Share

Chapter 3

Author: Writer Zai
last update Huling Na-update: 2025-01-07 14:45:16

"MARRIE?"

Umiling si Aedam. Iniisa-isa ni Tyron ang mga babaing nakadaupang-kama niya. Pero, panay iling siya. Ang iba sa binabanggit nito'y hindi na niya matandaan. Imposibleng sa kaniya ang batang 'yan!

"Dhalia."

Iling ang isinagot niya.

"Fiona."

"No!"

"Grace."

"Who's Grace?"

"Yung mestisang maarte."

Umiling siyang muli. Naalala niya ang babaing sinasabi ng kaibigan at hindi niya napigilang mapahagalpak ng tawa. Ayaw na ayaw ng babae ng pagkaing chicken adobo, panay ang ang 'eeww' at 'yuck' nito sa pagkain, wari bang mamamatay kapag kumain n'on. Maarte ring magsalita at ayaw na ayaw niya sa ganoong uri ng babae napilitan lang talaga siya.

"Riz."

Nagsalubong ang kilay niya.

"Yung babaing pa-hard to get, bibigay din naman pala."

"No," tanggi niya. "Hindi rin siya. Kailan lang kami nagkakilala ni Riz, at gumamit ako ng c*ndom nang mag-s*x kami."

"Paano kung nabutas?"

Matalim na tingin ang itinugon niya rito.

"Okay. I think, kay Laila iyan," tukoy nito sa isang babae na nabunggo niya nang minsang pumasyal sila sa mall.

"No. Hindi siya," sagot niya. Nakatitiyak siyang hindi si Laila dahil-- "Wait! Ang mga binabanggit mo nama'y bago ko lang naka-one night stand. P're, yung matagal na. Apat na taon na ang bata!" gigil niyang saad.

"At sa palagay mo'y matatandaan ko pa ang naging babae mo? Ang lupit mo naman kasi, p're! Shoot na shoot. Magaling ka pala sa basketball, magaling ka kasing magpasa--"

"Kapag hindi ka tumigil, ipapasok ko itong kamao ko sa bunganga mo!" Iniumang niya ang kamao rito.

Napahinga siya ng malalim. Itinuon ang tingin sa batang nanunuod sa cellphone niya. Laking pasasalamat niya dahil walang ibang naka-save roon.

"P're, sa iyo talaga iyan. Hawig na hawig mo siya, e."

Muli siyang napahinga ng malalim. Kung kaniya nga ito, kung siya nga ang ama nito, magampanan kaya niya ang pagiging ama rito? Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip kung sinong posibleng ina ng batang ito.

He massage his temple.

"Daddy, do you love me po ba?"

Bumadha ang gulat sa mukha ni Aedam nang magtanong ang bata. Mabilis siyang napaangat ang mukha. Naumid ang kaniyang dila. Wala siyang maisagot o mas tamang sabihing hindi niya alam ang isasagot. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayang nasa tabi na pala niya ito.

"Daddy..."

"Y-yes, baby?"

"Love mo po ba ako?"

Humingi ng saklolo ang mata niya sa kaibigang kampanteng nakaupo sa couch, pero sa halip na tulungan siya, nginisihan pa siya ng sira-ulo niyang kaibigan. Bago pa niya maisip na tadyakan ito, ibinaling na niya ang tingin sa bata. Inakay niya ito patungo sa tabi ni Tyron. Iniupo ito. Siya nama'y umupo sa harapan nito. Itinukod niya ang dalawang siko sa magkabilang tabi nito, parang binabakuran gamit ang bisig.

"Baby, kahit sinong tao, mamahalin ka. Kasi, super cute mo. And yes, l-love na kita, kahit ngayon pa lang tayo nagkita." Masuyong haplos ang iginawad niya sa pisngi nito.

"Talaga po? Pero, sabi po ni Mommy, hindi mo raw po ako love, kasi hindi mo po siya love."

Kinain niya ang salitang isasagot sana rito. Tulad sa una nitong tanong, wala na naman siyang maapuhap na maisasagot dito.

"Baby, sino bang mommy mo?" Narinig niyang tanong ng kaibigan.

"My mom po?" Humibi ito. "Miss ko na po siya. Hindi po ako sanay na wala siya. Daddy, balik niyo na po ako sa kaniya. O-okay lang po, k-kahit hindi mo ako love." Tuluyan na itong humikbi. Nasundan nang mumunting iyak.

Parang biniyak ang puso niya sa mga sinabi nito. "Oh, my little princess! I'm sorry." Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito. "I really don't know your mother, pero isa lang ang masisiguro ko sa iyo, love na kita. Stop crying na. Ayokong nakikita kang umiiyak, kasi nasasaktan si daddy," malumanay niyang sabi rito. Gamit ang daliri ay pinahid niya ang luhang namamalisbis sa pisngi nito. "Sisipunin ka na naman." Natawa siya sa binitiwang salita. Sa nagdaang nangyari, hindi siya magkandaugaga sa ginawang pagpunas ng sipon nito. Ang masama, wala pang tissue sa mesa niya, at ang ending, tissue ng kaniyang secretary ang naubos niya.

"Sorry po, daddy." Yumakap na rin ito sa kaniya, at muli naramdaman niya ang kakaibang pitik ng puso. "Hindi na po ako iiyak, daddy. Promise po."

"That's my girl!" Pinatakan niya ng halik ito sa pinsgi.

Gumuhit ang masiglang ngiti sa labi nito, at kita niyang kumislap ang mata nito. "Love you po, daddy." Yumapos ang malilit nitong braso sa kaniyang katawan.

"Love you, too," ganting sabi niya rito.

Hindi man niya aminin, pero may bahagi ng puso niya ang natutuwa simula nang makilala ang bata. Instant daddy siya. Para siyang naka-jackpot, sobrang cute ng anak niya. Hindi man niya kilala ang ina ng bata, nakatitiyak siyang maganda at mabuting babae ito.

"Baby, ano nga pala ang pangalan mo?"

Napaangat ang mukha niya matapos marinig muli ang tanong ng kaibigan. Nasa tabi na pala nila ito. Ang bata nama'y bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya.

"What is your name, baby?" ulit ng kaibigan niya.

"Name ko po, Avianna po, but Tita Ninang call me Avi po."

"Your full name? I want yo know your full name."

May takot na tumingin sa kaniya ang bata. Tila humihingi ito ng saklolo. Naunawaan niya iyon.

"P're, hayaan na lang muna natin siya. Huwag mong pilitin ang anak ko."

"Anak mo?" Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ng kaibigan niya.

"Tsk. Huwag ka nang kumuda," angil niya't binalingan ang bata.

Umalis ito sa tabi niya. Tinungo ang mesa niya na ipinagtaka niya. Sumampa ito sa inuupuan niya.

"Careful," habol niya rito.

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang sa pagsampa nito'y gumalaw ang upuan niya. Ngiti ang itinugon nito sa kaniya. Heto na naman ang kakaibang pitik ng puso, iba talaga ang dating ng ngiting iyon sa kaniya. Hindi na siya nakasagot. Dumampot ito ng papel. May hinahanap pa ang mata nito. Ballpen pala. Nagsimula itong gumuhit. Hinintay niya itong matapos. Naramdaman niya ang paglapit ni Tyron. Ipinakita nito ang isinulat sa papel. Hindi maayos ang pagkakasulat pero nababasa nila.

“Avianna Pearl Zamora”

Nagkatinginan sila ni Tyron matapos makita ang nakasulat sa papel.

"Zamora?" panabay pa nilang banggit.

"Ito ba ang name mo?"

Tumango ang bata. Muli, nagkatinginan silang magkaibigan. Inutusan niya itong i-search sa internet ang pangalang Zamora.

"Daddy, I want water po."

"Sure, baby."

Tinungo niya ang water dispenser at kumuha roon ng tubig. Nang ibibigay na niya ang tubig sa bata ay bumukas ang pinto. Iniluwa ang humahangos niyang ama.

"Where is she? Where is my grand daughter?" aligagang tanong nito na nakaharap kay Tyron.

Slow motion ang ginawang pagtutok ng paningin nito sa direksiyon nila. Awang ang bibig niya nang magtama ang mata nila ng kaniyang ama. Nagpapalit-palit ang tingin nito, sa kaniya at sa batang nasa tabi niya.

May humihila sa suot niyang pantalon. "Daddy, water po. Daddy..."

"H-huh? Ah, oo. Here's your water, baby." Siya na ang humawak ng baso. Maingat niyang inilapit iyon sa bibig ng bata.

"Thank you po, daddy."

Ngumiti siya, "Welcome. Go back to your seat, baby."

"Opo." Masigla siyang sinunod nito.

Sinundan niya ito ng tingin. Kinapa niya ang kaniyang loob. Sa ilang oras na kasama niya ito, parang kilala na niya ito. Parang gusto na niya niyang ariin ito bilang anak. Pero, naguguluhan pa rin siya.

How?

When?

Where?

Iyan ang mga katanungang nasa isipan niya. Paano nangyari? Saan niya nakilala o saan sila nagkatagpo ng ina nito?

"Siya ba ang apo ko?"

Bumalik siya sa reyalidad nang marinig ang baritonong tanong ng ama. Unti-unti itong lumapit sa bata. Pumantay ito ng upo. Pinakatitigan ito.

"Dad," lumapit na rin siya rito.

"Where is her mother?" Tumayo na rin ito at hinarap siya.

"I-I don't know, dad," pikit-mata niyang tugon.

"What do you mean? Hindi mo alam kung nasaan ang ina ng anak mo?" bulyaw nito sa kaniya.

"Dad--"

"Daddy, bakit po sinisigawan ka niya?"

"No, baby." Sinulyapan niya ang bata. "Nag-uusap lang kami. And he is your lolo." Ubod-tamis siyang nakangiti habang ipinapakilala ang ama niya sa bata.

Tumayo ito. Humakbang patungo sa kaniya, humawak ang maliit nitong kamay sa pantalon niya.

"Galit po siya sa iyo?"

Iniyukod niya ang ulo. Masuyong hinaplos ang malambot nitong pisngi. "Nope! Nag-uusap lang kami."

Hinarap naman nito ang kaniyang ama. "You are my lolo po ba?"

Awang ang bibig habang dahan-dahang ibinabaling ng ama ang tingin nito sa kaniya.

"Dad, tinatanong ka."

"Ahm, yes, baby." Umupo ito't niyakap si Avi. "I'm your lolo." Makahulugang siyang tiningnan ng ama.

"Anak, balik ka na sa tabi ni Tito Tyron, mag-uusap lang kami ng lolo mo."

"Okay po."

Hatid-tanaw niya ito patungo sa tabi ni Tyron, at napansin niyang abot-tainga ang ngiti ng kaniyang kaibigan.

"Sira-ulo talaga!"

Sumunod siya sa ama sa gilid ng office niya. Mukhang ayaw iparinig sa bata ang pag-uusapan nila.

"Now, tell me, paano mong naging anak ang batang iyan?"

Nakaramdam siya ng biglang pagkauhaw. Napalunok siya ng laway, pero hindi iyon sapat. "Dad, hindi pa naman siguradong sa akin ang bata. Kaya nga, nagpa-DNA test na kami."

"And what if sa iyo?"

Hindi siya nakasagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang gagawin kung sakaling anak nga niya ito.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, Aedam, na-karma ka na. Pero sa lahat ng karma, ito ang pinakagusto ko." Gumuhit ang ngiti sa labi nito na ikinaawang ng bibig niya. Inakbayan pa siya. "Congratulation, anak. Pagdating sa ganiyan, I'm proud of you. Ang gandang bata. Maganda talaga ang lahi natin."

Nadagdagan ang pagkakaawang ng bibig niya. "Hindi ka galit, dad?"

"No! Bakit ako magagalit? Natupad na ang pinakaaasam-asam ko... ang magkaroon ng apo." Muli itong ngumiti. Binitiwan na siya nito't tumingin sa bata. "Hanapin mo ang ina niya at gusto ko'y sundan mo na ang batang iyan--"

"Dad!"

"What?"

Kumamot siya sa batok. "Hindi ganoon kadali ang gusto mo."

"Anong hindi? Ayan ang katibayan, oh!" Itinuro nito si Avi. "Gusto ko'y lalaki naman, anak. Shap shooter ka naman. Magaling ang iyong semilya. Natumbok mo agad!"

"Dad, hindi pa naman ho tayo nakasisiguro na sa akin ang bata. At isa pa, gumagamit ako ng protection."

"Surrogate?"

"Dad, mas lalong hindi ako nagbenta ng sperm ko--"

Nahinto ang pagsasalita niya nang batukan siya nito. "Wala akong sinabing nagbenta ka ng sperm mo! Ka-lalaki mo kasing tao, napaka-burara mo. Kung saan-saan mo ikinakalat ang iyong katas! Sa dami ng naikama mo, hindi mo na matandaan kung saang sinapupunan lumipad ang katas mo!" bulyaw nito sa kaniya.

Napakamot na lamang siya ng ulo. Wala talaga siyang matandaan sa mga naikamang hindi siya gumamit ng protection. DNA test na lamang ang makapagpapatunay kung anak nga ba niya ito.

"But you know what, maganda ring lumipad ang sperm mo sa matris ng ina niya, magandang bata, e. Girl version mo ang bata."

Napailing na lang siya sa sinabi ng ama at saka'y sinulyapan ang bata.

Kaugnay na kabanata

  • INSTANT DADDY    Chapter 4

    NAPUNO ng halakhak ang office ni Aedam dahil kay Avi at ama niya. Ngayon lang niya narinig ang ganoong tawa mula sa ama simula nang mawala ang kaniyang ina. Iba nga siguro kapag may apo na ito. Nagkaroon muli ito ng ibayong sigla, tulad nang nabubuhay pa ang mommy niya. But what if, hindi niya anak si Avi? What if, bawiin ito ng tunay na magulang? Tiyak na masasaktan ang kaniyang ama.Naitanong niya sa sarili, ito na ba ang panahon para magseryoso siya? But he hates commitment. And ayaw niya ng obligasyon sa pamilya. Masaya siya sa pagiging single. "They're having fun," pukaw ni Tyron. Hindi niya binigyang-pansin ang sinasabi nito. "How many Zamoras did you find?" Iba ang lumabas sa bibig niya."One.""One?" Salubong ang kilay na pinaikot ang upuan upang harapin ang kabigan. "Pinagloloko mo ba ako?""Yes, one. One thousand in a different places"Lalong nadagdagan ang pagkakakulot ng kilay niya. "Are you f*cking serious?""Aha! Not to mention in other countries."Bahagyang umawang an

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • INSTANT DADDY    Chapter 5

    "SH*T!" Ilang mura na ang lumabas sa bibig ni Aedam. Hindi pa rin niya matagpuan si Avi. Paroo't parito na siya sa loob ng security office. Hindi na halos maipinta ang hitsura."Sorry po, sir. Pero, hindi po gumana ang CCTV sa lobby area kanina.""What? Are you f*cking serious?" Paanong nangyari na hindi gumana? Sila na isa sa matayog ang kompanya, sira ang CCTV?"Y-yes po, sir.""Why?" "Hindi po namin alam." Mabilis ding nagyuko ang kausap niya."Lahat ng CCTV, hindi gumana?" Umuusok na ang ilong niya sa galit."H-hindi naman ho, Sir. Kaso hindi kayo nahagip. Siguro po'y nagkaroon ng depekto ang ilang CCTV sa lobby.""Damn it!" mura niya. "Fix it as soon as possible!""Right away, Sir."Lumabas na siya ng security office. Ang dibdib niya'y napupuno na ng galit. Kapabayaan niya kung bakit nawawala si Avi. Bumalik siya sa lobby para i-check kung bumalik ba roon ang bata. May pagmamadali sa kilos niya. Tinanong niya ang in-charge sa information, ngunit bigo pa rin siya. "Oh, God! Saan

    Huling Na-update : 2025-01-15
  • INSTANT DADDY    Chapter 6

    PINAGKAGULUHAN ng magkakaibigan si Avi, na halos ikangitngit ng kalooban ni Aedam. Inis na inis siya sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang anak. Paulit-ulit na pinipisil ang pisngi nito. May pa-halik pang kasama. "Enough!" "Wait lang naman, dude. Huwag mong ipagdamot ang anak mo sa amin!" angil ni Drake."Nakakagigil ang anak mo, p're." Tumayo si Zeus. "Can we go to mall? Gusto ko siyang bilihan ng mga gamit." "Oo nga!" Sinang-ayunan ito ni Jack."Me, too. Dress ang sa akin--""No!" pigil niya kay Kent. "We're not going to anywhere. Uuwi na kami, naghihintay sa amin ang lolo niya. At ikaw, Jack," baling niya rito. "May pinapaayos pa ako sa iyo, hindi ba?""Dude, maintindihan naman siguro ni Tito Damian kung hihiramin muna namin ang apo niya." "I said no!" giit niya. "Pagpahingahin niyo muna ang bata."Laglag ang balikat ng apat. Muling hinarap ni Drake ang anak niya. "Tomorrow na lang, baby. Isasama ka namin sa mall, okay lang ba iyon. You want toys? Barbie... or what?" Ngumiti ito.

    Huling Na-update : 2025-01-16
  • INSTANT DADDY    Chapter 7

    "SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang si

    Huling Na-update : 2025-01-18
  • INSTANT DADDY    Chapter 8

    TULAD ng sinabi ni Aedam sa mga kaibigan, isinama niya si Avi sa office, isa pa'y wala rin ditong magbabantay kapag iniwan niya. Ang daddy niya'y may aasikasuhin sa Cebu, pupuntahan nito ang ipapatayo nilang branch doon. Siya sana ang pupunta pero ayaw niyang iwan ang bata. "Baby, stay ka lang muna rito, ha! May gagawin lang si Daddy." Iniupo niya ito sa couch. "Okay po, daddy.""Do you want to watch a cartoon movie?"Umiling ito. "No po. Play na lang po muna ako.""Okay. Kung nagugutom ka, magsabi ka lang." Nakapag-almusal na sila bago umalis. Nagbaon din siya ng milk, in case na humingi ito.Tumango ang bata. Nagtungo na siya sa harap ng mesa. Ilang sandali pa ay naging busy na siya. Maya't maya ang pasok ng secretary niya. May isinubmit itong report. Manaka-naka'y sinusulyapan niya ang anak, busy pa rin ito sa mga laruang bigay ng mga kaibigan niya. Malapit nang sumapit ang tanghalian nang gambalain siya ng ni Drake. May dala itong pizza at ang paborito ni Avi, fried chicken fr

    Huling Na-update : 2025-01-20
  • INSTANT DADDY    Chapter 9

    KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamatigas na sumunod sa kaniya. "May sasabihin ako, bilisan niyo! Huwag niyong sayangin ang oras ko, kundi hindi niyo na makikita ang bata." Maliksing nagsipagkilos ang mga ito. Lumapit sa kaniya habang ang bata ay tila walang pakialam. Nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga ito. "Lumabas na ang result ng DNA test at positive, he's my daughter." "Oh, tapos?" nakangiwing tanong ni Kent. "Dude, kita naman ang ebidinsiya, kamukhang-kamukha mo ang bata," tinig ni Drake na base sa mukha ay naiinis ito. "Kailangan pa palang ipa-DNA test para maniwala kang sa iyo ang bata," segunda ni Zeus. Napipilan siya, ngunit agad ding nakahuma. "Gusto ko lang maniguro

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • INSTANT DADDY    Chapter 10

    "G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • INSTANT DADDY    Chapter 11

    Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan

    Huling Na-update : 2025-01-23

Pinakabagong kabanata

  • INSTANT DADDY    Chapter 18

    ALIGAGA si Aedam habang nag-aabang sa pagdating ni Meadow. Nasa tapat siya ng CromX, kasama si Tyron, Kent at si Jack, na kararating lang. Bawat minutong lumilipas ay parang nauupos siyang kandila. Triple ang tibok ng puso niya. "C'mon, Meadow, dumating ka!" sumamo ng isipan niya. "I think she's here," hayag ni Jack na nakatutok ang mata sa 'di kalayuan. Matalas talaga ang mata't pakiramdam ng kaibigan niya. Sinundan niya ng tingin ang mata nito."Oh, God!" Kita niyang lakad-takbo ang babae. Hindi man niya nakikita ang mukha dahil sa nakatakip na sumbrero, alam niyang ito si Meadow. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, sinalubong na niya ang babae. "Aedam!" Mukhang balak siyang pigilan ni Tyron, pero wala na itong nagawa. Malalaki ang hakbang niya patungo sa naglalakad ding babae. Habang papalapit ito'y mababakas sa mukha ang sobrang pagod at takot na ikinahabag niya. "Meadow..." "Sir..." Nang makalapit ay tarantang yumakap ito sa kaniya. Pansin niya ang bahid ng dugo s

  • INSTANT DADDY    Chapter 17

    NANG sumunod na araw ay dumating ang mga kaibigan niya sa opisina. Binibisita si Avi. Tulad nang mga naunang araw, giliw na giliw na naman si Drake sa bata. Hindi na lang niya binigyang-pansin iyon. Naisip niyang binibiro lang siya ng kaibigan. Isa pa'y napakabata pa ng anak niya, ang kaibigan naman ay kaedaran niya. Naging maingay ang buong opisina niya dahil sa tatlo. Maya't maya pa ay pumasok si Tyron, may pinapipirmahan ito sa kaniya. Katatapos lang niyang pirmahan ang isa-submit na request paper ba dala ng kaibigan, para iyon sa new edition ng CromX, nang gambalain siya ng tawag sa private number niya. Unknown number na naman ang nakalagay. Nagsimulang dagain ang dibdib niya. Hindi kaya si Brenda ito? "H-hello!" "Hello po, Sir," sabi ng nasa kabilang linya. Mukhang nagmamadali. Nakahinga siya ng maluwag. Kilala na niya ang boses na iyon. Ewan ba niya, parang tumiim na sa isipan niya ang boses nito. "Si Meadow po ito." "What is it, Meadow?" Ramdam niyang may problem

  • INSTANT DADDY    Chapter 16

    NANG mag-isa si Aedam sa office, naging mabagal ang takbo ng oras para sa kaniya. Kahit inaabala ang isipan sa trabaho ay hindi pa rin niyang maiwasang isipin ang tungkol sa bata.Sumapit ang ika-lima nang hapon. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang tawag. Kung tatawag pa ba si Meadow."Oh, God! I hate this!" angil niya. Naihilamos ang dalawang palad sa mukha.At six o'clock in the afternoon, his cellphone still didn't ring. Hanggang sa sumapit ang ika-pito nang gabi. Laglag ang balikat na tumayo siya. Inayos na niya ang mga gamit, nagbabalak na lumabas na ng office. "Daddy..." Nagkagulatan pa sila ng buksan niya ang pinto. Bumungad sa kaniyang paningin ang namumungay na mata ni Avi, mukhang kagigising lamang. Lumuhod siya at ipinantay ang katawan sa bata. Ang maliit nitong braso ay pumulupot sa kaniyang leeg."I've missed you, daddy.""Miss mo na ako agad?""Opo, daddy." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Uhm, dad, is Tito Drake--" hindi nito itinulo

  • INSTANT DADDY    Chapter 15

    PAROO'T PARITO si Aedam sa loob ng office. Kung may buhay lang ang mga gamit, tiyak na nahilo na ang mga iyon sa kaniya. Hihinto lang siya sa tuwing sumasagap ng hangin. He massage his temple. "Argh! What I'm gonna do?"Nahinto siya sa pagparoo't parito nang bumukas ang pinto. Pumasok ang ama niya, bihis na bihis."Where is Avi?""Kinuha ni Meadow." Tinungo niya ang mesa at ibinagsak ang katawan sa upuan."Kinuha?" gulat nitong tanong. "As in... binawi?"Kita niya ang pagbalatay ng takot sa mukha nito. "No! Sinundo, may pupuntahan sila na birthday party, ninang yata ni Avi. Ibabalik din niya ang 'yong apo." Hinihilot ang noong umuupo siya."Nagkita na kayo ng ina ni Avi?" Para itong tsismoso na sumasagap ng balita. Umupo pa ito sa bangkong nasa harapan ng mesa niya. "Dad, kasasabi ko lang na sinundo ni Meadow si Avi, hindi ba? Malamang na nagkita kami!"Napaisip naman ito. "Oo nga pala! Sorry. By the way, anong sabi niya sa iyo?""Wala naman, dad. Hindi kami gasinong nakapag-usap.

  • INSTANT DADDY    Chapter 14

    "OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin kapag hindi tayo nakadalo."Bahagyang yumuko si Meadow. Kita niyang bumuka ang laylayan ng suot nito, parang gusto niyang puntahan at hilahin paibaba. Bakit ganoon ka-iksi ang suot nito? Hindi ba nito alam na kunting pagkakamali ay puwede na itong masilipan? Binuhat nito si Avi. "How's my baby? Hindi ka ba nagpasaway? Baka nama'y kinukulit mo ang 'yong daddy," saad nito.Ngumuso ang kaniyang anak. "Behave po ako, mommy. Tanungin mo pa si daddy." Sinalubong niya ang titig nito. Pinong ngumiti ang babae."Holy cow! Ang cute ng ngiti nito."Para siyang teenager na nginitian ng crush. Pakiramdam niya'y mahuhulog na ang kaniyang puso. "Baby heart, umayos ka! Tandaan mong nakadikit ka lamang ng k

  • INSTANT DADDY    Chapter 13

    LULAN na sila ng sasakyan patungong office. Abala ang anak niya sa pakikinig ng music, sinasabayan pa nito ang tugtog. Bumibirit din sa tuwing tumataas ang tono ng kanta. Hindi niya napigilang mapahalakhak sa ginawa ng kaniyang anak. Ibayong ligaya ang kaniyang nararamdaman. "Daddy, why are you laughing at me?" Pinigil niya ang pagdaan ng ngiti sa labi. "Coz, you are so cute, baby." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Mana lang po ako sa iyo, daddy." Natawa siya sa sinabi nito. Maya't maya pa ay sabay silang napatingin sa cellphone niya. Unknown number. Sumikdo ang kakaibang pitik sa puso niya. Ang ina ba ni Avi ang tumatawag? "Daddy, your phone!" Ilang ulit siyang kinalabit ng bata, nakatulala na pala siya sa phone. In-off muna niya ang stereo ng sasakyan, at binalingan ang phone na patuloy sa pag-ring. May panginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. "G-good morning po, Sir," bati ng nasa kabilang linya. Ang nanay ni Avi. Shit! Anong sasabihin niya?

  • INSTANT DADDY    Chapter 12

    TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa kaniya. Kaya pala alam nito ang number niya, hindi lang basta naka-s*x niya ang babae. Inapuhap niya ang papel na may picture nito. Tinitigan iyon. "Kumusta ka na kaya ngayon?" Ang bawat masasakit na salitang binitiwan niya rito'y daig pang kutsilyong humihiwa sa puso niya. Ngayon niya napag-isip-isip, bakit malaki ang galit niya kay Meadow? One week lang niya itong naging secretary pero parang taon ang ipinaranas niya rito. Sinulyapan niya ang anak na natutulog. Dinama niya ang tapat ng kaniyang dibdid nang gumuhit ang pamilyar na kirot doon. Ngayo'y hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro, nakokonsensiya lang siya, lalo na ngayong nagkaroon sila ng anak. Dinala siya ng paa

  • INSTANT DADDY    Chapter 11

    Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan

  • INSTANT DADDY    Chapter 10

    "G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status