PINAGKAGULUHAN ng magkakaibigan si Avi, na halos ikangitngit ng kalooban ni Aedam. Inis na inis siya sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang anak. Paulit-ulit na pinipisil ang pisngi nito. May pa-halik pang kasama.
"Enough!" "Wait lang naman, dude. Huwag mong ipagdamot ang anak mo sa amin!" angil ni Drake. "Nakakagigil ang anak mo, p're." Tumayo si Zeus. "Can we go to mall? Gusto ko siyang bilihan ng mga gamit." "Oo nga!" Sinang-ayunan ito ni Jack. "Me, too. Dress ang sa akin--" "No!" pigil niya kay Kent. "We're not going to anywhere. Uuwi na kami, naghihintay sa amin ang lolo niya. At ikaw, Jack," baling niya rito. "May pinapaayos pa ako sa iyo, hindi ba?" "Dude, maintindihan naman siguro ni Tito Damian kung hihiramin muna namin ang apo niya." "I said no!" giit niya. "Pagpahingahin niyo muna ang bata." Laglag ang balikat ng apat. Muling hinarap ni Drake ang anak niya. "Tomorrow na lang, baby. Isasama ka namin sa mall, okay lang ba iyon. You want toys? Barbie... or what?" Ngumiti ito. "I have a lot of toys na po, e." "Ouch!" Sapo ang tapat ng dibdib, nagkunwaring nasasaktan ito. Napailing na lang siya. Alam niyang hindi ito titigilan ng kaniyang mga baliw na kaibigan. Hindi niya ipinagdadamot si Avi, ang sa kaniya lang, bigyan muna sila ng time. "Okay, fine!" Itinaas niya ang kamay. "Bukas, isasama ko siya rito. Para kayong mga bata. Hindi niyo man lang pagpahingahin ang anak ko!" sermon niya sa mga ito. Lumapit siya kay Avi, binuhat ito. "Let's go, anak. Naghihintay na ang lolo mo sa bahay." "But, how about your friend po?" Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis sa mga hitsura ng apat na lalaki nang lumingon siya. Daig pa ng mga ito ang pinagsakluban ng langit ang lupa. "What was that face, huh?" He smirked. "Hiniwalayan ba kayo ng mga jowa niyo?" Pigil niya ang sarili. Kunti na lang, hahagalpak na siya ng tawa. "Bro," lumapit sa kaniya si Tyron, halatang nagpipigil din. "Pagbigyan mo na sila, kahit ngayon lang. Mga sabik sila sa bata. Ipahiram mo na sa kanila ang bunga ng iyong paghihirap with ungol." Matalim niyang tinitigan ito. "Shut up, dude! Hindi naman titigil itong bata sa katatanong kung ano pinagsasabi niyo." Hindi siya pinansin ni Tyron, inagaw nito ang bata sa kaniya. "Halika na! Wala rin siyang gamit sa inyo, isa pa'y inutos sa akin ni Tito Damian na ibili si Avi ng mga gamit." Pagkawika nito'y naglakad na ito palabas ng office niya. Sumunod naman ang mga baliw niyang kaibigan. Kanina-kaniya pang sabi kung ano ang bibilihin para sa bata. "Hurry up, daddy!" Mariin siyang napapikit kasabay ang pag-massage sa sentido. "Tyron..." gigil niyang sabi. Mukhang tinuturuan ang kaniyang anak. Binitbit niya ang bag at tuluyan nang nilisan ang office. Naraanan pa niyang nag-aayos ng gamit ang kaniyang secretary. "Sofie, paki-follow-up mo ang inutos ko sa iyo kanina. Kailangan ko iyon... asap!" "Yes, Sir." "Daddy, let's go na po." Sa halip na tugunin ang bata ay ang mga kasama nito ang binalingan niya. Matalim ang mata niya habang lumalapit sa mga ito. "Huwag niyo ngang tinuturuan ng kung anu-ano ang bata!" Kinuha niyang pilit ang anak kay Tyron. Nagpatiuna siyang pumasok sa elevator. "P're, kanina lang ay parang itinatakwil mo ang bata--" "Shut up!" maagap niyang pigil dito. "Daddy, bakit po palagi kang nakasigaw? Galit ka po ba sa mga kaibigan mo?" Sinulyapan niya ang anak. "No, baby. Hindi ako galit. Iniisip ko lang kung..." "Kung?" "I-- uhm, iniisip ko lang kung ano ang pangalan ng mommy mo." "My mom..." "Shit!" murang lumabas sa isipan niya. Nagkamali siya ng sinabi. Hindi dapat niya binanggit ang tungk sa ina nito. Humibi ito. Pihadong iiyak na naman ang bata. "I miss my mom, daddy." Umangkla ang braso nito sa leeg niya. Ang mukha ay isinubsob sa kaniyang balikat. "Ssshh. I'm sorry. Don't worry, I'll find your mom." Hinagod-hagod niya ang likod nito. Makahulugang nagkatinginan ang mga kaibigan niya, ang ilan ay nakaawang pa ang bibig. "Iba talaga ang nagagawa ng may anak. Kaya kayo, kung gusto niyong tumino, magsipag-anak na rin kayo!" sermon ni Tyron sa iba. "Nagsalita ang matino." "You're right, Zeus!" segunda ni Kent. "May nabalitaan nga ako, may umiyak na babae dahil sa kaniya." "What?" "How?" "Matapos kasing dalahin sa hotel, iniwan na parang basahan. Ni ha, ni ho, walang sinabi. Mukhang susunod sa yapak ng isa. Always daw may suot na protection, pero may isang nakatakas." Napuno ng tawanan ang elevator. At kung wala nga lang siyang hawak na bata'y tiyak na nabatukan na niya ang mga baliw na kaibigan. Nag-unahan sa paglabas ang lima nang bumukas ang elevator. Pinakahuli siya. Umangat ang mukha ni Avi, mukhang humupa na ang pagsesente ng anak niya. "Daddy, sorry po." "For what, baby?" "Kasi po, umiyak na naman ako." Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "It's okay, baby. Nothing to worry. Are you okay now?" Marahan itong tumango. "Next time, huwag kang aalis sa kasama mo, ha! Tingnan mo ang nangyari, napahiwalay ka sa mommy mo. Tiyak na nag-aalala na siya sa iyo," malumanay niyang sabi rito. H******n din niya ito sa pisngi. "Opo. Nakita po kasi kita kaya po ako lumapit sa iyo." "Puwede kang mapahamak sa ginawa mo. Paano kung may bad guy? Malulungkot ang mommy mo, ako, ang lolo. Iiyak kami kapag may nangyaring masama sa iyo. Do you understand?" Muli itong humibi at humikbi pa. "S-sorry po, daddy. G-galit ka po ba s-sa a-akin?" Bawat salita nito'y humihikbi ito. "No, baby. Sinasabi ko lang sa iyo. Masama ang hindi nagpapaalam. Don't do that again, okay?" "O-opo." "Hug mo na si Daddy." Niyakap siya nito. "Sorry po, daddy." Hinagod-hagod niya ang likod para kumalma ito. Hindi nga siya nagkamali. Hindi na niya naririnig ang paghikbi nito. Nasa tapat na sila ng sasakyan nang umangat ang katawan nito. Binuksan niya ang panghuling pinto, inilagay doon ang gamit. Ang una naman ang binuksan niya't maingat na isinakay doon ang bata. Ikinabit niya ang seatbelt dito. Pumihit siya sa kabilang pinto. Nang makasakay ay sinuri niyang muli ang bata. "Daddy, are we going home now?" naitanong nito, iwinagayway pa ang dalawang paa. "No. Pupunta muna tayo sa mall, ibibili ka raw ng gamit ng mga tito mo." "Tito? Yung pong friend mo?" May ngiti sa labing tumango siya. Unti-unti na namang sumisigla ito. Bago niya patakbuhin ang sasakyan ay dumukwang siya't h******n ito sa labi. "I love you, baby." "Love you, too, daddy." Hindi niya itatanggi, gusto na niya ang bata. Isang araw pa lang niya itong nakakasama ay nahulog na nang husto ang loob niya rito. Na-excite tuloy siyang makilala ang ina nito. Pinatakbo na niya ang sasakyan. Sa harapan ng building naghihintay ang mga kaibigan niya. Nakita niyang tig-iisa ng sasakyan ang mga ito. At pareho rin ang kanilang gamit, nagkaiba lang sa kulay. At dahil hindi niya alam kung saan balak ng mga ito dalahin ang anak niya, siya ang nasa huli. Sa pagliko niya palabas ng street ay sumigaw si Avi na sobra niyang ikinataranta. "Mommy! She's my mommy. Daddy, stop the car! Stop the car!" Kinalampag pa nito ang bintana ng sasakyan. "Shit!" Hindi niya napigilang magmura kahit dinig ng bata. Mabilis na apak sa preno ang ginawa niya. "Where, baby?" Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat maramdaman. Makikilala na ba niya ang ina nito? "Daddy, baba po ako. Please po, daddy." Tumingin ito sa kaniya. Ang mata ay nagmamakaawa. Iginilid niya ang sasakyan. Lumabas siya ng sasakyan. Habang papunta siya sa kabilang pinto ay bumilis ang pintig ng kaniyang puso. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya. Iginala pa niya ang mata. May mangilan-ngilang tao ang nasa paligid, ngunit hindi niya alam kung sino sa mga iyon ang tinutukoy ng anak niya. "Daddy, hurry up po." May pagmamadaling lumabas ito ng sasakyan. Hinila nito ang kamay niya. Maliksi itong tumakbo. Sumasayaw ang suot nitong palda, maging ang buhok. "Careful, baby," nasabi na lang niya nang muntikan itong madapa dahil sa pagtakbo. Huminto ito sa kanilang nilikuan. Nagpalinga-linga tulad niya. Nakailang ikot pa ito. "Where is she, baby?" Para na siyang naghahanap ng karayom sa nakabuntong dayame. "Daddy..." Maagap niyang tiningnan ang bata. Nakahibi na naman ito. Anumang oras ay iiyak na. Agad siyang lumuhod sa harapan at mabilis na dinaluhan ang bata. "What's wrong, baby?" may pag-aalalang tanong niya. "She's gone, daddy." Tuluyan na itong lumuha. Parang kinurot ng pino ang puso niya nang umagos ang luha nito. Niyakap na lang ito ng mahigpit. "That's enough. Namalik-mata ka lang siguro." Bumitiw siya. Pinunasan ang luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi nito. "Don't worry, hahanapin ko ang mommy mo. Stop crying na." Para gumaan ang pakiramdam ay paulit-ulit niyang h******n ito sa pisngi. "But I saw her, daddy." Humikbi itong muli. "I think, namalik-mata ka lang. Let's go na. Naghihintay na sila sa atin. You want toy?" Inalo na lamang niya ito. "Tito Tyron said, he will buy you anything you want." Pilit nitong pinahuhupa ang sarili. Pinigilan ang paghikbi. "T-talaga po?" Tumango siya. "And Tito Kent said, dress ang bibilihin niya para sa iyo." "I want ice cream po, daddy." Kahit lumuluha ay nakangiti ito. Namumula na naman ang ilong at lagot siya kapag nagkataon. Wala siyang hawak na tissue. "Okay, baby. If that's what you want." Binuhat na niya ito. "Daddy, sipon." Lagot na, Aedam! "Wait, baby. Pigilan mo muna, ha. Nasa car ang tissue." Naalala niyang may inilagay siya roong tissue. "I can't, daddy. Sipon po, daddy." "Hold mo muna, baby. Malapit na tayo." Halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng sasakyan. At kapag minamalas nga naman, naiwan pala niyang nakabukas ang pinto. Dumoble ang tibok ng puso niya. Ibinaba muna niya si Avi sa gilid at inapuhap ang tissue. Kumuha siya ng lima at idinikit iyon sa ilong ng bata. "Thank you po, daddy." "Diyan ka muna, itatapon ko lang ito." Nakita niyang may malapit na basurahan. Nagdumali siyang pumunta, itinapon ang tissue at muling bumalik sa kinaroroonan ng sasakyan. Ipinasok na niya ang bata. Mabuti na lamang, walang masasamang tao sa lugar na iyon, kundi tiyak na ubos na ang laman ng sasakyan niya. Sa pagsakay niya'y nag-ring ang kaniyang cellphone. Unknown number ang nakalagay. Sinagot na rin niya iyon, at dahil nagmamaneho ay ini-loudspeaker niya. Sa una ay hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya. "Wala ako sa mood para makipagbiruan sa iyo!" gigil niyang sabi. "Hello, Sir!" Mukhang napilitan ding magsalita. "Mommy..." hiyaw ni Avi. Ihihinto sana niya ang sasakyan, ngunit maagap na nagsalita ang kausap niya sa phone. "Baby, anak," garalgal ang tinig nito. "How's your day, anak?" Binagalan niya ang pagpapatakbo. Nagsalubong ang kilay niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang tinig. "I'm okay po, mommy." Maging si Avi ay tila tunog na ng motor na ang boses. "May kasalanan ka sa akin, umalis ka sa Tita Ninang mo nang walang paalam. Don't do that again, baby." Alam niyang lumuluha na ang nasa kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit biglang nanuyo ang kaniyang boses. Parang nawalan ng lakas ang kaniyang tuhod. Pakiramdam niya'y mabubuwal siya. "Sorry po, mommy." Tuluyan nang napaluha si Avi. "Bad po ako." "No. Hindi ka bad, baby. I know, gusto mo lang makita ang daddy mo. Are you happy now?" In his peripheral vision, sumulyap ng tingin sa kaniya si Avi. Hinayaan lang niya at naghintay sa isasagot nito. "Yes po, mommy. Sobrang saya ko po. Daddy loves me, mommy. He said in a million times and I love him po. Ikaw din po, mommy. Love ko po kayong pareho, pati si lolo, Tito Tyron at 'yong iba pa pong friend nj Daddy." Hindi niya napigil ang mapangiti. Bakit ang saya-saya niya sa tuwing sinasabi ng bata na mahal siya nito? Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya kahit hindi pa one hundred percent na siya ang ama nito. Ito ba ang tinatawag na lukso ng dugo? Isa pa, napakagaan ng pakiramdam niya sa bata. Iisang araw pa lang niya itong nakakasama, pero kakaibang pagbabago ang ginawa nito sa pagkatao niya."SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang si
TULAD ng sinabi ni Aedam sa mga kaibigan, isinama niya si Avi sa office, isa pa'y wala rin ditong magbabantay kapag iniwan niya. Ang daddy niya'y may aasikasuhin sa Cebu, pupuntahan nito ang ipapatayo nilang branch doon. Siya sana ang pupunta pero ayaw niyang iwan ang bata. "Baby, stay ka lang muna rito, ha! May gagawin lang si Daddy." Iniupo niya ito sa couch. "Okay po, daddy.""Do you want to watch a cartoon movie?"Umiling ito. "No po. Play na lang po muna ako.""Okay. Kung nagugutom ka, magsabi ka lang." Nakapag-almusal na sila bago umalis. Nagbaon din siya ng milk, in case na humingi ito.Tumango ang bata. Nagtungo na siya sa harap ng mesa. Ilang sandali pa ay naging busy na siya. Maya't maya ang pasok ng secretary niya. May isinubmit itong report. Manaka-naka'y sinusulyapan niya ang anak, busy pa rin ito sa mga laruang bigay ng mga kaibigan niya. Malapit nang sumapit ang tanghalian nang gambalain siya ng ni Drake. May dala itong pizza at ang paborito ni Avi, fried chicken fr
KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamatigas na sumunod sa kaniya. "May sasabihin ako, bilisan niyo! Huwag niyong sayangin ang oras ko, kundi hindi niyo na makikita ang bata." Maliksing nagsipagkilos ang mga ito. Lumapit sa kaniya habang ang bata ay tila walang pakialam. Nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga ito. "Lumabas na ang result ng DNA test at positive, he's my daughter." "Oh, tapos?" nakangiwing tanong ni Kent. "Dude, kita naman ang ebidinsiya, kamukhang-kamukha mo ang bata," tinig ni Drake na base sa mukha ay naiinis ito. "Kailangan pa palang ipa-DNA test para maniwala kang sa iyo ang bata," segunda ni Zeus. Napipilan siya, ngunit agad ding nakahuma. "Gusto ko lang maniguro
"G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga
Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan
TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa kaniya. Kaya pala alam nito ang number niya, hindi lang basta naka-s*x niya ang babae. Inapuhap niya ang papel na may picture nito. Tinitigan iyon. "Kumusta ka na kaya ngayon?" Ang bawat masasakit na salitang binitiwan niya rito'y daig pang kutsilyong humihiwa sa puso niya. Ngayon niya napag-isip-isip, bakit malaki ang galit niya kay Meadow? One week lang niya itong naging secretary pero parang taon ang ipinaranas niya rito. Sinulyapan niya ang anak na natutulog. Dinama niya ang tapat ng kaniyang dibdid nang gumuhit ang pamilyar na kirot doon. Ngayo'y hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro, nakokonsensiya lang siya, lalo na ngayong nagkaroon sila ng anak. Dinala siya ng paa
LULAN na sila ng sasakyan patungong office. Abala ang anak niya sa pakikinig ng music, sinasabayan pa nito ang tugtog. Bumibirit din sa tuwing tumataas ang tono ng kanta. Hindi niya napigilang mapahalakhak sa ginawa ng kaniyang anak. Ibayong ligaya ang kaniyang nararamdaman. "Daddy, why are you laughing at me?" Pinigil niya ang pagdaan ng ngiti sa labi. "Coz, you are so cute, baby." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Mana lang po ako sa iyo, daddy." Natawa siya sa sinabi nito. Maya't maya pa ay sabay silang napatingin sa cellphone niya. Unknown number. Sumikdo ang kakaibang pitik sa puso niya. Ang ina ba ni Avi ang tumatawag? "Daddy, your phone!" Ilang ulit siyang kinalabit ng bata, nakatulala na pala siya sa phone. In-off muna niya ang stereo ng sasakyan, at binalingan ang phone na patuloy sa pag-ring. May panginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. "G-good morning po, Sir," bati ng nasa kabilang linya. Ang nanay ni Avi. Shit! Anong sasabihin niya?
"OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin kapag hindi tayo nakadalo."Bahagyang yumuko si Meadow. Kita niyang bumuka ang laylayan ng suot nito, parang gusto niyang puntahan at hilahin paibaba. Bakit ganoon ka-iksi ang suot nito? Hindi ba nito alam na kunting pagkakamali ay puwede na itong masilipan? Binuhat nito si Avi. "How's my baby? Hindi ka ba nagpasaway? Baka nama'y kinukulit mo ang 'yong daddy," saad nito.Ngumuso ang kaniyang anak. "Behave po ako, mommy. Tanungin mo pa si daddy." Sinalubong niya ang titig nito. Pinong ngumiti ang babae."Holy cow! Ang cute ng ngiti nito."Para siyang teenager na nginitian ng crush. Pakiramdam niya'y mahuhulog na ang kaniyang puso. "Baby heart, umayos ka! Tandaan mong nakadikit ka lamang ng k
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey
HINDI makapaniwala si Aedam sa nalaman. Ikinuwento ni Meadow ang buhay nang maliit pa ito. "Ikaw ang babaing 'yon?" Ang mata ay namimilog na. Tumango si Meadow. "Ako nga," anito at saka'y payak na ngumiti. Umawang ang kaniyang bibig. Kakikitaan siya ng gulat at pagkamangha. Matagal na pala siya nitong kilala at siya... heto't hindi nakilala ang batang naging parte ng kanilang buhay. Matagal na rin itong hinahanap ng kaniyang ama. "Ako ang batang sinabihan mo na ingatan ko ang mata ng 'yong ina, dahil kapag hindi, kukunin mong muli ito sa akin. Naalala mo ba... umiyak pa ako matapos mong sabihin 'yon sa akin--" "Sinabi ko rin na, binibiro lang kita. At kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita," dugtong niya. Naalala niya na hinanap niya ang babaing pinagsalinan ng mata ng kaniyang ina. Kahit ayaw pumayag ng doktor ay nagpumilit siyang malaman kung sino iyon. Nakita niya ito sa dulo ng hospital. Doon niya ito tinakot. Hindi niya ipinagtapat sa ama na nakilala niya ang batang
NAKATULOG na si Avi habang hawak ang kamay ni Meadow. Ang mga kaibigan ni Aedam ay nagsiuwi na, pero nangakong babalik kinabukasan. Nagpapasalamat siya dahil hindi iniwan ni Drake ang kaniyang anak. Ang anak nadamay sa sigalot na napasukan niya. Dalawang taon niyang hindi ito nakapiling. Alam niyang nagdusa rin ito tulad niya, mas matinding paghihirap pa ang pinagdaanan nito. Ramdam niyang na-trauma ito sa nasaksihang pagbaril sa kaniya. May sinabi pa ang ama nitong pinatingnan ito sa psychiatrist. Nangingiting hinahaplos-haplos niya ang buhok, maging ang pisngi nito. "Ang laki mo na, 'nak." Ngayong bumalik na ang kaniyang alaala, sisiguraduhin niyang mapupunan ang mga oras na nagkawalay silang mag-ina. Ibibigay niya ang lahat dito. Ang tagal niyang tila nagngapa sa ditna ng karimlan, pinsan at ang lugar kung saan nag-ugat ang lahat, doon pala manunumbalik ang kaniyang nawalang memorya. Ang bahay na 'yon, tahanan dati ni Brenda at ng magulang nito. Maraming beses siyang isinama ng
MATAPOS dalahin sa presinto si Brenda ay binalikan ni Aedam at Meadow si Avi, kasama rin nila si Zeus. May sariling sasakyan ang huli kaya, silang dalawa lang ang nasa loob ng sasakyan. At habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang magtanong."How are you feeling?" Ibinaling ni Meadow sa kaniya ang paningin at saka'y payak na ngumiti. "I'm fine."Alam niyang hindi. Base sa naging diskusyon nito at ni Brenda ay bumalik na ang alaala nito. He tried to reach her hand. Nakaawang ang bibig nang tumingin ito sa kaniya, halatang naguguluhan."I'm sorry.""Para saan?"Sinulyapan niya ito. "Coz, I know, I am the reason why you suffered." Hagyang gumaralgal ang kaniyang tinig. Para siyang babaing anumang oras ay pipiyok at luluha na. Pansamantalang ihinimpil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I know you're confused and don't want to talk about what happened," inapuhap niya ang isa pang palad nito. "Pero hihingi na ako ng tawad sa iyo ngayon. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan. Si
"HINDI ako ang ama ng ipinagbuntis mo, Brenda!" baritonong tinig ni Aedam matapos marinig ang mahabang pagsasalaysay ni Brenda. Ngumisi ito. "Alam ko namang itatanggi mo siya at wala na rin akong pakialam kung ayaw mo sa kaniya, dahil wala na siya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala ang anak ko! Kung bakit nagalit ang parents ko sa akin!" "Ate Brenda, please, tama na! Pakiusap, itigil mo na ito." "Shut up!" asik nito. "Pinagkatiwalaan kita, Mariz. Kundi dahil kay Mommy, wala ka ngayon sa posisyon mo. Itinuring kitang kapatid, tapos ito pa ba ang igaganti mo?" "Huwag mong isumbat ang mga naitulong mo sa kaniya," aniya na magkasalubong ang kilay. "Hindi tulong ang tawag diyan." "Shut up, Aedam! Huwag kang magsalita na akala mo'y napakabuti mo, dahil hindi. Masama kang tao! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko." "Tsk. Why are you blaming me? It's your fault, because you became obsessed!" Bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo, dahil naging obsessed ka!" gi
HINDI makapaniwala si Brenda sa nalaman. May dahilan pala ang pagpupumilit ng kaniyang amang ipakasal siya. Ayon sa kaniyang ina, may pagkakautang ang ama niya kay Mr. Santillan. Pumayag si Darwin sa gusto nitong huwag nang bayaran pero ang kapalit ay pagpapakasal sa anak nito. At dahil hindi siya pumayag, ngayo'y nalalagay ang negosyo nila sa alanganin, bukod pa roon ay kinasuhan ang ama niya ng taong pinagkautangan nito. "Bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin, Mom?" "Your daddy doesn't want to tell you the real reason, 'nak. Another reason, ayaw niyang malaman ng ibang mga kaibigan niya na lubog na tayo sa utang. Na mawawala na sa atin ang negosyong matagal nang ipinundar ng daddy mo?" Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano na? Mawawala ang negosyo nila, ang tanging pinagkukunan nila ng salapi. Ano nang mangyayari sa kaniya? Maghihirap ba sila? Tiyak na pagtatawanan din siya ng mga kaibigan niya kapag nalamang naghihirap na sila. "No! It can't be!" hiyaw ng is
NINE in the morning na nang makabalik si Brenda sa mansiyon. May naabutan siyang kausap ng ama. Tinawag siya nito at kahit ayaw niyang makipag-usap ay napilitan na ring siyang humarap sa mga ito. Dalawang lalaki ang nakita niyang nakaupo sa sofa, ang isa pala roon ay ang ipinapakasal sa kaniya. Ang isa nama'y ang magulang nito. "Anak, we have decided that in two months you will get married."Nanlalaki ang matang tumitig siya sa ama. Gusto sana niyang magprostesta, tumanggi, pero wala siyang magawa. Naging sunod-sunuran na naman siya sa kagustuhan ng ama. Subalit, hindi siya susuko. Ipaglalaban pa rin niya ang kaniyang karapatan. Nang dahil sa kinakaharap na suliranin ay panandaliang nakalimutan niya ang nangyari. Sinuri niya ang sinasabing kaniyang mapapangasawa, mula dulo ng buhok hanggang sa dulo ng suot na sapatos. Titig pa lang ay halos masuka na siya, bukod sa kakaibang estilo ng pananamit ay ubod pa ng laki ang katawan nito. Kapag umibabaw ito sa kaniya'y tiyak na hindi siya m
ISANG mahabang diskusyon ang namamagitan kay Brenda at Darwin, ama ng dalaga. May gusto itong ipagawa sa kaniya, bagay na hindi niya sinasang-ayunan. "Bakit ako magpapakasal sa lalaking hindi ko gusto?" "Coz I know what is best for you, Brenda! At iyon ay ang pakasalan siya." "Best?" Ngumisi si Brenda. "Are you sure of that, Dad? Sa akin nga ba o para sa iyo?" Muli siyang napangisi. "Alam ko naman ang tunay mong dahilan, dad, kaya huwag mo akong gawing kasangkapan sa kayabangan mo!" Lumagapak ang palad ng ginoo sa pisngi niya. Pakiramdam niya'y tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal na natamo. Napatayo ang ina niyang kanina pa lumuluha sa sulok. Ngunit, alam niyang wala rin itong magagawa, kaya hindi na siya humingi ng tulong dito. "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Anak lamang kita! Whether you like it or not, you're going to marry him, as soon as possible!" hiyaw ng kaniyang ama, pagkatapos ay tinalikuran siya. Iniwan siyang tila naka-hang sa hangin. Awang
GULONG-GULO ang isipan ni Meadow. Kasalukuyang binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada, pero hindi niya alam kung saan sila patungo. Ang mga binitiwang salita ni Aedam ang nagpapagulo sa kaniya. Pakakasalan siya nito? Sinabi ni Rex na ito raw ang fiance niya. At ang lalaking kasama niya ay sinasabing ama ng anak niya, na nagsabing pakakasalan siya. Bakit? Malamang na mahal siya nito. Nais niyang pukpukin ang sarili dahil sa lumalabas sa isipan. "Pero, may anak kami. Sapat na sigurong basehan iyon para maniwala ako sa pangako niya," bulong niya. "What did you say?"Bigla siyang natauhan. Nakadama ng hiya matapos mapagtantong narinig nito ang sinabi niya. Nagkunwari na lang siyang walang sinasabi. "H-huh?" "May narinig ako pero hindi malinaw, ano iyon?" "Hah! Ahm, w-wala 'yon." Bagama't nakatuon ang atensiyon nito sa tinatahak na kalsada'y manaka-nakang sumusulyap ito sa kaniya. "Sabi ko, sana'y bumalik na ang alaala ko. Ang hirap na para kang nangangapa sa gitna ng kadilim