikinalat mo ang 'yong sperm sa daan? Nagkaroon ka tuloy ng obligasyon. "Waahhh... daddy, sipon," atungal muli nito."MARRIE?"Umiling si Aedam. Iniisa-isa ni Tyron ang mga babaing nakadaupang-kama niya. Pero, panay iling siya. Ang iba sa binabanggit nito'y hindi na niya matandaan. Imposibleng sa kaniya ang batang 'yan!"Dhalia."Iling ang isinagot niya."Fiona.""No!""Grace.""Who's Grace?""Yung mestisang maarte."Umiling siyang muli. Naalala niya ang babaing sinasabi ng kaibigan at hindi niya napigilang mapahagalpak ng tawa. Ayaw na ayaw ng babae ng pagkaing chicken adobo, panay ang ang 'eeww' at 'yuck' nito sa pagkain, wari bang mamamatay kapag kumain n'on. Maarte ring magsalita at ayaw na ayaw niya sa ganoong uri ng babae napilitan lang talaga siya."Riz."Nagsalubong ang kilay niya. "Yung babaing pa-hard to get, bibigay din naman pala.""No," tanggi niya. "Hindi rin siya. Kailan lang kami nagkakilala ni Riz, at gumamit ako ng c*ndom nang mag-s*x kami." "Paano kung nabutas?"Matalim na tingin ang itinugon niya rito."Okay. I think, kay Laila iyan," tukoy nito sa isang babae na nabunggo niya
NAPUNO ng halakhak ang office ni Aedam dahil kay Avi at ama niya. Ngayon lang niya narinig ang ganoong tawa mula sa ama simula nang mawala ang kaniyang ina. Iba nga siguro kapag may apo na ito. Nagkaroon muli ito ng ibayong sigla, tulad nang nabubuhay pa ang mommy niya. But what if, hindi niya anak si Avi? What if, bawiin ito ng tunay na magulang? Tiyak na masasaktan ang kaniyang ama.Naitanong niya sa sarili, ito na ba ang panahon para magseryoso siya? But he hates commitment. And ayaw niya ng obligasyon sa pamilya. Masaya siya sa pagiging single. "They're having fun," pukaw ni Tyron. Hindi niya binigyang-pansin ang sinasabi nito. "How many Zamoras did you find?" Iba ang lumabas sa bibig niya."One.""One?" Salubong ang kilay na pinaikot ang upuan upang harapin ang kabigan. "Pinagloloko mo ba ako?""Yes, one. One thousand in a different places"Lalong nadagdagan ang pagkakakulot ng kilay niya. "Are you f*cking serious?""Aha! Not to mention in other countries."Bahagyang umawang an
"SH*T!" Ilang mura na ang lumabas sa bibig ni Aedam. Hindi pa rin niya matagpuan si Avi. Paroo't parito na siya sa loob ng security office. Hindi na halos maipinta ang hitsura."Sorry po, sir. Pero, hindi po gumana ang CCTV sa lobby area kanina.""What? Are you f*cking serious?" Paanong nangyari na hindi gumana? Sila na isa sa matayog ang kompanya, sira ang CCTV?"Y-yes po, sir.""Why?" "Hindi po namin alam." Mabilis ding nagyuko ang kausap niya."Lahat ng CCTV, hindi gumana?" Umuusok na ang ilong niya sa galit."H-hindi naman ho, Sir. Kaso hindi kayo nahagip. Siguro po'y nagkaroon ng depekto ang ilang CCTV sa lobby.""Damn it!" mura niya. "Fix it as soon as possible!""Right away, Sir."Lumabas na siya ng security office. Ang dibdib niya'y napupuno na ng galit. Kapabayaan niya kung bakit nawawala si Avi. Bumalik siya sa lobby para i-check kung bumalik ba roon ang bata. May pagmamadali sa kilos niya. Tinanong niya ang in-charge sa information, ngunit bigo pa rin siya. "Oh, God! Saan
PINAGKAGULUHAN ng magkakaibigan si Avi, na halos ikangitngit ng kalooban ni Aedam. Inis na inis siya sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang anak. Paulit-ulit na pinipisil ang pisngi nito. May pa-halik pang kasama. "Enough!" "Wait lang naman, dude. Huwag mong ipagdamot ang anak mo sa amin!" angil ni Drake."Nakakagigil ang anak mo, p're." Tumayo si Zeus. "Can we go to mall? Gusto ko siyang bilihan ng mga gamit." "Oo nga!" Sinang-ayunan ito ni Jack."Me, too. Dress ang sa akin--""No!" pigil niya kay Kent. "We're not going to anywhere. Uuwi na kami, naghihintay sa amin ang lolo niya. At ikaw, Jack," baling niya rito. "May pinapaayos pa ako sa iyo, hindi ba?""Dude, maintindihan naman siguro ni Tito Damian kung hihiramin muna namin ang apo niya." "I said no!" giit niya. "Pagpahingahin niyo muna ang bata."Laglag ang balikat ng apat. Muling hinarap ni Drake ang anak niya. "Tomorrow na lang, baby. Isasama ka namin sa mall, okay lang ba iyon. You want toys? Barbie... or what?" Ngumiti ito.
"SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang si
TULAD ng sinabi ni Aedam sa mga kaibigan, isinama niya si Avi sa office, isa pa'y wala rin ditong magbabantay kapag iniwan niya. Ang daddy niya'y may aasikasuhin sa Cebu, pupuntahan nito ang ipapatayo nilang branch doon. Siya sana ang pupunta pero ayaw niyang iwan ang bata. "Baby, stay ka lang muna rito, ha! May gagawin lang si Daddy." Iniupo niya ito sa couch. "Okay po, daddy.""Do you want to watch a cartoon movie?"Umiling ito. "No po. Play na lang po muna ako.""Okay. Kung nagugutom ka, magsabi ka lang." Nakapag-almusal na sila bago umalis. Nagbaon din siya ng milk, in case na humingi ito.Tumango ang bata. Nagtungo na siya sa harap ng mesa. Ilang sandali pa ay naging busy na siya. Maya't maya ang pasok ng secretary niya. May isinubmit itong report. Manaka-naka'y sinusulyapan niya ang anak, busy pa rin ito sa mga laruang bigay ng mga kaibigan niya. Malapit nang sumapit ang tanghalian nang gambalain siya ng ni Drake. May dala itong pizza at ang paborito ni Avi, fried chicken fr
KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamatigas na sumunod sa kaniya. "May sasabihin ako, bilisan niyo! Huwag niyong sayangin ang oras ko, kundi hindi niyo na makikita ang bata." Maliksing nagsipagkilos ang mga ito. Lumapit sa kaniya habang ang bata ay tila walang pakialam. Nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga ito. "Lumabas na ang result ng DNA test at positive, he's my daughter." "Oh, tapos?" nakangiwing tanong ni Kent. "Dude, kita naman ang ebidinsiya, kamukhang-kamukha mo ang bata," tinig ni Drake na base sa mukha ay naiinis ito. "Kailangan pa palang ipa-DNA test para maniwala kang sa iyo ang bata," segunda ni Zeus. Napipilan siya, ngunit agad ding nakahuma. "Gusto ko lang maniguro
"G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang
NAKATULOG na si Avi habang hawak ang kamay ni Meadow. Ang mga kaibigan ni Aedam ay nagsiuwi na, pero nangakong babalik kinabukasan. Nagpapasalamat siya dahil hindi iniwan ni Drake ang kaniyang anak. Ang anak nadamay sa sigalot na napasukan niya. Dalawang taon niyang hindi ito nakapiling. Alam niyang nagdusa rin ito tulad niya, mas matinding paghihirap pa ang pinagdaanan nito. Ramdam niyang na-trauma ito sa nasaksihang pagbaril sa kaniya. May sinabi pa ang ama nitong pinatingnan ito sa psychiatrist. Nangingiting hinahaplos-haplos niya ang buhok, maging ang pisngi nito. "Ang laki mo na, 'nak." Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala, sisiguraduhin niyang mapupunan ang mga oras na nagkawalay silang mag-ina. Ibibigay niya ang lahat dito. Ang tagal niyang tila nagngapa sa ditna ng karimlan, pinsan at ang lugar kung saan nag-ugat ang lahat, doon pala manunumbalik ang kaniyang nawalang memorya. Ang bahay na 'yon, tahanan dati ni Brenda at ng magulang nito. Maraming beses siyang isinama ng
MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si
"HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi
HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is
NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m
ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang
GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim