"SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya.
Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang siya nakapagsalita. Hindi natanong ang pangalan. "F*ck!" mura ng isipan niya matapos mag-end ang tawag nito. Agad niyang idi-nial ang number na ginamit nito, ngunit operator na ang sumasagot. Out of coverage na. Nahigit niya ang hininga sa labis na inis sa sarili. Kumulo ang dugo niya sa gigil. "Bullshit!" bulong niya. Muli niyang idi-nial ang number at tulad ng una, hindi na iyon nag-ri-ring. Sinulyapan niya ang katabing bata. Kampante na ito. Ang paa ay sumasayaw habang nakalawit sa upuan. "Baby..." "Yes po, daddy?" Masiglang bumaling ito sa kaniya. "Don't you remember your mommy's name?" Sandali itong napipilan. Waring nag-iisip. "Ang tawag po sa kaniya ni Tita Ninang ay Mariz." "Mariz?" Hinalukay niya sa kailaliman ng kaniyang isipan ang pangalang Mariz, pero tinamaan siya ng sampong sipa, he can't remember her name. Gigil na gigil na siya. Nakararamdam na rin siya ng inis sa ina ng bata. Kung siya ang ama nito, bakit hindi ito nagpapakita sa kaniya? Takot ba ito? O, galit sa kaniya? Pero, kung anak niya ito, hindi ba dapat siya ang dapat magalit? Nag-ring muli ang phone niya, but this time, si Tyron ang tumatawag. "Hurry up, dude! Nagkaroon ka lang ng anak, bumagal ka nang mag-drive," pabirong saad nito. Lalong nadagdagan ang inis niya. Ang kilay niya'y nagbabanggaan na. Tinanong niya kung nasaan ang mga ito, at matapos marinig ang sagot ay agad niyang tinapos ang tawag. Wala siya sa mood para makipagbiruan. Diniinan niya ang engine, brake. Sa isang iglap ay nasa parking lot na siya ng mall. Nakita niyang nakatayo ang lima sa harapan ng kani-kanilang sasakyan. Matapos makapag-park ay binuhat na niya si Avi. "Daddy, galit ka po ba sa akin?" Sinulyapan niya ang bata. Nagpapaawa na naman ang anyo nito. "No. I'm upset with your mom." "Why po?" "Basta!" "Daddy, mahal mo po ba ang mommy ko?" Mahal? Paano niya mamahalin ito? E, hindi nga niya kilala ang ina ng batang ito. Nag-apuhap siya ng maisasagot. Mabuti na lamang, sinalubong sila ni Drake. "Hi, baby!" Pilit nitong kinuha sa bising niya ang bata. Ibinigay niya na rin ito. "Bakit natagalan kayo?" Alam niyang siya ang tinatanong ni Drake, pero dahil sa bata ito nakatingin, si Avi ang sumagot. "I saw my mom po." Awang ang bibig nang lingunin siya ng kaibigan. Nagtatanong ang mata nito. Tango ang isinagot niya. "Nakilala mo na ang mommy niya?" "No!" Umarko ang kilay ni Drake pero hindi ito nagsalita, bagkus ay tumitig sa kaniya. "Hindi siya nagpakita sa akin. Si Avi lang ang nakakakita sa kaniya. She called me. Ibinilin lang ang bata." "You asked her name?" Iling ang isinagot niya. "How did she get your number?" Natigilan siya sa mga tanong nito. Hindi niya naisip iyon kanina, tulad din ng hindi niya naisip na itanong ang pangalan ng ina ng bata. Makailang beses niyang minura sa utak ang sarili, dahil sa katangahang nagawa. "Bakit ang slow ko ngayon?" Inis na inis siya sa sarili. "Hindi ka na nakapagsalita," siniko siya nito. "Huh? Uhm, iniisip ko kung paano niya nalaman ang number ko." "Who?" "Sino?" Panabay na tanong ng iba pa niyang kaibigan. Tsk. Humihina ka na ngang talaga, dude," tinig ni Drake, umiling pa ito. "Tinawagan siya ng ina ni Avi. Ang seste, hindi niya naitanong ang pangalan at hindi niya alam kung paano nalaman ang kaniyang number." Kita niya ang pag-awang ng bibig nang ilan sa kaibigan, si Tyron nama'y ngumisi lang. "Don't worry, dude. Bukas na bukas ay aalamin ko kung sino ang ina ni Avi. Ako na ang bahala," hayag ni Jack. Tinapik pa ang balikat niya. "For the meantime, mag-shopping muna tayo. Excited na akong ipamili ng gamit ang anak mo." Tinulak nito si Drake papasok ng mall. Naiwan siyang umiiling. Walang kapaguran ang magkakaibigan sa pamimili ng gamit ni Avi. Lahat ng maibigan ng mga ito ay kinukuha, kahit ayaw ng bata. Mapa-laruan, damit o sapatos man. Pinagtinginan na sila ng ilang costumer, maging ng mga saleslady. May ilang nagpapa-cute pa. Nang magsawa ay sa supermarket naman sila nagpunta. Siya ang nakararamdam ng pagod para sa mga kaibigan niya. Hindi lang sa mall natapos ang pagsisilbi ng mga kaibigan niya kay Avi. Inihatid din sila nito sa bahay. Ang balak niyang sa condo matulog ay hindi na naman natuloy dahil sa bata. Wala pa roon ang kaniyang ama nang pumasok sila. Napuno ng gamit ni Avi ang silid niya. Habang ipinapasok ay hindi niya napigil ang mapangiti. Iba rin pala kapag may kaibigan kang kalog. Dadamayan ka sa lahat ng oras. Alagang-alaga pa ang kaniyang anak. Nang oras na ng pagtulog ay pinalinisan muna niya ito At dahil lalaki ang mga kaibigan niya, sa isang kasambahay na niya pinagawa. "Kailangan mong mag-hire ng nanny para kay Avi, Aedam." Tumaas ang tingin niya kay Tyron. Abala siya sa cellphone, nagbabaka-sakaling mag-ring ang number ng ina ni Avi. "Yeah! Bukas ay magpapahanap ako." "Don't worry, dude, ako na ang bahala," singit ni Kent, tumabi pa ito ng upo sa kinauupuan niya. Si Zeus ang nagpatulog sa kaniyang anak. Tulad nga ng sinabi ng ina nito, naghanap ang bata ng milk at gusto pa ay may nakayakap. Dumating na rin ang kaniyang ama. Kinumusta nito si Avi. Hatinggabi na nang umalis ang kaniyang mga kaibigan. Matapos niyang ihatid sa labas ng gate ay muli siyang bumalik sa silid. Naabutan niyang himbing na himbing ang bata. Mukhang napagod sa paglilibot sa mall. Pumasok siya sa banyo para maglinis ng katawan. Sa walk-in-closet na siya nagbihis. Boxer at sando ang isinuot niya. Umupo siya sa gilid ng kama't pinakatitigan ang mukha nito. Hindi niya akalaing may makakatabi siyang bata sa pagtulog. Ni sa panaginip niya ay hindi iyon sumagi. Kung mukha lang ang pagbabasihan, masasabi niyang anak niya ito, dahil hawig na hawig sila. Masaya siyang nakilala't nakasama ito. Sa maikling panahon ay napalapit na ang loob niya sa bata. Maingat niyang iniangat ang kumot. Tumabi siya ng higa rito. Pinagsawa ang mata sa pagtitig dito. Itinukod pa ang siko at ginawang patungan ng ulo ang palad. Pinasadahan ng daliri ang malambot nitong pisngi. Nang magsawa ay dinampian ito ng halik sa noo. Tulad ng bilin ng ina, niyakap niya ito. SUMIRAY-SIRAY na pumasok ng condo si Aedam. Nagkayayaan ang magbabarkada at hindi niya napigilang maparami ang inom. Hindi na niya pinagkaabalahang buhayin ang ilaw, kabisado na niya ang bawat sulok ng kaniyang unit. Pumasok siya sa silid. Malamlam ang ilaw na nagmumula sa lampshade na nasa gilid. Sa paghiga niya sa kama ay may narinig siyang ungol. Ungol na nagmumula sa babae. Sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi. Inapuhap ng kamay niya ang umungol. "Baby..." Binuklat ang kumot at tumambad sa lasing niyang isipan ang magandang imahe ng babae. Nakapikit ang mata nito. Blue nighties ang suot. Ang dalawang bundok ay parang nilagyan ng malalim na ilog sa ginta. "What a beautiful view! Pero, sino ang babaing ito?" Tuluyan nang nilamon ang kakarampot na katinuan niya ng pagnanasa. Tila isa siyang gutom na hayop. Walang pakundangang sinibasib ang nakahaing pagkain. Nagkamalay ang babae. Sa una ay pumalag ito. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang pulsuhan para hindi ito makagalaw. Nilakumos ito ng halik. Bumaba ang labi niya sa leeg, paulit-ulit iyong pinaraanan ng dila. Ang kaninang pagtanggi ay napalitan ng mumunting ungol. Sin**sip, at marahang kinagat, hindi alintana kung mag-iiwan ng marka ang kaniyang ginagawa. Bumaba pa ang labi niya. Naglunoy sa pagitan ng dalawang bundok, at pinaglaruan iyon gamit ang dila. Para siyang dumi**la sa lollipop. Gamit ang dila ay hinawi niya ang manipis na telang tumatabing sa dibdib nito, at sa isang iglap ay natumbok niya ang nais. Pinagsawa niya ang sarili. Para siyang uhaw na sanggol na tangay ang dibdib ng ina. Tagaktak ang pawis ni Aedam nang magmulat ng mata. Napabalikwas pa siya ng bangon. Sunod-sunod ang pagtahip ng kaniyang dibdib. "Panaginip?" Sinuklay ang buhok gamit ang sariling palad. "O baka'y ibinabalik ako ng aking panaginip sa nakaraan?" Tinapunan niya ang katabing bata. Pilit niyang inalala ang mukha ng babaing napanaginipan, ngunit bigo siya. Hindi rumihistro sa nanlalabong kamalayan ang mukha ng babae. "Sino ka ba?" sambit niya sa sarili. Mariing pikit ng mata ang ginawa niya. Pinayapa ang sarili. "Makikilala rin kita."TULAD ng sinabi ni Aedam sa mga kaibigan, isinama niya si Avi sa office, isa pa'y wala rin ditong magbabantay kapag iniwan niya. Ang daddy niya'y may aasikasuhin sa Cebu, pupuntahan nito ang ipapatayo nilang branch doon. Siya sana ang pupunta pero ayaw niyang iwan ang bata. "Baby, stay ka lang muna rito, ha! May gagawin lang si Daddy." Iniupo niya ito sa couch. "Okay po, daddy.""Do you want to watch a cartoon movie?"Umiling ito. "No po. Play na lang po muna ako.""Okay. Kung nagugutom ka, magsabi ka lang." Nakapag-almusal na sila bago umalis. Nagbaon din siya ng milk, in case na humingi ito.Tumango ang bata. Nagtungo na siya sa harap ng mesa. Ilang sandali pa ay naging busy na siya. Maya't maya ang pasok ng secretary niya. May isinubmit itong report. Manaka-naka'y sinusulyapan niya ang anak, busy pa rin ito sa mga laruang bigay ng mga kaibigan niya. Malapit nang sumapit ang tanghalian nang gambalain siya ng ni Drake. May dala itong pizza at ang paborito ni Avi, fried chicken fr
KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamatigas na sumunod sa kaniya. "May sasabihin ako, bilisan niyo! Huwag niyong sayangin ang oras ko, kundi hindi niyo na makikita ang bata." Maliksing nagsipagkilos ang mga ito. Lumapit sa kaniya habang ang bata ay tila walang pakialam. Nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga ito. "Lumabas na ang result ng DNA test at positive, he's my daughter." "Oh, tapos?" nakangiwing tanong ni Kent. "Dude, kita naman ang ebidinsiya, kamukhang-kamukha mo ang bata," tinig ni Drake na base sa mukha ay naiinis ito. "Kailangan pa palang ipa-DNA test para maniwala kang sa iyo ang bata," segunda ni Zeus. Napipilan siya, ngunit agad ding nakahuma. "Gusto ko lang maniguro
"G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga
Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan
TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa kaniya. Kaya pala alam nito ang number niya, hindi lang basta naka-s*x niya ang babae. Inapuhap niya ang papel na may picture nito. Tinitigan iyon. "Kumusta ka na kaya ngayon?" Ang bawat masasakit na salitang binitiwan niya rito'y daig pang kutsilyong humihiwa sa puso niya. Ngayon niya napag-isip-isip, bakit malaki ang galit niya kay Meadow? One week lang niya itong naging secretary pero parang taon ang ipinaranas niya rito. Sinulyapan niya ang anak na natutulog. Dinama niya ang tapat ng kaniyang dibdid nang gumuhit ang pamilyar na kirot doon. Ngayo'y hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro, nakokonsensiya lang siya, lalo na ngayong nagkaroon sila ng anak. Dinala siya ng paa
LULAN na sila ng sasakyan patungong office. Abala ang anak niya sa pakikinig ng music, sinasabayan pa nito ang tugtog. Bumibirit din sa tuwing tumataas ang tono ng kanta. Hindi niya napigilang mapahalakhak sa ginawa ng kaniyang anak. Ibayong ligaya ang kaniyang nararamdaman. "Daddy, why are you laughing at me?" Pinigil niya ang pagdaan ng ngiti sa labi. "Coz, you are so cute, baby." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Mana lang po ako sa iyo, daddy." Natawa siya sa sinabi nito. Maya't maya pa ay sabay silang napatingin sa cellphone niya. Unknown number. Sumikdo ang kakaibang pitik sa puso niya. Ang ina ba ni Avi ang tumatawag? "Daddy, your phone!" Ilang ulit siyang kinalabit ng bata, nakatulala na pala siya sa phone. In-off muna niya ang stereo ng sasakyan, at binalingan ang phone na patuloy sa pag-ring. May panginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. "G-good morning po, Sir," bati ng nasa kabilang linya. Ang nanay ni Avi. Shit! Anong sasabihin niya?
"OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin kapag hindi tayo nakadalo."Bahagyang yumuko si Meadow. Kita niyang bumuka ang laylayan ng suot nito, parang gusto niyang puntahan at hilahin paibaba. Bakit ganoon ka-iksi ang suot nito? Hindi ba nito alam na kunting pagkakamali ay puwede na itong masilipan? Binuhat nito si Avi. "How's my baby? Hindi ka ba nagpasaway? Baka nama'y kinukulit mo ang 'yong daddy," saad nito.Ngumuso ang kaniyang anak. "Behave po ako, mommy. Tanungin mo pa si daddy." Sinalubong niya ang titig nito. Pinong ngumiti ang babae."Holy cow! Ang cute ng ngiti nito."Para siyang teenager na nginitian ng crush. Pakiramdam niya'y mahuhulog na ang kaniyang puso. "Baby heart, umayos ka! Tandaan mong nakadikit ka lamang ng k
PAROO'T PARITO si Aedam sa loob ng office. Kung may buhay lang ang mga gamit, tiyak na nahilo na ang mga iyon sa kaniya. Hihinto lang siya sa tuwing sumasagap ng hangin. He massage his temple. "Argh! What I'm gonna do?"Nahinto siya sa pagparoo't parito nang bumukas ang pinto. Pumasok ang ama niya, bihis na bihis."Where is Avi?""Kinuha ni Meadow." Tinungo niya ang mesa at ibinagsak ang katawan sa upuan."Kinuha?" gulat nitong tanong. "As in... binawi?"Kita niya ang pagbalatay ng takot sa mukha nito. "No! Sinundo, may pupuntahan sila na birthday party, ninang yata ni Avi. Ibabalik din niya ang 'yong apo." Hinihilot ang noong umuupo siya."Nagkita na kayo ng ina ni Avi?" Para itong tsismoso na sumasagap ng balita. Umupo pa ito sa bangkong nasa harapan ng mesa niya. "Dad, kasasabi ko lang na sinundo ni Meadow si Avi, hindi ba? Malamang na nagkita kami!"Napaisip naman ito. "Oo nga pala! Sorry. By the way, anong sabi niya sa iyo?""Wala naman, dad. Hindi kami gasinong nakapag-usap.
HINAYAAN ni Aedam na mag-usap ang dalawang babae. Sandali siyang pumasok sa banyo at sa paglabas niya'y umiiyak na si Daphne habang nakayakap sa ginang. Hindi niya maintindihan ang sarili. Sa tuwing makikita itong umiiyak ay para bang may kumukurot sa puso niya. Gusto niyang pahirin ang luhang dumadalusdos sa pisngi, pawiin ang paghihirap ng kalooban nito. Gusto niyang ikulong na lang ito sa kaniyang bisig. Iilang araw pa lang niyang nakakasalamuha pero malaki ang epekto nito sa kaniya. Dati, nahuhumaling lang siya sa babaing nagpapakita ng motibo sa kaniya, pero ngayo'y iba ang nararamdaman niya. Alam niyang mali ang umuusbong na damdamin, pero hindi niya masisisi ang sarili. Hawig na hawig ito ni Meadow... ang babaing nang mawala ay saka pa lang niya nagkaroon ng pitak sa puso niya. "Meadow..." Mariin siyang pumikit. Wala na si Meadow. Hindi ito ang babaing ina ng anak niya. Pero, bakit iba ang sinisigaw ng puso niya? Sa pagmulat ng kaniyang mata'y ang maamong mukha ni Daphne
MATIYAGANG pinagmamasdan ni Aedam si Daphne. Kanina pa ito iyak nang iyak habang nakamasid sa asawang walang malay. Naiinis siya rito. Gusto niyang sigawan, pero wala siya sa puwesto para gawin 'yon. Naiinis siya dahil sa halip na maawa ito sa sarili... ang asawa pa ang unang inintindi ng babae. He let out a deep breath and tried to calm the irritation in his chest. Lumapit siya rito at pilit na pinapatayo. Ngunit, tumanggi ito. Muling nabuhay ang inis sa kaniyang dibdib at dahil doo'y hindi na niya napigil pa. "Kailangang gamutin ang braso mo!" Sapilitan niya itong itinayo. "P-paano ang a-asawa ko?" "Bullshit! For once, Daphne, think about yourself!" Hindi na siya nakapagtimpi pa. "Does he think of you as his wife? Isipin mo naman ang sarili mo!Asawa ba ang turing niya sa iyo? Kasi ang tingin ko'y hindi. Ang asawa, hindi sinasaktan. Kung hindi ako pumasok, baka'y napatay ka na ni Rodolfo!" may diing pahayag niya. Napakagat ito sa labi, habang tuloy-tuloy sa pagbulusok ang
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki. Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki.Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
NAKATANGGAP ng tawag si Aedam mula kay Tyron. Payag ang mga board members. Kaagad niyang ipinaalam kay Ramon ang magandang balita. Natuwa naman ang huli. Habang nag-uusap sa sala ay dumaan ang mag-asawang Daphne at Rodolfo. Base sa nakikita niya'y mukhang nagkaayos na ang dalawa. Kapwa masigla. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at may part sa pagkatao niya ang naiinis. Iniiwas na lang niya ang paningin. Binalingan niya ang kausap na ipinapaliwanag ang tungkol sa kanilang aayusin para mailipat ang pangalan. "Pupulungin ko lang ang akong mga kapatid, ipaalam ko sa kanila ang magandang balita." Nang tumango siya ay tumayo na rin ito. Naiwan siyang malayo ang iniisip. Kapag natapos na pag-aayos niya sa titulo, walang hindi na babalik na siya sa Manila. Paano si Daphne? Well, kahit naman umalis na siya, may paraan pa rin para malaman ang totoo. Hinihintay na lang niya ang resulta ng pag-iimbestiga ni Jack. At kapag lumabas na walang asawa si Rodolfo, hindi na siya mangingiming manghim
BAKAS ang sugat sa mukha dulot ng pananakit ng asawa kay Daphne. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin at malayang nakatunghay sa sarili. Paulit-ulit na hinaplos niya ang parteng may kulay ube. Hindi sapat ang inilagay na yelo para mawala ang pasa sa kaniyang pisngi. Ilang araw na naman ang bubunuin niya para mawala 'yon. Dati, sa tuwing nagkakapasa ay puwede siyang lumabas ng silid, pero ngayon ay mukhang magkukulong muna siya dahil sa bisita. May pagdududa siya sa asawa, kung mahal ba talaga siya nito? At dahil doon, nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Dinampot ang concealer na in-order niya para sa mga pasang natatamo. Binuksan ang maliit na bote. "Kakaunti ka na pala!" naisatinig niya. Ibig sabihin, madalas niya iyong gamitin. Madalas siyang nakatatanggap ng pananakit sa asawa. Hindi niya mabilang sa daliri't paa kung ilang beses na siyang sinaktan nito, at matapos manakit ay sinasabing mahal na mahal siya nito. Pero kung ma
NAGKULONG sa sariling silid si Daphne. Doo'y muling naglandas ang walang katapusang pagluha niya. Oo. Sinasaktan siya ng kaniyang asawa. Kapag may hindi ito nagustuhan, ang kapalit ay latay sa kaniyang katawan. Mahirap, masakit, pero tiniis niya. Mahal niya ang kanilang anak, pero si Rodolfo, ewan ba niya pero wala siyang maramdaman. Dinampot niya ang picture frame na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Pinakatitigan ang larawang nandoon. Kapwa nakangiti. Kuha raw iyon nang second anniversary nila bilang mag-asawa. Hindi niya maalala kung paanong naging asawa ito. Nagkamalay na lang siya na blanko ang isipan. Walang maalala kahit pa ang sariling pangalan. Nagising siyang si Rodolfo ang katabi, malaki ang ngiti. Sinasabing asawa raw siya nito, at may anak silang naghihintay sa kaniya. Ipinaalam din nito kung bakit siya nawalan ng memorya. Kuwento nito, nagtrabaho siya bilang isang kasambahay, at pinagmalupitan ng amo. Tumakas siya sa kamay ng malupit na amo. Papaalis na sana
HINDI mapakali si Aedam. Matapos niyang makausap si Jelly ay umakyat na siya sa silid. Daig pa niya ang turumpo na paikot-ikot sa puwesto. Ang puso niya'y parang luluwa na sa sobrang lakas ng pintig. Tuliro rin ang kaniyang isipan. "Walang maalala sa Daphne?" Huminto siya at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Si Meadow nga kaya ito? Kaya ba hindi namin natagpuan ang katawan ay napulot ito ng iba?" Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. May posibilidad talagang ito ang ina ni Avi. Awang ang bibig nang umupo siya sa gilid ng kama, ngunit agad ding tumayo. Kinuha ang cellphone, at kinontak si Jack. Pang-ilang ulit na niya itong tinatawagan ngunit hindi sumasagot. "Shit ka, Jack! Ano ba ang pinaggagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Nag-uumapaw na ang inis sa kaniyang dibdib, gayunpaman, pilit niyang pinikalma ang sarili. Wala rin namang mangyayari kung paiiralin niya ang galit. "Marami pa akong panahon. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasagot ang gumug
MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawalay sa kanila. "Fvk!" Sumakit bigla ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Lalo siyang naguluhan. Nang oras ng tanghalian ay sila lamang tao ang nasa hapag-kainan, wala ang mag-anak ni Rodolfo. Bagama't tatlo lang sila ay puno pa rin ng pagkain ang mesa, tinolang manok, at pakbet na gulay, may panghimagas at prutas din. Kahit walang gasinong laman ang tiyan ay hindi siya makakain. Hindi mawala sa isipan niya ang nasaksihan sa pagitan ng batang Hidalgo at Daphne. May kutob siyang kakaiba ang nangyayari sa mag-asawa. May takot siyang naaninag sa mata ng babae. Nang matapos kumain ay nagpaalam siya sa mag-asawa, kailangan niyang mapadala kay Tyron ang details ng lupa. Inilabas niya sa bag ang