KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamatigas na sumunod sa kaniya. "May sasabihin ako, bilisan niyo! Huwag niyong sayangin ang oras ko, kundi hindi niyo na makikita ang bata." Maliksing nagsipagkilos ang mga ito. Lumapit sa kaniya habang ang bata ay tila walang pakialam. Nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga ito. "Lumabas na ang result ng DNA test at positive, he's my daughter." "Oh, tapos?" nakangiwing tanong ni Kent. "Dude, kita naman ang ebidinsiya, kamukhang-kamukha mo ang bata," tinig ni Drake na base sa mukha ay naiinis ito. "Kailangan pa palang ipa-DNA test para maniwala kang sa iyo ang bata," segunda ni Zeus. Napipilan siya, ngunit agad ding nakahuma. "Gusto ko lang maniguro
"G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga
Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan
TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa kaniya. Kaya pala alam nito ang number niya, hindi lang basta naka-s*x niya ang babae. Inapuhap niya ang papel na may picture nito. Tinitigan iyon. "Kumusta ka na kaya ngayon?" Ang bawat masasakit na salitang binitiwan niya rito'y daig pang kutsilyong humihiwa sa puso niya. Ngayon niya napag-isip-isip, bakit malaki ang galit niya kay Meadow? One week lang niya itong naging secretary pero parang taon ang ipinaranas niya rito. Sinulyapan niya ang anak na natutulog. Dinama niya ang tapat ng kaniyang dibdid nang gumuhit ang pamilyar na kirot doon. Ngayo'y hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro, nakokonsensiya lang siya, lalo na ngayong nagkaroon sila ng anak. Dinala siya ng paa
LULAN na sila ng sasakyan patungong office. Abala ang anak niya sa pakikinig ng music, sinasabayan pa nito ang tugtog. Bumibirit din sa tuwing tumataas ang tono ng kanta. Hindi niya napigilang mapahalakhak sa ginawa ng kaniyang anak. Ibayong ligaya ang kaniyang nararamdaman. "Daddy, why are you laughing at me?" Pinigil niya ang pagdaan ng ngiti sa labi. "Coz, you are so cute, baby." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Mana lang po ako sa iyo, daddy." Natawa siya sa sinabi nito. Maya't maya pa ay sabay silang napatingin sa cellphone niya. Unknown number. Sumikdo ang kakaibang pitik sa puso niya. Ang ina ba ni Avi ang tumatawag? "Daddy, your phone!" Ilang ulit siyang kinalabit ng bata, nakatulala na pala siya sa phone. In-off muna niya ang stereo ng sasakyan, at binalingan ang phone na patuloy sa pag-ring. May panginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. "G-good morning po, Sir," bati ng nasa kabilang linya. Ang nanay ni Avi. Shit! Anong sasabihin niya?
"OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin kapag hindi tayo nakadalo."Bahagyang yumuko si Meadow. Kita niyang bumuka ang laylayan ng suot nito, parang gusto niyang puntahan at hilahin paibaba. Bakit ganoon ka-iksi ang suot nito? Hindi ba nito alam na kunting pagkakamali ay puwede na itong masilipan? Binuhat nito si Avi. "How's my baby? Hindi ka ba nagpasaway? Baka nama'y kinukulit mo ang 'yong daddy," saad nito.Ngumuso ang kaniyang anak. "Behave po ako, mommy. Tanungin mo pa si daddy." Sinalubong niya ang titig nito. Pinong ngumiti ang babae."Holy cow! Ang cute ng ngiti nito."Para siyang teenager na nginitian ng crush. Pakiramdam niya'y mahuhulog na ang kaniyang puso. "Baby heart, umayos ka! Tandaan mong nakadikit ka lamang ng k
PAROO'T PARITO si Aedam sa loob ng office. Kung may buhay lang ang mga gamit, tiyak na nahilo na ang mga iyon sa kaniya. Hihinto lang siya sa tuwing sumasagap ng hangin. He massage his temple. "Argh! What I'm gonna do?"Nahinto siya sa pagparoo't parito nang bumukas ang pinto. Pumasok ang ama niya, bihis na bihis."Where is Avi?""Kinuha ni Meadow." Tinungo niya ang mesa at ibinagsak ang katawan sa upuan."Kinuha?" gulat nitong tanong. "As in... binawi?"Kita niya ang pagbalatay ng takot sa mukha nito. "No! Sinundo, may pupuntahan sila na birthday party, ninang yata ni Avi. Ibabalik din niya ang 'yong apo." Hinihilot ang noong umuupo siya."Nagkita na kayo ng ina ni Avi?" Para itong tsismoso na sumasagap ng balita. Umupo pa ito sa bangkong nasa harapan ng mesa niya. "Dad, kasasabi ko lang na sinundo ni Meadow si Avi, hindi ba? Malamang na nagkita kami!"Napaisip naman ito. "Oo nga pala! Sorry. By the way, anong sabi niya sa iyo?""Wala naman, dad. Hindi kami gasinong nakapag-usap.
NANG mag-isa si Aedam sa office, naging mabagal ang takbo ng oras para sa kaniya. Kahit inaabala ang isipan sa trabaho ay hindi pa rin niyang maiwasang isipin ang tungkol sa bata.Sumapit ang ika-lima nang hapon. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang tawag. Kung tatawag pa ba si Meadow."Oh, God! I hate this!" angil niya. Naihilamos ang dalawang palad sa mukha.At six o'clock in the afternoon, his cellphone still didn't ring. Hanggang sa sumapit ang ika-pito nang gabi. Laglag ang balikat na tumayo siya. Inayos na niya ang mga gamit, nagbabalak na lumabas na ng office. "Daddy..." Nagkagulatan pa sila ng buksan niya ang pinto. Bumungad sa kaniyang paningin ang namumungay na mata ni Avi, mukhang kagigising lamang. Lumuhod siya at ipinantay ang katawan sa bata. Ang maliit nitong braso ay pumulupot sa kaniyang leeg."I've missed you, daddy.""Miss mo na ako agad?""Opo, daddy." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Uhm, dad, is Tito Drake--" hindi nito itinulo
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki. Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki.Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
NAKATANGGAP ng tawag si Aedam mula kay Tyron. Payag ang mga board members. Kaagad niyang ipinaalam kay Ramon ang magandang balita. Natuwa naman ang huli. Habang nag-uusap sa sala ay dumaan ang mag-asawang Daphne at Rodolfo. Base sa nakikita niya'y mukhang nagkaayos na ang dalawa. Kapwa masigla. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at may part sa pagkatao niya ang naiinis. Iniiwas na lang niya ang paningin. Binalingan niya ang kausap na ipinapaliwanag ang tungkol sa kanilang aayusin para mailipat ang pangalan. "Pupulungin ko lang ang akong mga kapatid, ipaalam ko sa kanila ang magandang balita." Nang tumango siya ay tumayo na rin ito. Naiwan siyang malayo ang iniisip. Kapag natapos na pag-aayos niya sa titulo, walang hindi na babalik na siya sa Manila. Paano si Daphne? Well, kahit naman umalis na siya, may paraan pa rin para malaman ang totoo. Hinihintay na lang niya ang resulta ng pag-iimbestiga ni Jack. At kapag lumabas na walang asawa si Rodolfo, hindi na siya mangingiming manghim
BAKAS ang sugat sa mukha dulot ng pananakit ng asawa kay Daphne. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin at malayang nakatunghay sa sarili. Paulit-ulit na hinaplos niya ang parteng may kulay ube. Hindi sapat ang inilagay na yelo para mawala ang pasa sa kaniyang pisngi. Ilang araw na naman ang bubunuin niya para mawala 'yon. Dati, sa tuwing nagkakapasa ay puwede siyang lumabas ng silid, pero ngayon ay mukhang magkukulong muna siya dahil sa bisita. May pagdududa siya sa asawa, kung mahal ba talaga siya nito? At dahil doon, nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Dinampot ang concealer na in-order niya para sa mga pasang natatamo. Binuksan ang maliit na bote. "Kakaunti ka na pala!" naisatinig niya. Ibig sabihin, madalas niya iyong gamitin. Madalas siyang nakatatanggap ng pananakit sa asawa. Hindi niya mabilang sa daliri't paa kung ilang beses na siyang sinaktan nito, at matapos manakit ay sinasabing mahal na mahal siya nito. Pero kung ma
NAGKULONG sa sariling silid si Daphne. Doo'y muling naglandas ang walang katapusang pagluha niya. Oo. Sinasaktan siya ng kaniyang asawa. Kapag may hindi ito nagustuhan, ang kapalit ay latay sa kaniyang katawan. Mahirap, masakit, pero tiniis niya. Mahal niya ang kanilang anak, pero si Rodolfo, ewan ba niya pero wala siyang maramdaman. Dinampot niya ang picture frame na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Pinakatitigan ang larawang nandoon. Kapwa nakangiti. Kuha raw iyon nang second anniversary nila bilang mag-asawa. Hindi niya maalala kung paanong naging asawa ito. Nagkamalay na lang siya na blanko ang isipan. Walang maalala kahit pa ang sariling pangalan. Nagising siyang si Rodolfo ang katabi, malaki ang ngiti. Sinasabing asawa raw siya nito, at may anak silang naghihintay sa kaniya. Ipinaalam din nito kung bakit siya nawalan ng memorya. Kuwento nito, nagtrabaho siya bilang isang kasambahay, at pinagmalupitan ng amo. Tumakas siya sa kamay ng malupit na amo. Papaalis na sana
HINDI mapakali si Aedam. Matapos niyang makausap si Jelly ay umakyat na siya sa silid. Daig pa niya ang turumpo na paikot-ikot sa puwesto. Ang puso niya'y parang luluwa na sa sobrang lakas ng pintig. Tuliro rin ang kaniyang isipan. "Walang maalala sa Daphne?" Huminto siya at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Si Meadow nga kaya ito? Kaya ba hindi namin natagpuan ang katawan ay napulot ito ng iba?" Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. May posibilidad talagang ito ang ina ni Avi. Awang ang bibig nang umupo siya sa gilid ng kama, ngunit agad ding tumayo. Kinuha ang cellphone, at kinontak si Jack. Pang-ilang ulit na niya itong tinatawagan ngunit hindi sumasagot. "Shit ka, Jack! Ano ba ang pinaggagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Nag-uumapaw na ang inis sa kaniyang dibdib, gayunpaman, pilit niyang pinikalma ang sarili. Wala rin namang mangyayari kung paiiralin niya ang galit. "Marami pa akong panahon. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasagot ang gumug
MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawalay sa kanila. "Fvk!" Sumakit bigla ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Lalo siyang naguluhan. Nang oras ng tanghalian ay sila lamang tao ang nasa hapag-kainan, wala ang mag-anak ni Rodolfo. Bagama't tatlo lang sila ay puno pa rin ng pagkain ang mesa, tinolang manok, at pakbet na gulay, may panghimagas at prutas din. Kahit walang gasinong laman ang tiyan ay hindi siya makakain. Hindi mawala sa isipan niya ang nasaksihan sa pagitan ng batang Hidalgo at Daphne. May kutob siyang kakaiba ang nangyayari sa mag-asawa. May takot siyang naaninag sa mata ng babae. Nang matapos kumain ay nagpaalam siya sa mag-asawa, kailangan niyang mapadala kay Tyron ang details ng lupa. Inilabas niya sa bag ang
KASAMA ang magkapatid na Ramon at Rodolfo, nilibot ni Aedam ang buong lupain. Malawak nga iyon, at ang malaking bahagi ay nakaharap sa kanayunan. Marami silang napag-usapan. Mataas na ang araw nang makabalik sila sa bahay ng Hidalgo. Dumiretso agad siya sa silid, balak niyang maligo. Pakiramdam niya'y nanlalagkit ang katawan dahil sa mainit na panahon. Bubuksan na sana niya ang pinto nang makarinig ng kaluskos sa katapat na silid. Bahagyang nakaawang ang pinto at dala ng kuryusidad ay pumihit siya para tingnan. Sinilip niya mula sa awang ang nasa loob, at ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata sa nakita. Daphne is fully naked. Bagong ligo. Ang buhok ay balot ng tuwalya. May kung anong ipinapahid ito sa katawan. Nakatalikod ang babae sa pinto kaya hindi siya napapansin. And shit! Her body... her sexy body, it's like a sparkling diamond. Flashing. Dinaig pa ang isang ginto. Sabi nga lang ay likod pa lang... ulam na! Nakailang lunok siya ng laway. Mabilis din siyang umalis sa
ISANG mahabang mesa ang bumungad sa paningin ni Aedam. Puno ng pagkain. Kaniya-kaniya nang upo ang mga ito. Si Ramon ang nasa sentro, nasa kaliwa nito ang asawa at nasa kanang bahagi si Rodolfo, katabi nito ang babae at ang sinasabing anak. "Maupo ka na, Aedam. Pagdamutan mo na lamang ang aming nakayanan." "Don't mind it, Ramon. Marami ang nakahain at mukhang masarap. Umupo siya sa tabi ni Jelly, na nakaharap sa upuan ni Daphne. Bahagya niya itong sinulyapan, inaasikaso nito ang batang lalaki. Nagsimula silang kumain, manaka-naka'y nagkukuwento si Ramon. Ang iba nitong kapatid ay may sariling bahay na nasa nasasakupan din ng lupain. Si Rodolfo lang ang hindi humiwalay dito. Paminsan-minsan ay sumasabat sa usapan ang bunsong Hidalgo, ganoon din ang asawa ni Ramon. Ngunit si Daphne, tahimik lang itong ngumunguya ng pagkain. Hanggang sa matapos sila. Niyaya siya ni Ramon sa terrace. Doon nila ipinagpatuloy ang kanilang usapan habang nagpapababa ng kinain. Kung saan-saan humanto