"SH*T!" Ilang mura na ang lumabas sa bibig ni Aedam. Hindi pa rin niya matagpuan si Avi. Paroo't parito na siya sa loob ng security office. Hindi na halos maipinta ang hitsura.
"Sorry po, sir. Pero, hindi po gumana ang CCTV sa lobby area kanina." "What? Are you f*cking serious?" Paanong nangyari na hindi gumana? Sila na isa sa matayog ang kompanya, sira ang CCTV? "Y-yes po, sir." "Why?" "Hindi po namin alam." Mabilis ding nagyuko ang kausap niya. "Lahat ng CCTV, hindi gumana?" Umuusok na ang ilong niya sa galit. "H-hindi naman ho, Sir. Kaso hindi kayo nahagip. Siguro po'y nagkaroon ng depekto ang ilang CCTV sa lobby." "Damn it!" mura niya. "Fix it as soon as possible!" "Right away, Sir." Lumabas na siya ng security office. Ang dibdib niya'y napupuno na ng galit. Kapabayaan niya kung bakit nawawala si Avi. Bumalik siya sa lobby para i-check kung bumalik ba roon ang bata. May pagmamadali sa kilos niya. Tinanong niya ang in-charge sa information, ngunit bigo pa rin siya. "Oh, God! Saan ka ba nagsuot, Avi? Mapapatay ako ni Daddy kapag nalaman niya," kabadong saad niya sa sarili. "Sir, would you like--" "Daddy..." Naantala ang pagsasalita ng kausap niya nang may matinis na boses silang narinig. Bumilis ang pintig ng puso niya. "Daddy..." Agad niyang hinanap ang boses nito. Patakbong lumalapit sa kaniya si Avi. Nakabuka ang dalawa nitong braso. Napalis ang bumubukol na takot sa kaniyang dibdib nang masilayan ito. Malalaki ang hakbang na sinalubong niya ang bata. Paluhod siyang huminto at mahigpit itong niyakap. "Where have you been, baby? Tinakot mo ako." "Daddy, I can't breath po." "What? You're not feeling well?" Hagya niyang inilayo ang katawan, sinuri ito. Dinama ang leeg. "No, daddy. Higpit po ng hug mo," may ngiti sa labing tugon nito. Ang mata ay nanliliit na. "Oh, sorry." Sa pagtayo niya ay buhat na niya ito. Lumapit sa kanila si Tyron. Sinabi nitong nakasalubong niya ang bata malapit sa elevator. Nagbanyo pala ang bata. "Baby, don't do that again, ha. Magsasabi ka kay daddy." "Busy po kasi kayo, daddy. Ilang beses na po akong nagsalita, pero 'di mo ako pinapansin." Ngumuso ito. Napasulyap siya sa kaibigang nakaukit ang nakakalokong ngiti sa labi. "I'm hungry daddy. My belly is wumbling." Ang mata nito'y parang maiiyak na naman. Tila nagpapaawa. Paulit-ulit niya itong h******n. "Sorry, baby. Nakalimutan ni Daddy. Hinanap kasi kita. Don't do that again. Huwag kang aalis nang hindi ako kasama. Tinakot mo ako nang sobra." Habang nagpapaliwanag siya'y lumamlam ang mukha nito. Pinong kagat sa labi pa ang ginawa nito. "Sorry po, daddy. Hindi na po mauulit." Lumingkis sa leeg niya ang braso nito. "Just promise me, hindi mo na uulitin ang ginawa mo, ha. Kahit sino pa ang kausap ko, huwag kang lalayo kay daddy, o sa kahit sinong kasama mo. Understand?" Naramdaman niya ang pagtango nito. "Sorry po." Gumaralgal ang tinig nito. Masuyong haplos ang ginawa niya sa likod nito. Sa tagal na nilang nakatayo sa gitna ng lobby, noon lang niya napansin niya ang mga matang nakatutok sa kanila. Mukhang hindi makapaniwalang may anak na siya. Gusto niyang sigawan ang mga nakapalibot sa kanila, pero nagtatalo ang isip niya. Tiyak na matatakot si Avi kapag ginawa n'ya 'yon. "Hush, baby." Iniangat niya ang katawan para makita ang hitsura nito. Tulad ng inaasahan niya, namumula na naman ang ilong at mata nito. Gamit ang palad ay pinunasan niya ang basang pisngi ng bata. "Sisipunin ka na naman. Stop crying na. Hindi ako galit." "S-sorry po, d-daddy. Hindi na po mauulit." Humibi ito. "Hindi ako galit. Kiss mo na si daddy." Idinampi nito ang labi sa pisngi niya. "Love you, daddy." Kapag naririnig ang salitang 'I love you', kakaibang kasiyahan ang nadarama niya. Hindi niya maipaliwanag. Parang idinuduyan siya sa ulap. Ganito ba ang nararamdaman ng isang ama? Napukaw ang paglalakbay ng isipan niya nang magsalita si Tyron. "I have to go, Aedam. Pupuntahan ko pa si Jack. I-confirm ko ang pinapahanap mo sa kaniya." "Okay. Thanks, p're." "Ang bata, ha! Huwag mong pababayaan. Isantabi mo muna iyang init ng 'yong katawan," mapang-asar nitong paalam sa kaniya. Pinigil niya ang sariling bulyawan ang sira-ulong kaibigan. Hinabol na lang niya ito ng matalim na tingin. Nginisihan naman siya nito. "Lety go, baby. Punta na tayo sa office." Humakbang siya patungong elevator. Nahawi ang mga taong nag-aabang na bumukas ang pinto. "Are you mad, daddy?" "No, baby. Hindi ako galit." Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito, atsaka'y h******n ito, ginantihan nito ng ngiti ang ginawa niya. "Put me down, daddy." "No. Tatakas ka na naman." "Hindi po. Promise," itinaas nito ang kanang palad. Nagkakawag ito. Napilitan na rin siyang ibaba ito, ngunit mahigpit ang ginawang paghawak niya sa palad nito. Nang bumukas ang pinto ay pinauna silang pumasok ng mga empleyadong nakaabang. Pumusweto sila sa gilid. "Daddy, babalik po ba si lolo?" "I don't know, baby. Why?" "Laro po sana kami." Napangiti siya sa narinig. Nang tumataas ang elevator ay may isang babae ang hindi na yata nakatiis. "Ang cute ng anak mo, Sir. Para kayong pinagbiyak na bunga. Tiyak na maganda rin ang asawa mo, Sir." Literal na umawang ang bibig niya. "Asawa? Hindi ko nga kilala ang ina ng batang ito." Gusto sana niyang ipagsigawan ang katagang iyon. "Hi, baby! What is your name?" tinig ng isa panh babae, kasama ito ng naunang nagtanong. "Avianna po," tugon ng bata, tumingin pa ito sa kaniya. "Sir, ngayon mo lang po dinala ang anak niyo." Mapaklang ngumiti siya sa babae. Ngayon lang naman kasi niya nalamang may anak siya, takenote, hindi pa siguradong sa kaniya ito. Pero kung hindi, bakit hawig niya? "Sir, isasama mo na po ba siya araw-araw dito?" Bakit ang daming tanong? Patalsikin kaya niya ang empleyadong masyadong marami ang tanong sa kompanya niya? Napahinga siya ng malalim at muling ngumiti. "I think, yes. Mapapadalas ang pagsama niya rito. Wala ang yaya niya," naisagot na lang niya. Ang daming marites talaga sa mundo! Hindi na niya pinansin ang kaniyang naririnig, itinikom na lang niya ang bibig. Naunang lumabas ang dalawang madaldal na babae. Naraanan niyang abala pa rin ang kaniyang secretary sa harap ng computer. "Sofie, paki-order mo nga kami ng pagkain," utos niya rito. "Baby, what do want to eat?" baling niya sa bata. Ngangang tumitig sa kanila ang kaniyang secretary. Mukhang hindi pa rin makapaniwala tulad ng iba niyang empleyado. "Jabe, daddy. Chicken po, and rice." "Okay, baby." Binuhat na niya ito. "I-order mo na rin ako ng para sa akin. Kahit ano na lang ang sa akin." "S-sige po, Sir," tulalang tugon nito. Pumasok na sila sa loob ng office. Ibinaba niya ito sa couch. Bago niya ibaling ng isipan sa ginagawa, binilinan muna niya ito. Kinahapuna'y hindi niya alam ang gagawin. Isasama ba niya ito? Pero kung hindi niya ito isasama, saan niya ito iiwan? Hindi naman siya masamang tao para iwan na lang ito sa kung saan, isa pa'y siya ang tinatawag nitong daddy. Sa huli ay napilitan siyang isama ito. Hindi niya maaatim na iwan ito sa kung saan. Papalabas na siya ng office nang pumasok ang ngisi mula sa mga sira-ulong kaibigan niya. Si Jack, Drake, Kent, Zeus at ang huling pumasok ay si Tyron na abot-tainga ang ngisi. Mukhang nagsumbong ang mokong. Para siyang baklang umirap dito. "Where's your daughter?" ngising tanong ni Drake, ang kaibigan niyang tulad niya ay barumbado rin pagdating sa babae. "Dude, may anak ka na pala! Ang tindi mo!" Lumapit sa kaniya si Jack. Seryoso ito sa buhay. Si Kent ay nakangising nakatitig lang sa kaniya. Ito ang joker ng grupo nila, at si Zeus, daig pa nito ang magmamadre. Kung siya ay mahilig sa babae, kabaliktaran ito. Minsan nga ay napagkamalan nilang bakla ito dahil walang pinapakilalang girlfriend sa kanila. Mailap ito sa babae. "Naparito ba kayo para inisin ako?" Matalim ang titig niya sa mga lalaking nakatayo sa harapan niya. "P're, gusto lang nilang makilala ang anak mo." Nakangising lumapit sa kaniya si Tyron. Mukhang ito ang pasimuno ng lahat. "Oo nga, dude. Huwag mong ipagkait sa amin ang anak mo." Tuluyan nang lumapit sa kaniya si Kent. Ipinatong nito ang braso sa balikat niya na maagap niyang ipiniksi. Natawa si Drake sa inasta niya. "Ang sungit! Ganiyan ba ang nagagawa ng may anak?" "Bakit niyo inaaway ang daddy ko?" Kumunyapit sa binti niya ang bata. "Daddy, galit po ba sila sa iyo?" Tiningala siya. Malamlam na naman ang mata nito. Pumantay siya rito. "No, baby. They are my friends." Inayos niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito. "Friends?" Bumaling ang tingin nito sa mga lalaking nakabuka ang bibig. Isa-isang sinuri ang kaniyang mga kaibigan. "You have a lot of friends, daddy. Hello po. "I'm Avianna po, but you can call me Avi po," pakilala nito. Hindi niya napigilang mapangiti. Ang cute-cute talaga ng kaniyang anak. Sana nga ay kaniya itong talaga. Pag-aaralan na lang niyang maging isang mabuting ama rito. Kahit sino yata ay gugustuhin maging ama ng batang ito. "Wow! Amazing!" tinig ni Zeus. Pumantay pa ito sa bata. Sinipat-sipat ang kaniyang anak. "Dude, hindi ba ito isang panaginip?" Si Kent, at ginawa ang ginawa ni Zeus. Binatukan niya ito. "Ouch! Ang hard mo talaga sa akin, dude." "Ngayo'y gising ka na siguro?" sikmat niya rito. Ngangang tumitig na ito sa bata. "Hindi nga. It looks like you, Aedam. Hanep! Ang tindi mo, dude. Kailan mo ito ginawa? Magpapagawa na rin ako." "Temang ka talaga!" angil niya, bahagya niyang inilayo si Avi sa mga ito. Lumapit na rin si Drake at Jack sa kinaroroonan nila. Ang una ay nakabuka pa rin ang bibig. "Bunganga mo. Mapasukan iyan ng langaw." "Grabe, p're. Ang lupit pala ng sperm mo. Hiramin ko muna iyan--" "Tar*ntado!" pigil niya kay Drake. "May sarili kang sperm, bakit hind iyon ng gamitin mo?" Nagkatawanan ang lahat. "Daddy, what is sperm? Is that a kind of food or toy? I want that, too, daddy." Makahulugan silang nagkatinginan. "Bunganga niyo, itikom niyo," saway ni Tyron. Niyakag nito ang anak niya. "Huwag kayong magsasalita ng kung ano kapag kaharap niyo ang bata."PINAGKAGULUHAN ng magkakaibigan si Avi, na halos ikangitngit ng kalooban ni Aedam. Inis na inis siya sa ginagawa ng mga ito sa kaniyang anak. Paulit-ulit na pinipisil ang pisngi nito. May pa-halik pang kasama. "Enough!" "Wait lang naman, dude. Huwag mong ipagdamot ang anak mo sa amin!" angil ni Drake."Nakakagigil ang anak mo, p're." Tumayo si Zeus. "Can we go to mall? Gusto ko siyang bilihan ng mga gamit." "Oo nga!" Sinang-ayunan ito ni Jack."Me, too. Dress ang sa akin--""No!" pigil niya kay Kent. "We're not going to anywhere. Uuwi na kami, naghihintay sa amin ang lolo niya. At ikaw, Jack," baling niya rito. "May pinapaayos pa ako sa iyo, hindi ba?""Dude, maintindihan naman siguro ni Tito Damian kung hihiramin muna namin ang apo niya." "I said no!" giit niya. "Pagpahingahin niyo muna ang bata."Laglag ang balikat ng apat. Muling hinarap ni Drake ang anak niya. "Tomorrow na lang, baby. Isasama ka namin sa mall, okay lang ba iyon. You want toys? Barbie... or what?" Ngumiti ito.
"SIR, please take care of my daughter. Gusto niya'y may sandalan kapag natutulog. Yakapin mo siya habang mulat pa ang mata. Painumin mo rin ng milk," bilin ng nasa kabilang linya. Hindi siya makapagsalita. Hindi maiproseso ng utak kung ano ba ang dapat sabihin sa kausap. "Mommy, ikaw po ba yung nakita ko kanina?" "Yes, baby." "Then, why are you hiding, mommy?" Ilang segundong tumahimik ang nasa kabilang linya. Kakaibang pitik ang sumisipa sa kaniyang puso. Hindi alam kung bakit ganito ang nararamdaman. Kahit ilang beses na niyang pinapakinggan ang boses ay hindi talaga niya mahalukay sa kailaliman ng isip kung sino ito. "Mommy, you don't love daddy anymore?" Parang may bumarang malaking bato sa lalamunan niya. Love? Siya? Mahal siya nito? Shit! Sino ba ang kausap nila? "Baby, I have to go. Tinatawag na ako ng tita ninang mo. I love you, baby. Take care of yourself. Huwag kang magpalasaway, ha!" Huli na nang rumihistro sa isipan niya ang sinabi nito. Ni hindi man lang si
TULAD ng sinabi ni Aedam sa mga kaibigan, isinama niya si Avi sa office, isa pa'y wala rin ditong magbabantay kapag iniwan niya. Ang daddy niya'y may aasikasuhin sa Cebu, pupuntahan nito ang ipapatayo nilang branch doon. Siya sana ang pupunta pero ayaw niyang iwan ang bata. "Baby, stay ka lang muna rito, ha! May gagawin lang si Daddy." Iniupo niya ito sa couch. "Okay po, daddy.""Do you want to watch a cartoon movie?"Umiling ito. "No po. Play na lang po muna ako.""Okay. Kung nagugutom ka, magsabi ka lang." Nakapag-almusal na sila bago umalis. Nagbaon din siya ng milk, in case na humingi ito.Tumango ang bata. Nagtungo na siya sa harap ng mesa. Ilang sandali pa ay naging busy na siya. Maya't maya ang pasok ng secretary niya. May isinubmit itong report. Manaka-naka'y sinusulyapan niya ang anak, busy pa rin ito sa mga laruang bigay ng mga kaibigan niya. Malapit nang sumapit ang tanghalian nang gambalain siya ng ni Drake. May dala itong pizza at ang paborito ni Avi, fried chicken fr
KINATANGHALIAN ay dumating ang makukulit niyang kaibigan maliban kay Jack, at tulad nang dati, may mga dala na namang pagkain. Nagpapakitang gilas sa anak niya, lalo na si Drake. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pansamantala ay tinawag ang mga ito. Ayaw pa sanang bitiwan ang bata, nagmamatigas na sumunod sa kaniya. "May sasabihin ako, bilisan niyo! Huwag niyong sayangin ang oras ko, kundi hindi niyo na makikita ang bata." Maliksing nagsipagkilos ang mga ito. Lumapit sa kaniya habang ang bata ay tila walang pakialam. Nagpatuloy sa pagkain ng chicken. Isa-isa niyang tiningnan ang mukha ng mga ito. "Lumabas na ang result ng DNA test at positive, he's my daughter." "Oh, tapos?" nakangiwing tanong ni Kent. "Dude, kita naman ang ebidinsiya, kamukhang-kamukha mo ang bata," tinig ni Drake na base sa mukha ay naiinis ito. "Kailangan pa palang ipa-DNA test para maniwala kang sa iyo ang bata," segunda ni Zeus. Napipilan siya, ngunit agad ding nakahuma. "Gusto ko lang maniguro
"G-GOOD morning po, sir! I'm your new secretary. My n-name-- uhm sorry po. I'm Meadow Raizy Zamonte po." Saglit na sinulyapan ni Aedam ang babaing nakatayo sa harapan niya. Sinipat ang kabuohan nito. Hindi naman ito nerd tingnan pero hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. Kakaiba lang sa paningin niya. Nakasuot ito ng eyeglasses. Hanggang hati ng binti ang palda, turtle neck sweeter ang pang-itaas nito. Mukhang nilalamig. Para itong old maid sa paningin niya. "Hayst! Boring!" mahinang saad niya. In the age of twenty-four siya na ang nakaupo bilang CEO, siya ang pumalit sa ama. Pumanaw ang kaniyang ina at simula noon ay unti-unti nang napabayaan ng ama ang kanilang kompanya. Nagbigay ng ordinansa ang board members na kung hindi nito aayusin ang pamamalakad at trabahong nakaatang ay tiyak na maglalaho ang pinaghirapan. Ipinagpatuloy ng ama niya ang trabaho pero sadyang hindi na nito magampanan ng maayos. Nang dumating siya sa tamang edad ay siya na ang pumalit dito. At nga
Simula nang araw na masermunan siya ng ama, palagi nang mainit ang ulo niya sa kaniyang secretary. Kaunting pagkakamali lang ay pinagsasalitaan na niya ito ng masasakit na salita. Kung anu-anong mabibigat na gawain ang pinapagawa niya rito kahit hindi naman dapat. Seven days na niya itong secretary pero parang taon na para sa kaniya. Abot-langit ang galit niya rito. Nang araw na 'yon ay makikiipag-meeting siya sa CCB Plaza. Kasama niya ito sa sasakyan, ito ang nasa tabi ng driver. Hindi ito nagsasalita, marahil ay takot sa kaniya. Dumating na sila sa lugar at habang nakikipag-usap siya sa ka-meeting ay aksidenteng natapig nito ang juice. Sumambulat iyon sa suot niya. "Shit!" Kumulo ang dugo niya sa galit. "Oh my God! Sorry po, Sir!" Hindi niya tinanggap ang sorry nito. Kahit maraming tao ang nakapaligid at kaharap ang bigating tao ay pinagsalitaan niya ito ng hindi maganda. "Bobo ka talaga! Hindi ba matatapos ang araw na wala kang nagagawang pagkakamali? Hindi ko alam kung paan
TULALA si Aedam matapos balikan kung paanong nag-krus ang landas nila ng ina ni Avi. Nasa loob na sila ng room niya. Nakatulog na rin ang bata matapos niyang palitan ito ng damit. Malupit siya sa ina nito, kaya siguro hindi ito nagpapakita sa kaniya. Na-trauma na sa masasakit na salita mula sa kaniya. Kaya pala alam nito ang number niya, hindi lang basta naka-s*x niya ang babae. Inapuhap niya ang papel na may picture nito. Tinitigan iyon. "Kumusta ka na kaya ngayon?" Ang bawat masasakit na salitang binitiwan niya rito'y daig pang kutsilyong humihiwa sa puso niya. Ngayon niya napag-isip-isip, bakit malaki ang galit niya kay Meadow? One week lang niya itong naging secretary pero parang taon ang ipinaranas niya rito. Sinulyapan niya ang anak na natutulog. Dinama niya ang tapat ng kaniyang dibdid nang gumuhit ang pamilyar na kirot doon. Ngayo'y hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Siguro, nakokonsensiya lang siya, lalo na ngayong nagkaroon sila ng anak. Dinala siya ng paa
LULAN na sila ng sasakyan patungong office. Abala ang anak niya sa pakikinig ng music, sinasabayan pa nito ang tugtog. Bumibirit din sa tuwing tumataas ang tono ng kanta. Hindi niya napigilang mapahalakhak sa ginawa ng kaniyang anak. Ibayong ligaya ang kaniyang nararamdaman. "Daddy, why are you laughing at me?" Pinigil niya ang pagdaan ng ngiti sa labi. "Coz, you are so cute, baby." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Mana lang po ako sa iyo, daddy." Natawa siya sa sinabi nito. Maya't maya pa ay sabay silang napatingin sa cellphone niya. Unknown number. Sumikdo ang kakaibang pitik sa puso niya. Ang ina ba ni Avi ang tumatawag? "Daddy, your phone!" Ilang ulit siyang kinalabit ng bata, nakatulala na pala siya sa phone. In-off muna niya ang stereo ng sasakyan, at binalingan ang phone na patuloy sa pag-ring. May panginginig ang kamay na pinindot niya ang answer button. "G-good morning po, Sir," bati ng nasa kabilang linya. Ang nanay ni Avi. Shit! Anong sasabihin niya?
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki. Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
INAAYOS na ni Aedam ang mg gamit, para kinabukasan ay madali na niyang mabitbit yun. Ipinaalam na niya kay Tyron na babalik na siya. May nararamdaman man panghihinayang... nanghihinayang dahil sa pag-aakalang si Daphne at Meadow ay iisa. Sa ngayon ay si Avi na lang ang pagtutuonan niya ng pansin. Nang matapos ay pumasok sa banyo. Walang heater kaya madali lang siyang naligo ng katawan. Sa paglabas niya ay hindi niya napigilan ang mapangunot ang noo. Nakaririnig siya ng tila nagbabasag ng gamit. May impit ding salita. Upang makasigurado, lumabas siya ng silid at ganoon na lamang paghihilakbot niya sa nakikita. Nakabukas ang pinto ng katapat na silid. Si Jun-jun ay pumapalahaw na sa iyak, nakalapanak ito sa sahig. Nagkalat din ang mga basag na bote. "Malandi ka talaga!" sigaw ng lalaki.Mas lalong nagbungguan ang kilay niya. May pinag-aawayan na naman ang mag-asawa at sa harap pa ng kanilang anak. Napailing siya. "Wala akong ginagawang masama, Rodolfo!" ganting sigaw ni Daphne. "B
NAKATANGGAP ng tawag si Aedam mula kay Tyron. Payag ang mga board members. Kaagad niyang ipinaalam kay Ramon ang magandang balita. Natuwa naman ang huli. Habang nag-uusap sa sala ay dumaan ang mag-asawang Daphne at Rodolfo. Base sa nakikita niya'y mukhang nagkaayos na ang dalawa. Kapwa masigla. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at may part sa pagkatao niya ang naiinis. Iniiwas na lang niya ang paningin. Binalingan niya ang kausap na ipinapaliwanag ang tungkol sa kanilang aayusin para mailipat ang pangalan. "Pupulungin ko lang ang akong mga kapatid, ipaalam ko sa kanila ang magandang balita." Nang tumango siya ay tumayo na rin ito. Naiwan siyang malayo ang iniisip. Kapag natapos na pag-aayos niya sa titulo, walang hindi na babalik na siya sa Manila. Paano si Daphne? Well, kahit naman umalis na siya, may paraan pa rin para malaman ang totoo. Hinihintay na lang niya ang resulta ng pag-iimbestiga ni Jack. At kapag lumabas na walang asawa si Rodolfo, hindi na siya mangingiming manghim
BAKAS ang sugat sa mukha dulot ng pananakit ng asawa kay Daphne. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin at malayang nakatunghay sa sarili. Paulit-ulit na hinaplos niya ang parteng may kulay ube. Hindi sapat ang inilagay na yelo para mawala ang pasa sa kaniyang pisngi. Ilang araw na naman ang bubunuin niya para mawala 'yon. Dati, sa tuwing nagkakapasa ay puwede siyang lumabas ng silid, pero ngayon ay mukhang magkukulong muna siya dahil sa bisita. May pagdududa siya sa asawa, kung mahal ba talaga siya nito? At dahil doon, nagsisimula na namang mangilid ang luha niya. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Dinampot ang concealer na in-order niya para sa mga pasang natatamo. Binuksan ang maliit na bote. "Kakaunti ka na pala!" naisatinig niya. Ibig sabihin, madalas niya iyong gamitin. Madalas siyang nakatatanggap ng pananakit sa asawa. Hindi niya mabilang sa daliri't paa kung ilang beses na siyang sinaktan nito, at matapos manakit ay sinasabing mahal na mahal siya nito. Pero kung ma
NAGKULONG sa sariling silid si Daphne. Doo'y muling naglandas ang walang katapusang pagluha niya. Oo. Sinasaktan siya ng kaniyang asawa. Kapag may hindi ito nagustuhan, ang kapalit ay latay sa kaniyang katawan. Mahirap, masakit, pero tiniis niya. Mahal niya ang kanilang anak, pero si Rodolfo, ewan ba niya pero wala siyang maramdaman. Dinampot niya ang picture frame na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Pinakatitigan ang larawang nandoon. Kapwa nakangiti. Kuha raw iyon nang second anniversary nila bilang mag-asawa. Hindi niya maalala kung paanong naging asawa ito. Nagkamalay na lang siya na blanko ang isipan. Walang maalala kahit pa ang sariling pangalan. Nagising siyang si Rodolfo ang katabi, malaki ang ngiti. Sinasabing asawa raw siya nito, at may anak silang naghihintay sa kaniya. Ipinaalam din nito kung bakit siya nawalan ng memorya. Kuwento nito, nagtrabaho siya bilang isang kasambahay, at pinagmalupitan ng amo. Tumakas siya sa kamay ng malupit na amo. Papaalis na sana
HINDI mapakali si Aedam. Matapos niyang makausap si Jelly ay umakyat na siya sa silid. Daig pa niya ang turumpo na paikot-ikot sa puwesto. Ang puso niya'y parang luluwa na sa sobrang lakas ng pintig. Tuliro rin ang kaniyang isipan. "Walang maalala sa Daphne?" Huminto siya at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Si Meadow nga kaya ito? Kaya ba hindi namin natagpuan ang katawan ay napulot ito ng iba?" Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. May posibilidad talagang ito ang ina ni Avi. Awang ang bibig nang umupo siya sa gilid ng kama, ngunit agad ding tumayo. Kinuha ang cellphone, at kinontak si Jack. Pang-ilang ulit na niya itong tinatawagan ngunit hindi sumasagot. "Shit ka, Jack! Ano ba ang pinaggagawa mo? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Nag-uumapaw na ang inis sa kaniyang dibdib, gayunpaman, pilit niyang pinikalma ang sarili. Wala rin namang mangyayari kung paiiralin niya ang galit. "Marami pa akong panahon. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasagot ang gumug
MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawalay sa kanila. "Fvk!" Sumakit bigla ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Lalo siyang naguluhan. Nang oras ng tanghalian ay sila lamang tao ang nasa hapag-kainan, wala ang mag-anak ni Rodolfo. Bagama't tatlo lang sila ay puno pa rin ng pagkain ang mesa, tinolang manok, at pakbet na gulay, may panghimagas at prutas din. Kahit walang gasinong laman ang tiyan ay hindi siya makakain. Hindi mawala sa isipan niya ang nasaksihan sa pagitan ng batang Hidalgo at Daphne. May kutob siyang kakaiba ang nangyayari sa mag-asawa. May takot siyang naaninag sa mata ng babae. Nang matapos kumain ay nagpaalam siya sa mag-asawa, kailangan niyang mapadala kay Tyron ang details ng lupa. Inilabas niya sa bag ang
KASAMA ang magkapatid na Ramon at Rodolfo, nilibot ni Aedam ang buong lupain. Malawak nga iyon, at ang malaking bahagi ay nakaharap sa kanayunan. Marami silang napag-usapan. Mataas na ang araw nang makabalik sila sa bahay ng Hidalgo. Dumiretso agad siya sa silid, balak niyang maligo. Pakiramdam niya'y nanlalagkit ang katawan dahil sa mainit na panahon. Bubuksan na sana niya ang pinto nang makarinig ng kaluskos sa katapat na silid. Bahagyang nakaawang ang pinto at dala ng kuryusidad ay pumihit siya para tingnan. Sinilip niya mula sa awang ang nasa loob, at ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata sa nakita. Daphne is fully naked. Bagong ligo. Ang buhok ay balot ng tuwalya. May kung anong ipinapahid ito sa katawan. Nakatalikod ang babae sa pinto kaya hindi siya napapansin. And shit! Her body... her sexy body, it's like a sparkling diamond. Flashing. Dinaig pa ang isang ginto. Sabi nga lang ay likod pa lang... ulam na! Nakailang lunok siya ng laway. Mabilis din siyang umalis sa
ISANG mahabang mesa ang bumungad sa paningin ni Aedam. Puno ng pagkain. Kaniya-kaniya nang upo ang mga ito. Si Ramon ang nasa sentro, nasa kaliwa nito ang asawa at nasa kanang bahagi si Rodolfo, katabi nito ang babae at ang sinasabing anak. "Maupo ka na, Aedam. Pagdamutan mo na lamang ang aming nakayanan." "Don't mind it, Ramon. Marami ang nakahain at mukhang masarap. Umupo siya sa tabi ni Jelly, na nakaharap sa upuan ni Daphne. Bahagya niya itong sinulyapan, inaasikaso nito ang batang lalaki. Nagsimula silang kumain, manaka-naka'y nagkukuwento si Ramon. Ang iba nitong kapatid ay may sariling bahay na nasa nasasakupan din ng lupain. Si Rodolfo lang ang hindi humiwalay dito. Paminsan-minsan ay sumasabat sa usapan ang bunsong Hidalgo, ganoon din ang asawa ni Ramon. Ngunit si Daphne, tahimik lang itong ngumunguya ng pagkain. Hanggang sa matapos sila. Niyaya siya ni Ramon sa terrace. Doon nila ipinagpatuloy ang kanilang usapan habang nagpapababa ng kinain. Kung saan-saan humanto